Share

Chapter 1. "The guy with a black wrist band"

Chapter 1. "The guy with a black wrist band"

The sound of the ambulance means that someone is hurt. It means that someone's life is in danger. There are two possible things that might happen because of that ambulance, it can save lives; it can deliver you to your last destination.

Malalim at mabilis akong humihinga habang patuloy na  pumapasok sa isip ko ang tunog, hitsura at ang nangyayari sa loob ng isang ambulansya. Nangyayari na naman at hindi ko akalain na ngayon din agad ito mangyayari.

March 15, 2019

7:41:45 AM

Car Accident

Tiningnan ko ang sinulat ko sa isang sticky note. I took a deep breath as I stare at the piece of paper I am holding and a tear started to shed from my eyes.

I was on my way to school when that lady bumped into me while entering the LRT. She's wearing corporate attire and looks like working in a bank based on what I've seen in a logo on her uniform.

I gulped as I enter the train and look at her feeling trembled. Dapat ko bang sabihin sa kanya na mag-ingat siya sa pagtawid? Dapat ko bang sabihin sa kanya na sa ilang minuto lang ay mamamatay na siya? Pero kahit naman sabihin ko, isa lang ang alam ko.

If it is your time, it is your time.

Naitakip ko ang dalawang palad ko sa aking mukha habang malinaw kong nakikita at naririnig ang matinis na tunog ng isang aparato sa loob ng emergency room. The doctor was applying CPR but in the end, the woman I bumped earlier died.

"I'm sorry...I'm sorry..." I whispered as I wiping off my tears.

Another death. Isa na namang pagkamatay ang nakita ko. Dapat na rin bang hindi ako mag-LRT papunta sa school?

"Excuse me?" napapitlag ako nang may kumatok sa pinto ng cubicle kung nasaan ako. "Are you okay?"

A deep voice of a man asked me. Nalito ako at nagtaka dahil nasa restroom ako dito sa school pero bakit may lalaki sa loob ng restroom ng mga babae?

"I'm fine...just leave me." sagot ko habang inaayos ang sarili ko. I heard him chuckled.

"You know what, you really scared me. I thought you're a ghost. Muntik nang hindi lumabas ihi ko." sagot ng lalaki habang mahinang natatawa.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng cubicle at nabigla ako nang makakita ako ng urinal sa labas. Pag-angat ng ulo ko ay doon ko nakita ang lalaki na nakangiti sa akin.

"I guess, nagkamali ka ng restroom na pinasukan." natatawa niyang sabi.

Binuksan ko na ang pinto ng cubicle at lumabas na rito.  Tiningnan ko lang ang lalaking nakatayo sa harap ko ngayon at may malapad sa ngiti sa kanyang labi. I know what he is thinking, he is obviously making fun of me by mistakenly entering the wrong restroom.

Hindi ko na siya pinansin at naglakad na pauna sa kanya.

"Wait..." rinig kong sabi niya.

Mabilis akong napalingon sa kanya nang maisip kong baka hawakan niya ako ngunit pagharap ko ay nakalagay lang sa magkabilang bulsa niya ang dalawa niyang kamay. I looked at him in confusion.

"Hindi ka na papapasukin. My class just started a few minutes ago." he politely said.

Late na pala ako. And he is right, hindi na nga ako papapasukin sa room. I sigh as I turn my back on him.

Naglakad na ako palabas ng restroom at nakita ko ngang wala nang students sa hallway. Because of what happened in earlier, ay na-late pa ako.

Naglakad na ako sa hallway nang maramdaman kong may sumusunod sa akin. Nilingon ko siya at siya na namang nasa restroom kanina.

"Are following me? Please...stay away." seryosong sabi ko sa kanya. Napa-iling naman siya at pang-asar na ngumiti.

"No, this is also the way to the cafeteria." sagot niya. Napapikit ako sa inis. I am also going to the cafeteria while waiting for the next class.

Hindi ko na siya pinansin at naglakad na lang papunta sa library where I can wait and much better because there are only a few people there. At baka nga wala pang tao doon dahil may class na.

Habang naglalakad ako papuntang library ay nilingon ko ulit ang lalaki. Naglalakad na siya papunta sa cafeteria. I am weird and I know that but he is a lot weirder talking to a weird person like me.

Mabilis na natapos ang klase sa umaga. Nakapasok naman na ako pagtapos ng first subject kanina. Lunch na ngayon at lahat ng classmates ko ay kumakain sa cafeteria.

Tumayo na ako sa aking upuan na kumuha sa atensyon ng aking mga kaklase. Natatahimik sila kapag gumagalaw ako na tila ba hinihintay ang mga sunod kong gagawin.

"Akala ko hindi na siya papasok kanina, late lang pala."

"Akala ko nga rin."

"Bakit ba ako napunta sa klase na 'to? Bakit pa kasi siya nandito?"

"Ano pa ako? Classmate ko rin siya last year and believe me she is creepier now compare last year."

Ang hindi ko lang talaga maintindihan sa mga tao sa paligid ko ay ang pinag-uusapan ako gayong naririnig ko naman sila. Or maybe they intentionally want me to hear those words. They should have directly said that to me. But I can't blame them, no one is talking to me or no one have the courage to talk to a creepy, freak, and weird me.

Hindi ko na lang pinansin ang mga kaklase ko at binitbit na ang lunch box ko at saka lumabas ng room. Paglabas ko ng room ay marami ng tao sa hallway at agad silang napatingin sa akin. Lahat nandidiri, lahat natatakot, lahat ay umiiwas. Hindi ko kasi alam kung bakit pero ang alam ko may nagpakalat sa school na kung sino ang dumikit sa akin ay mamalasin at lalayuan din ng lahat na parang may nakakahawang sakit.

Hindi ko alam kung matutuwa o malulungkot ba ako. Matutuwa dahil iyon ang mas mabuti dahil ayokong may humawak o mahawakan na kahit sinong tao. Malungkot dahil sino ba naman ang gugustuhing maging mapag-isa? But eventually, as the time goes by, being in solitude is not actually bad, kapag mag-isa ka. Wala gaanong problema at hindi kumplikado.

Mabilis akong nakarating dito sa rooftop. Ang lugar kung saan ako nagiging mag-isa at ang lugar na masasabi kong lugar ko. Wala kasing pumupunta rito sa rooftop kapag ganitong tanghali dahil mainit daw. Pero hindi nila alam na mas presko pa rito. Mahangin at may lilim naman.

Naupo na ako sa lilim na parte  at sumandal sa pader. Kinuha ko na ang lunchbox ko at nagsimula nang kumain. Habang kumakain ako ay kinuha ko ang notebook ko kung saan nakadikit ang sangkatutak ba sticky notes. Sa mga sticky notes makikita mo ang mga petsa, oras at paraan kung paano mamamatay ang isang tao.

Lahat ng mga ito ay nabangga ko habang papasok ako sa school. Lahat sila mamatay at alam ko kung kailan.

"Whoaa! Ang taas na!"

Kamuntik ko nang mabuga ang kinakain ko nang may marinig akong malakas na sumigaw. Agad akong napatingin sa paligid ng rooftop. And there, I saw a familiar guy holding a roll of thread on his left hand and pulling a long thread on his right hand in the air. Napatingin ako sa taas kung saan siya nakatingin at nakita ko ang pinapalipad niyang saranggola.

"Ang taas na!" galak na galak niyang sabi. Binalik ko naman ang tingin ko sa kanya. You can see geniune hapiness in his smile. Nakabukas ang puti niyang polo at kita ang puting t-shirt na panloob niya. Makikita mo rin ang butil-butil na pawis sa kanyang noo. Napansin ko rin ang isang black wrist band sa kaliwang kamay niya.

Habang nakatingin ako sa kanya ay bigla naman siyang napatingin sa gawi ko at nagtama ang aming mga mata. Nabigla siya at nagtaka nang makita niya ako pero agad din niyang binalik ang tingin sa pinapalipad niyang saranggola.

"Kita mo? Ang taas na di ba?" tumatawa niyang sabi. Ako ba ang kausap niya? Sino ba ang lalaking 'to? Hindi ba niya ako kilala? Everyone in this school knows me. Know me as the school freak-creepy girl. Why is he not avoiding me?

Pinagmasdan ko ang saranggolang pinapalipad niya. Habang pinagmamasdan ko ang saranggola. I feel like, I am like a kite. 'Yong akala ng lahat masayang lumilipad sa kalangitan ngunit sa dulo ng mahabang sinulid ay may isang taong nagkokontrol dito. The kite is depending on the man who is holding the thread. Nasa taong may hawak sa sinulid kung patataasin pa niya ang paglipad ng saranggola o kapag naman nawalan ng kontrol ay maaaring sumabit sa puno o hindi naman kaya poste ng kuryente.

Tulad ko, I am also a kite. I am depending on my life on this cursed ability of mine. Kontrolado nito ang buhay ko. I wanna be a normal teenager with a normal life but how could I be active and live normally if I have this curse? Seeing the death of whoever I touch or whoever touches me. Simula nang malaman kong may ganito akong kakayahan, pinili ko na lang ang lumayo. Tinanggap na naiiba ako. Tinanggap na mabuhay ng mag-isa.

"Tapos ka na kumain?" natigil ako sa pag-iisip ko nang nasa tabi ko na ang lalaking nagpapalipad ng saranggola. Agad akong tumayo at lumayo sa kanya na pinagtaka niya. "Ang OA mo naman, ganon na ba ako kabaho para layuan mo?" may inis niyang sabi at saka inamoy ang suot niyang polo.

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at naglakad na palabas ng rooftop. I heard him calling me pero hindi ko na siya pinansin.

Pagbaba ko ng ground floor ay natigilan ako nang may maalala ako. Napalingon ako sa hagdan at kinabahan nang maalala ko ang note book ko na naiwan sa rooftop.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status