Share

Chapter 22

Chapter 22

"Did she create any ruckus?"

Inayos ni Eleanor ang kwelyo ng kanyang damit. Ng makarating sa Scarletti ay kaagad syang nagpalit ng bagong damit mula sa kanyang uniporme.

"She came at peace." Sagot ni Sky, "She said she has something to tell you in exchange for her subordinates." dagdag pa niya.

"And what is it? Is it worth the bargain?" Muli nyang tanong.

"Ayaw nyang sabihin hanggat wala ka dito."

Napataas ang kilay ni Eleanor. At paano naman na laman ng babaeng yun na wala sya sa Scarletti?

"How did she know?"

Tumaas ang balikat ni Sky Kristos, "That, we have no idea of. Kaya nga isinelda kaagad sya ni Twinnie ng sabihin nya iyon." He answered.

Huminto sila ng marating ang kwarto ni Cloud. Pagkatapos ng ilang segundo ay kaagad na bumukas ang pintuan nito. They were greeted by the noises of Cloud's computers and keyboards.

"I'll get her ready." Anunsyo ni Sky.

Eleanor nodded at him before he stepped back and walked away. Kaagad namang pumasok si Eleanor sa kwarto ni Cloud. Nadatnan nya itong umiinom ng kape habang komportableng nakatingin sa kanyang mga monitors. Pumunta si El sa likuran ng lalaki at tumingin sa monitor ng selda ng babaeng miyembro ng grupong nagnakaw sa Scarletti.

Syleria Roan ang pangalan nito. She's the mind and the best fighter of their group. Base on the data they have gathered last time, tumatanggap lamang ng mga utos ang grupo ni Syleria. At karamihan sa kanilang mga misyon ay konektado sa polisya. Legal ang karamihang lakad ng mga ito. But their other missions are related to elimating ilegal groups. Ngunit ang mga ito ay walang pahintulot sa pulisya o kahit aling mga legal na sektor.

Maybe it's an order from other groups, or from their boss. Kung sino man ito at kung ano ang pamamalakad ng grupong ito ay walang ideya si Eleanor.

Scarletti never encountered their group until yesterday. She knows the group's existence way before, but she didn't gave any mind to them since they haven't done anything to her empire.

That's her rule.

"Looks like you are quite entertained, Cloud Kristos." Tukso nya kay Cloud na tutok na tutok sa monitor.

Kaagad nitong ibinaba ang mug ng kape at tumipa sa kanyang keyboard.

"Of course, I have to keep a close eye on every corners of Scarletti, Empress." May kumpyansang anito.

The side of her lips rose, amused by her friends actions. "Itimpla mo nga rin ako ng kape." tapik nya sa balikat nito.

Cloud automatically stood up, "I'll get it done." he responded, like it was a very crucial command.

Kakambal nga ito ni Sky. Napailing na lamang si Eleanor.

She sat down on Cloud's swivel chair and focused on Syleria's monitor. Tahimik itong naka-upo sa loob ng selda. Hindi nila palaging nagagamit ang kulungan ng Scarletti. Ang mga nahuhuli nilang tao ay kadalasan nilang nilalagay sa confinement room. Sa dami ng confinement rooms ng Scarletti, bakit naman nila ito nilagay sa selda?

"Transfer her to the confinement room after this." Utos nya kay Cloud ng makarating ito sa tabi nya.

Cloud unmuted the monitor. Mayamaya pa ay narinig nila ang boses ni Sky mula rito. Pumasok itong mag-isa sa loob ng selda at kinausap ang babae.

"So, Ms. Roan. What do you have for us?" Panimula ni Sky Cristos.

Eleanor took a sip of her coffee without taking her eyes off the monitor.

Kita ni Eleaor mula sa monitor kung paano tumaas ang labi nito at binigyan ng ngisi ang pahayag ni Sky.

"So boss was right, wala dito ang Empress nyo kanina." Natatawang anito, binigyang diin ang titulo ni Eleanor.

"Seriously." Mahinang bulong ni Cloud na dinig parin ni El. Kumuha ito ng isa pang upuan at naupo sa likuran nya.

Muling nagsalita si Sky, "Your boss? At paano naman nya nalaman yun?" Tanong nito at naupo sa silyang nakaharap sa babae.

Tumaas ang balikat ni Syleria, "Boss knows a lot of things." Sagot nito, "But I'm not here to talk about our Boss, Collins. I want to talk to your Empress."

Sky laughed, "It's not that easy, Ms. Roan. Sabihin mo ang gusto mong sabihin at seguradong maririnig nya 'yon ngayon." Pahayag nito.

"Well, I just want to try my luck." Balik ni Syleria.

Mula may Sky ay lumingon ito at saktong nagtama ang paningin nya nakatagong camera sa seldang iyon.

"Gusto ko lang makaseguradong papakawalan nyo ang mga kasamahan ko, kapalit ng sasabihin ko dito." Seryosong saad nito habang tutok ang mga mata sa camera.

Ng matapos syang makapagsalita ay muli syang lumingon kay Sky nang nakatingin parin ang mga mata sa camera.

"Hindi parin nagigising ang mga kasamahan mo Ms. Roan." Pagbibigay alam ni Sky, "We can't let them go as long as they are not fully recovered. At kung hindi kapaki-pakinabang ang mga sasabihin mo" Dagdag pa nito.

"What exactly have you done with them?" Kalmado ngunit galit nitong saad.

"Wag kang mag-alala. Just some minor injuries. The disturbance you have made in Scarletti are not worth their heads." Nakangising sagot ni Sky.

Eleanor nodded. Sky Kristos Collins knows exactly what to say. Tamang ito ang pinili nya bilang spokesperson. Di kagaya ng kakambal nito na kakaunti magsalita.

Lumingon si Eleanor kay Cloud. May tinitipa na naman ito sa kanyang laptop. She looked at the table as the side of her eyes caught her phone. Dagli syang tumayo at naglakad para kunin iyon. Naka-on ang screeng ng kaniyang cellphone dahil may dumating na message dito.

The notification showed Fourth Ycarius' name, nd it made her feel…. excited. Tama, sa simpleng text ay na-eexcite sya. Kumpara sa paghawak ng baril at pakikipaglaban ay kakaibang excitement ang nararamdaman nya. Hindi nya maipaliwanag ito sa sarili.

Akma nyang bubuksan ang text ng marinig nya ang pagtawag ni Cloud.

"Empress, did you hear what she said?" Tanong nito. "You seemed… preoccupied." Saad nito at bumaba ang tingin sa cellphone ni Eleanor.

Dinampot ni El ang cellphone sa mesa. Muli syang naglakad at naupo sa kanyang dating upuan.

"Make her repeat it." Madiin nyang utos.

Tumango na lamang si Cloud at sumunod, "Paulitin mo daw Twinnie. Our Empress didn't hear it." Cloud teased.

She glared at him.

Isiniwalang bahala muna ni Eleanor ang kyuryusidad sa text ni Fourth at nagpokus sa pakikinig at panunuod sa monitor.

"Ipinapabigay 'to ni Boss sa Empress nyo." Ipinatong ni Syleria ang isang kulay gintong envelop na katamtaman lamang ang laki sa mesang nasa pagitan nila ni Sky Krsitos.

"And what is this?" kinuha iyon ni Sky at binuksan.

"It's an invitation to a party this sunday." Sagot nito, "Yun lamang ang alam ko tungkol dyan. At gaya ng sabi ko kanina, my boss will wants to meet your Empress there."

"You want us to risk our Empress' safety, para lang sa boss mo?" Sky laughed, "Who's this boss of yours to give them the privilege of meeting such important person?"

Syleria turned her gaze to the camera once again. Her eyes were like directly looking at hers.

"Come, and you will find what you've seeked for so long." Makahulugang saad nito at bumalik ang tingin sa kaharap. "That's what my boss wants to say to your Empress. At gusto nyang sya mismo ang pumunta doon at hindi ang kahit sino mang tauhan nya. Nasa sakanya na kung pupunta sya o hindi."

Nag-iba ang takbo ng kyuryusidad ni Eleanor. What she seeked for so long? What does that girl's boss mean?

"It could be a trap." Pahayag ni Cloud, "Are you going to take that risk, Empress?"

It could be a trap or a risk that could lead her to something.

"I need more details about that invitation." Iyon lamang ang akmang sagot nya, for now. Kaylangan nyang makaseguradong hindi masasayang ang oras nya sa pagpunta doon.

Cloud nodded, "Paakyat na daw ang kakambal ko dito." Imporma nito.

Tumango rin sya dito. Kumuha sya ng huling tingin sa monitor, partikular sa ginagawa ni Syleria Roan. Ng makitang naka-upo lamang ito ay nais na nyang ialis ang tingin sa monitor. But Syleria looked at the camera once again and glared. Napangisi si Eleanor sa inasta ng babae.

"A fiesty one." Nasabi nya sa sarili.

"Seriously…" Mahinang singhal na naman ni Cloud habang nakatingin rin sa monitor.

Nakuha ang atensyon ni Eleanor ng tumunog nyang cellphone. Another text from Fourth Ycarius.

Fourth: I'm sorry for replying late. I was dealing with some important matter.

Una nitong mensahe.

Fourth: Are you busy?

Fourth: I'm in front of your condo.

Fourth: Your not answering my knocks, I guess your not here?

Fourth: I'll wait here. May dala akong pang-dinner.

Sunod-sunod nitong text.

Napalingon si Eleanor sa bumukas na pintuan ng kwarto ni Cloud. Iniluwa nito si Sky na nagmamadaling makausap siya.

Mabilis syang tumipa sa kanyang cellphone.

Eleanor: May tatapusin lang ako. I'll be there in 15 minutes.

"Here's your invitation." Inilahad ni Sky ang kulay gintong envelope sakanya.

Tinanggap ito ni Eleanor at agad na binuksan.

You are Invited!

Delgarde Empire's 10th Year Celebration

Iyon ang nakalagay sa front page ng imbitasyon. Binasa ni Eleanor ang mga detalyeng nakalagay doon bago ito itiniklop at ibinigay kay Cloud.

"Pupunta ka ba dyan, Empress?" Muling tanong ni Cloud.

"We can't risk your safety, Empress. Bakit kailangang ikaw talaga ang gustong papuntahin doon ng boss nila? It's too suspicious. Seguradong may binabalak iyon." Pagdududa ni Sky.

"Hindi ko malalaman kung hindi ako pupunta doon, Sky Kristos." Sagot nya, "I want every specific detail about that event. Ibigay mo saakin pagkabalik ko dito bukas." Utos naman nya kay Cloud.

"Why don't we deal with this now?" Tanong naman ni Sky.

Tumikhim si Eleanor, "I have a prior appointment, Sky Kristos." May diing aniya. "Ihatid mo na ako sa condo ko."

Baka lumamig na ang naghihintay na pagkain kapag nagtaggal pa sya doon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status