Share

KABANATA 3

Author: Zhyllous
last update Last Updated: 2024-02-18 08:05:46

Break up

Nakabalik agad kami sa manila at hinatid ako ni manong sa bahay namin. Magbabayad sana ako pero tinaggihan niya, kahit anong pilit ko ayaw niyang tanggapin, wala akong magagawa, baka kung ipilit ko pa, mas lalong matatagalan si manong.

Nagpasalamat muli ako at tiningnan palayo ang taxi, mabuti na rin, sinama niya ako sa kanila kahit pagbalik ko may haharapin akong problema. Tiningnan ko ang bahay namin ng malayo na ang taxi.

Nakita ko ang kapitbahay namin na naguusap at nag bulong bulongan habang panay sulyap sa akin kulang nalang iparinig nila sa akin ang chissmis nila.

Pumasok ako sa gate at nagulat ako ng marinig ang sigaw ni papa na parang galit at iyak ni mama, dali dali akong pumasok sa bahay at doon ko nadatnan na sinaktan na naman ni papa si mama, mabilis akong tumakbo palapit sa kanila para pigilan si papa pero tinulak niya ako ng malakas, napaupo ako sa sahig at napapikit sa sakit ng bumagsak ako sa sahig.

"Ayan magsama kayong dalawa total pareho kayong malandi!" galit na sabi ni papa, inis akong tumingin sa kanya kahit masakit ang katawan ko. Nilapitan ako ni mama pero tumingin lang ako kay papa.

"Naniwala ka naman sa mga pinagkalat ng ibang tao papa! hindi mo piniwalaan si mama mas naniwala ka sa sinabi nila!" galit kong sabi sa kanya. Alam ko kung bakit sinaktan na naman niya si mama dahil may narinig na naman siya tungkol kay mama. Palagi siyang ganito at palagi niyang sinaktan si mama at dahil sa pagpigil ko sa kanya masasaktan rin ako.

"Tama na Lyra," umiyak na sabi ni mama, pero hindi ko siya nilingon at masama lang tiningnan si papa.

"Aba talagang sumasagot ka pa ha! ayan Maricel pinaglaban ka pa ng anak mong kalahi mong malandi!" galit na sabi ni papa.

"Tama na sabi papa! bakit ba ayaw mong maniwala kay mama! minahal mo ba talaga si mama!?" galit ko ring sigaw sa kanya, tinuturo niya ako sa galit niya rin sa sinabi ko.

"Yang nanay mong malandi ang tanungin mo! kung bakit lumandi pa yan kong may asawa na ang p*t*ng babaeng yan!" galit niyang turo sa akin, "baka nga hindi kita anak!" dagdag niyang sabi, napapikit ako sa sakit.

"Hindi mo anak!? nahihibang kana ba papa!? sa tagal nating magkasama, nasabi mo yan ngayon!?" galit at may pinaghalong sakit na sabi ko sa kanya.

"Nagsisi ako kung bakit kinupkop pa kita Lyra! halata namang hindi kita anak!" galit niya pa lalo at halos hindi ako makahinga sa sakit ng narinig ko lahat ng yun galing sa sarili ko tatay. Tinuro niya si mama, "yan! duda ako sa babaeng yan baka sa daming lalaki! isa dun ang tatay mo tanungin mo ang malanding yan kung sino ang tatay mo!" galit niyang sabi pero nanghihina na ako at hindi makapagsalita sa sinabi niya. Hinabol ko ang hininga ko habang umiyak at tumingin kay papa na galit na galit habang tumingin sa amin ni mama na nakayakap sa akin.

"P-pa?" umiyak kong tawag sa kanya, hindi ko matuloy ang balak kong sabihin, hindi ko na maaninag ng maayos si papa dahil sa mga luha. Wala ng mas ikakasakit  pa sa mga sinabi ni papa, ang itanggi niyang anak niya ako. "W-wala lang ba sayo yung pinagsamahan natin nong b-bata pa ako? d-diba masaya naman tayong n-naglalaro? diba p-papa? s-sabi mo m-mahal mo kami ni m-mama? anong nangyari papa?" humahagulhol kong iyak habang nakatingin sa kanya pero hindi ko na siya makita ng maayos dahil walang tigil ang pag agos ng luha ko.

"Wala akong pakialam! hindi kita anak!" huling sigaw niya bago tumalikod sa amin. Nag iyakan kami ni mama.

"Anak, pagpasensyahan mo na ang papa mo, nadala lang yun sa galit, wag ka sanang magalit sa kanya, alam kong mahal ka niya," mahinahong sabi ni mama pero umiling ako ng umiling sa kanya.

"Ma! aalis nalang tayo dito!" umiyak kong sabi pero umiling lang siya sa akin.

"Wala tayong pera para diyan anak," sabi niya at hinaplos ang buhok ko.

"Hayaan mo na mama basta aalis na tayo dito! iwanan nalang natin si papa!" mabilis kong sabi pero matigas si mama.

"Anak wala akong pera at hindi natin alam kong saan tayo pupunta pag-aalis tayo, ayaw kong magutom ka anak at matulog sa kalye kung pwede naman dito. May magandang higaan at makakain ka rin ng tatlong beses ng isang araw," sabi niya, napapikit ako sa inis pero wala na akong magawa.

"Mag trabaho ako ng mabuti mama," seryosong sabi ko, "aalis tayo dito," dagdag kong sabi.

"Kung yan ang gusto mo anak," mahinahong sabi niya at tipid ngumiti sa akin.

Nandito ako sa kwarto ko ngayon pagkatapos naming magusap ni mama. Medyo dumilim na rin sa labas. Nagbabasa ako sa social media kung paano nila sinabi kung anong klaseng babae ako. Ito ang kinalabasan sa ginawa ni Vina sa akin. Masaya ba siya sa lahat? Ikakasaya niya ba ito? Ikakasaya niyang masira ako?

Binasa ko lang lahat ng yun at hindi nasaktan o umiyak man lang. Masyadong puno na ng sakit ang damdamin ko, wala ng ibang lugar para sa ibang sakit, hindi na rin tumulo ang luha ko dahil ubos na ata ito.

Nabigla ako ng mag ring ang cellphone ko sa isang tawag at kumalabog ang dibdib ko sa kaba ng makita ang pangalan ni Zey dun. Ayaw ko munang makausap siya pero kailangan naming mag-usap, lalo na sa nangyari ngayon. Kahit kinabahan sinagot ko ito.

Hindi siya nagsalita agad at ang hininga niya lang ang narinig ko sa kabilang linya.

"Hello." Unang salita at ramdam ko ang kalamigan niya dito. Akala ko ubos na ang mga luha ko pero ng marinig ko ang boses niya agad bumuhos ang luha ko.

"Z-Zey" Nanginginig kong tawag sa kanya, wala na akong pakialam kong malalaman niyang umiyak ako.

"Let's break up," malamig niyang sabi, kinagat ko ang pangvibabang labi ko. Kaya nga ayaw ko siyang makausap dahil hindi ko kayang marinig ito sa kanya pero ngayon sinabi na niya sa akin hindi ko alam kong anong sasabihin ko, hindi ko pwedeng tanungin kong bakit? kasi kasalanan ko naman lahat.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • FATED TO BE YOURS   KABANATA 155

    Nag bulongan ang lahat ng pumasok ang mama ni Lyra. Nanlaki ang mata ko at agad ko itong sinalubong. Binaba ko muna si Ville bago ko ito pinuntahan."Tita, okay lang ba kayo?" nag-alaang tanong ko. Natawa siya at tinapik ako sa balikat."Okay lang ako hijo. Nakatawang pakinggan mas malakas pa ang lola mo kaysa sa akin," biro niya. Ngumiti ako sa kanya."Malakas ka pa rin naman tita," nakangiting sabi ko. Tumango siya at sumulyap kay Ville ma lumapit sa amin."Hi lola," masayang bati nito sa kaharap ko. Binati naman ito ni tita at tumingin sa akin."Kailangan kong maging malakas para makasama ko pa ng matagal ang apo ko," nakangiting sabi niya habang hinaplos ang mukha ni Ville bago humarap sa maraming tao."Tita hindi ka ba natakot na baka makita ka ng asawa mo?" nag alinlangan kong tanong. Ngumiti siyang bumaling sa akin."Sa mga sinabi niyo kanina alam kong hindi na siya mang gugulo pa sa akin," mahinahong sabi niya. Taka naman akong tumingin sa kanya."Anong ibig mong sabihin tita?

  • FATED TO BE YOURS   KABANATA 154

    Pagkatapos ni Ville magsalita nagulat ako ng pumasok rin si lola. Bakit sila nandito? nakatingin ako sa likod na lola para tingnan kong nadun ba si Lyra pero walang sumunod sa kanya. Ngayon si lola na ulit ang nagsalita sa harap ng maraming tao. "Siguro alam niyo na na ako ang dahilan kung bakit naging married ang status ng apo ko eight years ago," nakangiting sabi ni lola. Parang wala siyang pinagsisihan. Kahit ako wala akong pinagsisihan, except noong nasaktan ko si Lyra."Noong nalaman kong buntis ang babae na nakasama ng apo ko noong gabing yun agad ako gumawa ng paraan para makasal sila kahit pa na ayaw nilang dalawa." Huminto si lola at tumingin sa mga tao."Ayaw kong magaya ang anak ni Mike sa mga nangyari sa kanya at alam kong ayaw rin ni Mike yun pero hindi pa niya inisip yun dahil hindi pa niya kilala si Lyra. Inisip kong makilala niya niya rin si Lyra at mamahalin niya rin. Tama nga ang hinala ko.""Masaya ako dahil nakita kong masaya ang apo ko. Sa kabila ng binigay ko sa

  • FATED TO BE YOURS   KABANATA 153

    "Dahil sa galit at sakit sa nalaman ko gumawa ako ng paraan para makita niya na hindi lang siya ang pwedeng magluko sa amin dalawa. Nakita niya na may babae akong dinala sa bahay namin kaya nakapag desisyon siyang umalis.""Noong isang taon na siya sa ibang bansa doon ko nalaman na may anak kami kaya mas lalo akong nagalit at gusto kong puntahan siya pero pinigilan nila ako dahil baka lalayo lalo si Lyra sa akin. Natakot rin ako na baka hindi ko na sila makita ulit. Nahihiya rin ako dahil pinaramdam ko kay Lyra na mahal ko siya dahil lang sa anak namin.""Noong isang araw bumalik siya at nabalitaan agad ito ng lahat. Maraming nagtaka dahil marami akong naging girlfriend pero iyung mga girlfriend ko palabas lang yun at alam nila iyun. Palabas lang dahil inisip ko baka mag selos pa si Lyra pag ginawa ko iyun at maisipang uuwi para makipagbalikan sa akin.""Yan ang buong kwento at ayaw ko ng makarinig ulit ng ibang salita tungkol sa mag-ina ko. Magkahiwalay kami ng walong taon at hindi k

  • FATED TO BE YOURS   KABANATA 152

    Pagkatapos naming mag-usap ni lola umakyat ako para magbihis at bumaba rin agad para maghanda na ng hapunan. Marami akong tinagawan para sa gagawin kong announcement at sa pag compirma sa mga kumalat ngayon sa social media. Maraming bumalik sa video na kumalat dati kaya ngayon lilinawin ko na sa kanila lahat. KINABUKASANNaghanda na ako para sa press conference ko mamaya. Sasabihin ko na ang totoo. Kung dati hindi ko sinabi ang totoo, ngayon sasabihin ko na. Alam kong wala na silang magagawa lalo na't naging matatag na kami ni Lyra ngayon dahil sa nangyari.Gustong sumama sa akin si Ville pero hindi ko muna siya hinayaan baka kung anong mangyari sa kanila doon. Next time siguro, ipaliwanag ko muna sa kanila ang lahat. Nagulat lahat lalo na ang balita ay may anak ako sa asawa ko. Maraming nagtaka dahil maraming balita na may girlfriend ako. Hindi nila alam ang dahilan, ngayon ang oras para maghingi ako ng sorry sa lahat dahil sa pagsisinungaling ko.Pumasok ako kung saan maramibg came

  • FATED TO BE YOURS   KABANATA 151

    "Yehey! you did it dad!" masayang sigaw niya. Natawa ako sa kanya. Tsaka naman lumapit sa amin si Lyra."Anong you did it?" taas kilay na tanong ni Lyra sa anak. Kunwari hindi alam ang sinabi ni Ville."You're engaged!" masayang sabi ni Ville."We've been married for many years Ville," nakangising sabi naman ni Lyra sa anak. Tumango naman ako sa anak namin. Kahit nagkalayo kami hindi mawala sa amin na kasal pa kami. Iyun ang pinaghawakan ko na hindi siya makahanap ng iba hanggat kasal pa kaming dalawa kahit nasa malayo kami.Aware ako na nakikinig ang empleyado ko sa pinag-usapan naming tatlo, alam kong may nagtaka, nagulat o mga nalito pero sasagutin ko ang mga taong nilang yan.. ibalita ko sa buong mundo na papakasalan ko ulit si Lyra.Ngayon umuwi na kaming tatlo sa mansyon ni lola, gusto ko sanang sa bahay na kami pero hindi pa kami nakapagpaalam ng maayos sa lola ko. Ayaw rin siyang iwan ni Ville."Lola, ikakasal ulit sila mommy at daddy!" masayang balita ni Ville. Nagulat naman

  • FATED TO BE YOURS   KABANATA 150

    Nagulat ako ng may nilabas nga siyang singsing sa akin at nilagay niya iyun sa daliri ko."Set up ba to?" natatawang tanong ko. "Bakit?" nakangiting tanong niya."Handang handa ka eh," sabi ko at tiningnan ang pintuan. "Parang pinagusapan niyo na ito ng anak mo," natatawang dagdag ko."Gusto na niyang mag-kaayos tayo," mahinahong sabi niya."Pati ba yung babae planado rin?" taas kilay kong tanong. Umiling naman siya. So totoo talaga yung nangyari."Galit siya," seryosong sabi ko. Galit rin si Vina sa akin nun. "Natatakot ako na baka siya naman ang maging dahilan ng lahat," bulong ko na narinig niya naman."Hindi na ulit mangyayari yun sa atin.. alam ko dahil natuto na tayo sa unang pagkakamali natin," mahinahong sabi niya. "Hindi na rin ako papayag na may masamang mangyari sa inyo ng anak natin, hanggat kaya ko protektahan ko kayo," dagdag niya. Tumango ako sa kanya at ngumiti.Nasaktan na kami, nagkahiwalay kaya ngayong bumalik siya sa buhay ko alam kong hindi na ako gagawa ng bagay

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status