ALAM agad ni Fanny na may mali kaya inihanda na niya ang sarili habang nakasunod sa boss.
Ngayon lang niya nakita si Goddy Vasquez pero kung pagbabasehan sa tingin ng boss ay magkakilala ang mga ito.
“Who hired him?”
“Galing po siya sa main. Today pa lang po ang interview na pinost ng HR.”
Matagal na natigilan ang boss kaya napaisip siya.
“Call Kalei. Now.” Sabay upo nito sa swivel chair nito. Sapo nito ang ulo nito. Hinilot din nito. At ang bibig nito ay naglalabas lang naman ng mura na ito lang ang nakakarinig.
“Fanny! What are you waiting for?” sigaw nito.
“Sorry, Ma’am.” Sabay talima ni Fanny palabas.
Pagbalik ng secretary ay may dala itong wireless phone at nakahanda nang iabot sa kanya.
Tumingin si Halina saglit kay Fanny at kinuha ang hawak nitong phone.
“You’re done here, Fanny.” Sabay paikot nito ng upuan kaya nagmadali ulit palabas si Fanny.
Nang marinig ni Halina ang pagsara ng pintuan ng opisina ay saka siya humarap sa mesa niya at tinapat ang telepono sa tainga.
“Bring Goddy back at your company,” deretsong sabi ni Halina. Hindi na nito hinahayaang bumati ang kapatid.
Hindi pa niya ito narinig magsalita pero alam niyang nasa kabilang linya ito. Hindi naman iyon ibibigay ni Fanny kung wala ito roon, na naghihintay.
“What? Bakit nandyan siya?” Napaikot ng mata si Halina sa narini.
Is he playing with her?
“Maang-maangan lang, Kalei?”
“My God, Halina. Malay ko. Hindi ko nga alam na dito siya galing. Kung ‘di pa sinabi ni Fanny ang pangalan, hindi ko malalaman kung ano ikina-badtrip mo.”
“Seriously? Ano ‘yon, hindi mo man lang kinikilala mga empleyado mo?” Saglit na nawala ang kapatid sa kabilang linya.
“I’m telling the truth, Halina.”
“Okay. Pakisabi sa driver niyo, sunduin na rito si Goddy. Kapag hindi mo siya pinalipat, ako ang maghahanap ng panibagong Illustrator ko. Tatanggalin ko siya rito kung ayaw mong pabalikin dyan.”
“I’m sorry pero hindi mo pwedeng tanggalin ang mga nanggaling dito. Lalo na kung galing sa design team. May dalawa kaming tauhan na nandyan na sinulot lang sa kabila, kaya ‘wag mo akong tatawagan kung tungkol sa pagpapatanggal. May contract kami na sinusunod sa kanila. At hindi lang ako ang magdedesisyon niyan. Alam mo ‘yan.”
Napapikit siya. Right. May mga pinsan din siya na kailangan ng boto kaya mahirap. Pero kung dito na-hire ito, baka hindi na ito makakabalik dito bukas.
“Then palitan mo siya. I want him out of my company now,” giit pa rin niya.
“I can’t. Ang magandang gawin mo na lang, maging professional sa harap niya. Masyado kang ovbious sa inaasta mo.” Sabay patay ng kapatid ng linya kaya naitapon na lang niya ang telepono sa sobrang galit.
Kinuha nia ang intercom at tinawagan si Fanny na pumasok. Sinabihan niyang ito mismo ang mag-interview mamaya sa mga aplikante.
Kung ayaw pabalikin ni Kalei, then mag-hire siya ng tao niya. ‘Yong taong komportable siya katrabaho. Gusto niyang maging maayos ang araw niya.
Dahil gusto niyang maging maayos ang makakasama niya ay siya ang nag-interview sa aplikante nila. Pamilyadong babae ang pinili niya. Masipag ito dahil ayon dito. After ng trabaho nito sa office ay may part time pa pala ito sa bahay nito. Mukhang matindi ang pangangailangan kaya sigurado siyang masipag ito. Naiintindihan naman nito kung ano ang mga ayaw at gusto niya kaya tinanggap niya ang aplikante na si Olivia.
SAMANTALA, tatlong oras na si Goddy sa opisina niya subalit wala pa rin siyang ginagawa. Lumabas na siya para magtanong pero ang sabi, antayin lang daw niya. Actually, pangalawang araw na ito na wala siyang gawa.
Nang mga sandaling iyon, tumayo na si Goddy para puntahan ang opisina ni Halina. Alam niyang dahil sa pagdating niya kaya nagalit ang boss.
Hindi pa man siya nakakapasoo sa department nila Halina nang makita si Fanny.
“Miss Fanny, ilang oras na po pero wala pa ring task na naka-assign sa akin,” pagtatapat niya.
Sa klase ng trabaho nila, hindi pwedeng pagpasa-pasahan ang mga nasimulang design. Kailangang tapusin ng may gawa, unless hindi maarte ang boss nila. Pwedeng ipasa. Halos sa marketing department naman ay patapos na. May kani-kaniyang task din na hindi pwedeng kunin. Approved na raw kasi iyon. Wala siya nang mag-meeting ang mga ito kaya wala siyang ideya.
“Oh. Sige, sabihan ko na lang ang marketing. Baka may ipapagawa sila para sa promotion.”
Tumingin siya sa pintuan na sa tingin niya ay opisina ni Halina.
“Balita ko po may rush si Ma’am. Hindi—”
“Ipapalipat na lang kita sa Marketing dahil may nakuha na si Ma’am. Okay?” putol nito sa kanya.
Kumunot ang noo ni Goddy. Hindi ito ang napag-usapan nila ng pinalitan niya, marami raw laging pinapagawa si HH. Halos rush kaya nakakapagtaka lang.
Tumango na lang si Goddy. Bago siya tumalikod ay sumulyap siya sa pintuan na iyon.
Ang sabi ni Goddy sa sarili, kapag bukas ay paisa-isa ang gawa niya, pupuntahan na niya si Halina para komprontahin. Hindi siya nito dapat pine-personal.
May ginawa naman si Goddy that day. Dalawa lang. Saglit lang kasi sa kanya ang mga promotional designs. Mas gusto niya iyong may thrill.
Hindi naman siya pagod kaya pinauwi na niya nang maaga ang bantay. Siya na ang nag-asikaso sa kapatid hanggang sa pagtulog nito. Nabihisan naman ito kaya sinamahan niya lang sa kwarto nito. Nakatulog na nga ito sa panonood.
Sa sala nila siya tumambay. Tatlong kwarto ang bahay nila. Pero inuupahan lang nila ito sa mag-asawang nag-migrate na sa US. Sa halagang anim na libo lang niya ito nakuha. Wala na sila sa squater area na iyon dahil nagkaroon siya ng magandang trabaho. Unang work niya iyon. Isa siyang User experience(UX) designer doon pero nasulot siya ng Santillan Group of Companies. Mula sa 40k na sahod, naging 75k. Kaya nakakapag-ipon siya. Hindi pa niya alam noon na pag-aari iyon ng pamilya ni Halina, sa mother side nito. Kung hindi pa niya nakita ang pangalan at picture ng kakambal ng dalaga, hindi niya malalaman. Ang alam niya lang kasi ang Hernandez of Companies dahil higit na mas kilala ito. Ito kasi ang kalaban ng unang company na pinasukan niya. Hindi rin niya alam na si Halina ang nagma-manage ng subsidiary company ng SGC na A&K Couture.
Sobrang laki para sa kanilang tatlo ang bahay nila. Mas lalo ngayon dahil pinauwi niya ng Pangasinan ang ama para doon magpagaling. Inatake kasi ito sa puso at ilang beses ng na-stroke. Nag-request ito na doon muna kaua pinayagan niya. Naroon naman ang kapatid nito na siyang nagbabantay. Binabayaran na lang niya kada sahod. Kaya silang dalawa na lang ng kapatid ang natira dito.
Nang makita ang bill ng kuryente at tubig ay kinuha niya iyon. Binayaran niya iyon through online.
Napahilot si Goddy sa noo nang makita ang natitira sa savings niya. Malaki ang nagastos niya sa pagpapaopera ng paa ng kapatid kaya nanganganib ang budget nila sa mga susunod na buwan. Kaya hindi siya maaaring mawalan ng trabaho.
Third day ngayon ni Goddy sa kumpanya nila Halina. Talagang gagawin niya ang nasa isipan niya pras na wala siyang gagawing matino ngayon. Maganda naman na wala siyang gaanong gawa. Para hindi siya pagod pag-uwi, pero hindi niya deserve dahil sa dobleng pasahod ng mga ito. Nakakahiya.
Pagkapasok sa department nila ay pinuntahan niya ang isang kasamahan niyang nagbibigay sa kanya ng gagawin. Agad din naman niyang natapos kaya bakante na naman siya, hanggang sa dumating ang breaktime.
Saglit na bumaba siya sa canteen at umakyat na. Binili lang niya ang gustong kainin. At habang kumakain ng sandwich ay nag-iisip na siya.
Napatayo siya nang matanaw si Halina na papalapit. Alam niyang hindi siya ang sadya nito pero lumapit pa rin siya.
“May kailangan po kayo, Ma’am?” aniya.
Parang wala lang siya dahil nilagpasan siya nito. May hinanap ito. Pero nang marinig na nasa canteen ang hinahanap ay umalis din agad. At gaya kanina, hindi siya nito pinansin.
Bumalik ang sadya ni Halina. Sinabihan nilang hanap ito kaya nagmadali itong pumunta sa ipisina ni Halina. Mahigit limang minuto lang yata ang kasamahan niya. Bumalik itong badtrip dahil napagalitan umano ni Halina. May pinapa-sketch pala ito dito, at gamit nga ang illustrator. Nagalit daw si Halina nang sabihin ng kasamahan na hindi nito gamay ang application.
“Ako, kaya ko po. Ako na lang po ang pupunta.”
“Mabuti na lang at nandyan ka, Goddy. Hindi naman kasi talaga ako nag-sketch noon pa na gamit ang app na iyon. Kaya tinapat ko siya.”
“Akong bahala, ‘yan ang expertise ko rin, e.”
Napangiti siya sa loob-loob. Mukhang ito na ang paraan para makuha niya ang loob ni Halina. Para maging maayos ang pagtatrabaho niya rito.
Wala si Fanny nang pumunta siya kaya dumeretso siya katok sa opisina ni Halina. Pero mukhang hindi siya narinig. May umiiyak kasi sa loob niyon.
Si Fanny ba ang umiiyak?
Dahil bahagyang nakaawang ang pintuan, tinulak niya iyon, at hindi niya akalaing makukuha niya agad ang atensyon ng mga nasa loob.
Kita niya ang pagkunot ng noo ng dalaga.
“Sinong nagsabing itulak mo ‘yan basta-basta? Don’t you have manners?”
Hindi siya nakasagot. Hindi pala si Fanny ang umiiyak, kung hindi ang bagong hire ni Halina.
“I’m sorry, ma’am. Pero sabi po kasi may pinapagawa kayong sketch? Ako na lang po ang gagawa. Gamay na gamay ko po ang illustrator kaya mabilis ko po iyong magagawa.” Ginandahan pa niya ang ngiti pero wala siyang mabasang ekspresyon sa magandang mukha nito.
“Fanny, pakisamahan si Mr. Vásquez sa opisina niya. Naligaw yata,” ani ng dalaga.
Papaalisin siya nito. Iyon ang nais nito kaya humakbang siya papasok. Kailangang makausap na niya ito.
“Mr. Vásquez, tara na ho!” ani ni Fanny. Naroon ang takot sa mga mata nito. Marahil, hindi siya sumunod sa utos ng boss nito.
Hindi siya tumigil kaya sumigaw si Halina. “Stop right there! Damn it!”
“May gusto lang ho sana akong itanong bago lumabas, Ma’am.” Kahit na halata ang inis dito, hindi niya inalis ang ngiti.
“What is it?” Kita niya ang paglunok nito.
Tumingin siya kay Fanny saka sa babaeng tinanggap nito. “Okay lang po ba sa inyo na nandito sila? Ikaw din. Malalaman nila ang lahat,” aniya sa boss.
Matagal na tinitigan siya nito bago nagsalita.
“Labas muna, Fanny.” Tumingin ulit ito sa kanya. “Bilisan mo. Two minutes lang.”
“Ten minutes,” aniya.
“You have no right to demand!”
“Meron ho. Kahit basahin niyo po sa contract na pinirmahan ko sa SGC.”
“Ugh! Five minutes!” Kasunod niyon ang paghilot nito ng noo.
Sumilay ang magandang ngiti sa labi niya bilang pagsang-ayon dito. Hinintay niya munang isara ni Fanny bago tumingin sa bagong boss.
In fairness, maganda pa rin si Halina kahit na nagsusungit. Dahil sa nakaraan nila kaya ito ganito sa kanya kaya nauunawaan niya ito. Pero hindi ba pwedeng kalimutan na iyon? Maging professional sana ito.
Hanggang saan kaya ang inis ni Halina?
NAKA-OFF ang cellphone ni Halina habang nasa himpapawid sila. Hindi niya alam na tawag nang tawag si Goddy sa kanya. Kaya nang makausap niya ito nang hapon ng alas kuwatro, halata ang iritasyon sa boses nito.“Nag-usap naman tayo kagabi, a,” aniya rito.Nasa likod siya noon ng bahay nila. Siniguro pa niyang walang nakikinig.“Wow. Kagabi? Sa pagkakaalala ko, naputol ang linya at wala nang kasunod na sagot galing sa ‘yo.”Napalabi siya. Umalis siya kagabi saglit para bumili ng gamot ni Troy. Nahilo raw kasi ito noong last na sakay nito ng helicopter kaya binilhan niya pa ng gamot na akma sa edad nito.“Sorry na,” masuyong sabi niya.“I love you.”Hindi niya inaasahan ang sasabihin nito kaya nanahimik siya.“Kahit I miss you na sagot, wala?” anito sa kabilang linya.“G-Goddy…” Bigla siyang napatingin sa likuran dahil baka may nakakarinig sa kanya.“Balik ka na kaya?” Hindi na naman siya nakasagot.“W-wala ako sa amin, e.”“Oh.” Halatang dismayado ito sa sinabi niya. “Nasaan ka ngayon?”
HINDI maiwasang mainis ni Halina. Kasi naman, hanggang sa hapag, dala-dala ng ina ang topic hanggang sa malaman na lahat ng mga bisita nito.“Mom,” “Sige na kasi. Ipakilala mo na siya. Nang makilatis namin,” ani ng kapatid na si Kalei.Napalabi siya sa sinabi nito. Paano ba niya sasabihin, e, si Goddy lang naman ang may gawa nito. Yari ito sa kanya mamaya. Bakit kasi kailangang gawin ito sa kanya? Para ano? Markahan?“Next time na lang po. Pwede?” aniya na lanmg para tumigil na ang mga ito.Dahil sa kompirmasyon niya, lalong naging maingay ang hapag. Napapailing na lang siya sa mga ito. Akala niya, dinner lang ang gagawin kasi walang sinabi ang ina na tuloy sila sa Caramoan. Pero bago siya umakyat para patulugin ang anak, sinabi ng ina na maghanda na siya para sa mga dadalhin bukas. Mabuti na lang at alas diyes ang alis nila. May panahon pa siya para mag-ayos.Tinulungan niya ang anak sa pagligo nito. Pero pagdating sa damit, ito na ang nagsuot dahil marunong na nga raw. Kaya inayos
NAKANGITING pinagmamasdan ni Halina si Goddy na noo’y nag-iihaw ng uulamin nila. Isda, porkchop at mga gulay gaya ng talong at okra ang mga uulamin nila.Pangatlong araw na nila ngayon dito. Para sa kanya, ang bilis lang ng araw. Bukas, babalik na sila. Napaaga dahil kailangan niyang umalis papuntang Manila bukas ng gabi dahil kaarawan ng inang si Ayeisha. Hindi siya pwedeng mawala. Saka na-miss na niya ang pamilya niy— lalo na ang anak.Nakangiting lumapit si Goddy sa kanya kapagkuwan. Hindi siya nangimi, gumanti siya nang halik dito nang bigla siyang siiilin nito.“Nanghahalik ka na lang basta-basta,” aniya nang bumitaw ito sa pagkakahinang ng kanilang labi.“Kanina kapa nakatingin sa akin, e,” natatawang sambit nito.“Kailangan mo ba nang tulong?”“Hindi nga po. Gusto ko pong maupo ka lang dyan.” Hinaplos nito ang pisngi niya. “Gusto kong nasa akin lang ang atensyon mo,” dugtong pa nito.Napakagat na lang siya ng labi sa sinabi nito.“O-okay.” Bumalik na ito sa ginagawa mayamaya.
“HALINA?” ulit niya, na naka-kunot ang noo.Para bang sinasadya nito na sabihin ang totoong pangalan niya.“Sorry. Hannah pala,” bawi naman agad nito. Natawa siya nang mahina. Siya naman si Halina, pero the fact na si Hannah ang nililigawan nito, ibang pangalan ang binabanggit nito.Tinulak niya nang malakas si Goddy kaya umalis ito. Tumayo siya.“Nakakainis ka. Halina ka nang Halina kanina pa, e. Si Hannah ako.”Napalunok si Goddy. Hindi alam ang sasabihin.Nag-angat ito nang tingin sa kanya. “S-sorry.” Kasunod niyon ang paghawak nito ng kamay niya pero pinalis niya iyon.“Kung sino lang kasi ang nililigawan mo, siya lang ang dapat nasa isipan mo. Focus ka lang dapat sa isa. Hindi iyong meron ka pa, maghahanap ka pa ng ibang paglalaruan.” Hindi ito nakaimik. Hindi niya sinasadyang sabihin iyon dahil baka mahalata nito, pero naiinis siya kasi na siya ang kasama pero may ibang pangalan “Pero sa tingin ko, hindi ka pa handa na maghanap ng iba dahil si Halina pa rin ang bukambibig mo.”
DAHIL hindi pa naman nagtatanghalian si Halina, nakaramdam na siya nang gutom. Nag-aayos siya noon sa kusin ng mga dala nila. Si Goddy, may kinuha lang sa labas na maleta para ilagay sa silid na uukupahin nila. Ayaw pumayag ni Goddy na sa kabila siya. Paladesisyon na si Goddy talaga noon pa man.“Gutom na ako. Pwede bang kumain na muna tayo?” Nilingon siya ni Goddy, na noo’y naglalabas ng mga gamit.“Sige. Kain na muna tayo.”Naihanda na niya bago siya pumunta sa silid kaya naupo na lang sila pagpasok ng komedor. Handang-handa si Goddy dahil marami silang pagkain na dala. Ang isda na dinala kanina na akala niya sa bahay nito, dinala rin nila. May mga karne at mga gulay rin. Meron ding mga rekados kaya kompleto ang kusina nila. May bigas din kaya talagang masasabi niyang pinaghandaan nito.Pinagsilbihan siya nito habang kumakain. Hindi naman niya mapigilan ito kaya hinayaan niyang gawin ang gusto nito.“Magpahinga ka na muna. Nagtinda ka kanina, e.” Inagaw nito sa kanya ang sponge na h
MAAGANG gumising si Halina nang araw na iyon. Natapos na niya kagabi ang mga gagawin sa bahay nila Goddy. Sinadya niyang umuwi nang late kagabi dahil balak niyang magtinda ngayon dahil na-miss niya. Kaya sa kainan muna magbabantay si Gina ngayong araw. Sakto lang ang dating niya sa talipapa. Naroon na ang mga paninda niyang isda. Pinapa-deretso na niya sa pwesto niya para hindi na pumunta sa daungan si Gina. Pinapa-sigurado naman niya sa supplier niya na magandang klaseng mga isda at seafood.Bukas pa naman ang uwi ni Goddy kaya may time siya ngayon sa palengke. Walang problema sa kainan niya dahil tutok si Bituin doon.Alas Diyes na noon kaya nakaramdam siya nang gutom. Saglit na binilin niya sa katabi ang paninda para bumili nang makakain. Simula nang mapunta siya rito, lahat ng kakanin at miryendang nilalako ng mga nagtitinda, kinakain niya. Masasarap pala. Sanay siyang o-order lang online at sa magaganda at sikat lang na kainan siya nagpapa-order.Pabalik na siya noon nang matan