Share

Chapter 20

Chapter Twenty

Ang kaninang maingay na mga daanan ng eskwelahan ay tumahimik na, tanda na nagsimula na ang mga klase. 

"They've reached the school gate, Empress." Pagbibigay alam ni Cloud.

Patuloy sa paglalakad si Eleanor papunta sa kung saan naka-park ang isang motorsiklong gagamitin nya. Sinulyapan nya ang cellphone na nagpapakita ng direksyon kung saan sya papunta. 

May dalawang underground parking lot ang eskwelahan. Ang isa'y bagong paggawa, at ang isa nama'y sarado dahil sa renovations na gagawin dito. And she's heading to the old one. 

Tamang-tama ang lumang paradahan para sa misyong ito, dahil naka harap iyon sa direksyong dadaanan nya mamaya. 

Its inappropriate direction for the school is one of the reason why they built a new one. 

Nawala ang sariwang ihip ng hangin ng makapasok sya sa gusali na mayroong daanan papunta sa paradahan. 

Mayroon ding elevator doon kaso ay inaayos din. 

The smell of old rusty metal and dust made Eleanor winced. Magdadalawang taon naring hindi ginagamit ang parteng ito ng paaralan. At hindi pa ito naaayos simula ng huling renovations dito. 

She opened the flashlight on her phone. Kalahati lang ng hagdan ang natatamaan ng ilaw mula sa labas. The rest from that point was complete darkness. 

Ng makababa na sa parking lot ay nakarinig sya ng mga huni ng paniki. It's like a perfect place for a horror movie.

She continued walking, now in a fast pace.

Tiningnan nyang muli ang tracker sa cellphone nya. The motorcycle's situated near the exit gate. Kung ganoon ay ilang hakbang nalang ang kailangan nya para marating iyon. 

Ng matanaw nya ang motorsiklo ay kaagad nyang itong nilapitan. 

Binuksan nya ang bag na nakasabit sa nobela nito at kinuha ang damit na naroroon. Inilibot nya ang paningin, sa dilim ng lugar na'to ay seguradong walang may makakakita sakanyang magbihis. 

Maliban sa uniporme nyang nagsisigaw kung saang paaralan sya nag-aaral, hindi rin ito komportableng suotin sa ganitong sitwasyon. 

She was fast to change to her usual black pants, top, and leather jacket.

Pinindot nya ang earpiece at nagbigay ng hudyat kay Cloud.

"I'm here, open the gate." Utos nya.

"On it." The continuous sound of his fingers clicking on the keyboard followed after. "This gate's not connected to the school's operating system anymore, some wires are broken."

"Can you open it?" Tanong nya rito, kahit alam naman nya ang sagot doon.

"Of course, I already fixed it earlier." May pagmamayabang sa boses nito.

Napa-irap na lamang si Eleanor. Magkakambal nga sila ni Sky. 

Sumakay si Eleanor sa motorsiklo at binuksan ito. Scarletti's motorcycles are personally designed by Sky Kristos, just like their other vehicles.

Ipinusod nya ang kanyang buhok bago isinuot ang helmet. Pinindot nya ang screen na nasa pagitan ng mga nobela, at itinapat ang hinlalaki nya rito.

The screen turned green and said, "Access granted."

Pagkatapos ng isang mabilis na sipa ay umugong ang tunog ng motorsiklo sa loob ng paradahan.

Its sound touched Eleanor's excitement for action. Tiningnan nya ang mga kamay na nakahawak sa nobela at napangiti. 

"10 seconds for the gate to completely open, Empress. You can pass after 7." 

"Target's location?" 

"They're heading straight north."

"Proceed to Phase 3, switch to Point North for rotation." 

"Point North, ready." 

Ng matapos ang usapan ay tuluyan na ring bumukas ang gate. 

She removed her feet and let the brake lose. Ginalaw nya ang kamay sa akselerador at nagsimulang tumakbo ang sinasakyan nya. 

Umangat ang harapan ng motorsiklo ng mapalakas ang pagpiga nya sa accelerator. She leaned forward to keep it balance. Her back bounced a little from the impact. 

"12 minutes before they will reach point North, Empress." Anunsyo ni Cloud.

"I'm exiting school highway. 10 minutes before entering point North West." Saad ni El. "Estimated time till they reach the target location?" 

"30 minutes at most, there's some traffic jam near the exit of east highway." Sagot nito.

"Find a clearer route." She commanded, "I need them there before 20." Dagdag nya.

She'll be skipping her second period subject for this one. Hindi na sya pwedeng magskip sa pangatlo, kase ayon sa reply ni Flare sa text nya kanina ay may quiz daw sila mamaya. 

"Take care of the cops, Cloud. I'm speeding up." 

Piniga nyang muli ang akselerador at nag-overtake.

•••

"Saan daw natin dadaanan si Syl?" 

Humarap si Alizah kay Vincent na kasalukuyang nakaupo sa backseat ng nakasalubong ang mga kilay. Parehong nakatingin sa labas ng bintana ng kotse ang magkapatid. 

Hindi ito sumagot na syang ikinabuntong hininga nya. 

Tiningnan nyang muli ang dalawa. Magkapatid nga, parehong-pareho ang hurma ng nakasalubong na kilay ng mga ito. 

"May bibisitahin daw sya sa Bahay. Susunduin natin sya sa may mall malapit doon." Si Henri ang sumagot sakanya.

Umayos sya ng pag-upo at tumingin kay Henri na syang nagmamaneho ng sasakyan. 

"Yung orphanage?" Tanong nya.

"Yep, bibisitahin nya si Kael." Simpleng sagot nito.

Bumalik ang tingin nya sa daan. When was the last time she visited him? Tanong nya sa isipan.

"Matagal-tagal na rin nung huli nyang binisita si Kael ha." 

"That's why she visited him today." Naging mababa ang boses nito, "Pagkatapos nito ay pupunta din tayo sa Ilocos para sa sunod nating misyon. Hindi natin alam kung kailan tayo makakabalik—" 

"Ano!?" Putol ni Ealyn, "Anong hindi nyo alam kung kailan tayo makakabalik!?"

Humarap sya sa kapatid, "At hindi mo 'to kaagad sinabi sakin, Kuya!?" Bulalas nyang muli.

Vincent, wearing the same furious look, faced his sister.

"Kapag pinaalam ko sayo yun, segurado akong wala ka dito ngayon, Ealyn. You'll be out there again! Running away from us! Kahit alam mong maraming naghahabol satin. At anong nangyari ng huli mong ginawa yun?" He paused, "You almost died!"

Nagkatinginan sina Alizah at Henri dahil sa pagsigaw ng kasama nila. Umiwas naman ng tingin si Ealyn dahil sa sinabi ng kapatid niya. 

Tama naman kasi ito. Ilang beses na syang muntik mahuli ng mga kalaban nila. Maraming beses na rin syang napahamak at muntikan ng mamatay dahil sa parehong rason.

"Alizah," Vincent called out.

Alizah awkwardly turned around to face him. Great, magkasalubong parin ang mga kilay niya. No one likes it if he's furious. He's the kuya of their group afterall. Ito ang pinakamatanda sakanila.

"Po?" Sagot nya.

Sinampal nya ang balikat ni Henri ng marinig nya ang mahina nitong pagtawa.

"Tawagan mo si Syl. Tanungin mo kung nasaan sya." Utos nito, "We need to leave this city as early as possible." 

Ipinatong nito ang siko sa gilid ng bintana at minasahe ang sentido.

With that sign, Alizah immediately dialed Sly's number. 

After a dial she answered.

"Nasaan na kayo?" Bungad nito.

"Papunta na kami sa mall, doon ka daw namin susunduin?" Tanong nya.

Inangat nya ang kanyang mga mata at deretsong tumingin sa daan. 

"Yes, I'll meet you there." Sagot nito.

"Binisita mo ba si Kael? Kamusta na sya?" She asked once again.

"He wasn't there anymore. May umampon na raw sakanya." She answered, "But they didn't tell me who adopted him. Ang sabi nila, confidential daw." Dagdag nya.

Nanliit ang mata ni Alizah ng mapansin ang itim na kotse napapalapit sa direksyon nila. 

Sunod na tumunog ang busina ng kotse nila ng pindutin ito ni Henri.

"What the f*ck?" Muli syang bumusina, "Anong ginagawa nya? He's not on his lane, for pete's sake!" And he horned once again.

Lumapit si Alizah at tiningnan ng mabuti ang papalapit na sasakyan. Her eyes widened when a man carrying a sniper appeared on top of the car.

Napamura sya.

"Turn around!" She exclaimed.

Mabilis na inikot ni Henri ang manibela ng sasakyan. Bago pa sila makalapit sa nag-aabang na kotse ay saktong napa-ikot nya ang sinasakyan papunta sa pinanggalingang direksyon. 

"We can't take the other lane, mayroon pang ibang sasakyan sa likod nila." Pagbibigay-alam ni Alizah.

"What happened?" Walang kaalam-alam na ani Ealyn.

"This is what I'm telling you, Lyn. Scarletti already found us." 

Ikinasa ni Vincent ang baril saka sya sumenyas kay Henri.

"Open the roof." Saad nya. 

Sunod na umugong ang pagputok ng baril ni Vincent. After some shots he sat back on his seat, reloading his gun.

"They're not firing back." He stated. "Umiiwas lang sila."

Tumayo syang muli at bumalik sa iniwang puwesto.

"There are four cars following us now." Anunsyo ni Ealyn, habang nakatingin sa mga sasakyang nakasunod sakanila.

Bumalik ang mga mata ni Alizah sa harapan at tinatanaw kung saan sila pwedeng dumaan.

"There. Lumiko ka doon, pwede tayong umikot dyan at makakadaan parin tayo sa mall." Turo nya.

Henri was about to turn the wheel to where Alizah pointed out, when suddenly the same black car appeared. Automatiko nyang minaniobra ang manibela papunta sa kabilang direksyon. 

"Step on the gas, Henri. They're catching up!" Sigaw ni Ealyn.

"Hold on your seats, we're going full speed." 

The loud sound of engines covered their ears. Lahat sila'y patuloy na binabantayan ang mga kotseng humahabol sakanila.

Bawat liko at pag-apak sa gas ay nakasunod ang mga ito.

"Lumalayo na tayo sa airport." Saad ni Alizah.

"I'm sure this is a trap, ni hindi nga sila nagpapaputok!" Naiinis na bulalas ni Henri.

"We need to find an exit from this trap. We can't be in this for too long." Saad ni Vincent pagkababa mula sa bubong ng kotse.

How can they find the exit? They're everywhere! Alizah screamed in her mind. Kahit saan sila lumiko ay lumalabas ang mga ito at patuloy silang binabalik sa direksyon kung nasaan man sila naroroon ngayon.

"We can't head that way. May traffic jam dyan." Imporma nya kay Henri.

Wala silang ibang nagawa kundi ang lumiko. 

Malakas na napamura si Henri at Vincent ng biglang gumanti ang mga humahabol sakanila. Tumama ang bala nila sa gilid ng sasakyan.

"Anong ginagawa ng mga 'to!? Sinasadya nila akong hindi tamaan!" Vincent exclaimed.

"Syempre, Kuya. May kailangan pa sila satin! They obviously want to catch us alive." Tugon ni Ealyn.

"They stopped!" Pahayag muli ni Vincent saka bumaba.

"What?" Nagtatakang tanong nilang tatlo.

"Bigla na lamang silang huminto." Anito na nagtataka rin. 

Tumalikod si Alizah pagkatapos tumingin sa side mirror ng kotse. Wala na ngang sumusunod sakanila.

She sighed in relief. Ngunit hindi mawala ang pagkabahala na nararamdaman nya.

"Malayo pa ang sunod na intersection dito. Pero may likuan doon pabalik sa pupuntahan natin kanina." Ani Ealyn.

Everyone on the car's breathing heavily. Hindi naman bago sakanila ang ganitong sitwasyon. But it was a close one. A very close one. Na akala nya'y wala na silang mapupuntahan.

Pero kung hindi tumigil ang mga ito ay seguradong wala na nga silang mapupuntahan. But why did they stopped following them?

"This highway's seemed deserted." 

Tama si Henri, isang sasakyan lang ata ang nakita nilang dumaan pupunta sa pinanggalingan nila. It seems like an old road. 

Where did they lead us? Aniya sa isipan.

Isinandal nya ang kanyang ulo sa headrest ng kanyang upuan. She calmed her beating heart and breath.

She sat straight and opened her phone.

Seguradong nag-aalala na si Syl dahil sa biglaan nyang pagbaba ng telepono kanina. Instead of dialing her number, she opened their chat box and typed her text.

'A bunch of cars followed us, but we're fine now. Tatawagan kita mamaya kapag malapit na kami dyan.' 

And she hit the send icon.

"Did you text Syl?" Tanong ni Henri.

"Oo, sinabi kong tatawagan ko sya mamaya kung malapit na tayo sa mall." Sagot nya.

Nagulat sya ng biglang humawak si Ealyn sa gilid ng upuan nya. Bahagya itong nakatayo at nakaturo ang isang daliri sa papalapit na itim na motorsiklo.

"What's that?"

"It's a motorcycle, Lyn." Sagot naman ni Henri. "Maybe it's just a passerby—"

"With a gun pointing towards us!?" 

Napatingin silang pareho ni Henri sa tinutukoy na motorsiklo.

Nang maging klaro ang buong pigura nito sa mga mata nila ay saka lang nila nakita ang babaeng may hawak-hawak na baril na nagmamaneho nito.

The load roar of its engine interrupted their ears.

"Sh*t" Vincent cussed. Ikinasa nya ang baril at tumayo.

Henri was about to press the button to open the car's roof when his eyes caught how the woman slid the big motorcycle smoothly, turning it to the other side of the road like the highway's made of polished marble.

She moved with it, so fast, that the last thing he heard was two gunshots coming from her gun.

Sinubukan nyang abutin si Alizah para sanggalan ito. But everything, starting that moment became blurry to him because he's slowly losing his consciousness.

Tumilapon ang kanilang kotse at tuluyan na ngang nawala ang kanyang malay.

•••

Ikinasa ni Eleanor ang baril na hawak saka lumapit sa tumilapong sasakyan. Sya mismo ang nagsabing panatilihing buhay ang mga ito. Ngunit sobra ata ang ginawa nya. 

Ng makalapit sa kotse ay tiningnan nya kaagad kung buhay pa ba ang mga tao doon.

Only four of the group's members are present inside the car. Kulang ng isa. At ang babaeng nanuntok kay Cloud pa talaga ang wala doon. 

Isa isa nyang chineck ang mga taong naroroon. Hindi ganoon ka lala ang tama ng mga ito. Just enough to knock their consciousness out. 

Hope she didn't went overboard. 

Napabuntong hininga sya ng makita ang dumudugong sugat ng nasa driver's seat. Sa pagkaka-alala nya'y Henri ang pangalan nito. Ito ang may pinakamalalang sugat sa kanila.

"Hey," 

Automatiko nyang tinutok ang hawak na baril sa lalaking nasa likuran nya.

To her relief, it's just Sky Kristos.

At Hey? Tinawag ba talaga sya nitong Hey? 

"What's with the Hey, Sk—"

Hindi nya natapos ang sasabihin ng bigyan sya nito ng 'shh' sign. 

"I can't say your name here, these guys might hear us." Bulong nito.

Tumaas ang kilay ni Eleanor sa sinabi nito.

"Ganyan sa mga movies, maririnig nila 'tas malalaman nila kung sino ka." Anito na seryoso pa ang mukha at nakapameywang

Seriously, this guy... Napailing na lamang si Eleanor.

"Where's the medical team?" Tanong nya dito.

Sakto namang natanaw nya ang isang pamilyar na sasakyan na papalapit sa direksyon nila. 

"Akala ko ba'y wag silang sasaktan?" Nanunukso ang tuno na pagkasabi ni Sky. 

"Shut up and take me out of here." Inihagis nya rito ang kaninang hawak na baril.

"Hey! Be careful with the gun!" 

Eleanor ignored her crazy friend and walked towards his car. Hindi na nya ito hinintay at binuksan na ang pinto ng passenger's seat at umupo doon.

Tiningnan nya ang relo saka humilig sa headrest ng upuan.

She inahaled deeply, hoping she won't be late for her next class.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status