LOGINPerpekto ang buhay ni Mina kasama ang asawa niyang si Tranz Fernandez sa loob ng halos tatlong taon. But her world turned upside down nang mabuntis siya. From having a perfect marrie life, Mina became a battered wife. Tiniis niya ang lahat ng sakit dahil mahal niya ang kanyang asawa. Pero sa hindi inaasahang pangyayari ay hiniwalayan niya ito. Sa tulong ni Seth ay naisaayos ang annulment niya at dinala pa siya nito sa ibang bansa. Matapos ang ilang taon ay bumalik si Mina sa Pilipinas para maisakatuparan ang binabalak niya—ang maramdaman ni Tranz ang naramdaman niya 3 years ago. Magtagumpay kaya siya gayong may kinakasama nang bago si Tranz o kaya niya itong paibigin lalo pa at tinanghal siya bilang isa sa may pinakamagandang mukha sa buong mundo?
View More“Reporter ka, right?”“Lily…” Hinawakan ko ang kamay ni Lily dahil mukhang uminit ang ulo niya dahil sa narinig. “Please, stop.”“No, Mina. Masiyadong bastos ang bunganga, eh. Hindi marunong isarado ang bungangang mabaho.”Wala akong nagawa kundi ang bumuntonghininga. Ang mga reporter na katulad nitong kaharap namin ngayon ay nakakaubos ng energy. I don’t really want to deal with this kind of person, kahit pa nga sabihin na hindi ako guilty lalo pa at napatunayan na wala talaga akong kasalanan sa nangyari sa daddy ni Tranz.But those part of my past keep on hunting me. Ayaw akong pakawalan ng pagakakulong kong iyon kahit na nga ba napatunayan na wala talaga akong
“Shit!” mura ko sabay preno ng sasakyan ko. Shit talaga dahil akala ko ay mababangga ko na ang taong bigla na lang humarang sa daraanan ko. Agad akong bumaba ng sasakyan ko para tingnan kung sino ang sinto-sinto na humarang sa daraanan ko kaya ganoon na lang ang gulat ko nang mapagsino iyon. “Tranz?! What the fuck?! Ano ba ang ginagawa mo?! Nagpapakamatay ka ba?! If yes! Huwag mo naman akong idamay sa kalokohan mong iyan!” Pakiramdam ko ay lumaki ang ulo ko dahil sa biglang pagsulpot niya sa harapan ng sasakyan ko. Paano na lang kung hindi kaagad ako nakapagpreno? E di nagkaroon pa ako ng problema! Fuck! “Calm down, Mina. I am fine.” Ngumisi siya sa akin na para bang sa ganoong paraan ay madadaan niya ako sa mabuting usapan. “You really touched my heart because of your concerns towards me.” I wanted to throw up be
Natawa ako sa sinabi niya."Asawa, eh, hindi ka pa nga nagpo-propose, eh? Para kang ano..." Napakagat ako sa labi dahil sa pagpipigil na ngumiti. "Ang ano nito. Bakit ka ba ganyan?""Bakit parang kinikilig ka?"Tinakpan ko ang bibig ko at panandalian na tinaob ang cell phone para hindi niya makita ang reaksiyon ko.Para kang tanga, Mina...Humagikhik ako dahil sa kalokohan ko. Matapos ang nakakahiyang ginawa ko ay saka ko lang inayos ang cell phone ko."Tse! Hanggang kailan ka sa hospital na iyan?" Iniba ko na lang ang usapan para hindi niya na ako kantiyawan.Heto at hindi na kami teen-ager pero kung makapagkulitan kami ay ganito na lang."Isang buwan pa. At kapag matapos ang gawain ko rito, diyan na ako didiretso sa Pilipinas para makita kita.""Talaga lang, ha?"
“Alam mo, Minakels, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung bakit bigla-biglang nagkaanak si Tricia, eh. Alam mo iyon, biglang nagkaasawa nang wala sa oras? Dahil lang may baby? Gosh!”Lasing si Lily nang datnan ko. Nag-bar daw sila ng dati niyang mga kaibigan kaya heto at bangag ang maldita.“Ano naman ang problema roon?”Kinuha niya ang lemon at asin at iyon ang binanatan. Ako ang nangangasim sa ginagawa niya, eh. “Wala, eh, mas kamukha pa kasi ni—” Tumayo siya at patakbo na pumunta sa kusina. Malamang na susuka na naman ito. Nang maiwan ako at mapag-isa ay biglang sumagi sa isip ko si Tranz. Normal ba na maawa ako rito sa kabila ng ginawa niya sa akin? Is it okay to forgive him this easy?Nakagat ko ang labi ko nang maalala ang hitsura niya kanina. Para siyang batang pinabayaan ng magulang niya. Pero kung susumahin ay par
reviews