Share

16

Author: CjLove98
last update Last Updated: 2023-09-14 05:37:55

GUMALAW si Mayumi mula sa kaniyang higaan. Masarap ang pakiramdam niya, may mainit na nakayakap sa kaniyang beywang kaya nagmulat siya ng mga mata para i-check kung ano.

Higit ang hiningang napamura siya sa kaniyang isipan. Magkatabi silang natulog ni Kalel sa kama at niyayakap siya ng lalaki.

Napapangiwi siyang dahan-dahang inangat ang braso ni Kalel mula sa beywang niya, "tss, anong katangahan ito Yumi," usal niya. Nanlaki ang mga mata niya ng mas lalong sumiksik si Kalel sa kaniya. "Jusko, may nangyari ba sa amin? Hindi puwede," mariing kastigo niya sa sarili.

"Kaloka, stop thinking about it Yumi. Walang nangyari, okay?" Kinapa niya ang sarili at wala namang naramdamang kakaiba bukod sa pamamanhid ng kaniyang ulo.

Walang sinong dapat na sisihin kung may nangyari sa kaniya dahil ang lakas niyang uminom ng tapoy kaya na lasing siya ng husto. Ayaw niyang paawat sa pag-inom.

"Hmm," wika ni Kalel saka sumiksik pa lalo sa kaniyang tagiliran. Pilit niyang inilayo ang sarili sa lalaki.
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Fated to Love You    23

    DUMIRETSO si Kalel sa sementeryo. Gusto niyang dalawin ang puntod ng mommy niya. Gumugulo ang utak niya kaya gusto niyang maibsan 'yon sa pamamagitan ng pagsabi ng mga saloobin niya sa harap ng puntod ng mommy niya.Nasa tapat na siya ng puntod ng mommy niya. Nakita niya ang bulaklak na nakapatong sa nitso nito. Sa tantiya niya mga kahapon lang iyon nilagay doon. Syempre alam niya na ang daddy niya ang naglagay nito dahil ito ang paboritong bulaklak ng mommy niya. Dati nang buhay pa ito ay marami nito sa garden nila. At ayaw na ayaw ng mommy niyang maapakan o mapitasan man lang kahit isang tangkay. Naupo siya sa gilid ng nitso nito. Nagsimula siyang sariwain ang mga panahong buhay pa ito at masaya silang naglalaro. "Mommy, alam mo malaki ang kasalanan ko kay Dad, sinagot-sagot ko siya at nag-away kami. But I can't understand his point. Why is he protecting Mayumi at all times?" Parang iiyak siya pero pinigil niya. Lalaki siya kaya hindi marapat na makita siyang umiiyak. 'Yon ang it

  • Fated to Love You    22

    PAGKAUWI ni Briana galing Ifugao ay dumiretso siya sa kaniyang Tita Shirley, nagsumbong siyang iniwan siya ni Kalel sa Ifugao at muntik pa siyang maligaw pauwi dahil hindi niya kabisado ang lugar. Galit na galit siyang nagsumbong ng mga nangyari. In the first place, siya ang may kasalanan nun, siya ang kusang sumunod at nanggulo roon pero pakiramdam niya ay siya ang biktima sa nangyari. "Tita Shirley, pagsabihan mo naman si Kalel na huwag na niya akong saktan at iwan sa susunod. Pumunta lang naman ako ng Ifugao para tulungan siya pero nagalit silang dalawa ni Mayumi.""Don't worry kakausapin ko siya bukas. Pupunta ako sa opisina niya. Alam mo sumosobra na siya sa supladuhan niya. Matagal na akong nagtitimpi sa mga kalokohan niya dahil ayokong magalit sa akin si Sebastian. Pero ngayon parang hindi na ako kampanti na walang gagawin.""Tama 'yan. Sumusubra na talaga siya sa ugali niya. Salamat Tita Shirley," malambing na wika ni Briana at yumakap pa kay Shirley. At naniwala kaagad si Sh

  • Fated to Love You    21

    DISMAYADO na umuwi si Kalel sa kaniyang condo unit. Wala siyang magawa dahil ayaw siyang kausapin ni Mayumi kahit na si Bunny ay hindi na rin niya makontak. Nakita rin niyang panay tawag ang Daddy niya pero wala siya sa mood na sagutin ang tawag nito dahil alam niyang pagagalitan lang siya nito. Matapos ang mga ilang oras na pagmumukmok ay bumangon siya at sinimulang gawin ang report at journal. Marami naman siyang ideas dahil marami siyang nakuhang larawan gamit ang DSLR camera niya. Sapat na 'yon para mabuo niya at matapos ang task nila.Nasa kalagitnaan na siya ng paggawa ng report ng may nagdoorbell. Wala siyang ganang tumayo at tinungo ang pinto, sunod ay binuksan na niya ang ito ng mas lumakas ang pagdoorbell. Bumungad si Sebastian sa harapan niya. "Good afternoon dad," bati niya sa daddy niyang nakatayo sa harapan niya. Seryoso ang mukha niya. "Puwede ba tayong mag-usap?" seryoso nitong tanong. "Of course dad, pumasok ka." Iginiya niya ang ama papasok sa loob ng unit niya

  • Fated to Love You    20

    NATAMPAL ni Kalel ang noo ng makita niyang wala na si Mayumi at maging ang mga gamit nito. Parang kumulo ang dugo niya dahil sa ginawa nitong pag-alis. Siya ang responsible sa babae kaya hindi siya nito puwedeng iwanan, dapat sabay silang bumalik dahil iyon ang utos ni Sebastian ng tumawag ito kanina."Oh, no, it can't be. Dad would be mad at me, besides, hindi pa namin nagagawan ng opisyal na report at journal ang mga nakalap naming ideas pero umalis na siya." Hinagis niya ang unan na naabot niya sa sobrang galit. Humiga siya sa kama. "Ang lakas ng loob niyang sumbatan ako pero dinamdam naman pala niya ang nangyari kanina. Talunang babae," wika niya saka sinubukang tawagan ang babae pero hindi niya ito makontak. Bumangon siya saka tumayo. Napagdesisyunan niyang lumabas para lumanghap ng sariwang hangin, upang mawala ang galit niya. Nakasalubong niya sa hallway si Briana. Nakangiti ito sa kaniya, as usual parang ang bait-bait niyang tingnan. Parang inosente tingnan. "What happened?

  • Fated to Love You    19

    "ARE you okay?" tanong ni Kalel kay Mayumi nang makapasok siya. Umirap siya ng mga mata, malamang hindi siya okay. Sinugod ba naman siya at inaway ni Briana ng wala naman siyang ginagawa sa babaeng 'yon, oo, umawat si Kalel pero hindi siya thankful dahil mas lalong nagalit ang bruha. "Bakit? May pakialam ka ba sa akin? Puwede ba, pagsabihan mo si Briana na huwag siyang mangggulo rito," naiinip siyang naupo sa kaniyang folding bed. Inilapag ang dalang traveling bag sa gilid niya at tinanggal ang suot niyang sapatos."Yeah, wala akong pakialam sa'yo, pero hindi puwede na masaktan ka rito dahil magagalit si Dad," tugon niya. Tapos na itong nagbihis. Galing lang ito sa banyo dahil naligo siya. Naupo ito sa may kama niya."Okay, so, dapat pala kay sir Sebastian ako humingi ng basbas sa tuwing may gagawin ako, kasi takot ka sa kaniya. Nakakainis," wika niya, saka tumalikod kay Kalel."Of course, daddy ko siya kaya dapat na sundin ko ang mga gusto niya kahit na minsan parang sinasakal ako. S

  • Fated to Love You    18

    NAALIMPUNGATAN si Kalel ng kinutusan siya ni Mayumi. Nakapameywang ito sa harapan niya. Naiinip siyang bumangon."Ano ba ang ginagawa mo?" nanlalaki ang mga mata niyang tinitigan si Mayumi na napapairap sa harapan niya. "Ako ang sagutin mo, bakit magkatabi na naman tayo nang magising ako? Kagabi kinuha mo naman ang kumot ko ah. May binabalak ka ba sa 'kin?" Dinuro-duro pa siya ni Mayumi. "What? Hell no! Asa ka pa Mayumi, kahit nag-iisa ka na lang na babae sa buong mundo, tandaan mo hindi kita papatulan.""Kuno?" Tumawa siya ng pagak. "Huwag kang magsalita ng patapos," sagot niya saka mas lumapit kay Kalel na nakatayo na sa harapan niya. "Eh, ano ang ginagawa mo sa tabi ko kung ganun? Na…huwag mong sabihin na nag sleepwalk ka at tumabi ka sa akin?" pang-aasar pa siya. "Mga babae talaga, mahilig mag bintang," wika niya saka napapailing. "Nakita kitang giniginawan kagabi kaya nagshare ako ng kumot sa'yo. Oo, tinabihan kita pero tumalikod naman ako sa'yo nang natulog na ako. Anong mas

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status