PAGKAMULAT na pagkamulat ng aking mata'y hinanap ko kaagad ang aking cellphone. Kinapa ko ang ilalim ng aking unan at nakahinga ako nang maluwag nang makuha ko na ito.
Tiningnan ko ito at gulat na gulat ako sa napakaraming missed calls ni Bliz. Napaisip ako kung tungkol saan ang sasabihin niya kaya tinawagan ko siya pabalik, pagkatawag na pagkatawag ko pa lang ay agad niya na 'yong sinagot.
“Where have you been?! Anong oras na! Nandito na ako kanina pa!”
Isang malakas na sigaw ang narinig ko mula kay Bliz.
Agad akong nataranta nang maalala ko ang napag-usapan namin. Tumayo ako sa higaan, hindi ko alam kung ano ang gagawin, kung maliligo ba ako o magbibihis na lang.
“Sorry. Hindi ako nagising. Maliligo lang ako, hintayin mo ako,” sagot ko sa kaniya
Pinatay ko ang tawag at agad akong dumiretso sa banyo. Dali-dali kong binuksan ang shower at mabilisang naligo.
Pagkatapos ko ay agad akong nagbihis at dumiretso sa parking lot kung saan nakalagay ang kotse ko. Sumakay agad ako at nagmaneho nang sobrang bilis na para bang hinahabol ng isang mamamatay tao.
Kailangan kong magmadali dahil kung hindi, baka mainip si Bliz kahihintay sa akin. Habang nagmamaneho'y biglang may tumawid na babae, muntik ko na siyang masagasaan kaya agad akong bumaba sa sasakyan at lumapit sa kaniya. Tutulungan ko na sana siya pero agad akong napahinto nang mabigla ako sa itsura niya. She's wearing a black t-shirt partner with a black leggings, kulay itim na lipstick at makapal na eye liner.
Ipinikit-pikit ko ang aking mga mata dahil hindi ko inakalang uso pa pala ang emo style sa panahon ngayon.
“Are you okay?” I asked her.
Hindi siya sumagot at nanatili lang siyang nakaupo sa sahig. Itatayo ko na sana siya pero bigla niya akong tinanggihan.
“Tumingin ka sa mga taong dumaraan,” malumanay na sabi niya bago itayo ang sarili at lumakad palayo sa akin.
Nang makaalis na siya'y pumasok akong muli at ipinagpatuloy ang pagmamaneho. Hindi ko na naisip kung ano ang kalagayan niya dahil mukha naman siyang maayos.
Mayamaya pa'y nakarating na ako sa lugar na pinag-usapan namin ni Bliz. Tumingin-tingin ako sa paligid hanggang sa makita na ng aking mga mata ang hinahanap ko.
Lumapit ako kay Bliz at gano'n din ang ginawa niya.
“Sorry. May muntik na akong masagasaan,” pagpapaliwanag ko sa kaniya na mukhang hindi niya pinaniwalaan.
“Believe me or not, I'm saying the truth.”
Nagsimula na akong maglakad at sumunod naman siya sa akin.
“So, anong balak mo?” he asked me.
Hindi ko maiwasang ngumiti sa tuwing naiisip ko ang mga planong inihanda at pinaglaanan ko pa ng maraming oras. These plans will make Mageline happy.
“Simple, gagawa tayo ng malaking party for her. Mag-po-propose na ako sa kaniya,” tugon ko na mukhang hindi niya nagustuhan.
Nag-iba ang ekspresyon ng kaniyang mukha at alam ko na ang dahilan n'on, hindi niya gusto ang mga naisip at plano ko.
“Seriously? Bro, pag-isipan mo. You know what I mean,” saad niya na nagpakunot sa aking noo.
“I love her. I won't let her na sumama sa lalaking 'yon. Alam kong pera at sex lang ang habol niya sa akin pero hindi ako makapapayag na makawala pa siya, kaya tatalian ko na ang leeg niya,” pangangatuwiran ko, pero alam kong hindi pa rin siya sang-ayon sa naisip kong paraan para hindi ako iwanan ni Mageline.
“Whether I like it or not. Wala naman akong magagawa. It's your decision, pero binabalaan lang kita, bro. You know how pitiful she is,” he said.
Tumahimik lamang ako at pumasok sa aking isipan na wala na silang magagawa. Sa ayaw man nila o sa gusto, napagdesisyunan ko na ang lahat ng 'to. Buo na sa isip ko ang lahat ng mangyayari.
Sinimulan na namin ang mga balak kong gawin. Sinamahan ako ni Bliz na bumili ng mga gagamitin ko para sa surpresa at sinamahan niya rin akong pumili ng singsing na ibibigay ko kay Mageline. Hindi ko maiwasang mapangiti, tiyak na matutuwa siya sa mararanasan niya — sa mga gagawin ko para sa kaniya.
Nakatayo ako ngayon habang tumitingin sa mga singsing na naka-display. Maraming magaganda at hindi ako makapili hanggang sa mapukaw ng aking mga mata ang kakaibang singsing, napakaganda nito, may amethyst sa gitna at talaga nga namang napaka-unique ng disenyo. Agad ko iyong itinuro sa babaeng nagbabantay at agad siyang tumango.
“Are you sure about this?” Bliz asked me again. Tumango lang ako sa kaniya at ngumiti nang malawak.
“I love her,” bulong ko sa aking sarili.
Alam kong iniisip nila na nababaliw na ako pero mahal ko si Mageline. I will do everything para hindi na siya makawala pa sa mga bisig ko. Mahal na mahal ko siya at hindi ko kaya na titigan lamang siya habang lumalakad palayo mula sa akin.
Nang makauwi na ako'y agad akong nagluto ng paborito niyang bicol express. Didiretso ngayon si Mageline sa bahay at alam kong pagod na pagod na siya sa mga oras na 'to lalo't hindi siya kumakain kapag oras ng trabaho.
Inihain ko na ang mga pagkain sa lamesa at inihanda ko na rin ang mga kutsara't tinidor.
Tinawagan ko siya para tanungin kung malapit na ba siyang makauwi, agad akong nagtaka dahil hindi niya ito sinasagot. Sinubukan ko pang muling tumawag.
“Sagutin mo, please,” bulong ko sa sarili.
Nag-aalala na ako sa kaniya. Ilang tawag na ang nagawa ko pero hindi pa rin siya sumasagot. Ibinaba ko muna ang cellphone at nag-isip kung pupuntahan ko ba siya sa bahay niya o hindi.
Akmang tatayo na sana ako nang marinig kong nag-ring ang hawak-hawak kong cellphone. Nakahinga ako nang maluwag nang makita ko ang pangalan niya sa screen.
“Nasaan ka?” bungad na tanong ko pero nakalulungkot na sagot ang sumalubong sa akin.
“Hindi ako makapupunta, I'm sorry,” sagot niya, halatang-halata sa kaniyang boses ang pagmamadali na para bang ayaw niya akong makausap.
“W-Why? What happened?” tanong ko sa kaniya na mukhang hindi niya narinig dahil ibinaba niya kaagad ang tawag.
Sa sobrang inis ay hinampas ko ang lamesa at inihagis ang lahat ng pagkain sa sahig. Sunod-sunod na nagsipuntahan ang mga maid na halatang gulat na gulat base sa kanilang itsura. Tinanong nila kung ano ang nangyari, sa halip na sagutin ay hindi ko sila pinansin. Naisipan ko na lamang na umakyat sa aking silid.
Palagi na lang ba kaming ganito? Matagal na kami pero hindi ko man lang naramdaman na mahal niya ako. Sana naman magpanggap siya, 'yong totoong-totoo, 'yong mararamdaman ko talaga. Hindi gaya ng ginagawa niya ngayon.
Naagaw ng aking pansin ang isang larawan kaya naisipan ko 'tong kuhanin. Napangiti ako nang makita ko 'yon, nasa Japan kami ng mga araw na 'to at talaga nga namang labis ang saya niya nang makapunta kami sa Japan, dahil pangarap niya raw na masilayan ng kaniyang dalawang mata ang ganda ng cherry blossom tree.
Hindi ko alam kung bakit nagtatagal pa rin ako sa kaniya basta ang alam ko lang, mahal ko siya.
Hindi ko rin alam kung katanggap-tanggap ba na rason ang pagmamahal kasi minsan ang pagmamahal ay hindi sapat. Lahat na lang ng bagay ay may kulang.
Naistorbo ako sa pagtitig sa larawan namin nang mag-ring ang cellphone ko, sinagot ko ito at napangiti ako nang marinig ko ang boses niya.
“Uuwi ako bukas. Huwag ka nang magpuyat, sleep. I love you,” aniya na nagpangiti sa akin.
Sa oras na iyon ay nakampante ako, nakampante na naman ako.
Unti-unting naglaho ang lahat ng galit ko sa kaniya at napalitan na naman ito ng labis na pagmamahal.
Minsa'y naiisip ko ang sumuko ngunit, nararapat ba na sumuko na lamang ako?
Kailangan kong gawin ang lahat para sa isang bagay na gusto kong mapasa'kin dahil kung wala akong gagawin, walang mangyayari.
Hindi ko hahayaan na masaktan na lang ako sa gilid habang walang ginagawa, dahil mas magandang masaktan nang may ginagawa kaysa malunod sa sobrang sakit habang nananahimik lang.
Makaraan ang ilang buwan ay napagdesisyunan namin ni Zach na mag-ampon. Alam na ng mga magulang niya na hindi siya makakabuo ng isang bata at alam din 'yon ng pamilya ko. Sa ngayon ay matiwasay kaming namumuhay at napag-isip-isip din namin na kumuha ng bata para maalagaan at mapalaki nang maayos. "Ito na po siya," bungad na wika ng Madreng kaharap namin ngayon. Magkahawak ang mga kamay namin ni Zach at hinarap namin nang nakangiti ang batang babae na may mahaba ang buhok. "Gusto ko siya. Para siyang si Mageline kung iisipin," ani ko kay Zach. Tumingin siya sa akin."Mageline?" naguguluhang tanong niya. Napangiti naman ako habang tinititigan ang batang nasa harap namin ngayon. Siguro ay mga nasa pitong taong gulang pa lamang siya. Kulot din ang mga buhok niya. "Para siyang si Mageline nang mga bata pa kami," nakangiting sambit ko. Napatango-tango naman si Zach at lumuhod siya para matitigan niya nang mabuti ang bata. "Magiging Javier ka na, gusto mo ba 'yon?" tanong ni Zach sa ba
Abalang-abala ang lahat dahil sa kasal namin ni Bliz. Habang inaayusan ako ay iwinawagayway naman sa akin ni mama ang gown na susuotin ko. "Ano ba, 'ma?" I asked her. She looked at me and gave me a smile. Alam kong masayang-masaya siya, halatang-halata naman sa istura niya. "Kasal mo ngayon that's why I'm so happy," she said. Napakunot ang aking noo, mukhang gusto niya na talaga akong makaalis sa puder niya. Napatingin ako sa kawalan nang maalala ko ang araw na 'yon. Hindi ko inakalang gagawian sa akin ni Zach ang mga bagay na 'yon, labis akong nasasaktan pero huli na. Ako rin naman ang may kagagawan ng lahat. "Why so sad?" my mom asked. I looked at her and a tear escaped my eyes. "Do you think magiging masaya ako? What I mean is, ikakasal ako sa taong hindi ko naman mahal? 'Ma, ang hirap nito," sabi ko sa kaniya. Lumakad siya palapit sa akin at hinawakan ang pisngi ko. "Anak, para sa'yo 'to at tandaan mo, bawal ka nang umatras. Magiging masaya ka, pangako." Napasinghap na lang
"Hija, kung mahal mo siya dapat puntahan mo na siya ngayon at sabihin mo sa kaniya kung ano ang nararamdaman mo," ani ng ina ni Zach. Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya naisipan kong pumunta rito sa bahay nila at kausapin siya tungkol sa mga naging desisyon ko."Tita kasi po..." Yumuko ako bago magsalitang muli, "Baka po magalit si mama kung aatras po ako sa kasal namin ni Bliz."Biglang tumawa ang mama ni Zach. Hindi ko alam kung anong rason ng pagtawa niya. May nasabi ba akong nakatatawa? "Pardon me. Kasal niyo ni Bliz? Are you kidding?" Naguluhan ako sa itinanong ni tita kaya napakunot ang noo ko. Nagtataka na talaga ako mula kahapon pa."May mali po ba?" tanong ko. Nagambala kami sa pag-uusap nang biglang may kumatok. Pagkabukas ng pinto ni tita ay lumaki ang mga mata ko. Nabigla ako sapagkat si Zach ang taong kumatok at nagulat din siya nang makita niya ako."Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Zach sa akin. Napairap ako at nang susubukan ko ng tumayo ay hinatak ako ng mama niya
"Anong ginagawa mo rito?" bungad sa akin ni Bliz. Nakangiti siya sa akin at ayaw na ayaw ko talaga ang kakaibang ngiti niya."Tungkol sa kasal natin," sagot ko sa kaniya. Nabigla ako sa pagtawa niya nang sobrang lakas kaya napakunot ang aking noo."May nakatatawa ba?" tanong ko sa kaniya kaya tumigil siya sa pagtawa at inayos niya ang kaniyang sarili.Mukhang may sayad na ata siya sa utak. Tumatawa na lang siya bigla-bigla. Minsan ay seryoso ang kaniyang mukha pero may pagkakataon din na nakangiti lang siya. "Wala naman. Upo ka," aya sa akin ni Bliz. Umupo ako sa sofa at tumabi siya sa akin."Ano bang gusto mong malaman? Tungkol sa kasal natin? Walang kuwenta kung pag-uusapan natin 'yon. Mas mabuti kung pag-uusapan natin kung sino ang tunay na ama ng dinadala ni Mageline," ani niya kaya mas lalo pang kumunot ang noo ko. Alam ko na kung sino ang tunay na ama ng dinadala ni Mageline at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa niya iyon kay Zach at sa mama ni Zach. Naba
Zayra's POVTuloy-tuloy lang sa pagpatak ang mga luha ko at walang tigil ito sa pag-agos habang binabasa ko ang huling liham ni Mageline. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na lumuha nang sobra-sobra lalo pa't para ko na rin siyang kapatid. "Ito ba talaga ang gusto mo?" tanong ko sa kawalan. Para akong timang na nagsasalita mag-isa. Iniisip ko na nandito siya sa tabi ko at nakikinig sa akin ngunit para na akong baliw sa ginagawa ko."Hindi maaari itong gusto mo dahil sa sabado ay ikakasal na ako--ikakasal na ako sa taong hindi ko gusto." Napangiti ako nang mapait nang maalala ko ang mga sinasabi sa akin ni mama. Wala na akong kawala at ito rin ang dahilan ko kung bakit ayaw ko na makita si Zach. Hindi na ako puwedeng umatras pa at baka magalit ang magulang ko, lalong-lalo na si mama. Ayaw kong mangyari 'yon.Ito na ba ang parusa sa akin ng langit? Ito na ba ang kabayaran sa mga maling nagawa ko? Bakit ganito naman kalupit? Ang mga tao'y parang rosas, unti-unting nalalanta. Sa paglipas
"Zayra! Papasukin mo ako!" sigaw ko mula rito sa gate na kinatatayuan ko. Mahigit dalawang oras na akong naghihintay sa kaniya at hindi pa rin siya nagpapakita sa akin. "Zayra! Dalawang oras nang nakatayo ang mga paa ko. Maawa ka," dugtong ko pa. Halos malanta na ako dahil sa ngalay. Sumasakit na ang tuhod at ang paa ko. Lumabas ang ama ni Zayra at lumapit sa akin. "Anong ginagawa mo rito?! Wala si Zayra rito, umalis ka na," pasigaw niyang sabi. Napakagat ako ng labi at napasinghal. "Kailangan ko lang po siyang makausap," pangungumbinsi ko. Tinitigan ako nang masama ng ama ni Zayra at hindi ako nagpatinag. Kailangan kong maiabot itong sulat na dala-dala ko. "Ang kulit mo! Umalis ka na! Ayaw kang makita ni Zayra," ani ng ama ni Zayra. Inilabas ko ang sulat at iniabot ko ito sa kaniya. "Pakibigay na lang po. Sulat po iyan ni Mageline," sabi ko bago tumalikod. Wala na akong narinig pa na salita mula sa ama ni Zayra. Hindi rin lumabas si Zayra sa lungga niya. Mukhang ayaw niya talag