Wala pong update kagabi dahil pagod sobra si Author. so ayon, bawi nalang me now.
Nang sumunod na umaga, maganang kumain ng almusal si Athalia at Niccolò kasama ang kanilang Lola Gretchen at Lolo Rene.Kahit pa pagod sa flight, nagising pa rin ng maaga si Ysabela kaya isang mag-anak sila sa hapag-kainan.Nasa magkabilang kabisera ang mag-asawang Ramos. Magkatabi naman si Ysabela at Athalia. Sa tapat nila ay si Greig at Niccolò.“You look like Papa Greig, Grandpa.” Usal ni Athalia, hindi mapigilan ang sarili na mapansin ang pagkakapareho ni Greig at Rene.“And you also look like Niccolò. But you're old.” Dagdag pa nito.“Athy.” Agap na saway ni Ysabela sa anak.Ngunit tumawa lamang si Rene. Kumikislap ang kaniyang mga mata sa tuwa na ganito kabibo ang kaniyang apo. Napuno ng maligayang tawa ng matandang Ramos ang dining area.“No, Ysabela. That’s fine.” He assured her.Mapagpaumahin na ngumiti si Ysabela kay Mr. Ramos. Ayaw niyang ma-offend ito sa sinabi ng apo, ngunit mukhang hindi naman ito apektado sa pagiging matabil ni Athalia.Bagkus, natutuwa pa.“What Athali
“How about our marriage? Did you check on it?” Tanong ni Greig sa abogado.“Yes, Mr. Ramos. Well, we will not have any issues with that.” Sabi ni Atty. Reinella.Ngumiti ito at saka tinapik muli ang folder.“Your marriage certificate is already in this folder. Nailagay at nalinis na namin iyon. Ysabela Ledesma-Ramos is the only legal wife of you, Mr. Greig Ramos.”Umawang ang labi ni Ysabela. Kumunot bahagya ang kaniyang noo at hindi makapaniwala sa kaniyang narinig.She shifted on her seat uncomfortably. Hindi niya alam ang mararamdaman. Hindi rin siya sigurado sa kaniyang narinig, baka pinaglalaruan lamang siya ng kaniyang pagdinig.“Ibigsabihin walang bisa ang kasal nila ni Natasha?” Tanong niya.Umiling si Atty. Reinella.“Walang bisa ang naging kasal nila, especially that you were already married to him. Kahit na mayroong batas na nagsasabi na maaari na ulit magpakasal ang isang lalaki pagkatapos ng limang taon niyang pagkabalo, ay hindi pa rin maaaring maging legal na asawa si N
Umismid si Greig. Inilagay nito ang braso sa likod ng upuan ni Ysabela at bahagyang hinaplos ang braso ng babae. “Reinella? First name basis na pala talaga kayo.” Hindi pa rin tumigil si Greig sa pang-aasar. “Teka, hindi ba’t kasal na dapat si Archie?” Inosinteng tanong ni Ysabela nang biglang maalala na engaged na ito bago pa sila maghiwalay ni Greig. Kumunot ang kaniyang noo at palipat-lipat ang tingin sa dalawa. Nakita niyang natigilan si Archie, samantalang may malokong ngiti ang gumuhit sa labi ni Greig. Huminga ng malalim si Archie, ibinuka nito ang bibig ngunit hindi rin natuloy ang sasabihin. Tumawa si Greig saka ito humarap sa kaniya. “Let's not ask him that.” Mahina nitong bulong sa kaniya. Bakit? Tanong ng isip ni Ysabela. Mas lalo tuloy siyang naging kuryuso sa lalaki. “Wait… how about Yvonne? Where's Yvonne?” Bigla niyang tanong nang maalala ang matalik na kaibigan. Alam na alam niya kung gaano nasaktan si Yvonne sa pagkaka-enggage bigla ni Archie sa
Hindi halos namalayan ni Ysabela na nakatulog pala siya sa sasakyan ni Greig. Pagod na pagod ang kaniyang katawan at ang kaniyang mga mata.Hindi siya kailanman umiyak ng ganito kalakas at katagal sa tanang buhay niya. Pagkatapos nila sa mausoleum na para kay Yvonne, dumiretso sila sa libingan ng kaniyang Lola.Akala niya ay naiyak na niya lahat, pero nang makita ang lumang litrato ng kaniyang Lola na nakaukit malapit sa lapida nito, muli na naman siyang humagulhol.Limang taon din halos ang itinagal bago niya tuluyang nalaman na wala na talaga ang nag-iisa niyang pamilya. Kagaya sa libingan ni Yvonne, ramdam ni Ysabela ang bigat ng kaniyang dibdib nang makita ang libingan ng kaniyang mahal na Lola.Puno ng pagsisisi ang kaniyang puso. Wala siya sa tabi nito nang malagutan ito ng hininga. Hindi niya man lang nasabi ng personal kung gaano niya ito kamahal at kung gaano siya nagpapasalamat na inalagaan at minahal siya nito na parang isang tunay na anak.Dumating sila sa mansyon, hindi p
Alam ni Greig na nagkakahalaga ng milyones ang mausoleum na pinagawa ni Archie para kay Yvonne. Ang linings na ginto sa libingan nito ay totoong ginto. Kahit ang gate na kulay ginto ay totoong ginto rin.Marami ang pwedeng magkainteres na sirain at nakawin ang mga muwebles at ginto sa mausoleum. Baka iyon ang pinoproblema ni Archie.Pagkatapos ng kanilang usapan ni Archie, tinawagan naman niya ang numero ng kaniyang ina.“Mom.” Tawag niya nang sagutin nito ang tawag.“Greig, oh, hi. Nakauwi na kayo? Pasensya na, dinala na namin si Athalia at Niccolò sa mall. They’re so excited. Ito nga at tuwang-tuwa sila sa arcade.” Masayang balita ni Gretchen.“Mom, alam mong maraming tao sa mall. We’re not sure if it’s safe there.”“Ano ka ba? Huwag ka mag-alala. May mga kasama kaming bodyguards, at hindi naman matao sa arcade! Si Athalia at si Niccolò lang ang narito.”“Ano?” Naguguluhan niyang tanong.“Binayaran ng Daddy mo ang buong arcade para kay Athalia at Niccolò.” Simple nitong sabi.Umawan
Sandaling nakaramdam ng awa si Archie para sa kaniyang sarili. Nilingon niya ang malamig na libingan ni Yvonne at parang paulit-ulit na sinas*ks*k ang kaniyang dibdib. Who would have thought that Greig could still have Ysabela? And now… Patrick is making his way to win his family. T*ng*n* may anak na rin pala si Patrick. Sinabi niyang nasa mausoleum siya at kung gustong makuha ang card ng kaniyang condo ay pumunta ito sa kaniya. “Five minutes.” Sagot nito saka ibinaba ang tawag. Napapailing siya sa kaniyang sarili. Gusto niyang matawa at maiyak na rin. Kagaya ng sabi ni Patrick, limang minuto lang ay nakarating ito agad sa sementeryo at dumiretso sa mausoleum ni Yvonne. “Where’s the key?” Tanong agad ng lalaki. Nagtaas ng kilay si Archie, dahan-dahan siyang tumayo. “Nasa kotse ang wallet ko.” Aniya. Naglakad siya at lumabas. Sumunod naman agad si Patrick. “Dito ka na naman matutulog?” Tanong ni Patrick. Sinulyapan niya saglit ang lalaki at mapait na ngumiti. “Bakit? Sasam
Isinugod sa ospital si Ada, Rumulo Entrata, at Natasha. Ang ilang tauhan ni Rumulo ay nasawi sa nangyaring engkwentro, samantalang may ilan naman na umabot pa sa ospital at naagapan ng mga doktor.Nabalita sa media ang nangyari. Pumutok agad ang balita tungkol sa ginawang pagtago ni Rumulo kay Ada, at sa pagpapahirap nito upang hindi tumestigo laban kay Natasha.Kinabukasan, kahit mayroon pang benda sa kamay at sa paa, humarap pa rin sa press conference si Ada para sumagot sa ilang katanungan ng media. Upang ilahad na rin ang katotohanan na alam niya.Si Ysabela, Greig at Archie ay nasa likod lamang ng mga reporter. Pinagmamasdan nila si Ada na dumugin ng mga tanong mula sa mga news team.“Ano ang ugnayan mo sa mga Entrata?”“Totoo ba na si Natasha ang ulo sa pagkadukot at pagkamatay noon ni Ysabela Ledesma na asawa ni Greig Ramos?”“Ano ang alam mo sa nangyaring murder case sa Iloilo kung saan ang mga kasamahan ni Teresa ay nasawi?”Halata sa mukha ni Ada ang pagiging kabado. Kasama
Hindi na natukoy ni Ada kung sino ang nagtanong, pero tumango na lamang siya bilang tugon.“Because that’s the only way to win Greig back. Alam namin na… na b-buntis si Ysabela.” Nanginig ang boses ni Ada.Samantalang mas lalong lumamig ang loob ni Ysabela. Nangalit ang kaniyang mga ngipin.Alam na talaga noon pa ni Natasha na nagdadalang-tao siya, ngunit hindi man lang ito naawa sa batang dinadala niya.Para kay Natasha, sagabal lamang siya at ang kaniyang dinadala kaya dapat silang dispatsahin.Hindi niya alam ang kaniyang mararamdaman, para siyang ibinabalik sa panahon na lumalaban siya para lang mabuhay.Pumatak ang malalaking butil ng luha ni Ada. Nanginginig ang kaniyang kamay.“Kaya naisip kong… ipakidnap nalang namin si Ysabela. A-ako ang nakaisip no'n. Sinang-ayunan lang ni Natasha.” Amin niya.Bumuhos ang mga luha ni Ada. Humikbi siya, hindi na kayang pigilan na lamunin siya ng kaniyang konsensya.“H-hindi ko kayang makita nalang si Natasha na nasasaktan. Sabay kaming lumaki
Hindi siya nakatanggap ng imbitasyon, sapat na iyon para malaman niya na hindi siya gustong imbitahan ni Damian Galvez sa kaarawan nito. Nitong lumipas na mga taon, nagkakaroon naman sila ng kaunting interaksyon ni Architect Damian Galvez. Nakakameeting niya rin ang ibang Galvezes. Ngunit hindi gaanong maganda ang relasyon niya sa kanila. Tila mahirap na magkaroon ng malapit na koneksyon sa pamilyang Galvez. Ang totoo niyan, hindi niya rin gusto na magkaroon ng koneksyon sa mga Galvez dahil nagpupukos na siya ngayon sa pagpapalawak ng kaniyang negosyo sa labas ng bansa. Kaya hindi na niya kailangan ng koneksyon sa mga negosyanteng lokal. May negosyo rin naman ang mga Galvez sa ibang bansa, ngunit hindi kagaya niya na mas malawak ang negosyo sa labas ng Pilipinas. "Good evening, Atty." Bati ng isang lalaking miyembro ng security team. Inilahad ni Reinella ang hawak nitong invitation card at ngumiti ng matamis. "Here's my invitation card. Do I still need to show you my ID?
Litong-lito na si Archie. Iba ang nakukuha niyang impormasyon sa impormasyon na gusto niyang matanggap. Kaya nang dumating na ang kaarawan ni Damian Galvez ay hindi na siya nag-atubiling dumalo sa selebrasyon para makakuha ng iba pang impormasyon tungkol sa nobya ni Rizzo Galvez. Kung dadalo siya sa birthday party ni Damian Galvez ay mas malaki ang tyansa na may makalap siyang impormasyon na makakatulong sa kaniya na mapag-aralan ng mabuti ang katauhan ni Anais Acosta. Sa tuwing naiisip niya na kamukhang-kamukha ng nobya ni Rizzo si Yvonne ay naaalala niya palagi na naging magkasintahan noon si Yvonne at si Rizzo. Posible na hanggang ngayon ay hindi pa rin makalimut si Rizzo kay Yvonne... kagaya niya. Baka nabaliw na rin ito kay Yvonne, kaya ngayon na may natagpuang babae na kamukha ni Yvonne ay pakakasalan nito agad. Hindi lingid sa kaniyang kaalaman na papalit-palit ng babae ang mga Galvez. Habulin ng mga babae ang mga lalaking Galvez kahit na kasal na ang iba. Kaya para magpa
Gabi na nang makauwi si Archie mula sa hospital. Hindi man lang siya nakapagpahinga sa paghahanap ng kasagutan sa mga tanong niya. Ngunit ayon sa nakuha niyang impormasyon, lihitimong anak ni Rizzo ang batang naospital. Anak nito si Coleen sa pagkabinata. Sa Pilipinas ipinanganak ang batang babae, ngunit sa ibang bansa pinalaki. Maliban sa mga impormasyong iyon ay wala na siyang nakuhang iba pa. Hindi na rin nakapagbigay ng impormasyon sa kaniya si Patrick dahil iyon lang din ang laman ng database ng ospital. Binuksan niya ang kaniyang computer pagkauwi galing sa ospital. Sa kaniyang opisina siya tumuloy para tingnan ang pinadalang email ng kaniyang assistant sa kaniya. May sarili siyang office sa kaniyang condo unit. Gusto niyang nakabukod lamang ang kaniyang opisina sa kaniyang kuwarto para maging productive pa rin siya kahit na nasa condo lamang siya. Buong araw yata siyang hindi nagpakita sa kompanya. Nasa ospital lamang siya maghapon, naghahanap ng mga bagay na makakatulong s
Nang manganak siya kay Akhil, bumalik si Yvonne sa pagthetheraphy. Hindi na ito umuuwi sa kanila dahil sa takot na baka masaktan nito si Akhil. Naniniwala ito na hindi ligtas ang kaniyang anak kapag mananatili si Yvonne sa kanilang puder. Pakiramdam palagi ni Yvonne ay magdudulot lamang siya ng panganib sa mga paslit. Kaya kahit sa malayo ay hindi nito matingnan si Akhil. Hindi nito kayang pakinggan ang tawa at iyak ng bata. Agad itong inaatake ng anxiety at parang nababalisa agad. Madalas ay nagkukulong ito sa kuwarto ar hindi na sa kanila nagpapakita. Nang hindi na nito makayanan ay nagpa-alam itong aalis muna para humingi ng tulong sa therapist nito. Nitong nakaraang buwan lang bumalik si Yvonne sa kanila. Hindi pa gaanong maayos ang babae kahit pa halos apat na buwan itong nawala para magtheraphy. Alam niyang malalim ang pinangggalingan nitong sakit kaya hindi niya pwedeng hayaan na lang mas lalong maexpose sa mas mahirap na sitwasyon ang kaniyang pinsan. "I know where yo
"You've already met him?" Tanong niya sa babae. Tumibok ng mabilis ang kaniyang puso at nanatiling malamig ang kaniyang palad. Hindi niya nakita si Archie sa labas. Pero dahil sa sinabi nito, mas lalo siyang naging kabado. Natahimik saglit ang babae. Hindi ito sumagot, ngunit ramdam niya na hindi na niya kailangan na marinig mula sa labi nito ang kasagutan sa kaniyang tanong. Nagkita na nga ang dalawa. "You know that this would happen, right?" Marahan niyang tanong. Huminga ng malalim si Anais bago pagod na pumikit. Umangat ang dibdib nito nang humugot ng malalim na hininga. "I know." Sagot nito pagkaraan. "But I couldn't let my fear control me, Agy." Mahina nitong sambit, tila nabibigatan. "For the past five years, I tried my best to overcome everything that once held me back. Ang tagal kong nagtago. Ang tagal kong natakot." Huminga na naman ito ng malalim. "But I was able to face him without showing much of my fear. I was able to fake my reaction when I saw him." Bumalin
Marahan siyang umiling. Alam niyang mabigat na naman ang loob nito. Ayaw niyang maramdaman muli ng babae ang parehong sakit na naramdaman nito noon, kaya hinaplos niya ng magaan ang likod ng palad nito bago maliit na ngumiti."I know how you feel now. Alam kong nag-aalala ka ng husto kay Coleen, but everything's fine now. Maayos na si Coleen, wala ka nang dapat na ipag-alala."Tumitig siya ng mabuti sa mga mata ni Anais. Gusto niyang makita nito ang sensiridad niya.Kung maaari lamang na pawiin ang lungkot at pagsisisi sa puso nito ay gagawin niya. Ngunit alam niya na kahit anong subok niya, hindi niya iyon magagawa, dahil tanging ito lamang ang mag kakayahan na gawin iyon. Si Anais lamang ang may kakayahan na itaboy ang lungkot sa puso nito at gamutin ang mahapding sugat na dala ng pagsisisi."And a failure doesn't define you as a person. It doesn't define you as a mother. Because motherhood is not a perfect thing. Kahit ako, I'm still learning how to take care of Akhil. May mga pagk
Samantalang kabado si Agatha nang makarating sa pasilyo ng private pediatric ward. Sa elevator pa lang ay hindi na siya mapakali kaya nagmamadali niyang tinahak ang pridadong silid ni Coleen .Naabutan niyang nasa labas si Rizzo at may kausap sa telepono.Nakita niyang tensyunado ang lalaki at mukhang hindi komportable sa taong kausap nito. Hinilot ng lalaki ang sintido bago bumuga ng hangin.Hindi man lang nito napansin ang kaniyang presensya."Dad, I know it's an important meeting. Pero hindi ko naman pwedeng pabayaan na lang ang anak ko. Coleen has a severe allergy reaction. She needs me now. I don't care about anything else, I just want to make sure that my daughter is safe."Saglit na natahimik si Rizzo, tila pinapakinggan ang sinasabi ng taong nasa kabilang linya."It's not her fault, Dad." Matigas na tugon nito pagkaraan."It's not her carelessness or my daughter's recklessness that caused this. Coleen is fond with furred animals, while Anais is unaware about Coleen's allergy w
Nang mawala sa kaniyang paningin si Agatha ay saka lamang siya bumalik sa kasalungat na pasilyo kung saan naghihintay si Archie sa impormasyon na ibibigay niya. Mabagal ang bawat niyang hakbang habang inaalala ang tensyunadong ekspresyon ng mukha ni Agatha.Bakit nga ba magiging tensyunado si Agatha?Wala naman siguro siyang nagawang kasalanan? Bulong niya sa hangin. Muli niyang naabutan si Archie na tulalang nakaupo sa bench. Malayo ang tingin nito at walang partikular na bagay na tinitingnan. Halatang malalim ang iniisip nito. Pagkalapit sa kaibigan ay naupo na siya sa katabing upuan nito. "The patient's name is Malia Coleen." Panimula niya para makuha ang atensyon ni Archie. At kagaya ng kaniyang inaasahan, mula sa pagkatulala, ay napaangat ito ng tingin sa kaniya. Napansin din sa wakas ang kaniyang presensya, at tila ngayon pa lamang naputol ang sumpa nito na matulala sa kawalan. "Malia Coleen Javier Galvez is her fulle name. She's still young. Her biological father is Riz
Pagkatapos na makuha ang impormasyon ng pasyente ay lumabas si Patrick para kausapin muli si Archie. Sigurado siya na hindi aalis ang kaniyang kaibigan hangga't hindi nito nakukuha ang gusto.At alam niya kung gaano kadesperado sa impormasyon ngayon si Archie.Alam niya ang pakiramdam nito ngayon. Dahil kagaya ni Archie, hindi rin siya mapakali noon nang malaman niyang may anak si Suzzane.Alam niyang kung may anak ito ay malaki ang tyansa na kaniya ang batang iyon.Ngunit kahit gaano kadesperado ang kaniyang kaibigan na makilala ang batang pasyente ay hindi niya maaaring hayaan na lamang itong gawin kung ano ang maisipan nitong gawin. Istrikto ang ospital. Malaking bagay ang privacy ng mga pasyente sa ospital na ito.Kaya kung papasok ito sa isang pribadong silid para lamang makita ang pasyente nang walang pahintulot mula sa pasyente o sa pamilya ng pasyenteng ay magdudulot lamang ng malaking gulo.Pabalik na siya sa upuan kung saan naghihintay si Archie, nang bigla siyang matigilan