Share

Chapter 60: Fever

Author: AVA NAH
last update Last Updated: 2025-08-10 22:55:14

Pagpasok nila, saktong nagsasalin ng alak ang ama sa baso nito, saka lumapit sa couch at naupo. Seryoso ito kaya kinabahan siya.

“Sit,” ani ng ama dahil nakatayo lang siya. Ang ina, naupo na sa tabi nito.

Marahan siyang tumango bago sumunod.

“So, okay na kayo?”

“H-hindi pa po official.”

Natawa nang pagak ang ama. “Have you already forgotten what he did to you?”

“N-no.”

“Then bakit ka na naman pumasok sa relasyon na ‘yan?!”

“Ang boses mo, King!”

“Sorry, labs.” Sabay hilot nito sa noo.

“M-mahal ko pa pala siya, Dad.” Sabay lunok niya. “Alam kong nagsinungaling siya sa akin pero ginawa niya lang iyon dahil mahal niya ako. Si Pia lang naman ang dahilan ng lahat ng paghihirap ko. Hindi si Goddy… Kaya nga hindi siya nakulong, right? Kasi kung siya ang salarin, sana nabulok na siya sa bilangguan.”

Hindi nakaimik ang ama. Lumagok lang ito ng alak. “Paano kapag sinaktan ka niya ulit? Huh?”

Ako naman ang hindi nakaimik. “Sa nakikita ko sa kanya ngayon, hindi niya na magagawa. Kahit nga na gani
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (16)
goodnovel comment avatar
Lyn F. Caluttong
thank you Author 🩷
goodnovel comment avatar
Lyn F. Caluttong
Hay naku Goddy kunwari ka lang pala na may lagnat gusto mo lang makasama si Halina.. hahaha
goodnovel comment avatar
Rona Gazzingan
miss A update na po
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Falling For My Cold Lady Boss   Chapter 61: Troy

    “SERYOSO? May lagnat ka o wala?” tanong niya kay Goddy, sabay kapa ng leeg nito ni Halina. Hininaan niya lang ang boses dahil nasa paligid lang nito ang ina nito.Kumamot ito kaya sa tingin niya, nagsinungaling ito.“Wait.” Pinagsiklop nito ang kamay niya nang mahigpit at bumaling sa ina nito. “Akyat lang po kami, ‘Nay.”“Sige, anak. Bilisan niyo lang at nakakahiya kay Judge Dela Cruz.” Ngumiti sa kanya ang ina ni Goddy kapagkuwan.Nang makarating sila sa silid ni Goddy, inalalayan siya nitong maupo sa kama nito. Nakatayo lang ito habang nakatingin sa kanya. Mukhang hindi nito alam ang sasabihin.“A-actually, wala akong lagnat, Hannah.”“Okay. So?”Sinapo nito ang noo nito saka siya ulit tiningnan. “Pinapunta kita kasi gusto kong… magpakasal na tayo.”Napaawang ng labi si Halina.“K-kasal?” nauutal niyang ulit sa sinabi nito.Kaya ba may judge silang kasama rito?“Y-you mean, a-ang judge na iyon ang magkakasal sa atin?”Napatango si Goddy sa kanya. “Binigla ba kita?”Matagal bago siy

  • Falling For My Cold Lady Boss   Chapter 60: Fever

    Pagpasok nila, saktong nagsasalin ng alak ang ama sa baso nito, saka lumapit sa couch at naupo. Seryoso ito kaya kinabahan siya.“Sit,” ani ng ama dahil nakatayo lang siya. Ang ina, naupo na sa tabi nito.Marahan siyang tumango bago sumunod.“So, okay na kayo?”“H-hindi pa po official.” Natawa nang pagak ang ama. “Have you already forgotten what he did to you?”“N-no.”“Then bakit ka na naman pumasok sa relasyon na ‘yan?!”“Ang boses mo, King!”“Sorry, labs.” Sabay hilot nito sa noo.“M-mahal ko pa pala siya, Dad.” Sabay lunok niya. “Alam kong nagsinungaling siya sa akin pero ginawa niya lang iyon dahil mahal niya ako. Si Pia lang naman ang dahilan ng lahat ng paghihirap ko. Hindi si Goddy… Kaya nga hindi siya nakulong, right? Kasi kung siya ang salarin, sana nabulok na siya sa bilangguan.”Hindi nakaimik ang ama. Lumagok lang ito ng alak. “Paano kapag sinaktan ka niya ulit? Huh?”Ako naman ang hindi nakaimik. “Sa nakikita ko sa kanya ngayon, hindi niya na magagawa. Kahit nga na gani

  • Falling For My Cold Lady Boss   Chapter 59: Supportive Mom

    SAGLIT na tiningnan ni Goddy ang sarili sa salamin bago tinungo ang side table kung saan naroon ang wallet at cellphone niya. Nakasuot siya noon ng sumbrero. Umiiwas siyang baka makilala. Balak niyang pumasok sa Hotel de Astin. Hindi naman siya mag-check in, sa bar lang siya. Pero nag-aalala siyang may makakita sa kanya.Napatingin siya sa pintuan nang may kumatok na doon. Agad niyang binuksan iyon. Ang makakasama niya ngayon ay isang freelance tourist guide. Sinadya niyang kumuha para makapasok siya sa bar.Napag-alaman niyang nandyan nga ang may-ari ng hotel na iyon. Pamilya lang naman ni Halina ang may-ari niyon. Alam niya dahil nakapagtrabaho na siya sa Hernandez Group of Companies noon. Nga lang, hindi pa siya nakapunta rito.“Ready na, sir?’“Hmm.” Sabay tango niya rito.Motorsiklo lang ang sinakyan nilang dalawa. At halos fifteen minutes ang itinagal nila sa biyahe. Kabado siya habang naghuhubad ng helmet. Magiging halata naman kung magsumbrero siya pagpasok kaya tinanggal niy

  • Falling For My Cold Lady Boss   Chapter 58: His Plan

    NAKA-OFF ang cellphone ni Halina habang nasa himpapawid sila. Hindi niya alam na tawag nang tawag si Goddy sa kanya. Kaya nang makausap niya ito nang hapon ng alas kuwatro, halata ang iritasyon sa boses nito.“Nag-usap naman tayo kagabi, a,” aniya rito.Nasa likod siya noon ng bahay nila. Siniguro pa niyang walang nakikinig.“Wow. Kagabi? Sa pagkakaalala ko, naputol ang linya at wala nang kasunod na sagot galing sa ‘yo.”Napalabi siya. Umalis siya kagabi saglit para bumili ng gamot ni Troy. Nahilo raw kasi ito noong last na sakay nito ng helicopter kaya binilhan niya pa ng gamot na akma sa edad nito.“Sorry na,” masuyong sabi niya.“I love you.”Hindi niya inaasahan ang sasabihin nito kaya nanahimik siya.“Kahit I miss you na sagot, wala?” anito sa kabilang linya.“G-Goddy…” Bigla siyang napatingin sa likuran dahil baka may nakakarinig sa kanya.“Balik ka na kaya?” Hindi na naman siya nakasagot.“W-wala ako sa amin, e.”“Oh.” Halatang dismayado ito sa sinabi niya. “Nasaan ka ngayon?”

  • Falling For My Cold Lady Boss   Chapter 57: The Address

    HINDI maiwasang mainis ni Halina. Kasi naman, hanggang sa hapag, dala-dala ng ina ang topic hanggang sa malaman na lahat ng mga bisita nito.“Mom,” “Sige na kasi. Ipakilala mo na siya. Nang makilatis namin,” ani ng kapatid na si Kalei.Napalabi siya sa sinabi nito. Paano ba niya sasabihin, e, si Goddy lang naman ang may gawa nito. Yari ito sa kanya mamaya. Bakit kasi kailangang gawin ito sa kanya? Para ano? Markahan?“Next time na lang po. Pwede?” aniya na lanmg para tumigil na ang mga ito.Dahil sa kompirmasyon niya, lalong naging maingay ang hapag. Napapailing na lang siya sa mga ito. Akala niya, dinner lang ang gagawin kasi walang sinabi ang ina na tuloy sila sa Caramoan. Pero bago siya umakyat para patulugin ang anak, sinabi ng ina na maghanda na siya para sa mga dadalhin bukas. Mabuti na lang at alas diyes ang alis nila. May panahon pa siya para mag-ayos.Tinulungan niya ang anak sa pagligo nito. Pero pagdating sa damit, ito na ang nagsuot dahil marunong na nga raw. Kaya inayos

  • Falling For My Cold Lady Boss   Chapter 56: Hickey

    NAKANGITING pinagmamasdan ni Halina si Goddy na noo’y nag-iihaw ng uulamin nila. Isda, porkchop at mga gulay gaya ng talong at okra ang mga uulamin nila.Pangatlong araw na nila ngayon dito. Para sa kanya, ang bilis lang ng araw. Bukas, babalik na sila. Napaaga dahil kailangan niyang umalis papuntang Manila bukas ng gabi dahil kaarawan ng inang si Ayeisha. Hindi siya pwedeng mawala. Saka na-miss na niya ang pamilya niy— lalo na ang anak.Nakangiting lumapit si Goddy sa kanya kapagkuwan. Hindi siya nangimi, gumanti siya nang halik dito nang bigla siyang siiilin nito.“Nanghahalik ka na lang basta-basta,” aniya nang bumitaw ito sa pagkakahinang ng kanilang labi.“Kanina kapa nakatingin sa akin, e,” natatawang sambit nito.“Kailangan mo ba nang tulong?”“Hindi nga po. Gusto ko pong maupo ka lang dyan.” Hinaplos nito ang pisngi niya. “Gusto kong nasa akin lang ang atensyon mo,” dugtong pa nito.Napakagat na lang siya ng labi sa sinabi nito.“O-okay.” Bumalik na ito sa ginagawa mayamaya.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status