THE UNWANTED WIFE'S TEARS

THE UNWANTED WIFE'S TEARS

last updateLast Updated : 2026-11-18
By:  FrezscheuzstStrre_18Updated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
6Chapters
6views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Akala ni Solana, tuluyan na niyang naiwan sa nakaraan ang lalaking minsang naging bahagi ng kanyang buhay. Ngunit hindi niya inakalang muli silang pagtatagpuin ng tadhana sa paraang hindi niya kailanman hiniling. Makalipas ang ilang taong paninirahan sa ibang bansa, muling siya magbabalik sa lugar kung saan naging bangungot niya sa nagdaang taon. Kailangang pakasalan ni Solana ang lalaking itinakda ng kanyang Lola. At laking gulat niya nang malamang si Ezekiel Fortalejo ‘yon. Dahil sa sitwasyon ni Solana. Hindi niya kayang tumanggi. Hindi rin siya hinayaang makalayo ni Ezekiel. Sa halip, ginawa siyang bilanggo ng isang pagsasamang puno ng galit at paghihiganti. Determinado itong pagdusahan niya ang kasalanang hindi naman niya ginusto. Lalo pang naging mas masakit ang lahat nang bumalik ang babaeng tunay nitong minahal. Harap-harapan siyang pinapahiya at iniinsulto ni Elisse, ang first love ni Ezekiel. Ngunit nang malaman ni Ezekiel ang tunay na dahilan kung bakit nawala si Solana sa buhay nito sa loob ng maraming taon. Isang katotohanan ang yumanig sa mundo ng lalaki. At nang mabunyag ang isang lihim na matagal nang itinatago ni Solana, tuluyan nang magbabago ang lahat. Iyon lamang ang hihintay niya bago humingi ng divorce sa asawa. Ngunit paano kung ayaw nitong pumayag? May pag-asa pa bang bigyan ng pagkakataon ang asawang handang bitawan ang lahat mapatawad lang?

View More

Chapter 1

Prologue

“Bring Solana out!” Umalingawngaw ang galit na sigaw ni Elisse sa buong mansyon ng mga Villareal.

Halos mawalan ng kulay ang mukha ng mga katulong nang makita ang babaeng walang pakundangang pumasok sa loob. Magulo ang buhok nito, namumugto ang mga mata at halatang ilang araw nang hindi maayos ang tulog. Ngunit higit sa lahat, may matinding galit na nag-aalab sa mga mata ng babae.

This was not the Elisse they had known before. Ang dating mahinahon at elegante na babae ay tila tuluyan nang nawalan ng katinuan.

“Ma'am Elisse, ano po ang kailangan ninyo?” maingat na tanong ng isang katulong.

“Nasaan si Solana?!”

“Wala po siya rito—”

“Huwag kang magsinungaling sa akin!” Napatras ang katulong nang biglang sumigaw si Elisse. “Alam kong nandito ang babaeng 'yon! Huwag ninyo akong subukang lokohin dahil wala akong pakialam kung sino pa ang masaktan sa inyo!”

Napatingin ang iba pang katulong sa isa't isa. Wala ni isa sa kanila ang nagkaroon ng lakas ng loob na pigilan ito. Mabilis na umakyat si Elisse sa hagdan at isa-isang binuksan ang mga pintuan ng mga silid.

Nang marating ni Elisse ang huling silid sa ikalawang palapag, marahas nitong binuksan ang p***o. Naroon ang babaeng hinahanap nito.

Nakatayo si Solana sa tabi ng malaking bintana, hawak ang isang basong tubig. Napalingon siya nang marinig ang malakas na pagbukas ng p***o.

“Elisse?”

Hindi pa man nakapagtanong si Solana ay mabilis nang lumapit ang babae at malakas na sinampal siya. Her face turned to the side from the force of the slap.

“Elisse! Ano ba—”

“Walang hiya ka!” Hinawakan ni Elisse ang buhok niya at marahas na hinila.

“Aray! Bitawan mo ako!”

“Akala mo makakatakas ka sa akin pagkatapos ng ginawa mo?!”

Napahawak si Solana sa kamay nito, pilit na inaalis ang pagkakahawak sa kanyang buhok. Nanginginig ang buong katawan ni Elisse sa galit.

“Dahil sa'yo, naghiwalay kami ni Ezekiel!”

Natigilan si Solana. “Ezekiel… anong—”

“Don't you dare mention his name!” Muli siyang sinampal nito. “Isa kang desperadang babae! Kaya walang nagmamahal sa'yo dahil makasarili ka!”

Napayuko si Solana. Hindi niya kailanman ginustong mangyari ang lahat ng 'to. Ngunit wala na siyang magagawa para baguhin ang nakita ni Elisse.

“I didn't mean for this to happen.” mahinang sagot niya.

“Hindi mo sinasadya?” Napatawa si Elisse nang mapait. “You're such a good actress! I trusted that man for years. Ilang taon kong inalagaan ang relasyon namin. Tapos isang araw, malalaman ko na lang na may nangyari na sa inyo?”

“Elisse, hindi ko naman—”

“Shut up!” Muling hinawakan ni Elisse ang buhok niya.

“Sinira mo kaming dalawa!”

Napalunok si Solana. “ Hindi ko intensyon na saktan ka.”

“Sinungaling! Ginawa mo na!”

Mabilis na itinulak ni Elisse si Solana hanggang sa mapaatras siya at bumagsak ang basong hawak niya sa sahig. Nabasag 'yon. Ngunit wala silang pakialam.

“Elisse, kumalma ka muna. Pag-usapan natin 'to nang maayos.”

“Wala na tayong dapat pag-usapan!” Biglang may kinuha si Elisse mula sa bag na dala nito.

Nanlaki ang mga mata ni Solana nang makita ang kutsilyo sa kamay nito. Kumabog ang kanyang dibdib sa takot.

“Elisse…”

“Sumama ka sa akin.”

“Please, makinig ka muna.” Sinubukan niyang pakalmahin ito. Ngunit lalo lamang nagliyab ang mga mata nito sa galit.

“Sinabi kong sumama ka sa akin!”

Umiling si Solana at dahan-dahang umatras.

“Hindi ako sasama sa'yo. Ibaba mo muna ang mga kutsilyo.”

“Wala na akong pakialam kung mamatay ako ngayon. Pero hindi kita hahayaang mabuhay nang masaya pagkatapos mong sirain ang buhay ko.”

“Elisse, please. Huwag kang gumawa ng bagay na pagsisisihan mo.”

“Pagsisisihan?” Napangisi ito habang nangingilid ang luha sa mga mata. “Wala na akong pagsisisihan. Matagal nang patay ang buhay ko simula nang malaman kong ipinagpalit ako ni Ezekiel sa'yo.”

Lumapit ito at itinutok ang kutsilyo sa leeg ni Solana. Napahawak siya sa dibdib.

“Elisse, please… please...”

“Manahimik ka! Pareho tayong pupunta sa impyerno.”

Nanginginig ang tuhod ni Solana. Hindi niya alam kung paano makakawala sa pagkakahawak ng babae. Masyadong malapit ang kutsilyo sa kanyang leeg at kahit kaunting galaw lamang ay maaari siyang masugatan.

Ilang minuto lamang ang lumipas bago tuluyang nailabas ni Elisse si Solana mula sa mansyon. Walang sinuman ang naglakas-loob na lumapit.

Nakita ng mga katulong at gwardiya kung paano nito pilit na isinakay si Solana sa sasakyan habang nakatutok pa rin ang kutsilyo sa leeg niya. May ilan mang nagtangkang humingi ng tulong, agad silang pinagbantaan ni Elisse.

“Kapag may sumunod sa amin, hindi lang si Solana ang mamamatay!”

Napahinto ang lahat. Walang nagawa ang mga katulong at gwardiya kundi panoorin ang sasakyang mabilis na umalis sa kanilang harapan. Agad namang inutusan ng mayordoma na sundan ang sasakyan.

Inside the car, Solana could barely breathe. Nasa tabi niya si Elisse, hawak pa rin ang kutsilyo. Paulit-ulit itong umiiyak at tumatawa na para bang tuluyan nang nawalan ng kontrol sa sarili.

“Please, ibaba mo ang kutsilyo, Elisse. Hindi natin kailangang gawin 'to.”

“You don't understand me!” Mas bumilis pa ang pagpapatakbo ni Elisse sa sasakyan.

Napahawak si Solana sa gilid ng upuan.

“Elisse! Watch out!” Halos hindi na humihinga si Solana sa sobrang takot.

“I don't care if we die!” Humagulgol si Elisse. “Gusto kong matapos na ang lahat. Gusto kong maramdaman ni Ezekiel ang sakit na nararamdaman ko. Gusto kong pagsisihan niya ang araw na niloko niya ako!”

Napapikit si Solana. Gusto niyang sabihin ang totoo. Gusto niyang ipagtapat ang lahat ng nararamdaman niya. Ngunit natatakot siyang baka lalo lamang magalit si Elisse.

May isa pa siyang dahilan para lumaban. Ang kanyang anak. She still couldn't fully come to terms with the news that she was pregnant. Ilang araw pa lamang mula nang malaman niya ang tungkol sa pagbubuntis.

“Please, Elisse. Slow down. We can talk about everything.” Napahawak si Solana sa kanyang tiyan. “Please…”

Ngunit tila walang naririnig si Elisse. Patuloy lamang ito sa pagmamaneho nang napakabilis.

“Elisse, may sasakyan sa unahan!” kinakabahang sigaw niya.

“Tumahimik ka sabi!”

Muli nitong pinaharurot ang sasakyan. At sa isang iglap, tuluyan nang nawalan ng kontrol ang manibela.

“Elisse!” Isang matinis na sigaw ang kumawala sa bibig ni Solana.

A loud crash shook the surroundings. Bumangga ang sasakyan sa isang konkretong pader nang subukan itong ilihis ni Elisse. Nayanig ang buong sasakyan. Solana's head slammed against the front part of the car. Blood immediately began gushing from her forehead, streaming down her face.

Nanghina ang kanyang katawan. Sinubukan niyang igalaw ang mga daliri ngunit halos wala na siyang maramdaman. Nakasubsob naman si Elisse sa manibela at tuluyan nang nawalan ng malay.

“Ang anak ko…” Mahina niyang sambit.

She didn't know if anyone had heard her. Dahan-dahan niyang hinawakan ang kanyang tiyan.

“Baby…Please, huwag kang mawala.”

Hindi nagtagal ay dumating si Ezekiel. Agad na bumaba ang mga tauhan nito.

“May dalawang babae sa loob!”

“Bilisan ninyo! Kailangan silang mailabas!”

Nang makita ng driver ni Ezekiel si Solana, agad itong lumapit sa kanya.

“Ma'am, naririnig n'yo ba ako?”

Bahagyang gumalaw ang mga mata ni Solana.

“Help…”

“Okay, ma'am. Huwag kayong mag-alala. Tutulungan namin kayo.”

“Elisse!” Mabilis na lumapit si Ezekiel sa sasakyan at nang makita ang babaeng nakasubsob sa manibela, agad na nataranta ang lalaki.

“Elisse! Babe!”

Tinulungan ito ng mga tauhan ni Ezekiel na mailabas.

“Sir, kailangan po nating dalhin si Ma'am Elisse sa ospital.”

“Then hurry up! What the hell are you waiting for?”

“Sir, si Ma'am Solana. Nasa loob pa ng sasakyan,” sabi ng driver ni Ezekiel.

Nang marinig 'yon, mabilis na napalingon si Ezekiel. Nakita nito si Solana na nakahandusay sa kabilang bahagi ng sasakyan. Duguan ang noo at halos hindi na makagalaw. Saglit itong napatitig sa kanya. Ngunit agad ding nagbago ang ekspresyon nito.

“Take Elisse first. An ambulance will come to pick up Solana.”

“Sir, pareho po silang kritikal ang kalagayan,” sabi ng driver.

“Didn't you hear me? I said take Elisse first!”

Lumapit ang isa pang tauhan ni Ezekiel kay Solana at maingat na sinubukang suriin ang kalagayan niya. Ngunit agad itong pinigilan ni Ezekiel.

“Don't touch her!”

Napatingin ito sa amo. “Sir?”

“Hindi ba malinaw ang sinabi ko? Iligtas ninyo si Elisse! Solana is not my concern!”

Kahit masakit ang ulo at halos hindi na niya maigalaw ang katawan, malinaw niyang naririnig ang bawat salitang binitiwan ni Ezekiel. She never expected to hear such words from the man she had loved since she was eleven

“Ezekiel…” mahina niyang sambit.

Hindi siya pinansin ni Ezekiel. Sa halip, mas lalong nag-alala ito nang mapansin ang dugong dumadaloy mula sa katawan ni Elisse.

“She's bleeding! Hurry up!”

“Sir, si Ma'am Solana—”

“Elisse is pregnant. She needs immediate medical attention!” galit na sigaw ni Ezekiel.

Parang may kung anong tumusok sa dibdib ni Solana. Buntis din si Elisse. At sa pagkakataong ’yon, kitang-kita niya kung gaano kahalaga kay Ezekiel ang batang dinadala nito.

“Please…” mahinang tawag niya.

Nang mailagay sa sasakyan si Elisse. tinignan ni Ezekiel si Solana.

“Please…” Nangingilid ang luha sa mga mata niya.

“May ambulance na paparating para sa'yo,” malamig nitong sabi.

“Pero… hindi ko na kaya…”

“Don't start with your drama. Listen carefully, Solana.” Lumapit ito nang kaunti at mariing tinitigan ang babae. “Kapag may nangyari kay Elisse o sa anak namin, sisiguraduhin kong mananagot ka.”

Nanlaki ang mga mata ni Solana.

“Kung hindi dahil sa'yo, hindi sana siya hahantong sa ganitong sitwasyon.”

Nanginginig ang mga labi ni Solana. Gusto niyang sabihin ang tungkol sa kanyang pagbubuntis. Gusto niyang ipaalam kay Ezekiel na may anak din itong kailangang iligtas. Ngunit nang makita niya ang galit sa mga mata nito, hindi niya magawang magsalita. Hindi niya alam kung maniniwala ba ito. O baka mas lalo lamang siyang kamuhian.

“Ezekiel…” muli niyang tawag.

Ngunit tinalikuran na siya ng lalaki. “Let's go!”

Agad na isinara ang p***o ng sasakyan na kinaroroonan ni Elisse.

Makalipas ang ilang segundo, umandar na 'yon palayo sa lugar. Iniwan si Solana kasama ang ilang taong naghihintay sa pagdating ng ambulance.

Unti-unting nanlalabo ang paningin ni Solana. Ramdam niya ang dugong patuloy na dumadaloy mula sa kanyang katawan. Nang bahagya niyang igalaw ang kamay, napahawak siya sa kanyang tiyan.

“Baby…”

Nanginginig ang kanyang mga daliri. Hindi niya alam kung anong nangyayari sa batang dinadala niya. Hindi niya alam kung ligtas pa ba ito. Ang alam lamang niya, ayaw niyang mawala 'yon.

“I'm sorry, sweetie…” Isang patak ng luha ang gumulong mula sa kanyang mata. “Hindi na kita maipapakilala sa daddy mo…”

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


No Comments
6 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status