Sunset at Dock
I pursed my lips and took a step back to Larica shipyard, just a few meters away from the private dock. Nakasunod lang si Lyndon sa likod at wala akong planong makipag-usap sa kaniya. I was thankful that he was silent even though it's awkward.
Nang umihip ang hangin ay niyakap ko ang sarili. Hindi basta-basta ang lamig ng simoy sa dapit-hapon, but he placed a warm jacket around my shoulder and my teeth stopped chattering instantly. Pasimple akong lumingon sa gilid at nakita ko ang side view ng mukha niya.
The sun was setting in the west and the soft rays touched the tip of his nose. Sa anggulo na nakikita ko, para bang ginuhitan ng malamlam na sinag ng araw ang mukha ni Lyndon, tracing his side profile which made him look ethereal.
I looked away and sighed. May itsura nga pero ang ugali... err nevermind. A few minutes later, I took a step in the shipyard. Dito kinukompuni ang mga barko na ginagamit para sa paglalayag. It was one of Larica Shipment's properties at hindi ito nalalayo sa daungan ng mga barko kung nasaan ang pinakasentro ng negosyo. Hindi ko pansin ang tingin ng ilan sa mga empleyado ni Papa na sige sa paghila ng kung ano-ano habang panaka-nakang tumitingin sa gawi ko. They knew me because I always walk past the area tuwing nagtutungo ako sa dock, and it was their first time na makitang may kasama akong lalaki. Tch. Good thing that they kept their mouths shut or else...
Nagulat ako nang bigla akong tinawag ni Lyndon at nagpaalam na pupunta sa Emal na nasa malapit. Bibilhan niya raw ako ng bagong damit. I raised my brow at him. "What are you up to?" tanong ko pero hindi niya ako sinagot at agad na tumalikod. Tinanaw ko lang ang bulto niyang papalayo nang nakakunot ang noo.
I was surprised by his initiative. Our first meeting was not that pleasant so why would he do that?
Bah. Kung gusto niyang bumili, edi bumili siya. Bakit ko ba iniisip ang motibo ng isang 'yon? E, may damit naman sa opisina ni Papa. I shrugged my shoulder. Bahala nga siya.
Nagmadali akong nagpunta sa opisina ni Papa at nakita ko siyang abala sa pagbabasa ng mga kontrata. Mabuti na lang at medyo natuyo na 'yong damit ko kanina kaya hindi na tumutulo ang tubig-alat sa sahig. Bumaling si Papa sa gawi ko at tumaas ang kilay niya. "Lumusong ka? Masyadong marumi ang tubig diyan sa pier," aniya.
My lips twitched. "Hindi, Pa. Nahulog lang."
"Maligo ka na muna at magpalit. May damit ka naman siguro sa kabila," aniya at muling bumaling sa mga papeles.
Humalukipkip ako. "Pa, kilala mo si Engineer Lyndon? Naghintay 'yon dito kanina pero hindi ko pinalis kasi kasosyo mo raw siya."
Natigilan siya saglit bago inabot ang isang personalized pen at nagpirma sa kontrata. "Mmm. Nasa'n siya ngayon?"
"Bumili ng damit sa Emal."
"Bakit bumili pa? Marami ka namang damit diyan sa kabila."
Ngumuso ako. I knew that he knows why Lyndon would buy clothes.
"Binigyan mo ng pera?" dagdag niyang tanong.
Umiling ako. "May pera siya."
Isinara ni Papa ang bukas na folder at bumuntong-hinga. "Magpunta ka na sa kabila. Gabi na at baka magkasakit ka."
"Pero Pa, sino ba si Engineer Lyndon?"
'At bakit sobrang pakialamero ng isang 'yon? Pinaghinalaan pa akong sangkot sa patayan doon sa Boljoon,' ani ko sa isip pero hindi ko na tinanong kay Papa at baka maghinala siya. Lumabi na naman ako.
"Rishell. Abala ako ngayon. Magbihis ka na," sabi ni Papa at inabot ang pangalawang folder. I glanced at the mountain of contracts in his desk and sighed.
Plano ni Papa na magpalago ng negosyo kaya marami siyang kino-contact na mga kakilala niya sa corporate world. Narinig ko minsan na gusto niyang mag-export ng goods sa ibang bansa. As of the moment, nasa local level pa lang ang negosyo kaya gumagawa na siya ng hakbang para umangat sa national level ang Larica Shipment at makipagkompentensiya sa mga naglalaking Corporation doon sa capital.
Nagkibit-balikat ako at tumango bago lumabas mula sa opisina niya. May pinto sa gilid ng opisina niya at binuksan ko iyon bago humakbang papasok. Una kong nakita ang malaking poster ng Vine na dinikit ko sa dingding last year.
Malaki ang ngiti ni Levi habang nakatingin kay Nicole na nakaharap sa kamera. Kahit sa poster ay naka-side view pa rin siya, at ang mas masakit ay kay Nicole lang siya nakatingin. Naging isang linya ang mga labi ko. It's okay. Nakaharap ko naman si Levi kanina.
Huminga ako nang malalim at binukan ang kabinet pero wala akong makitang magandang damit. At dahil may isang nagpresentang bumili ay naisipan kong hintayin na lang ang isang iyon. Baka mas maganda pa ang damit na binili niya kaysa sa mga nakasabit sa loob ng kabinet.
Naglakad ako papunta sa balkonahe. Nasa second floor kasi ang opisina ni Papa at malapit lang sa bagsakan ng isda ang gusali kaya kitang-kita ko rito ang Pasil Fish Market. Nagliliwanag ang palengke dahil sa malalaking ilaw sa labas. Napayakap ako sa sarili nang umihip ang hangin. Naningkit ang mga mata ko. Nasa'n na ba ang lalaking 'yon?
Just as I thought of him, may biglang kumatok sa pinto. Inakala kong si Lyndon iyon kaya mabilis kong binuksan ang pinto para sana kunin ang damit na binili niya, pero mukha ni Papa ang bumungad sa akin. "Tumawag ang Mama mo. Pinapauwi ka. Bakit hindi niya ma-contact ang number mo?"
Kumurap ako. Ah. "Nahulog sa dagat ang phone ko, Pa. Nandoon sa ilalim kaya hindi ko na nilusong. Madilim na kasi."
"Bumili ka ng bago bukas at 'wag kang maligo riyan sa pier. May malinis na tubig-alat sa Badian, magpunta ka roon kung gusto mo."
Hilaw akong ngumiti kay Papa. "I guess..."
Tumango siya nang makitang nagkibit-balikat ako bago bumalik sa opisina niya. Sinara ko ulit ang pinto. Akmang hahakbang ako pabalik sa balkonahe nang may kumatok na naman. Bumuga ako ng hangin at pinagbukan ang lalaking kanina ko pa hinihintay. "Bakit ngayon ---"
Nahinto ako sa paglintanya nang may napansin ako sa polo shirt niya. May malaking pulang mantsa doon. Nangunot ang noo ko. "What happened?" tanong ko at ngumiwi. May naamoy kasi akong malansa nang umihip ang hangin tungo sa direksyon ko. Humakbang ako palapit, lumuhod sa harap niya, at inamoy 'yong mantsa sa bandang tiyan niya. "Dugo ng isda?"
"What are you doing?"
"Huh?" Tumingala ako sa kaniya.
Madilim ang ekspresyon niya habang nakatingin pababa sa akin. Doon ko napagtanto ang pwesto ko kaya mabilis akong tumayo. Pero dahil biglaan ay hindi ko nabalanse ang katawan at muntikan na akong matumba. Mabilis naman niyang inabot ang balikat ko at tinulungan ako sa pagbalanse.
Biglang uminit ang magkabilang pisngi ko. Umikhim ako at umiwas ng tingin. "T-Thank you!" ani ko saka inabot ang supot na dala-dala niya.
Tumalikod ako at mabilis na sinara ang pinto. Ilang minuto akong nakasandig sa pintuan at pinapahupa ang mabilis na tibok ng puso. I did not know why, but his eyes told me that he knew my secrets and it's driving me insane. Bumuga ako ng hangin at lumakad tungo sa banyo.
PINAGPAWISAN na ako nang malagkit sa mga titig niya. I did not have a choice but to smile at him and accept his unfathomable gaze. Kahit pa kating-kati na akong ismiran siya.
"Mr. Davies, this is Rishell Joy Larica, my daughter. I know that you've seen her earlier. Rishell, this is Mr. Davies, one of the outstanding bachelors in the province and the head engineer of project renovation and expansion of Larica building."
Napatingin ako kay Papa. "Ah, renovation. Of course," I vaguely said. Kaya pala may mga heavy equipment na nakatambay sa hindi kalayuan. May plano siyang i-renovate ang building, and I guess it's a good decision since medyo masikip ang building lalo pa't may nakisiksik na ngayong makapal ang mukha.
"It's nice to meet you," ani Lyndon at nilahad ang palad para makipagkamay sa akin.
I smirked. Marahas kong tinanggap ang pakipagkamay niya. Pinisil ko nang mariin ang kamay niya para malaman niyang gigil na gigil ako sa kaniya. "Likewise. I hope you'll live up to your reputation, Engineer," diin kong bulong nang may ngiti sa mga labi.
Pero hindi ko lang inasahan ang pagganti niya ng pisil. Natigilan ako. Nakita ko naman kung paano lumapad ang ngiti sa mga labi niya nang mapansin naapektuhan ako sa pisil niyang 'yon. Napamura ako sa isip.
Mabilis kong binawi ang kamay at binaling ang tingin kay Papa. "Uuwi na ako, Pa. May exam pa ako bukas."
"Magbu-bus ka?" tanong niya.
Tumango ako. "4 hours lang naman ang biyahe."
Saglit siyang napaisip. "Hindi magandang mag-bus. Masyado nang malalim ang gabi." Nagbaba ng tingin sa relo si Papa. "Hintayin mo na lang si Gerard. Siya na maghahatid sa 'yo."
"I can manage," sabi ko, pero sadyang matigas ang ulo ni Papa at hindi ako hinayaang mag-bus. Huminga na lang ako nang malalim.
"Alright," kaswal kong sambit kay Papa at nagkibit-balikat. "Doon lang ako sa dock," sabi ko saka tumayo.Bigla na lang nagsalita si Lyndon. "Be careful not to fall," paalala niya.
Umasim ang mukha ko at umismid. "Thanks for your concern but it's not needed."
Madilim ang mukhang lumabas ako ng opisina at nagpunta sa dock area ng pier uno. Nakapaskil sa langit ang bilog na buwan, at dahil malapit sa dagat kaya kitang-kita ko ang malakristal na repleksyon ng sinag ng buwan sa laot.
Dahil private property kaya mga empleyado lang ang nasa paligid. Kampante akong naglakad tungo sa dock kahit pa madilim ang daan. Malaki kasi ang agwat ng mga poste ng ilaw. Mabuti na lang kabisado ko ang daan at nakabukas din ang beacon ng Pier na paminsan-minsang naiilawan ang daang tinatahak ko.
Habang ini-enjoy ko ang magandang tanawin sa dock, bigla na lang may nagsalita sa likuran ko. "Miss, malamig ang tubig-alat 'pag gabi. Masarap maligo. Bakit hindi ka tumalon at magtampisaw saglit?"
Napatayo ako nang tuwid. Magtampisaw sa dagat sa oras na 'to? Baka gusto niya akong malunod at mamatay?
Umismid ako at tumalikod para sana bulyawan ang nagsalita pero natigilan ako nang wala akong makitang tao.
Unwanted Guest Tumaas ang balahibo ko sa batok at mabilis na humakbang paalis ng dock. Pero bigla na lang akong nadapa. Napahiyaw ako at nanginginig na tumayo. Binilisan ko ang hakbang. Nabawasan lang ang panginginig ko nang umapak ang mga paa ko sa lupa. Kinagat ko ang ibabang labi at sumulyap sa dock. Walang tao. Pero sino ang nagsalita kanina? Niyakap ko ang sarili. Simula nang gabing iyon sa Boljoon, dalawang buwan nang nakalipas, may naririnig na akong kung ano-ano. Noong una ay hindi ko pinansin pero paminsan-minsan ay bigla na lang akong kinikilabutan lalo pa't ramdam ko ang mga matang nakasunod sa bawat galaw ko. Nitong nakaraang mga araw ay wala na akong naramdamang kakaiba kaya nakampante na ako, pero nang marinig ko ang boses na iyon sa dock... hindi ko maiwasang isipin na hindi pa nawawala ang takot ko sa gabing iyon. Ano mang misteryo ang nakabalot sa boses na iyon ay hindi ko na inisip. Mabilis kong inayos ang sarili at tumakbo pabalik sa Larica building. Tahimik ako
Back at CampusKinabukasan, hinatid ako ni Gerard sa Argao. Sinabi ko kay Papa na hindi na kailangan, kaso ayaw niyang makinig. Ngumuso ako. Mas okay lang naman na mag-jeep papunta sa University. Isinandal ko ang ulo sa headrest at humalukipkip. Binaling ko ang tingin sa labas ng bintana. Bukang-liwayway na. "Miss, dala niyo ba 'yong nasa likod?" tanong ni Gerard.Sumulyap ako saglit sa kaniya bago binalik ang tingin sa labas ng bintana. "May problema ba?""Wala naman, Miss." Umikhim siya. "Napapansin ko nitong nakaraang mga araw na hindi ka naman nagdadala ng mabibigat sa Unibersidad. Nakapagtataka lang ngayon."Naningkit ang mga mata ko. "Wala ka nang paki ro'n, okay?" Umirap ako at humalukipkip. Ilang minuto pa at napadaan ang kotse sa crime scene. Nakita ko ang naka-yellow cross line sa main road ng Arbor. Kinagat ko ang ibabang labi.Dalawang buwan na rin nang maganap 'yong usap-usapang krimen sa Baranggay Arbor. May pinatay daw at tinago ang biktima. E, wala namang nakitang e
Something's New "I know, I know." Sumimangot ako. Kanina pa siya kuda nang kuda na kesyo hindi safe na bumiyahe nang mag-isa, at kanina pa ako naririndi sa boses niya. Nakakainis lang kasi. Hindi na ako bata pero bakit palagi na lang niya akong pinapagalitan? I know his point and I understand it, pero hinayaan ko lang siyang kumuda dahil malapit nang marating ng kotse niya ang Larica building. Prente akong sumandal sa sandalan ng passenger seat at tumingin sa labas ng windshield. Paliko na ang kotse papunta sa Pier 3, at paliko papunta sa gate 5, kung saan naroon ang Pier 1. Hanggang ngayon, hindi ko naintindihan kung bakit baliktad 'yong numbering ng mga pier at gates. Sa Pier 3 lang yata sumakto, e. "Sa susunod na linggo magsisimula ang renovation. 'Wag ka na munang pumasyal sa Port," sabi ni Lyndon. Napatingin ako sa kaniya. "Saang parte ba ang iri-renovate?" "Sa kaliwa. Padiretso sa beacon. Ililipat na rin ang beacon para mas lumawak ang sakop." Naningkit ang mga mata ko. "
Meet Them Tumaas ang kilay niya sa sinabi ko. Maya-maya pa ay kumibot ang sulok ng mga labi niya at tumawa. "We'll see, Rishel... we'll see," aniya bago naglakad paalis. Kinuyom ko ang mga kamao at tiningnan nang masama ang ibon na lumilipad sa ibabaw ng alon. Bumaling sa gawi ko ang ibon at binali ang sariling pakpak. Umiyak ang ibon at bumulusok sa ilalim ng alon. Alam kong dapat akong maawa sa ibon pero hindi ko ramdam ang awa. Hindi mawala sa isip ko ang sinabi niya dahil nando'n ako. KASALUKUYAN kong binabasa ang akda ni CareLikeGoldFish. Mystery-thriller ang book at kahit na walang romance, hindi ko mapigilang basahin nang buo. Napakapamilyar kasi ng mga scenes, para bang nakita ko na dati. Gaya na lang ng scene kung saan binaril ng main character ang kaibigan niya. Pareho sa nakita ko doon sa Boljoon two months ago... Biglang namatay ang Wifi. Kumurap ako at madilim ang mukhang lumabas ng kuwarto. Didiretso sana ako sa kusina dahil alam kong si Mama ang may pakana, pero big
Along the roadAno pa bang aasahan ko kay Nicole? Siyempre, ayaw no'n ng istorbo. Hilaw na ngumiti si June sa akin samantalang bumusangot ang mukha ni Ariel. Alam kong hindi gano'n kaganda ang samahan nina Ariel at Nicole kaya naintindihan ko kung medyo hindi maganda ang timpla ng mukha niya nang sinambit ko ang pangalan na iyon. Iyon din siguro ang isa sa mga dahilan kung bakit pumayag siyang magpunta ako sa Club Fort, para inisin ang babaeng 'yon. Matapos makuha ang matamis na oo ni Mama, nagpaalam na sina Tiden at June. Hindi na ako nagulat nang makita ang pagmumukha ni Tiden kinabukasan. The problem is... hindi pa sumisikat ang araw at sobrang dilim pa ng paligid. "Ang aga mo naman," paos kong reklamo. Kakagising ko lang. Ginising ako ng isang katulong dahil naghihintay daw 'yong kaibigan ko sa sala. At dahil naistorbo ang pagtulog ko kaya inismiran ko ang lalaking nakangiti sa akin. Hindi man lang nabawasan ang ngiti sa mga labi niya. "Sungit mo pa rin kahit maaga," biro niya
ChallengeHindi ko pinansin ang kakaibang pakiramdam na iyon. Umibis ako ng sasakyan at tinanaw ang kabuuan ng resort.Club Fort Med is a resort located at Arbor, same baranggay with El Grande Lat. Not too simple and not too flashy, just enough for a quiet weekend. Kumurba ang gilid ng mga labi ko.Tiningala ko ang malaking wooden placard kung saan naka-engrave ang pangalan ng resort. It is my first time to be with the Vine. Nakakakaba pero nakaka-excite rin naman. Nakita kung nauna na si Tiden sa loob ng resort kaya sumunod ako. Dumiretso siya sa isang modernized restaurant na bahagyang elevated kaysa sa ibang parte ng resort. Pumasok siya sa loob at naupo sa upuan sa may tabi ng malaking glass wall kung saan kitang-kita ko ang kabuuan ng resort. 'Not bad,' I thought.Umupo ako sa upuan katapat ng kaniya at tumingin sa labas ng glass wall. Nakita ko ang tatlong pools ng Club Fort Med, which the resort's known for. Maliit na round table ang nakapagitan sa amin. May munting cactus n
Knowing him Hingal kong hinawi ang basang hibla ng buhok na tumabing sa mukha ko. Mariin kong tiningnan si Ariel na prenteng nakaupo sa gilid ng pool habang nakabanlaw ang binti sa tubig. "Madaya ka," nakalabi kong saad at lumangoy tungo sa hawakan ng hagdanan.Hindi niya ako hinintay at agad na lumusong sa pool kanina. Gusto ko sanang magreklamo sa kaniya pero nakita kong wala siyang balak na huminto sa paglangoy, kaya wala akong nagawa kung 'di lumusong na lang din. Pagkatapos ko ng dalawang turn, nakita ko siyang nakangiti habang nakaupo sa gilid ng pool. Tumawa siya at umusog nang kaunti palapit sa akin. Dumukwang siya para magpantay ang mukha namin. Nahigit ko ang hininga nang ngumisi siya. "It's fair enough," aniya."Nauna kang lumusong!" reklamo ko.Nagkibit-balikat siya at umayos ng upo sa tabi ng pool. "I don't understand why can't you accept your defeat, but rest assured your stay here will be worth it." Tumaas ang sulok ng labi niya.Bumuga ako ng hangin at umahon. Nakit
Alone with LeviPagkatapos kumain sa resto ay inaya ako ni Levi na mamasyal sa resort. I don't want to miss it so I immediately agreed, not thinking of Nicole nor Tiden's reaction. Bumalik kami saglit sa cottage at pinahiram niya ako ng isang white dress. Alam kong hindi para sa akin ang dress na iyon but I want to think otherwise. I didn't see Tiden nor June inside kaya pinalagay ko na lang na namamasyal ang dalawa. Ariel's missing and Nicole, well, I didn't care about her.Matangkad si Levi. Mga 6 feet o higit pa. Malapad ang balikat, at may laman ang muscles sa katawan. Tahimik siya. Kanina pa nga ako lunok nang lunok, pinipigilan ang sariling magsalita. Gusto kong mag-open ng topic pero inaalala kong baka hindi siya umimik at mapahiya lang ako. Patingala akong sumulyap sa kaniya. Hanggang dibdib lang yata ang height ko compare to his massive body.Tinutunton namin ang daan papunta sa isolated na parte ng resort. Nakita ko sa malayo ang ilang cottage na ilang metro ang layo sa isa