Vomit
Tumango tango ako kahit hindi niya ako kita, pero ginawa ko yun para sarili ko, dahil kailangan kong tanggapin, kailangan kong tanggapin na hindi niya ako matanggap dahil sa nangyari sa akin."W-wala ka bang itatanong sa akin?" nanginginig kong tanong sa kanya. Rinig kong sarcastic siyang tumawa sa kabilang linya."Ano pa ba ang itatanong ko eh kitang kita sa picture at video na ikaw yun," galit niyang sabi, napapikit ako sa sigaw niya.Kanina umasa ako na pakinggan niya ang paliwanag ko at intindihin niya ako, umasa ako kahit malabo, pero ngayong nakausap ko na siya wala pala talagang pag-asa, sirang sira na ako at nasisira ko rin ang relasyon namin."M-maniwala ka ba pag s-sasabihin kong set-up lahat yun?" umiyak kong tanong at umasa parin na pakinggan niya ako."Syempre hindi! sinungaling ka! at nakakadiri ka! kahit totoo ang sinabi mo! ayaw ko na sayo! baka sobrang dami na ng lalaki ang nakatikim sayo!" sigaw niya sa akin, napapikit ako sa sakit at tinanggap ang sinabi niya. Deserve ko to, deserve ko ang galit niya sa akin.Ilang mura pa ang narinig ko galing sa kanya bago niya pinatay ang tawag. Nanghihina ang buong katawan ko at inisip lahat ang nangyari ngayong araw.Saan nagsimula ang lahat? ang pagiisip ko kung ano ireregalo ko kay Zey? o hindi makuntento sa isang relo lang?Saan ba ako nagkamali? ang pag plano para sa anniversary namin ni Zey? o ang pagpayag sa plano ni Vina?Saan ako nagkulang? ang hayaan si Vina na magplano sa lahat o ang pagtitiwala sa kanya?Sabi nila lahat ng nangyari sa atin, ang mga sakit na natanggap natin ay may rason kung bakit nangyari sa atin ito, pero sa sitwasyon ko ngayon hindi ko makikita ang rason.Anong rason kung bakit ako nasaktan? para mas lalo akong masaktan dahil sa paghihiway namin ni Zey?Inaalala ko lahat ang nangyari sa araw na to habang tumutulo ang luha ko.Simula sa pag gising ko na akala ko, ang boyfriend ko ang katabi, pero hindi pala. Ito ang unang malas na nangyari sa akin sa araw na to.Pangalawa, ang pagpunta ko sa probinsya at nakilala ko ang asawa ng taxi driver at anak nito na si Cathline, ito lang ata ang maganda sa nangyari sa akin ngayon lalo na sa sinabi ni Cathline na nagpapagaan sa loob ko.Pangatlo, ang nakita kong kumalat ang mga picture at videos ko kasama ang lalaki sa isang kama at parehong walang saplot sa katawan. Pagkatapos kong magsaya kasama ang pamilya ni Cathline agad rin nawala pagbalik ko sa Manila.Pang-apat, ang nakita ko si papa na sinaktan si mama at sinabihan kami ng malandi at ang pinaka ka worst, ang sinabi ni papa na hindi niya ako anak. Makakalimutan ko lahat ang sakit na nangyari sa akin ngayon, pero ang sinabi ni papa ay hinding hindi ko makakalimutan.Last, ang paghihiwalay namin ni Zey, ang galit niya sa akin na kailangan kong tanggapin, ang mura niya at ang sinabi niyang sinungaling ako, ang pandidiri niya sa akin, lahat kailangan kong tanggapin.Pinahid ko ang mga luha ko sa mga mata ko, bukas tatayo ako at magtrabaho bukas ako, si Lyra Shen Cortez ang walang pakialam sa mga sasabihin ng ibang tao.Si mama nalang ang natira sa akin ngayon.Dumaan ang isang buwan when my life changed in one minute pero hanggang ngayon lasang lasa ko parin ang mapait na karanasan na yun. My friend Vina never tumawag sa akin like, I'm hoping, she says sorry for the failed preparation like, I'm still expecting that she's my friend at hindi niya magagawa yun sa akin.I'm expecting because when the time goes by, she really did it to me and I'm hurting thinking about what she did to destroy me to get what she wanted. Maybe she wants Zey for herself that's why she destroyed me to get him for herself.I always said na kalimutan na lang si Vina, kalimutan nalang ang nangyari kasi tapos na ang lahat at kailangan kong lumaban para sa amin ni mama, para lalayo na sa lugar na to, pero paano ko makakalimutan kong ang mga tao sa paligid ko at pilit pinaalala ang pagkakamali ko, kung hindi lang para kay mama matagal na akong tumigil sa pagtrabaho, baka nga matagal ko ng tinapos ang buhay ko.Ngayon pumasok ako sa trabaho, napuyat ako kahapon kasi marami silang binigay na trabaho sa akin na deadline ngayong ayaw at ngayon nakita ko na naman ang maraming papel na nasa table ko para trabahuin na naman ito.Isang buwan na akong nagtiis sa treatment ng mga tao dito at wala akong karapatang mag reklamo dahil trabaho ko ito kahit sobra sobra na tong ginawa nila sa akin.Sa ganitong treatment nila hindi ko maiwasan isipin na isa ito sa mga nagawa ni Vina sa akin. Ang pagbabago sa buhay ko, isa sa mga kagagawan niya at hindi ko alam kong saan magsisimula basta nagpatuloy lang ako sa buhay at bahala na kung saan ako pupulutin nito.Hindi pa ako tuluyan makaupo sa upuan tumakbo na agad ako sa cr dahil nasusuka na naman ako. I hate this feeling, tatlong araw ko na itong naramdaman at minsan nakaramdam rin ako ng hilo dahil sa palagi kong pag overtime sa trabaho madalas12:00 sa madaling araw na ako makakauwi kaya ganito ang resulta ngayon.Ayaw ata ng katawan ko ang kinain ko sa tatlong araw dahil sa pagsusuka ko sa umaga, hindi ko na naman ito maramdaman sa nagdaang araw pero iba ngayon masama talaga ang pakiramdam ko, nahihilo at gusto nalang humiga sa kama buong araw.Makakasakit pa yata ako."Anong nangyari Ms. Cortez?" rinig kong tanong ng manager namin sa likod ko, napaayos ako ng tayo kahit gusto pang sumuka pero pinigilan ko ito."May nakain lang na masama ma'am," sagot ko agad dito.. tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at balik sa mukha ko."Ayusin mo ang sarili mo at magsimula ka ng magtrabaho," sabi niya at lumabas ng cr, sumuka agad ako pagkalabas niya, halos ilang minuto akong sumuka dun puro laway lang ang lumabas.Nag bulongan ang lahat ng pumasok ang mama ni Lyra. Nanlaki ang mata ko at agad ko itong sinalubong. Binaba ko muna si Ville bago ko ito pinuntahan."Tita, okay lang ba kayo?" nag-alaang tanong ko. Natawa siya at tinapik ako sa balikat."Okay lang ako hijo. Nakatawang pakinggan mas malakas pa ang lola mo kaysa sa akin," biro niya. Ngumiti ako sa kanya."Malakas ka pa rin naman tita," nakangiting sabi ko. Tumango siya at sumulyap kay Ville ma lumapit sa amin."Hi lola," masayang bati nito sa kaharap ko. Binati naman ito ni tita at tumingin sa akin."Kailangan kong maging malakas para makasama ko pa ng matagal ang apo ko," nakangiting sabi niya habang hinaplos ang mukha ni Ville bago humarap sa maraming tao."Tita hindi ka ba natakot na baka makita ka ng asawa mo?" nag alinlangan kong tanong. Ngumiti siyang bumaling sa akin."Sa mga sinabi niyo kanina alam kong hindi na siya mang gugulo pa sa akin," mahinahong sabi niya. Taka naman akong tumingin sa kanya."Anong ibig mong sabihin tita?
Pagkatapos ni Ville magsalita nagulat ako ng pumasok rin si lola. Bakit sila nandito? nakatingin ako sa likod na lola para tingnan kong nadun ba si Lyra pero walang sumunod sa kanya. Ngayon si lola na ulit ang nagsalita sa harap ng maraming tao. "Siguro alam niyo na na ako ang dahilan kung bakit naging married ang status ng apo ko eight years ago," nakangiting sabi ni lola. Parang wala siyang pinagsisihan. Kahit ako wala akong pinagsisihan, except noong nasaktan ko si Lyra."Noong nalaman kong buntis ang babae na nakasama ng apo ko noong gabing yun agad ako gumawa ng paraan para makasal sila kahit pa na ayaw nilang dalawa." Huminto si lola at tumingin sa mga tao."Ayaw kong magaya ang anak ni Mike sa mga nangyari sa kanya at alam kong ayaw rin ni Mike yun pero hindi pa niya inisip yun dahil hindi pa niya kilala si Lyra. Inisip kong makilala niya niya rin si Lyra at mamahalin niya rin. Tama nga ang hinala ko.""Masaya ako dahil nakita kong masaya ang apo ko. Sa kabila ng binigay ko sa
"Dahil sa galit at sakit sa nalaman ko gumawa ako ng paraan para makita niya na hindi lang siya ang pwedeng magluko sa amin dalawa. Nakita niya na may babae akong dinala sa bahay namin kaya nakapag desisyon siyang umalis.""Noong isang taon na siya sa ibang bansa doon ko nalaman na may anak kami kaya mas lalo akong nagalit at gusto kong puntahan siya pero pinigilan nila ako dahil baka lalayo lalo si Lyra sa akin. Natakot rin ako na baka hindi ko na sila makita ulit. Nahihiya rin ako dahil pinaramdam ko kay Lyra na mahal ko siya dahil lang sa anak namin.""Noong isang araw bumalik siya at nabalitaan agad ito ng lahat. Maraming nagtaka dahil marami akong naging girlfriend pero iyung mga girlfriend ko palabas lang yun at alam nila iyun. Palabas lang dahil inisip ko baka mag selos pa si Lyra pag ginawa ko iyun at maisipang uuwi para makipagbalikan sa akin.""Yan ang buong kwento at ayaw ko ng makarinig ulit ng ibang salita tungkol sa mag-ina ko. Magkahiwalay kami ng walong taon at hindi k
Pagkatapos naming mag-usap ni lola umakyat ako para magbihis at bumaba rin agad para maghanda na ng hapunan. Marami akong tinagawan para sa gagawin kong announcement at sa pag compirma sa mga kumalat ngayon sa social media. Maraming bumalik sa video na kumalat dati kaya ngayon lilinawin ko na sa kanila lahat. KINABUKASANNaghanda na ako para sa press conference ko mamaya. Sasabihin ko na ang totoo. Kung dati hindi ko sinabi ang totoo, ngayon sasabihin ko na. Alam kong wala na silang magagawa lalo na't naging matatag na kami ni Lyra ngayon dahil sa nangyari.Gustong sumama sa akin si Ville pero hindi ko muna siya hinayaan baka kung anong mangyari sa kanila doon. Next time siguro, ipaliwanag ko muna sa kanila ang lahat. Nagulat lahat lalo na ang balita ay may anak ako sa asawa ko. Maraming nagtaka dahil maraming balita na may girlfriend ako. Hindi nila alam ang dahilan, ngayon ang oras para maghingi ako ng sorry sa lahat dahil sa pagsisinungaling ko.Pumasok ako kung saan maramibg came
"Yehey! you did it dad!" masayang sigaw niya. Natawa ako sa kanya. Tsaka naman lumapit sa amin si Lyra."Anong you did it?" taas kilay na tanong ni Lyra sa anak. Kunwari hindi alam ang sinabi ni Ville."You're engaged!" masayang sabi ni Ville."We've been married for many years Ville," nakangising sabi naman ni Lyra sa anak. Tumango naman ako sa anak namin. Kahit nagkalayo kami hindi mawala sa amin na kasal pa kami. Iyun ang pinaghawakan ko na hindi siya makahanap ng iba hanggat kasal pa kaming dalawa kahit nasa malayo kami.Aware ako na nakikinig ang empleyado ko sa pinag-usapan naming tatlo, alam kong may nagtaka, nagulat o mga nalito pero sasagutin ko ang mga taong nilang yan.. ibalita ko sa buong mundo na papakasalan ko ulit si Lyra.Ngayon umuwi na kaming tatlo sa mansyon ni lola, gusto ko sanang sa bahay na kami pero hindi pa kami nakapagpaalam ng maayos sa lola ko. Ayaw rin siyang iwan ni Ville."Lola, ikakasal ulit sila mommy at daddy!" masayang balita ni Ville. Nagulat naman
Nagulat ako ng may nilabas nga siyang singsing sa akin at nilagay niya iyun sa daliri ko."Set up ba to?" natatawang tanong ko. "Bakit?" nakangiting tanong niya."Handang handa ka eh," sabi ko at tiningnan ang pintuan. "Parang pinagusapan niyo na ito ng anak mo," natatawang dagdag ko."Gusto na niyang mag-kaayos tayo," mahinahong sabi niya."Pati ba yung babae planado rin?" taas kilay kong tanong. Umiling naman siya. So totoo talaga yung nangyari."Galit siya," seryosong sabi ko. Galit rin si Vina sa akin nun. "Natatakot ako na baka siya naman ang maging dahilan ng lahat," bulong ko na narinig niya naman."Hindi na ulit mangyayari yun sa atin.. alam ko dahil natuto na tayo sa unang pagkakamali natin," mahinahong sabi niya. "Hindi na rin ako papayag na may masamang mangyari sa inyo ng anak natin, hanggat kaya ko protektahan ko kayo," dagdag niya. Tumango ako sa kanya at ngumiti.Nasaktan na kami, nagkahiwalay kaya ngayong bumalik siya sa buhay ko alam kong hindi na ako gagawa ng bagay