“YEAH, sure.” Ngumiti si Halina pero hindi man lang umabot sa mata niya. Naroon din ang pagkasarkastiko ng boses niya.
Nang makaupo ang mga ito ay tumayo naman siya.
“Saan ka pupunta, Halina? Aalis ka na?” tanong ni Seth sa kanya nang tumayo siya.
“Comfort room. Wanna join?” in her sarcastic voice, kaya napalunok si Seth.
“N-no.”
Ngumiti siya rito, sabay kuha ng clutch bag.
Hindi na siya babalik. Hindi niya kailangang ibaba ang sarili para sa mga ito. Saka hindi kaya ng sikmura niya makipag plastikan sa mga ito.
“Where are you going?” tanong ng kapatid nang makasalubong niya.
“Uuwi, malamang.”
“What? Hindi ka ba makiki-join sa amin?”
“Seriously, Kalei? Alam mo ang past namin tapos ise-set up mo kaming tatlo? Kapatid ba talaga turing mo sa akin o hindi?”
“I’m doing this for you, Halina. I want my sister back…”
Napatitig siya sa kapatid.
“Lagi tayong nagbabangayan noon pero I love it. ‘Yon ang love language natin. Pero nitong nagdaang mga taon? I don’t like it. Kahit sila Mommy at Daddy, hindi nila nagugustuhan ang bagong ikaw…”
Lalo siyang hindi nakaimik.
“I was thinking na baka makatulong ang pakikipagbati mo sa kanila para matapos na itong pagpapahirap mo sa sarili mo… Ang dami nang nadadamay.”
Napataas siya ng kilay. Baka nakaratong na rito ang pagtanggal niya sa staff niya.
Humakbang siya palapit sa kapatid kaya napaatras ito.
Dinuro niya ang dibdib nito. “Ikaw kaya ang nasa kalagayan ko, Kalei? Ikaw kaya ang magkagusto sa babaeng hindi ka naman gusto? Huh? Anong mararamdaman mo?”
“Move on. Ganoon ang gagawin ko, Halina.”
Natawa siya nang pagak. “Wow. Madaling sabihin dahil hindi mo naman kasi mahal. Madaling mag-move on dahil hindi naman ganoon kalalim ang pagmamahal mo. Eh, sa akin? Huh?”
Hindi rin nakaimik ang kapatid kaya sinamantala niyang magsalita ulit.
“Para sa kaalaman mo, ilang taon ko siyang hinubog sa puso’t isipan ko. Kaya talagang malalim ang dinulot no’n sa akin, Kalei. Kaya ‘wag mo akong diktahan sa kung anong gusto kong gawin sa sarili ko sa kasalukuyan. They deserved my treatment, my dear brother, kung alam mo lang…”
Sabay talikod kay Kalei.
Parang may bumabayo sa dibdib niya habang sinasabi iyon.
Indeed, malalim talaga kasi ang dinulot no’n sa kanya. Kung may babalikan man siyang pangyayari sa nakaraan niya, iyon ang unang makita niya ito. Kasi doon nagsimulang mahumaling kay Goddy. Imbes na business related course ang kukunin niya, hindi na lang. Tinatak niya rin sa isipan niya na si Goddy ang mapapangasawa niya— ang magiging ama ng mga anak niya.
Hindi naman na siya bata noon. Nasa tamang edad na. Kaya mahirap kalimutan.
Saka ang masakit pa sa kanya, laman siya lagi ng mga nagkukumpulan. Kesyo head-over heels siya kay Goddy, kaso ang gusto nito, ang kaibigan niyang si Pia umano. Araw-araw niyang naririnig ‘yan. Meron pa. Hindi lang iyon, napapagbintangan siya lagi ni Goddy kapag may hidwaan ito at si Pia. Lalapitan lang siya nito minsan para komprontahin, at paulit-ulit na sasabihin nito na si Pia ang mahal nito.
Kaya paano siya makakalimot?
Mabilis ang mga hakbang ni Halina palabas ng bar. Inunahan pa niya ang babaeng pumara sa taxi, sumakay siya agad.
“Bastos ka, Miss!” ani ng babae.
Binalingan niya ito at tinaasan lang ng kilay, saka sinabihan ang driver na umalis na.
Sa condo niya siya dumeretso. Naiinis siya sa kapatid kaya ayaw niyang makita ito.
Para malibang ay sa opisina niya siya tumutok. Mahal niya ang ginagawa kaya masaya siya. Of course, sarili niya lang ang nakakaalam. Kasi ang alam lang ng mga tauhan niya, hindi siya masaya sa ginagawa dahil sa pagiging moody niya.
Makalipas ang dalawang linggo, nangyari na nga ang pagpapalit ng kanilang empleyado. Kaya naman pinatutukan niya kay Fanny, lalo na sa design team nila. Lahat-lahat. Sabi niya nga, hangga’t maari, ayaw niyang papalit-palit ng tauhan dahil magsisimula na naman sila sa simula.
Tumango siya kay Fanny nang sabihin nitong nilapag na nito ang kape niya. Nakatayo siya noon at nakaharap sa pader na gawa sa salamin. Mula sa kinatatayuan niya ay kita ang siyudad. Mga sasakyang nagkanda ipit na sa traffic.
“Baba lang po ako, Miss Halina. Pumasok na kasi ang mga galing sa kabila.”
“Okay,” aniya.
Tinungo niya ang mesa at naupo na. S******p muna siya ng kape bago tiningnan ang mga printed materials na gagamitin sa bagong disenyo nila. May finish product na rin iyon. Nasa showroom lang nila. Pero ang binigay sa kanya ngayon ay mockup lang muna.
Sunod niyang tiningnan ang mga costing ng materials at kung magkano ba ang dapat na ipepresyo no’n. May mga suggested price na rin at computation kung magkano ang kikitain.
Pagkatapos na harapin iyon ay tsinek niya ang schedule niya. Walang nakalagay sa calendar niya kaya nagtaka siya. Himala. Madalas na may appointment siya kapag Monday.ntment siya nito.
Lumabas siyaia para tanungin si Fanny. Pero paglabas niya, wala ito roon. Kaya naman tinungo niya ang design team nila.
“Fanny, wala ba akong appoint—” Hindi na niya natuloy ang sasabihin nang mapagsino ang kausap ng secretary.
Of all people, ito pa ang bago niyang Illsutrator? Why? Sinasadya ba ito ni Kalei? Gusto ba nitong maunsumi siya buong taon? Ang tagal kaya ng one year!
“What are you doing here?” masungit na tanong ni Halina.
***
MAAGANG gumising is Goddy nang araw na iyon. Ito ang unang araw niya sa nilipatan niya. Saka kailangan niyang asikasuhin ang pagkain ng bunsong kapatid. May magbabantay naman dito pero mas gusto niyang siya ang magluto. Para sa kapatid na lang niya ang time ng magbabantay.
Pakatapos na maihanda ay naligo na siya at nagbihis na siya. Dumating na rin ang magbabantay sa kapatid.
“Morning. Alis na si Kuya. Pakabait ka kay Ate, huh?” Kasalukuyang kumakain ang kapatid, sinusubuan ng bantay nito.
Tumingin lang ito sa kanya at binalik ang tingin sa pinapanood. Hinalikan na lang niya ito sa noo at tumingin sa nagbabantay saka binilinan.
Sinulyapan niya ulit ang kapatid bago pumasok sa silid para kunin ang bag. Pero hindi niya maiwasang malungkot para sa kapatid. Pakiramdam niya, nawalan siya ng kapatid pagkatapos ng aksidente nito. Pinagsisisihan niyang hindi agad nakauwi nang gabing iyon. Kaya heto, after ng work, pinipilit niyang makauwi talaga agad para mabantayan ito.
Nag-book lang siya ng moto taxi para marating agad ang pagtatrabahuhan. Medyo malayo kumpara sa dati, iikot pa siya kaya talagang hindi applicable sa kanya ang sumakay ng jeep. At least sa mga motorcycle, nakakasingit sila kahit saan-saan.
Ten minutes before eight, nakapag time in na siya. Agad niyang tinungo ang design team ng A&K Couture. Dahil hindi pa niya alam ang mesa niya ay hinintay niya ang mag-a-assist sa kaniya. Tatlo kasi silang nalipat dito at wala pang makakapagsabi kung saan sila. Hindi naman na kailangan ng interview dahil galing sila sa mother company ng A&K.
Gaya sa main, may Monday din pala ang meeting dito kaya iyon muna ang unang ginawa niya— ang makinig. At tatlumpung minuto rin ang itinagal no’n bago pumunta ang executive secretary mag-a-assist sa kanila.
“Um, Goddy Vásquez, right?” anito sa kanya.
“Yes, ma’am.” Tumango-tango ito sa kanya.
“Okay. Ihahatid kita sa table mo.” Sumunod na siya rito. Ang dalawa niyang kasamahan ay ina-assisst din ng isang staff ng A&K, sa tingin niya assistant din nito.
“Ikaw pala ang kapalitan ni Jai kaya ikaw ang tututukan ko. Kasi si HH ang makaktrabaho mo madalas. I hope na open ang ears mo para sa mga Do’s and Don’ts ni Ma’am. Mahalaga ito dahil dito nakasalalay ang career mo. Alright?”
“Open naman po, Ma’am. May notebook din ako para sa mga mahahalagag bagay.” Sabay taas ng maliit na notebook.
“Very good.” Nagpatiuna na ito sa kanya. Huminto ito sa isang pintuan, na sa tingin niya ay opisina.
“Wow!” aniya sa sarili. Mabuti pa dito, may sarili siyang opisina pala.
Pumasok din siya sa opisinang iyon. Hindi man ganoon kalaki pero ang linis at an ganda ng space na iyon. Saka salamin ang wall kaya kita ang labas.
“This is your office, Mr. Vásquez. Everything you requested ay naka-install na. Kung may ibang ire-request ka, just call Irma. She’s my assistant kaya direct siya sa akin kaya maaaksyunan agad ang mga request mo.” May tinuro ito sa kanya na babaeng kasalukuyang namimigay ng papel sa labas.
“I will. Thank you, Miss Fanny.”
“Welcome. Anyway, mamayang gabi, may dinner kayo together with HH. Sana makadalo kayo para maging comfortable ang pagtatrabaho niyo rito.”
“Sige po.” Tawagan na lang niya ang bantay ng kapatid siguro na male-late siya nang uwi.
“Good. Basta sumunod lang sa mga rules, I’m sure, tatagal kayo. Mabait naman si Ma’am. Basta ‘wag lang kokontrahin. Okay?”
Tumango-tango si Goddy sa secretary ng boss nila rito.
After na mai-tour siya nito ay bumalik sila sa table niya. May mga binilin din itong dapat niyang unahin. Actually, nasabi na iyon ng papalitan niya sa email. Pero maigi na itong inalam niya mula kay Miss Fanny ang priority.
Sabay silang napatingin ni Miss Fanny sa pintuan nang marinig ang pagtawag ng babae kay Miss Fanny.
“H-Halina,” nauutal niyang sambit nang marinig itong nagsalita ulit.
Siniko siya ni Fanny. “Si HH ‘yan,” pabulong nitong sabi.
“Oh, sorry po.” Yumuko siya rito. “I-isa po ako sa employee na pina—”
“I suggest you go back to the main office. You’re not needed here,” walang buhay na sabi nito habang hindi inaalis ang tingin sa kanya. Bigla ring tumalikod ito sa kanila.
“Fanny, sa office ko nga.” Halata ang kaseryosohan nito kaya sumunod din agad ang secretay nito.
ALAM agad ni Fanny na may mali kaya inihanda na niya ang sarili habang nakasunod sa boss. Ngayon lang niya nakita si Goddy Vasquez pero kung pagbabasehan sa tingin ng boss ay magkakilala ang mga ito. “Who hired him?” “Galing po siya sa main. Today pa lang po ang interview na pinost ng HR.”Matagal na natigilan ang boss kaya napaisip siya. “Call Kalei. Now.” Sabay upo nito sa swivel chair nito. Sapo nito ang ulo nito. Hinilot din nito. At ang bibig nito ay naglalabas lang naman ng mura na ito lang ang nakakarinig.“Fanny! What are you waiting for?” sigaw nito.“Sorry, Ma’am.” Sabay talima ni Fanny palabas.Pagbalik ng secretary ay may dala itong wireless phone at nakahanda nang iabot sa kanya.Tumingin si Halina saglit kay Fanny at kinuha ang hawak nitong phone.“You’re done here, Fanny.” Sabay paikot nito ng upuan kaya nagmadali ulit palabas si Fanny.Nang marinig ni Halina ang pagsara ng pintuan ng opisina ay saka siya humarap sa mesa niya at tinapat ang telepono sa tainga.“Bring
“FANNY! Anong nangyari dito? Bakit ganito ang output?!” sigaw ni Halina na ikinatalima ng secretary.“Miss Halina,”Tinuro niya ang new design nilang ipinatong nito kanina. “‘Yan ba ang ni-request ko, huh? Hindi, ‘di ba?”“‘Yan po ang finorward sa akin ni Olivia na i-approve niyo raw. I thought okay na po ‘yan.”“Damn! Pang-grade one naman na gawa ‘yan! Ang linaw-linaw ng instruction ko tapos ibibigay niya sa akin nang malayo sa sinabi ko?”“Ipapaulit ko na lang po sa kanya.”Napahilot siya sa noo. “God, wala na tayong oras, Fanny. Sa Wednesday na ang meeting!” “Tanong na lang po ako sa design team kung merong may kaya.”“Yes, please.” Sumandal siya at inihinga ang ulo sa headrest. Nang may naalala ay nagpahabol siya sa secretary. “Except him,” paalala niya rito. “Noted, Miss Halina.”“Ay, wait! Ako na lang!” Tumayo siya. Mahirap na baka si Goddy ang madala nito.Nagmadali siyang pumunta sa department nila Goddy. Napaikot siya ng mata nang makita ito, tumayo pa talaga para salubungi
NAGSAWA na si Halina sa result na pine-present ni Olivia kaya nagpasya siyang maaga na lang uuwi nang araw na iyon. Monday na Monday, badtrip siya. Isang araw na lang kasi, Wednesday na.Dumaan siya sa design team nila para i-check na rin ang gawa ng mga ito. Nag-half day lang kasi si Fanny dahil naospital nga ang ina nito. Si Irma naman, may mga pinagawa siya kaya hindi na niya inabala.Usually, sinasalubong siya ni Goddy kapag pumapasok sa department nito. Pero nang mga oras na iyon, hindi nito ginawa. Kaya naman tumingin siya sa opisina nito. Patay ang ilaw. Wala rin ito sa tabi ni Bobbet kaya nakakapagtaka.“Wala po si Goddy, ma’am. Hindi po pumasok.” Mabilis na binaling niya ang tingin niya sa isang staff niya.“I’m not asking,” aniya. “Pakisabi sa lahat, ‘yong mga pinapaayos ko para sa Wednesday. Alright?”“Noted po. Announce ko na lang po sa kanila.”Hindi na siya sumagot, tumalikod na siya. Pakiramdam niya kasi ng mga sandaling iyon ay napahiya siya. Inaayawan niya ang presens
“MUKHANG naliligaw ka yata, Ma’am Halina.” Kita ni Halina ang pang-aasar sa mukha nito. Kahit na sa boses din kaya nakaramdam siya ng inis.“Goddy—”“Sa pagkakatanda ko, Mr. Vásquez ang tawag mo po sa akin.”“R-right, Mr. Vásquez. Pwede ka bang makausap?”Tumingin ito sa relong pambisig nito. “One minute lang ang kaya kong maibigay sa ‘yo, dahil sobrang late na po, ma’am.”Napapikit si Halina. Parang ginagaya nito ang ginawa niya nakaraan.“I’ll double your rate today, gawin mo lang ang ipapagawa ko.”“Bakit ho ako, ma’am? Si Olivia ho ba, nasaan?”“Tinanggal ko na siya dahil hindi niya ma-meet ang mga gusto ko.”“You think ma-meet ko rin ang standard mo, ma’am? What if—”“H-hindi ka ire-refer ni Kalei kung hindi ka magaling.” Ah, ang hirap sabihin! “Whatever the result is, I’ll pay for your time, plus night differential pay.”Tumaas ang kilay nito na hindi nakatakas sa paningin niya.“So, okay lang sa ‘yo na makatrabaho ako?”Napalunok siya sa tanong nito. Gusto nga ba niya? Pero sa
SAKTONG ala una ng madaling araw natapos si Goddy sa ginagawa. Inayos niya muna ang ipe-present kay Halina na mockup bago ito ginising. Subalit paghawak niya sa balikat para gisingin ito, init ng katawan nito ang naramdaman niya. Kinapa pa niya ang noo nito, talagang mainit ito. Mabilis na iginiya ni Goddy ang sarili patayo at kinuha niya muna ang thermometer niya na nasa kabilang silid. Binalikan niya ito nang malinis iyon. Siyempre, hindi basta-basta si Halina kaya kailangan niyang linisin iyon. Saka may lagnat ang kapatid nakaraan at iyon ang ginamit niya rin para malaman ang temperature nito.“Halina. Gising. May lagnat ka yata.” Sinabayan niya nang mahinang tampal rito, pero hindi nagising. Gumalaw lang ito. Niyakap din nito ang sarili kaya napatingin siya sa aircon niya. Pinatay na lang niya iyon at binuksan ang electric fan.“Halina…” gising niya ulit rito. Sa pagkakataong iyon, nagmulat ito ng mata. Saglit na nagtama ang paningin nila. Kita sa mga mata nito ang kapungayan, ma
NAGISING si Goddy sa sunod-sunod na doorbell. Pagtingin niya sa relo ay pasado alas sais na pala. Siguradong si Sabel ang kumakatok.Tumayo si Goddy para pagbuksan ang magbabantay sa kapatid. May pasok na siya ngayon sa trabaho kaya maaga ang punta nito.Nang maalala si Halina ay tinungo niya ang silid niya, pero pagbukas niya ng pintuan, maayos na higaan ang bumungad sa kanya. Parang walang natulog doon. Ang sabi niya, gigisingin niya ito. Subalit ang nangyari naunahan siya nito nang gising. Ang tanong, okay na ba ang pakiramdam nito?Three minutes bago mag-eight siya dumating ng opisina. Naipit siya sa traffic dahil sa aksidente ng dalawang sasakyan na sinusundan ng moto taxi na sinasakyan niya.“Mabuti pumasok ka na, Goddy. Bago umalis si Miss Fana, may inilapag sa table mo, harapin mo raw agad. Nasa email mo raw ang instructions,” ani ng isang kasamahan niya. “Galing ho ba kay Ma’am HH ang gagawin ko?”“Parang. Kasi si Irma naghahatid kapag sa amin, e.”Tumango siya sa kasamahan
NAUPO si Halina nang marinig ang pagbukas ng pintuan. Alam niyang ang Mommy niya iyon. Alangan namang mangahas si Goddy pumasok. Aba!“Ang gwapo naman pala kasi ng crush mo, anak.”Napaikot siya ng mata nang marinig ang sinabi nito. “Mommy, hindi ko siya crush. Okay? Empleyado ko nga lang po siya, e.”Ngumiti ang ina niya sa kanya. Kakaiba at nakakaloko kaya nainis na si Halina.“Mommy naman!” At tumawa naman si Ayeisha sa reaksyon ng anak. “Alam mo, anak? Parang ganyan na ganyan ako noon sa Daddy mo. Nakikita ko tuloy ang sarili ko sa ‘yo talaga. Kaya hindi kita masisi na ganyan ka sa crush mo.”“God! Bata pa ho ako noon. At pinagsisihan ko nang naging crush ko siya. Pero ngayon po, hindi na. Kaya tumigil ka na po sa pang-aasar, Mommy.”“Anong bata? College ka na, noon! Hindi lang simpleng crush ‘yon, anak. Love na. Kaya ‘wag nga ako. Hindi mo babaguhin ang sarili mo gaya ko kung wala lang siya sa ‘yo” Hindi man lang inalis nito ang ngiti. “Ito, huh, sa tingin ko, this time nahuhul
HINDI pa man nakakaupo si Halina nang bumukas bigla ang pintuan. Iniluwa no’n si Fanny na bitbit ang binigay niyang container kanina na galing kay Goddy. “Binigay po pala ‘to sa ‘yo ni Mr. Vásquez. Bakit ayaw mo raw pong kainin?” tanong ng secretary niya na ikinakunot niya ng noo.“Sino ang boss mo rito, Fanny? Ako ba o si Mr. Vásquez?” Sumandal pa siya para hintayin ang sagot nito.“K-kayo ho,”“Then kainin mo, tapos ibalik mo ang container. My God!” Iba na ang himig niya noon.“Sabi ko nga po ako na ang kakain.” Mabilis nitong iginiya ang sarili palabas.Napahilot na lang siya sa noo niya nang maamoy ulit iyon. Bigla siyang ginutom kaya pumunta siya ng pantry niya para magtimpla ng kape. Kumuha din siya ng cake sa mini-ref niya. Daily nagre-refill sila Fanny rito kaya safe namang kainin. Nasa kalagitnaan siya nang pagkain nang marinig ang katok ng sekretarya. Sa hiya na makita siya nitong kumakain ay lumapit siya sa pintuan at pasilip na kinausap ito at sinabing maya na siya istor
HINDI makatulog si Goddy kakaisip sa babaeng iyon. Kahit na anong gawin niya, lumalabas pa rin ito sa balintataw niya. Parang nabuhay si Halina sa katauhan nito. Ang mukha at ang boses? Parehas na parehas. Sa pangangatawan at sa estado ng pamumuhay lang sila nagkaiba. Ang ending, pinautos niya sa bata ang pagbili dahil natatakot siya. Hindi siya natatakot dahil sa multo o kung ano, baka bigla niya itong mayakap nang mahigpit. Tapos baka may asawa ito sa paligid kaya iniwasan niyang lumapit. Ng mga sumunod na araw, kahit na walang ipapabili sa tindahang iyon, lagi siyang dumadaan. Iniiwasan lang niyang makita siya nito. Umabot pa sa punto na kinuhaan na niya ito ng video. At kakapanood niya sa video nito, maa lalo lang siyang nalilito. Para talagang si Halina ang babaeng iyon. Ang mga ngiti nito, walang pinagkaiba talaga. Kaya lalong naguguluhan siya. Parang gusto na niyang lapitan ito. “May ipapabili po ba kayo sa palengke, Nay? Aalis po ulit ako, e.” “Wala akong ipapabili. An
“BAKIT nga po pala hindi na nag-hire ng kasambahay si Ma’am Daniela?” tanong ni Halina.Naghuhugas siya noon ng seafood na binili ni Zacharias. “Wala naman daw lagi sila kaya on call na lang. Gaya ngayon.”Si Bituin na ang tagalinis ng malaking bahay kapag wala si Daniela. Mas madalas kasi ito sa ibang bansa dahil nandoon umano ang mga anak.Tapos na sila sa pagluluto pero hindi pa niya nakikita ang mag-ina. Ang anak raw ni Daniela, nasa silid nito, samantalang ang ginang ay pauwi pa lang. Lumabas daw kasi ito at may pinuntahan.Sakto lang ang paglatag nila ng mga plato sa mesa ang siyang pagdating ni Daniela. Nang makita siya nito ay agad na nagpaalam ito sa kanila para kunin ang pasalubong para sa anak.“Sana magustuhan ni Troy ang mga laruan. May mga chocolate din dyan.”Dalawang paper bag na malaki ang binigay nito sa kanya. Bukod din ang kay Bituin para sa pamilya nito.“Ang dami naman ho nito. Mga mamahalin pa po.” Hangga’t maari, hindi niya sinasanay ang anak sa mga mamahalin
“A-ang baby ko?!” Biglang nag-hysterical si Halina nang maalala ang batang nasa sinapupunan niya. Tumingin siya sa babaeng nakatayo sa gilid niya. “Nasa maayos ka at ang nasa sinapupunan mo?” Ngumiti ang babae. Sa tingin niya, nasa 50’s pa lang ito. “Safe ang bata. Talagang matindi ang kapit niya dahil baka mag-alala ka.” Ang mga ngiti nito ay nakakahawa kaya sumilay din ang ngiti sa labi ng dalaga. Saka lang din napagtanto ni Halina na nasa hospital siya.“Ay, hindi pa pala ako nakakapagpakilala. Ako nga pala si Daniela Belmonte. Pinahinto ng mag-asawang tumulong sa ’yo ang kotse ko para humingi ng tulong at madala ka rito.” Ngumiti ulit ang ginang. Nagsalin ito ng tubig sa baso. “Mayamaya, babalik na ang mga iyon— bumili lang ng makakain sa labas.” Sinuyod niya ito, mukhang galing sa may kaya ito. Mabuti na lang at walang pag-aalinlangan na tinulungan nito ang mag-asawang tumulong sa kanya.Inalalayan siya nito maupo at para mapa pinainom ng tubig.Napaisip siya bigla kung ibibig
“TOTOO ba ang balita, Kuya? Ikaw ang dahilan kung bakit nahulog ang sasakyan ni Halina sa dagat? Paano kung makulong ka? Paano kami?”“Hindi ’yan totoo, Gayle! Alam mong nakainom ako nang araw na iyon kaya paano… paanong nandoon ang motorsiklo ko?” naguguluhang tanong ni Goddy din.“Gabi ka uminom, Kuya. ‘Yan ang pagkakaalala ko.” Tumitig pa sa kanya si Gayle. “Alam kong naghihiganti ka lang sa kanya, pero ang patayin siya, hindi mo dapat ginawa…”“Hindi ko nga siya sabi pinatay! Hindi ko magagawa iyon sa kanya.”“Pero bakit sa iyo nakaturo ang lahat ng ebidensya?”“H-hindi ko alam,” tanging sambit ni Goddy. Nagkatinginan si Goddy at Gayle nang marinig ang katok mula sa labas. Nasa ospital sila ngayon dahil inatake ang ama nang makita ang balita kay Halina at ang tungkol sa akin. Nag-away pa kaming dalawa. Kaya ganoon na lang ang konsensya ko. Hanggang ngayon, hindi pa rin nagigising ang Tatay niya. “K-Kuya, b-baka mga pulis na ’yan. M-magtago ka kaya?”Napapikit si Goddy. “Hindi ko
“GODDY,” anas ni Halina nang makita ang higpit na pagkakahawak nito sa kamay niya. Hinatid siya nito sa labas ng gate at parang ayaw siyang bitawan nito. Si Gayle naman nakatanaw sa kanila. Hindi siya magaling magbasa pero lungkot ang nakita niya sa mukha nito, gaya ni Goddy. “A-aalis na ako.” Kasunod niyon ang pagkagat niya ng labi para pigilan ang sarili na maging emosyonal sa harapan ni Goddy. Matagal bago siya nito binitawan. Ngumiti ito nang alangan sa kanya. Hindi niya napigilang haplusin ang mukha nito. Nasasaktan man siya sa desisyon niya pero ito ang dapat. Lalo pa sa pinakita kanina ni Pia, natatakot siya para sa anak. Bali-baliktarin man ang lahat, siya ang may mali. Kabit pa rin siya dahil legal ang kasal nila. Napa-imbestigahan na niya at legal ang kasal ng dalawa. Hindi lang ginagamit ni Pia ang apelyido ni Goddy sa hindi niya alam na kadahilanan. At kung iisipin niya ang mga sinabi ni Mang Ruben, may laman. Baka nga may kinalaman ito sa nangyari sa ama ni Goddy. K
“Mahal, kain na.”Hindi siya nagmulat. Wala siyang nararamdamang gutom sa ngayon. Maiintindihan naman siguro ng anak niya. Saka may kumain naman sila kanina nang mag-stop over sila.“Mahal.” Naramdaman ni Halina ang halik ni Goddy sa balikat niya subalit nagtulug-tulugan siya. Tumigil naman ito. Sa pag-aakalang lumabas na si Goddy, kumilos siya at humarap. Bigla niyang binalik sa dating posisyon nang mapagtantong nasa loob pa pala ang binata. Siguro binuksan at sinara lang nito ang pintuan kanina. Sumiksik siya sa sulok nang sumampa rin si Goddy. Pero hindi rin nagtagal ay hinapit siya ng binata palapit dito. Niyakap rin siya nito nang mahigpit. Napapikit si Halina nang halikan siya nito sa pisngi. Sa tingin niya, bahagyang nakasilip ito sa kanya. “Talk,” aniya. “Simulan mo na.”Nagpakawala ito nang buntong-hininga. “Alam kong huli na pero sorry talaga, Mahal. Isa lang ang alam kong totoo sa lahat, kung gaano kita kamahal. At dahil sa pagmamahal na iyon, binago ang pananaw ko. Ang
HINDI man lang nag-abalang buksan ni Halina ang ilaw ng kanyang condo nang makapasok. Hindi na siya nakaabot kahit man lang sa sala. Sumandal siya sa dahon ng pintuan at hinayaang dumausdos ang sarili hanggang sa mapasalampak. Kasabay din niyon ang paghagulhol niya.Kanina pa niya pinipigilan iyon. Hindi niya hinayaan na umiyak siya sa sasakyan dahil sa ipinagbubuntis niya. Paano kung maaksidente siya? Sobra ang galit niya sa ama ng anak ngayon pero walang kasalanan ang batang nasa sinapupunan niya. Kaya kailangan niyang maging matatag kanina. Walang sinuman ang pwedeng makakita ng kanyang kahinaan ngayon.Hindi alam ni Halina kung gaano siya katagal doon, napatayo lang siya nang marinig ang pagtunog ng doorbell. May sumusubok din na gamitin ang passcode, pero hindi mabuksan dahil naka-double lock sa loob. She knew. Si Goddy ang nasa labas kaya tumayo siya at pumunta sa silid at hinayaan ang tao sa labas na malapit nang magwala. Iginala niya ang paningin sa loob ng silid. Kahit saan
MABUTI na lang at dumating si Violet, nadagdagan ang kadaldalan ni Halina. Hindi siya madaldal pero kailangan, para takpan ang nararamdaman niya ngayon. Marunong din naman siyang mamlastic.“Oo nga pala. Bakit pala umuwi ka nakaraan agad?” tanong sa kanya ni Pia nang mapunta ang usapan. Noong um-attend siya ng birthday ng anak ni Violet ang tinutukoy nito.“Sumama lang ang pakiramdam niya. Pero okay naman na siya, nakainom naman agad siya ng gamot. Right?” Si Violet.“Yes. Dahil lang sa kinain ko a day before ang party kaya sumama ang pakiramdam ko,” aniya. Ngumiti siya kay Pia. “Anyway, nakita ko ang asawa mo. Naka-motorsiklo siya. ‘Di ba?”“Uy, nakita mo?” Si Violet. “Hindi siya tumuloy kasi sa loob. Sinundo lang si Pia sa labas. Sayang at hindi ko nakita.” Tumingin ang katabi kay Goddy. “Si Goddy, noh?” tanong ni Violet, sa binata ang tingin.Tumingin siya kay Goddy at ngumiti, pero nag-iwas nang tingin ang binata sa kanya. Hindi siguro nito alam ang sasabihin.“Naka-motor ngayon si
HINDI alam ni Halina kung gaano siya katagal sa loob ng sasakyan. Bumalik lang siya sa sarili nang may mag-park sa kabilang side. Tumingin siya sa gate ng apartment ni Goddy. Nagsisimula nang umulan din noon, pero wala siyang lakas na paandarin ang sasakyan. Hindi na rin niya alam kung tutuloy pa siya. Natatakot siya. What if nandoon si Pia?Nagpasyang umalis na lang si Halina. May dala siyang pagkain na pandalawahan kaya sa bahay ni Owen siya nagpunta.Hindi niya alam kung saan pupunta ngayon kaya sa kaibigan niya na lang. Saka medyo matagal na rin mula nang huli silang mag-usap. Bitbit ang pagkain na binili niya kanina nang pindutin niya ang doorbell ng apartment ni Omar. Gulat na gulat ito nang makita siya. Mukhang nagising niya ito. “Himala,” anitong nakangiti nang kunin nito sa kanya ang dala niya.“Hindi ba pwedeng ma-miss ka?”“‘Di nga?”“Bahala ka nga kung ayaw mong maniwala!” Actually, ni hindi sumagi sa isipan niya si Omar dahil kay Goddy. Full ang schedule niya that time