Share

Chapter 2. "I didn't see that coming"

Chapter 2. "I didn't see that coming"

Pagbalik ko kanina sa rooftop ay wala na ang lalaking nakita ko sa CR at nagpapalipad ng saranggola kanina. Hinanap ko rin ang naiwan kong notebook pero wala na rin ito. And I am sure that he has my book. Hingal na hingal pa ako dahil sa pagtakbo ko paakyat sa rooftop. Ang bilis naman niyang maka-alis at saan naman siya dumaan.

Patapos na ang last subject namin. At kanina pa ako hindi mapakali sa kakaisip sa notebook ko. What if mabasa niya? What if ipagkalat niya? My life is already miserable in this school and it'll be more miserable if what's inside that notebook expose on the whole campus.

Pag ring na pag ring ng bell ay mabilis akong tumayo at inayos ang gamit ko. Just like what always happen, every time I move, all of my classmates look at me like I am kind of criminal in this room. Pero hindi ko na sila pinansin pa at pagtapos kong ayusin ang mga gamit ko ay dali-dali akong lumabas ng classroom.

Hindi naman ako nagmamadaling umuwi. Wala naman akong gagawin at wala naman akong kasama sa bahay, both of my parents died eight years ago. And after that incident, I discovered that I have this curse or kind of ability to see the death of people I touch or who touches me. Since then, I isolate myself from the world. Nakakatakot. Nakakatakot ang may ganitong kakayahan.

I search for him on the whole campus. Hinanap ko siya kahit saan pero hindi ko siya makita. Hindi ko naman alam kung ano ang grade at section niya. Napuntahan ko na lahat ng lugar sa school. I've checked every building, the library, the gymnasium, the field, the school garden, and even the rooftop again, but he is nowhere to be found. I really need to get that notebook.

"Nasaan na kaya siya?" tanong ko sa aking sarili habang nagpapahinga sa tapat ng drinking fountain. Hingal na hingal na ako at pawis na pawis na kaka-ikot sa buong campus. I sighed in disappointment and decided to go home hoping that he will not tell to anyone what’s inside that notebook.

Habang palabas ako ng gate ay napahinto ako nang biglang may humarang sa daanan ko. Nang tumingala ako at tingnan kung sino ay nanlaki ang mga mata ko at natuwa nang makita ko siya.

"Where is my notebook? Have you seen it?" mabilis kong tanong. I stared at him waiting for his answer and I noticed the confusion on his face.

I took a deep breath and stared back at him.

"Just give--"

"What is the meaning of those things? Are you some kind of investigator or detective?" he asked. Direkta kaming magkatinginan habang tahimik at hinihintay niya ang magiging sagot ko. So, nakita niya, nabasa niya.

"It's none of your business. Just give it back." seryoso kong sabi. I heard him giggle and smile at me. Ano bang problema ng isang ‘to? Hindi niya ba ako kilala?

Nilingon ko ang paligid namin and I saw some students staring at us and talking about us. Binalik ko ang tingin sa kanya.

“Just give it back, please.” Mahinahon at nagmamakaawa kong sabi sa kanya. Hindi siya agad sumagot sa akin at malalim na bumuntong hininga saka iniharap ang bag pack niya at binuksan ang main compartment nito.

“Roux,” agad akong napaigtad at nagulat nang may kumalabit sa akin. With that poke, a flash of an unwanted scene flashes in my head. Tiningnan ko ang kumalabit sa akin and it’s Ms. Velarde my class adviser. “Sorry, I didn’t mean to startle you.”

Mabilis at sunod-sunod ang paghinga ko habang patuloy na dumadaloy sa isipan ko kung paano mamamatay si Ms. Velarde. Napaupo ako at tinakip ang dalawang palad ko sa aking mukha. I heard the noise surrounds me. Nangyari na naman at bakit agad-agad nangyayari ang mga nakikita ko?

Kutsilyo

Kama

Umiiyak si Ma’am

May isang lalaki.

Siya ang may hawak ng kutsilyo.

At sinasak niya si Ma’am.

At mangyayari ito…

Mamaya.

“Roux? Okay ka lang?” hingal na hingal ako at tumingala. Nasa harap ko pa rin si Ms. Velarde habang katabi naman niya ang lalaking kumuha ng notebook ko. Kinalma ko ang sarili ko pero hindi pa rin maalis sa isip ko ang mga nakita ko tungkol kay Ma’am.

“Ayos lang po, I’m sorry.” Nanginginig ang boses kong sabi. Napahinga naman ng malalim si Ma’am at tiningnan akong muli. Kita ko sa mukha ni Ma’am ang palagi kong nakikita sa mga mukha ng mga taong nanghuhusga sa akin.

“Ibibigay ko lang sana itong warning mo at request mo kasi late ka kanina. Are you really fine?” sabi ni Ma’am at iniabot sa akin ang isang papel. Kinuha koi to at tumango-tango bilang sagot sa tanong niya. “Good,” tumingin naman si Ma’am sa lalaking katabi niya. “Sabay ba kayong uuwi? Mabuti at may kasabay ka. I’ll leave. Ingat sa pag-uwi.”

Naglakad na paalis si Ma’am. Hinabol ko pa siya ng tingin at gusto ko siyang sundan para sabihin ang mangyayari sa kanya mamaya. Gusto ko siyang bigyan ng warning pero natatakot ako. Natatakot akong baka mas maging iba ang tingin niya o nila sa akin kapag sinabi ko sa kanya. Na baka mas mauna ang panghuhusga nila kaysa ang paniniwala nila sa mga sasabihin ko.

“Ganyan na ganyan ‘yong nangyari dati. Bigla lang siyang umiyak noon sa room noong nilapitan siya ng teacher namin.”

“Talaga? Bakit naman siya umiiyak?”

“Ewan baka nakakita ng multo. Basta ang weird talaga niya.”

Napayuko ako dahil sa mga naririnig ko sa paligid ko. Hindi ko naman ginusto. Gusto kong labanan pero paano?

“Miss,” Tiningnan ko ang tumawag sa akin. “Here’s your notebook.” Aniya at iniabot sa akin ang notebook ko. Tiningnan ko ang notebook ko na hawak niya at ang kamay niya.

“Pwede bang pakilapag na lang sa semento.” Sabi ko sa kanya na pinagtaka niya.

“Bakit? Inaabot ko na nga ng maayos sayo e.” angal niya at napakamot pa.

“Basta, please gawin mo na lang.” nagmamahaawa kong sabi. Sandali niya akong tiningnan at bumuntong-hininga.

“Fine, here’s your notebook.” Sabi niya saka nilapag sa semento ang notebook ko. Agad ko itong kinuha at nilagay sa loob ng bag ko at saka nagmadaling maglakad palabas ng school gate.

Paglabas ko ng school gate, naramdaman kong may nakasunod sa akin. Nang tingnan ko kung sino ay siya na naman. Nakangiti siya ngayon sa akin.

“Bakit mo ba ako sinusundan?” inis kong tanong sa kanya.

“Eh di ba sabi ni Ma’am mas mabuti nang may kasabay ka pauwi? And don’t worry pasakay din talaga ako ng LRT.” Nakangiti niyang sabi. Napayuko ako dahil nabanggit niya si Ma’am Velarde. “At saka nag-aalala ako sayo.” Marahan akong tumingala at napasalubong ng kilay dahil sa sinabi niya. Pagtingin ko sa kanya, I saw his serious face and eyes looking at me. “You seems so scared earlier and I wonder what just happened.”

Huminga ako ng malalim at hindi na siya pinansin pa at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Pero nang makarating ako sa harap ng entrance ng LRT station ay hindi ako pumasok doon.

“Hoy akala ko ba mag-e-LRT ka?” sabi niya. Nilingon ko siya.

“Hindi na. Malapit lang naman ang bahay ko, pwede namang lakarin.” Sagot ko. Sa totoo lang hindi malapit ang bahay ko, medyo malayo pero sasakay na lang ako ng tricycle. Isang station lang naman ng LRT ang layo ng school sa village namin. At kaya lang ako nag-LRT kanina kasi late na late na ako at walang pila ng tricycle sa village namin kanina.

Hindi ko na pinansin ang lalaking sunod nang sunod sa akin at hindi ko alam ang pangalan nang tumawid na ako papunta sa sakayan ng tricycle. Paghakbang ko sa pedestrian ay  biglang nagsigawan ang mga tao. Napatingin ako sa stop light at naka-green naman ito. Nang tumingin ako sa kanan ko ay isang rumaragasang pampasaherong jeep ang mabilis na umaandar papunta sa akin.

Para akong napako sa kinatatayuan ko at parang bumagal ang oras habang naghihintay ang katawan kong masagasaan ng jeep pero isang kamay ang humawak sa braso ko at nang tingnan ko kung sino ay nabigla ako nang hatakin ako ng lalaking sunod nang sunod sa akin kanina palayo sa pedestrian.

Napahiga siya sa semento habang nakadagan naman ako sa kanya. Ramdam ko ang mabilis na paghinga niya habang nanlalaki ang mga mata ko at gulat na gulat dahil sa nangyari. Pero ang mas kinabigla ko at hindi ako makapaniwala ay nang wala akong makitang kahit ano tungkol sa pagkamatay niya.

Tiningnan ko siya at nakatingin din siya sa akin. Mabilis na pumalibot sa amin ang mga tao. Ang daming boses na naririnig ko pero wala doon ang atensyon ko kundi sa lalaking nagligtas sa akin.

“Ayos ka lang?” nag-aalala niyang tanong habang inaalalayan akong tumayo. Hawak niya ang magkabiglang braso ko at napatingin ako sa pagkakahawak niya. Kanina niya pa ako hinahawakan at wala. Wala akong makitang kahit ano tungkol sa pagkamatay niya.

“Ayos lang ako.” Sagot ko. Napatingin naman kaming dalawa sa jeep na muntik nang sumagasa sa akin at bumangga ito sa poste ng LRT at marami ring pasahero ang lumalabas sa jeep na may mga galos at sugat.

“Mabuti na lamang at nahawakan kita.” Rinig kong sabi ng lalaking nasa tabi ko. Tiningnan ko siya. “Dapat talaga kitang ihatid sa inyo.” aniya.

Hindi ko alam pero kusang gumalaw ang mga kamay ko at hinaplos ko ang pisngi niyang may dumi ng alikabok at naluluha habang nakangiti sa kanya. Nabigla naman siya at natulala sa ginawa ko.

“Salamat…” sambit ko. “Anong pangalan mo?”

Ngumiti siya. Isang nakakahawang ngiti na tila nagpalutang sa akin.

“Gavril. Gavril Ahren Santillan.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status