Home / Romance / Fix Marriage with my Online Date / KABANATA 9 - Unang Araw sa Trabaho

Share

KABANATA 9 - Unang Araw sa Trabaho

Author: soluna_scrive
last update Huling Na-update: 2025-03-15 16:06:39

ENGRANDE ang bumungad na establisyemento kay Aya. Napalunok siya ng sariling laway, ito ang unang pagkakataon niya upang patunayan ang sarili sa pagsusulat. Sikat ang Horton Corp hindi lang sa kanilang publication management ngunit dahil din sa malawakang akses nito sa industriya ng showbiz. Inayos ni Aya ang kaniyang buhok na nagulo mula sa helmet ng habal-habal na sinakyan, kaniya ring pinagpagan ang polong puti at slacks na itim. Importante ika nga ang unang pagkikita, kaya naman nais niyang maging presentable sa mga mata ng mga makakatrabaho.

Sa kabilang banda, nabalot ng kaba at tuwa si Dan dahil sa itinawag sa kaniya ni Theodore. "Direktor Dan, tingnan mo, ito na ang sasakyan ng misis ni Mr. Morgan?"

Ang lalaking tinawag na direktor ay tumingin sa itim na kotse sa labas at naguluhan. Kaninang umaga lang sinabi ni Theodore na ang misis niya ay bata pa at bagong manunulat ng publikasyon. Bukod dito, wala ng ibang detalye pa ang binanggit. Una, nagulat siya dahil halos walang na
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • Fix Marriage with my Online Date    KABANATA 10: Ang Babae Mula sa Nakaraan

    Hindi talaga nauubusan ng kwento si Jolie—parang makina ng tsismis na mayroong walang katapusang baterya. Kasing kulay ng damit niya ang kaniyang awra, at sa bawat hakbang nila sa opisina, may bago na naman siyang ibinubulong kay Aya.“Alam mo ba,” sabay lapit ni Jolie kay Aya, “nag-text yata o tumawag? ah basta alin man sa dalawa, nag text o tumawag daw bigla ‘yong boss kanina sa director. Eh ‘di ba, wala pa raw sa Manila ‘yong director? Pero ayon, lumipad pa-manila mula sa CDO para lang daw personal na salubungin ‘yong asawa ng boss. Mukhang heavy hitter talaga ‘yong boss natin. May koneksyon na hindi basta-basta.”Napakunot-noo si Aya, tinatanaw ang direksyong tinuturo ni Jolie. Halos hindi magkamayaw ang mga tao sa unahan kaya hindi niya masipat kung sino ang tinutukoy nito. Ngunit napansin niyang may babaeng tinatawag na Steffi—at may kislap ng pamilyaridad na tumawid sa kaniyang isipan. Hindi lang ito matukoy kaagad kung saan niya ito nakita.Matapos ang mabilisang pag-iikot at

  • Fix Marriage with my Online Date    KABANATA 9 - Unang Araw sa Trabaho

    ENGRANDE ang bumungad na establisyemento kay Aya. Napalunok siya ng sariling laway, ito ang unang pagkakataon niya upang patunayan ang sarili sa pagsusulat. Sikat ang Horton Corp hindi lang sa kanilang publication management ngunit dahil din sa malawakang akses nito sa industriya ng showbiz. Inayos ni Aya ang kaniyang buhok na nagulo mula sa helmet ng habal-habal na sinakyan, kaniya ring pinagpagan ang polong puti at slacks na itim. Importante ika nga ang unang pagkikita, kaya naman nais niyang maging presentable sa mga mata ng mga makakatrabaho. Sa kabilang banda, nabalot ng kaba at tuwa si Dan dahil sa itinawag sa kaniya ni Theodore. "Direktor Dan, tingnan mo, ito na ang sasakyan ng misis ni Mr. Morgan?"Ang lalaking tinawag na direktor ay tumingin sa itim na kotse sa labas at naguluhan. Kaninang umaga lang sinabi ni Theodore na ang misis niya ay bata pa at bagong manunulat ng publikasyon. Bukod dito, wala ng ibang detalye pa ang binanggit. Una, nagulat siya dahil halos walang na

  • Fix Marriage with my Online Date    KABANATA 8: Ipinagbabawal na Batas

    Matapos maging malinaw ang usapan nina Theodore at Ariah ay hinarap muli ang isa't-isa. Mariin nilang itinatak sa alimpatakan na sa loob ng tatlong buwan nilang pagpapanggap bilang mag-asawa ang lahat ng kanilang gagawin ay parte lamang ng kontratang pinirmahan at script na susundan. Tila ba nasa loob sila ng pelikulang sila mismo ang kapwa direktor at aktor. "And the last thing we should never forget..." "Hmm?" "Is to never fall in love with each other," matamang bigkas ni Theodore habang nakatitig kay Ariah. "The forbidden rule. Chapter 4, paragraph 3. Nabasa ko naman sa contract. Huwag kang mag-alala, hinding-hindi iyon mangyayari. Makakaasa ka, Theodore." Ngumiti si Ariah at inilahad ang kamay, "Let's work professionally, shall we?" Tumango si Theodore at tinanggap ang kamay ni Ariah, "Sealed deal then."Napagkasunduan din nina Theodore at Ariah na pansamantalang mananatili rin muna si Ariah sa tahanan ni Theodore upang walang maghinala sa kanila gayong ganap na

  • Fix Marriage with my Online Date    KABANATA 7: Paghabi ng Pagpapanggap

    MALUMANAY na nagpapaliwanag sa harap ni Ariah ang estrangherong halos isa't-kalahating linggo pa lang niyang nakikilala. Nakasauot ito ng puting polo na tinupi hanggang siko, at nakabukas din ang una at ikalawang butones na siyang nagdedepina sa makisig na pangangatawan ng binata. Agaw pansin ang relo nitong rolex stainless steel. Sa tingin ni Ariah ay isang taon niya munang pagtatrabahuan ito bago makabili ng isa nito. "Are you even listening?" "H-ha? Oo naman, ulitin ko pa sinabi mo eh," namumulang tugon ni Ariah nang mahuling nakatulala lang sa kausap. Kumurba ang ngiti sa labi ni Theodore at mahinang umubo upang itago ito. "Gaya ng sabi ko, para maging perpekto ang pagpapanggap natin bilang mag-asawa, there's one thing we should make sure of," pagpapatuloy nito. Tumango si Ariah. "Tama." "What is it then?" Nakataas ang kilay na tanong ni Theodore, ang buong atensyon ay nasa harapan. "Wow, hindi ako na-inform na may recitation pala tayo," pilosopong sagot ni Ariah.

  • Fix Marriage with my Online Date    KABANATA 6: Ang Pagbisita

    PAGKATAPOS NG PAGPUPULONG kasama ang mga stake holders ng kompanya, agad na dumiretso si Theodore sa kaniyang executive suite. Pagkabukas ng pinto ay tumambad sa kaniya ang pinsang si Jace na abala sa paglalaro ng play station na tila siya ang may pagmamay-ari ng suite. “Oh? Diyan ka na pala, Insan—shit! Muntik na ako ro’n ah!” asik nito saka binaba ang console. “What the hell are you doing here, Jace?” “Teka, kalmahan mo lang. Upo ka muna hehe.” Hindi ito pinansin ni Theodore at dumiretso sa ref upang kumuha ng malamig na tubig. “Ano ‘yong sinabi mo sa call? Totoo bang kasal ka na o joke time lang?” Binaba ni Theodore ang baso, at kasalukuyang niluluwagan ang suot na necktie. Sinundan lang siya ng pinsan at tila ba bata na nanghihingi ng barya sa ama nito kakabuntot. “Kailan pa ako nag biro?” “So seryoso? S***a! Hindi mo man lang ako inimbita. Aray…” Umakto itong nasasaktan at dinuro pa ang dibdib. “Ang gwapong bestman mo hindi mo man lang inimbita? Ang sahol ha.” “S

  • Fix Marriage with my Online Date    KABANATA 5: Ang Pagkikita

    NAGKAKILALA sina Ariah at Theodore sa isang online dating application na parehas nilang sinubukan. Noong panahon ng kagipitan, sinubukan ni Ariah gamitin ang dating application na “We Chat & Date”para humanap ng matandang lalaki na naghahanap ng kasintahan, o sugar daddy kung tawagin. Labag ito sa kaniyang kalooban, subalit kailangan niya ng mabilisang pera para sa pagpapagamot ng kapatid kaya naman isinantabi niya ang sariling prinsipyo para rito. “Baka naman may naghahanap lang dito ng care-giver o kakausapin tapos babayaran, pwede na ‘yon…” bulong niya habang nag i-iscroll sa WDC. Hindi niya maatim ang ilan pang mga nakalagay doon na puro kabastusan, kaya naman titigilan niya na sana ang pagscroll nang mamataan ang isang post ilang segundo ang nakalilipas. Ang nakasaad ay “wanted marriage partner” at ang pabuya para rito sa tatlong buwan na pagpapanggap bilang mag-asawa. Nakalagay sa ibaba ang contact details ng nag post, gayundin ang tumataginting na halaga para rito. Sa isip n

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status