A/N: Extra chapter. Ito ang huling kabanata ng For The Stars Have Sinned. Maraming salamat sa lahat ng sumuporta sa istoryang ito lalo na kay Janelyn. First ever review from a reader in two years lol. See you sa sunod kong mga istorya ng Revival Series at standalone novels. Mag-a-update na ako sa "Hidden Mafia King and the Fearless CEO." I hope makita ko kayo doon na magbigay ng review at gems. May libreng shout out mula sa akin ang magbigay ng review hehe. See you there! ~~~January 7, 20217:00 P.M. Concert venue, ArgaoMaabutan na niya si Levi. Kaunti pa... kaunti pa... ayan!"Levi!" sigaw ni Rishel. Humigpit ang hawak niya sa necklace.Lumingon si Levi sa kaniya kaya napangiti siya. Muntik na siyang matumba nang tinulak siya ng ibang nagwawalang fans. Umismid siya at muling tumingin kay Levi pero wala na ito sa puwesto kanina. Sumimangot siya at tinawag ang bouncer. "Kuya! Pakibigay kay Levi!" Saka niya inabot ang necklace at letter.Kunot-noong tinanggap ng bouncer ang binigay
Victimless CrimeMarami akong kakilalang mga babae na mahilig makialam sa buhay nang may buhay, pero ngayon lang ako nakakilala ng isang lalaking hindi lang pakialamero, isa ring werdo at walang modo.Nagbaba ako ng tingin sa relo na nasa bisig ko. Alas-tres na ng hapon. Wala pa si Papa sa opisina at wala yatang balak na umalis ang lalaking kanina pa nakaupo sa visitor's lair. Kanina pa ako nakatayo sa gilid ng water dispenser na malapit sa pintuan. Ayaw kong lumapit sa malaking mesa ni Papa dahil nasa harap niyon nakaupo ang lalaking werdo na kanina pa nakatingin nang masama sa akin. Tch. Paano ko ba siya mapapaalis? Tumingin ako sa bintana. May isang paso ng bonsai roon. Kung ihahampas ko kaya sa mukha niya ang paso? Nang tingnan ko naman ang malaking wooden table, may mga malalaking binders doon. Perfect na panghampas sa mukhang parang pinaglihi sa sama ng loob. Tch. Kanina pa 'yan nambabato ng masamang tingin sa mukha ko. "Do you need something other than falsely accusating
LyndonMany people believe you'll see your dream when you are at death's door, and I think it's true. Kung hindi lang ako sinipa ng dream ko. Nanlaki ang mga mata ko nang unti-unti akong lumubog sa ilalim ng tubig. Madilim. Walang liwanag at tanging ang bilog na ilaw lang sa itaas ang nakikita ko. Mabilis akong lumangoy tungo sa liwanag at sumungaw ang ulo ko sa itaas ng tubig-alat.Shocks. Ano 'yong nakita ko sa ilalim ng tubig?Mga malalalim na mata ni Levi at manipis niyang labi. Muntik ko nang hagkan, pero bigla niya lang akong sinipa palayo. Tinampal ko ang sariling noo. Naman, Rishel. Kung magdi-daydream ka, sana naman 'yong romantic ang datingan ni Levi."Levi! Ano bang ginagawa mo riyan? Come back, we're late!" sigaw ng isang matinis na boses babae. Tumingala ako sa dock at nakita ko ang isang nakapameywang na babaeng kamukha ni Nicole, iyong nag-iisang babae ng bandang Vine. May suot na summer hat sa ulo at isang bestidang kulay asul. Sa tindig pa lang ay alam nang may pina
Sunset at DockI pursed my lips and took a step back to Larica shipyard, just a few meters away from the private dock. Nakasunod lang si Lyndon sa likod at wala akong planong makipag-usap sa kaniya. I was thankful that he was silent even though it's awkward.Nang umihip ang hangin ay niyakap ko ang sarili. Hindi basta-basta ang lamig ng simoy sa dapit-hapon, but he placed a warm jacket around my shoulder and my teeth stopped chattering instantly. Pasimple akong lumingon sa gilid at nakita ko ang side view ng mukha niya. The sun was setting in the west and the soft rays touched the tip of his nose. Sa anggulo na nakikita ko, para bang ginuhitan ng malamlam na sinag ng araw ang mukha ni Lyndon, tracing his side profile which made him look ethereal. I looked away and sighed. May itsura nga pero ang ugali... err nevermind. A few minutes later, I took a step in the shipyard. Dito kinukompuni ang mga barko na ginagamit para sa paglalayag. It was one of Larica Shipment's properties at hind
Unwanted Guest Tumaas ang balahibo ko sa batok at mabilis na humakbang paalis ng dock. Pero bigla na lang akong nadapa. Napahiyaw ako at nanginginig na tumayo. Binilisan ko ang hakbang. Nabawasan lang ang panginginig ko nang umapak ang mga paa ko sa lupa. Kinagat ko ang ibabang labi at sumulyap sa dock. Walang tao. Pero sino ang nagsalita kanina? Niyakap ko ang sarili. Simula nang gabing iyon sa Boljoon, dalawang buwan nang nakalipas, may naririnig na akong kung ano-ano. Noong una ay hindi ko pinansin pero paminsan-minsan ay bigla na lang akong kinikilabutan lalo pa't ramdam ko ang mga matang nakasunod sa bawat galaw ko. Nitong nakaraang mga araw ay wala na akong naramdamang kakaiba kaya nakampante na ako, pero nang marinig ko ang boses na iyon sa dock... hindi ko maiwasang isipin na hindi pa nawawala ang takot ko sa gabing iyon. Ano mang misteryo ang nakabalot sa boses na iyon ay hindi ko na inisip. Mabilis kong inayos ang sarili at tumakbo pabalik sa Larica building. Tahimik ako
Back at CampusKinabukasan, hinatid ako ni Gerard sa Argao. Sinabi ko kay Papa na hindi na kailangan, kaso ayaw niyang makinig. Ngumuso ako. Mas okay lang naman na mag-jeep papunta sa University. Isinandal ko ang ulo sa headrest at humalukipkip. Binaling ko ang tingin sa labas ng bintana. Bukang-liwayway na. "Miss, dala niyo ba 'yong nasa likod?" tanong ni Gerard.Sumulyap ako saglit sa kaniya bago binalik ang tingin sa labas ng bintana. "May problema ba?""Wala naman, Miss." Umikhim siya. "Napapansin ko nitong nakaraang mga araw na hindi ka naman nagdadala ng mabibigat sa Unibersidad. Nakapagtataka lang ngayon."Naningkit ang mga mata ko. "Wala ka nang paki ro'n, okay?" Umirap ako at humalukipkip. Ilang minuto pa at napadaan ang kotse sa crime scene. Nakita ko ang naka-yellow cross line sa main road ng Arbor. Kinagat ko ang ibabang labi.Dalawang buwan na rin nang maganap 'yong usap-usapang krimen sa Baranggay Arbor. May pinatay daw at tinago ang biktima. E, wala namang nakitang e
Something's New "I know, I know." Sumimangot ako. Kanina pa siya kuda nang kuda na kesyo hindi safe na bumiyahe nang mag-isa, at kanina pa ako naririndi sa boses niya. Nakakainis lang kasi. Hindi na ako bata pero bakit palagi na lang niya akong pinapagalitan? I know his point and I understand it, pero hinayaan ko lang siyang kumuda dahil malapit nang marating ng kotse niya ang Larica building. Prente akong sumandal sa sandalan ng passenger seat at tumingin sa labas ng windshield. Paliko na ang kotse papunta sa Pier 3, at paliko papunta sa gate 5, kung saan naroon ang Pier 1. Hanggang ngayon, hindi ko naintindihan kung bakit baliktad 'yong numbering ng mga pier at gates. Sa Pier 3 lang yata sumakto, e. "Sa susunod na linggo magsisimula ang renovation. 'Wag ka na munang pumasyal sa Port," sabi ni Lyndon. Napatingin ako sa kaniya. "Saang parte ba ang iri-renovate?" "Sa kaliwa. Padiretso sa beacon. Ililipat na rin ang beacon para mas lumawak ang sakop." Naningkit ang mga mata ko. "
Meet Them Tumaas ang kilay niya sa sinabi ko. Maya-maya pa ay kumibot ang sulok ng mga labi niya at tumawa. "We'll see, Rishel... we'll see," aniya bago naglakad paalis. Kinuyom ko ang mga kamao at tiningnan nang masama ang ibon na lumilipad sa ibabaw ng alon. Bumaling sa gawi ko ang ibon at binali ang sariling pakpak. Umiyak ang ibon at bumulusok sa ilalim ng alon. Alam kong dapat akong maawa sa ibon pero hindi ko ramdam ang awa. Hindi mawala sa isip ko ang sinabi niya dahil nando'n ako. KASALUKUYAN kong binabasa ang akda ni CareLikeGoldFish. Mystery-thriller ang book at kahit na walang romance, hindi ko mapigilang basahin nang buo. Napakapamilyar kasi ng mga scenes, para bang nakita ko na dati. Gaya na lang ng scene kung saan binaril ng main character ang kaibigan niya. Pareho sa nakita ko doon sa Boljoon two months ago... Biglang namatay ang Wifi. Kumurap ako at madilim ang mukhang lumabas ng kuwarto. Didiretso sana ako sa kusina dahil alam kong si Mama ang may pakana, pero big