LOGINHindi man naging maganda ang unang pagtatagpo ng mga landas nina Mayumi at Kalel dahil sa aksidenteng nangyari; at nag-umpiisa mang parang aso’t pusa ang dalawa, but they still couldn’t stop their feelings for each other. They fell in love with each other. But how will their love story have a happy ending if Mayumi discovers something? Mayumi discovers that the father of her love interest is accountable for her mother’s death. Can she put aside the anger that her heart feels for the sake of Kalel begging her? Or will she choose justice for her mother that she has lo deng wanted to get? Which one will she choose? Justice? Or her love for Kalel Monteverde?
View MoreHABANG isinasawaga ng doctor ang operasyon ay nasa labas lang si Mayumi naghihintay ng mga posibilidad, maganda man o masama. Agad na lumapit sa kanya sina Michelle at Auntie Maya na kitang-kita ang pag-aalala at pagtataka sa mukha.“Yumi! Ano ba talagang nangyari?!” bungad ni Michelle habang hawak ang braso ni Mayumi. “Sino yang lalaking yan? Bakit duguan? At bakit dito mo pa dinala sa isla? Delikado ba siya? O may humahabol sa kanya?” Sunod-sunod ang mga nito.Hindi masisi ni Yumi ang mga ito dahil sobrang bigla nga ng nangyari. Kahit siya, hindi pa rin makapaniwala na nasa harap niya ngayon ang CEO ng Ayala Entertainment na halos kalaban niya palagi.Huminga nang malalim si Mayumi at sinubukang pakalmahin ang sarili bago sumagot.“Mich, Auntie Maya... siya si Kalel. Si Sir Kalel... ang boss ko at anak ni Sir Sebastian,” mahina ngunit malinaw na sabi ni Yumi.Nanlaki ang mga mata nina Michelle at Auntie Maya sa gulat. “Ha?! Si Kalel?! Yung boss mo na sinasabi mong sobrang sungit?!
ISANG gabi, nagbar sina Mayumi at Bunny para mag-bonding. Matapos ang nakakapagod na schedule sa taping at sa opisina, naramdaman nilang kailangan nila ng pahinga—kahit saglit lang. Doon sa isang private lounge kung saan hindi masyadong matao at safe, doon sila nagtungo para kumain, uminom, at magkwentuhan.Matapos ang ilang oras na jamming at tawanan, medyo tipsy na silang pareho. Hindi naman lasing na lasing, sapat lang para mawala ang stress at gumaan ang pakiramdam.“Yumi, uuwi na ako, ha? Inaantok na ako oh,” sabi ni Bunny habang humihikab at inaayos ang bag niya. “Sobrang bigat ng talukap ng mata ko, baka kung ano pa mangyari sa akin kung magtatagal pa ako dito.”Tumawa lang si Mayumi. “Sige na Bun, ingat ka sa daan. Mag-drive ka nang dahan-dahan ha.”“Oo naman! Ikaw din ha? Huwag ka nang magtagal dyan. Umuwi ka na rin agad pagkatapos mo,” paalala ni Bunny bago tuluyang umalis.Naiwan si Mayumi sa mesa. Tinitigan niya ang natitirang isang shot ng vodka sa harap niya. “Isa na lan
NATAPOS na ang anim na buwang bakasyon ni Mayumi sa Batangas. Anim na buwan ng kapayapaan, ng mga ngiti ng matatanda, hiyawan ng mga bata, at simoy ng sariwang hangin sa isla. Panahon na para bumalik sa Maynila at harapin ang reyalidad ng trabaho. Umaasa siya na baka nagbago na ang ihip ng hangin at baka naging mabait na si Kalel.Ang katotohanan ay, sa bawat araw na lumilipas sa Batangas, may bahagi ring nag-iisip siya kung paano na ang mga proyekto sa Ayala Entertainment, kung paano na si Kalel—kung nagbago na ba ito. Nami-miss niya nga ba ang masungit na boss? Hindi niya masabi, pero may kuryosidad.Ngunit, nagkamali siya.Pagpasok niya sa opisina, sinalubong siya ng malamig na tingin ni Kalel. Walang "welcome back" o ngiti, tanging seryosong ekspresyon na parang hindi siya umalis ng kalahating taon."Late ka ng limang minuto. Start working now," malamig na sabi nito at tinalikuran siya, ibinalik agad ang dating realidad.Parang binuhusan siya ng malamig na tubig. Wala talagang pin
ANG pagbabalik ni Mayumi sa Batangas ay para sa paglanghap ng sariwang hangin matapos ang mahabang pagkakakulong sa mausok na siyudad. Hindi na siya ang stressed at laging busy na tao. Ngayon, siya si Mayumi – ang babaeng may malaking ngiti, ang babaeng masaya sa simpleng mga bagay, masayang makasama ang mga tao sa isla, ang makatulong sa nursing home at sa mga bata. Masaya siyang makabalik at manatili ng matagal dito sa isla Verde. Marami siyang magagawang makabuluhan kasama sina Michelle at Auntie Maya. Bukod sa pagiging malapit sa mga tao ang pinakagusto niya sa lugar ay ang bahay nina Michelle, na nasa tabi mismo ng dalampasigan, na parang isang paraiso. Ang tunog ng alon, ang amoy ng dagat, at ang sariwang simoy ng hangin ang palaging hinahanap ng sistema niya.Dito niya tunay na natagpuan ang kapayapaan. Tahimik ang buhay, presko ang hangin, at ang pinakamahalaga, wala si Kalel. Pangalan pa lang nito ang maririnig niya ay inis na inis na siya. Ngayon kinalimutan muna niya an






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews