Share

Kabanata 2

Lyndon

Many people believe you'll see your dream when you are at death's door, and I think it's true. Kung hindi lang ako sinipa ng dream ko. 

Nanlaki ang mga mata ko nang unti-unti akong lumubog sa ilalim ng tubig. Madilim. Walang liwanag at tanging ang bilog na ilaw lang sa itaas ang nakikita ko. Mabilis akong lumangoy tungo sa liwanag at sumungaw ang ulo ko sa itaas ng tubig-alat.

Shocks. Ano 'yong nakita ko sa ilalim ng tubig?

Mga malalalim na mata ni Levi at manipis niyang labi. Muntik ko nang hagkan, pero bigla niya lang akong sinipa palayo. Tinampal ko ang sariling noo. Naman, Rishel. Kung magdi-daydream ka, sana naman 'yong romantic ang datingan ni Levi.

"Levi! Ano bang ginagawa mo riyan? Come back, we're late!" sigaw ng isang matinis na boses babae. 

Tumingala ako sa dock at nakita ko ang isang nakapameywang na babaeng kamukha ni Nicole, iyong nag-iisang babae ng bandang Vine. May suot na summer hat sa ulo at isang bestidang kulay asul. Sa tindig pa lang ay alam nang may pinag-aralan.

Tinanaw ko lang ang isang lalaki na lumangoy tungo sa gilid ng dock at umakyat. Tumutulo ang tubig-alat mula sa damit niya. Ngumuso ako. Iyon yata ang lalaking humila sa akin pabagsak sa dagat. Tch. 

Ni hindi man lang nag-thank you dahil sinamahan ko siyang maligo.

Sumimangot ako at lumangoy tungo sa gilid ng dock. Umakyat at tumayo sa gilid. "You, basta*d! Hindi ka man lang tumulong  --- eh?"

Biglang humarap sa akin ang lalaking walang modo at natulala ako dahil kamukha niya si Levi, iyong vocalist ng Vine na paborito ko. Nakababa ang cowlick niya sa noo at tumutulo pa ang tubig sa leeg niya pababa sa suot na V-neck polo shirt. 

"Minura mo ako?" tanong niya. Mas lalo akong nanigas sa kinatatayuan dahil pati boses, hah, kaboses niya rin si Levi!

"Hindi, a!" Lumunok ako at umiwas ng tingin. "Anong mura? Compliment 'yon!"

"Heh." Natawa ang lalaki saka naglakad palapit sa akin. Mas lalo akong nataranta. Akmang hahakbang ako paatras nang mabilis niya akong nahawakan sa braso at hinila palayo sa gilid ng dock. "For the second time, woman, don't act pitiful. I don't buy your poor acting skill."

"A-Ano?"

I blinked and gaped at his retreating figure. Nagsalubong ang mga kilay ko sa inis. Inakala ba ng lalaking iyon na nagpapansin ako sa kaniya? Lech* na 'yan!

"Rishel," tawag ng kung sino sa likuran ko. 

Lumingon ako at nakita ko ang mukha ni Tiden. Mas lalo akong naguluhan. Bakit nandito ang Vine? Wait, nandito ang Vine!

Nanlaki ang mga mata ko. "Tiden? Is that you?" 

"Oh?" Tumaas ang sulok ng labi niya at pinagkrus ang mga braso sa dibdib. "Hindi mo ako madadala sa ganyan, Rishel. Ihahatid na kita kay Tito," sabi ni Tiden saka hinawakan ako sa palapulsuhan at hinila paalis ng dock. 

Kumibot ang sulok ng labi ko at takang tiningnan si Tiden. Binaling ko rin ang tingin sa lalaking kamukha ni June na naglalakad sa tabi ko. Doon ko lang na-realize na hindi ako nagdi-daydream. 

Nandito nga ang Vine! 

"Hey hey! Stop!" Mabilis kong binawi ang palapulsuhan mula kay Tiden at umatras nang ilang hakbang. Kunot-noo ko silang tiningnan. "So that basta*d is Levi?"

Nagkatinginan sina June at Tiden. Umikhim si June. "Sino ba sa akala mo ang kasama mong nahulog sa dagat?"

Pakiramdam ko, para akong binuhusan ng isang nagye-yelong timba ng tubig. Bakit? Paano? 

Bakit ko hinayaang makatakas si Levi! 

"Ahhhh!" Pinagsasampal ko ang sarili. "Stupi*, Rishel! Dapat hinuthutan mo muna!" 

"Rishel!" Mabilis na hinawakan ni Tiden ang mga kamay ko at kunot-noo akong tiningnan nang masama. "Ano bang nangyayari sa 'yo?"

"Tideeen! Help! Yung phone ko, nahulog sa dagat! At tumakas lang si Levi! Basta*d! Matapos nang ginawa niya, tatakas lang siya? Ano? He will not take responsibility? My poor baby!"

Mabilis na tinakpan ni Tiden ang bibig ko at lihim na nilibot ang tingin sa paligid. Saka niya ako tiningnan na parang tinubuan ng isa pang ulo sa mukha. "Ano bang pinagsasabi mo riyan? Magkano ba? Ako nang magbabayad."

"No! I want him to take responsibility! That dem* basta*d!"

Napahawak ng sentido si June at kinaway ang kamay. "Mauna na ako, bai. Ikaw na ang bahala kay Rishel. Lumuwag na naman ang turnilyo sa utak." Saka siya naunang umalis ng dock.

Tiden's lips twitched with a smile. Tiningnan niya ako nang matagal bago pinitik ang ilong ko. "Aray!" Masama ko siyang tiningnan. "Ano na naman ba ang problema mo, ha?"

"Ikaw ang may problema," sita ni Tiden. "Ano bang pumasok sa kokote mo at naisipan mong tumambay rito sa dock?"

Ngumuso ako at humalukipkip. "I want to relax, but you guys are too much! You bully me!"

Bumuntong-hinga si June. Bago pa man siya muling makapagsalita ay may narinig kaming pag-ikhim. Tumingin ako sa lalaking nakatayo sa entrada ng dock, sa hindi kalayuan. 

Nakita ko ang mukha niya. Nagusot ang mukha ko at nag-iwas ng tingin, sabay humalukipkip. "What are you doing here?" 

Pero hindi siya sumagot sa tanong ko. Bumaling siya kay Tiden. "I will take Rishel from here, young man."

Nagsalubong ang mga kilay ni Tiden. "Who are you?" tanong niya sa lalaki saka hinila ako palapit sa kaniya. 

Tumaas ang kilay ko habang nakatingin sa bagong dating, at pinagkrus ko pa ang mga braso sa dibdib. I looked at him with my beautiful smug smile. But he just chuckled and winked at me, as if isa akong kitten na nagpapa-cute sa kaniya. 

My face darkened. Just then, how I wish na isa akong malaking tigre sa paningin niya. I looked away. 

"Rishel, kilala mo ba ang lalaking iyan?" tanong ni Tiden. 

I pursed my lips. "No. Not at all!"

Nangunot ang noo ni Tiden saka bumaling sa lalaki. "Mister, it's bad to joke with a lady you're not familiar with."

"Oh?" the man teased. Tumingin siya sa gawi ko at inayos ang suot na necktie. "Do you think of me as someone untrustworthy, Rishel?" tanong niya.

I know what he's saying. Gusto niyang ipaalala sa akin ang krimen sa Boljoon, na ako ang mas hindi katiwa-tiwala sa aming dalawa. I gritted my teeth. Hindi ko na alam kung ilang balde na ng pasensya ang nainom ko simula nang makilala ko siya.

"Tiden, let's go!" sambit ko saka hinila siya palampas sa lalaking nakatayo sa entrada. Pero bago pa man ako makalampas sa kaniya ay hinuli niya ang palapulsuhan ko at hinila ako palayo kay Tiden. "Hey! What's the matter with you? Pakawalan mo nga ako!" sigaw ko saka nagpumiglas. 

"Your father is there. You'll be punished when he'll see you like this," the man whispered in my ear. 

Nakiliti ako sa mainit na hiningang dumampi sa tainga ko. Mabilis kong iniwas ang tainga mula sa kaniya at sumimangot. Tumingin ako kay Tiden na kanina pa madilim ang ekspresyon habang nakatingin sa lalaking hawak-hawak ang palapulsuhan ko. 

Bumuntong-hinga ako saka kinaway ang kamay kay Tiden. "Hindi ba late na kayo sa night gig? Baka pagalitan ka na naman ng manager niyo," aniko. 

Wala namang masama sa sinabi ko, pero mas lalo lang yata sumama ang tingin ni Tiden. Umikhim ako at umiwas ng tingin. Bakit? May sinabi ba akong mali?

"Okay. Tatawagan kita mamaya," ani Tiden. 

"Ah no!" Mabilis kong kumumpas ang kamay sa eri. "Did you forget? Nahulog sa dagat ang phone ko. I'll buy another one bukas!"

Tumango si Tiden saka walang imik na naglakad palayo. Bagsak ang balikat na pinitik ko ang kamay na nakahawak sa palapulsuhan ko. "Anong ginagawa mo? Wala na siya kaya bitiwan mo ako, puwede?"

Doon lang niya pinakawalan ang palapulsuhan ko. Mas lalo akong nanlumo nang makitang na nagusot nang husto ang school uniform ko. Lagot na naman ako kay Mama nito, eh. 

"Lyndon," biglang sambit ng lalaki. 

Tumingin ako sa kaniya. "Anong sinasabi mo riyan?"

"Call me Lyndon. That's my name."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status