Si Zach mismo ang nag-umpisa ng laro sa pagitan nilang tatlo. Siya mismo ang nagpahamak sa sarili. Ang akala niya'y sa pamamagitan ni Zayra ay maibabalik niya sa kaniyang piling ang pinakamamahal niyang babae na si Mageline. Nang una'y umayon ang lahat sa plano ngunit 'di nagtagal, bigla na lamang lumihis ang lahat sa ibang direksyon. Marami siyang nalaman na katotohanan na alam niyang magiging dahilan ng pagkasira nilang lahat. Alam niyang kapag ipinagpatuloy niya pa ang pakikipaglaro kay Zayra ay siya lang din ang mahihirapan. Handa niya pa rin bang sabayan ang laro kahit na alam niyang sakit lang sa puso ang dulot nito? O titigil na lamang siya? Dahil sa patibong na ginawa niya'y siya mismo ang nahulog dito.
Lihat lebih banyakPARANG pinagbagsakan ng langit at lupa si Zach nang makita niyang kasama ng babaeng minamahal niya ang itinuturing niyang matalik na kaibigan.
Pagkatapos ng isang masayang araw na kasama si Zayra ay napalitan ito ng hindi kaaya-ayang wakas. Wala siyang maramdaman kundi galit at pagkamuhi sa dalawa.
Kasabay ng malakas na ulan ay ang pag-amin din ni Zayra na planado ang lahat ng nangyari. Ni wala na siyang maramdaman nang marinig niya ang lahat ng iyon sa bibig ng taong pinagkatiwalaan niya — sa bibig ng taong unti-unti niya nang nagugustuhan.
Hindi niya alam na siya pala ang napaglaruan dahil ang akala ni Zach ay siya ang nasa itaas ng laro ngunit mali siya.
Wala na siyang makita pang rason upang ipagpatuloy ang lahat. Ang alam niya lang ay, gusto niya nang wakasan ang mundo.
Gusto niya nang tapusin ang larong nag-uugnay sa pagitan nilang apat.
Makaraan ang ilang buwan ay napagdesisyunan namin ni Zach na mag-ampon. Alam na ng mga magulang niya na hindi siya makakabuo ng isang bata at alam din 'yon ng pamilya ko. Sa ngayon ay matiwasay kaming namumuhay at napag-isip-isip din namin na kumuha ng bata para maalagaan at mapalaki nang maayos. "Ito na po siya," bungad na wika ng Madreng kaharap namin ngayon. Magkahawak ang mga kamay namin ni Zach at hinarap namin nang nakangiti ang batang babae na may mahaba ang buhok. "Gusto ko siya. Para siyang si Mageline kung iisipin," ani ko kay Zach. Tumingin siya sa akin."Mageline?" naguguluhang tanong niya. Napangiti naman ako habang tinititigan ang batang nasa harap namin ngayon. Siguro ay mga nasa pitong taong gulang pa lamang siya. Kulot din ang mga buhok niya. "Para siyang si Mageline nang mga bata pa kami," nakangiting sambit ko. Napatango-tango naman si Zach at lumuhod siya para matitigan niya nang mabuti ang bata. "Magiging Javier ka na, gusto mo ba 'yon?" tanong ni Zach sa ba
Abalang-abala ang lahat dahil sa kasal namin ni Bliz. Habang inaayusan ako ay iwinawagayway naman sa akin ni mama ang gown na susuotin ko. "Ano ba, 'ma?" I asked her. She looked at me and gave me a smile. Alam kong masayang-masaya siya, halatang-halata naman sa istura niya. "Kasal mo ngayon that's why I'm so happy," she said. Napakunot ang aking noo, mukhang gusto niya na talaga akong makaalis sa puder niya. Napatingin ako sa kawalan nang maalala ko ang araw na 'yon. Hindi ko inakalang gagawian sa akin ni Zach ang mga bagay na 'yon, labis akong nasasaktan pero huli na. Ako rin naman ang may kagagawan ng lahat. "Why so sad?" my mom asked. I looked at her and a tear escaped my eyes. "Do you think magiging masaya ako? What I mean is, ikakasal ako sa taong hindi ko naman mahal? 'Ma, ang hirap nito," sabi ko sa kaniya. Lumakad siya palapit sa akin at hinawakan ang pisngi ko. "Anak, para sa'yo 'to at tandaan mo, bawal ka nang umatras. Magiging masaya ka, pangako." Napasinghap na lang
"Hija, kung mahal mo siya dapat puntahan mo na siya ngayon at sabihin mo sa kaniya kung ano ang nararamdaman mo," ani ng ina ni Zach. Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya naisipan kong pumunta rito sa bahay nila at kausapin siya tungkol sa mga naging desisyon ko."Tita kasi po..." Yumuko ako bago magsalitang muli, "Baka po magalit si mama kung aatras po ako sa kasal namin ni Bliz."Biglang tumawa ang mama ni Zach. Hindi ko alam kung anong rason ng pagtawa niya. May nasabi ba akong nakatatawa? "Pardon me. Kasal niyo ni Bliz? Are you kidding?" Naguluhan ako sa itinanong ni tita kaya napakunot ang noo ko. Nagtataka na talaga ako mula kahapon pa."May mali po ba?" tanong ko. Nagambala kami sa pag-uusap nang biglang may kumatok. Pagkabukas ng pinto ni tita ay lumaki ang mga mata ko. Nabigla ako sapagkat si Zach ang taong kumatok at nagulat din siya nang makita niya ako."Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Zach sa akin. Napairap ako at nang susubukan ko ng tumayo ay hinatak ako ng mama niya
"Anong ginagawa mo rito?" bungad sa akin ni Bliz. Nakangiti siya sa akin at ayaw na ayaw ko talaga ang kakaibang ngiti niya."Tungkol sa kasal natin," sagot ko sa kaniya. Nabigla ako sa pagtawa niya nang sobrang lakas kaya napakunot ang aking noo."May nakatatawa ba?" tanong ko sa kaniya kaya tumigil siya sa pagtawa at inayos niya ang kaniyang sarili.Mukhang may sayad na ata siya sa utak. Tumatawa na lang siya bigla-bigla. Minsan ay seryoso ang kaniyang mukha pero may pagkakataon din na nakangiti lang siya. "Wala naman. Upo ka," aya sa akin ni Bliz. Umupo ako sa sofa at tumabi siya sa akin."Ano bang gusto mong malaman? Tungkol sa kasal natin? Walang kuwenta kung pag-uusapan natin 'yon. Mas mabuti kung pag-uusapan natin kung sino ang tunay na ama ng dinadala ni Mageline," ani niya kaya mas lalo pang kumunot ang noo ko. Alam ko na kung sino ang tunay na ama ng dinadala ni Mageline at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa niya iyon kay Zach at sa mama ni Zach. Naba
Zayra's POVTuloy-tuloy lang sa pagpatak ang mga luha ko at walang tigil ito sa pag-agos habang binabasa ko ang huling liham ni Mageline. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na lumuha nang sobra-sobra lalo pa't para ko na rin siyang kapatid. "Ito ba talaga ang gusto mo?" tanong ko sa kawalan. Para akong timang na nagsasalita mag-isa. Iniisip ko na nandito siya sa tabi ko at nakikinig sa akin ngunit para na akong baliw sa ginagawa ko."Hindi maaari itong gusto mo dahil sa sabado ay ikakasal na ako--ikakasal na ako sa taong hindi ko gusto." Napangiti ako nang mapait nang maalala ko ang mga sinasabi sa akin ni mama. Wala na akong kawala at ito rin ang dahilan ko kung bakit ayaw ko na makita si Zach. Hindi na ako puwedeng umatras pa at baka magalit ang magulang ko, lalong-lalo na si mama. Ayaw kong mangyari 'yon.Ito na ba ang parusa sa akin ng langit? Ito na ba ang kabayaran sa mga maling nagawa ko? Bakit ganito naman kalupit? Ang mga tao'y parang rosas, unti-unting nalalanta. Sa paglipas
"Zayra! Papasukin mo ako!" sigaw ko mula rito sa gate na kinatatayuan ko. Mahigit dalawang oras na akong naghihintay sa kaniya at hindi pa rin siya nagpapakita sa akin. "Zayra! Dalawang oras nang nakatayo ang mga paa ko. Maawa ka," dugtong ko pa. Halos malanta na ako dahil sa ngalay. Sumasakit na ang tuhod at ang paa ko. Lumabas ang ama ni Zayra at lumapit sa akin. "Anong ginagawa mo rito?! Wala si Zayra rito, umalis ka na," pasigaw niyang sabi. Napakagat ako ng labi at napasinghal. "Kailangan ko lang po siyang makausap," pangungumbinsi ko. Tinitigan ako nang masama ng ama ni Zayra at hindi ako nagpatinag. Kailangan kong maiabot itong sulat na dala-dala ko. "Ang kulit mo! Umalis ka na! Ayaw kang makita ni Zayra," ani ng ama ni Zayra. Inilabas ko ang sulat at iniabot ko ito sa kaniya. "Pakibigay na lang po. Sulat po iyan ni Mageline," sabi ko bago tumalikod. Wala na akong narinig pa na salita mula sa ama ni Zayra. Hindi rin lumabas si Zayra sa lungga niya. Mukhang ayaw niya talag
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen