Share

For The Stars Have Sinned
For The Stars Have Sinned
Author: aranew

Kabanata 1

Victimless Crime

Marami akong kakilalang mga babae na mahilig makialam sa buhay nang may buhay, pero ngayon lang ako nakakilala ng isang lalaking hindi lang pakialamero, isa ring werdo at walang modo.

Nagbaba ako ng tingin sa relo na nasa bisig ko. Alas-tres na ng hapon. Wala pa si Papa sa opisina at wala yatang balak na umalis ang lalaking kanina pa nakaupo sa visitor's lair.  

Kanina pa ako nakatayo sa gilid ng water dispenser na malapit sa pintuan. Ayaw kong lumapit sa malaking mesa ni Papa dahil nasa harap niyon nakaupo ang lalaking werdo na kanina pa nakatingin nang masama sa akin.  Tch. 

Paano ko ba siya mapapaalis? 

Tumingin ako sa bintana. May isang paso ng bonsai roon. Kung ihahampas ko kaya sa mukha niya ang paso? Nang tingnan ko naman ang malaking wooden table, may mga malalaking binders doon. Perfect na panghampas sa mukhang parang pinaglihi sa sama ng loob. Tch. Kanina pa 'yan nambabato ng masamang tingin sa mukha ko. 

"Do you need something other than falsely accusating me of a victimless crime?" tanong ko sa kaniya. 

Doon lang siya nag-iwas ng tingin. Nakahinga naman ako nang maluwag. Hindi ko alam kung sino ang lalaking kaharap ko, pero nakita ko lang siyang nakaupo na sa visitor's lair pagpasok ko sa opisina kanina. 

Mukhang kliyente ni Papa o kaya naman ay business partner. Hindi naman ako pinalaki na walang modo, pero kakaiba kasi ang tingin ng lalaking iyon nang magtama ang tingin namang dalawa. Tinapunan ba naman ako nang masamang tingin. Nang tinanong ko naman kung anong meron, pinagbintangan akong may kinalaman sa krimen naganap sa Baclayan doon sa Boljoon. 

"Where is your father?" biglang tanong niya makalipas ang ilang minutong pananahimik. 

Phew. Akala ko nandito lang siya para mambintang. Hilaw akong ngumiti. "Bumibiyahe na siya patungo rito." Pero ilang segundo ang lumipas nang may mapagtanto ako. Umawang ang labi ko habang nakatingin sa kaniya. "Paano mo nalamang Papa ko ang may-ari nitong opisina?"

"I looked into your family's information." Tumitig na naman siya nang seryoso sa mukha ko.  "And I got two evidences that you were there when the crime happened in Baclayan."

"Ah?"

May dinukot siya sa bulsa saka inilabas ang isang kunot na papel at kwintas. Nangunot naman ang noo ko. 

"See it for yourself," sabi niya saka tumayo nang tuwid. Humakbang siya palapit sa akin at tumayo sa harap ko. Napapitlag ako nang hinawakan niya ang kamay ko saka nilagay doon ang kunot na papel at kwintas. Napangiwi pa ako dahil sa higpit ng hawak niya sa kamay ko. 

Nagbaba ako ng tingin sa inabot niya. Tiningnan ko nang maigi ang papel at natutop ko ang bibig nang makita ang nakasulat na pangalan. Rishel Joy Larica. Nang tingnan ko naman ang loob ng heart-shaped pendant ng kwintas, nakita ko ang picture ni Levi sa kanan at picture ko naman sa kaliwa. 

Sandali. Hindi ba binigay ko kay Levi ang mga ito? Paanong napunta sa kamay ng lalaking ito ang mga iyon? 

"Tell me that you have nothing to do with what happened two months ago, Rishel Joy Larica."

Nanginig ang kamay ko habang hawak-hawaka ng papel at kwintas. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at napalunok. No. Hindi ko pwedeng sabihin ang nakita ko sa gabing iyon. 

Umiling ako saka inabot ulit sa kaniya ang mga bagay na iyon. "It has nothing to do with me," bulong ko at nag-iwas ng tingin. 

Bigla na lang niyang hinawakan ang baba ko at pinaharap ako sa kaniya. Nanlaki ang mga mata ko. "What are you doing?" sita ko saka pilit na inaalis ang kamay niyang hawak-hawak ang baba ko, pero hindi ko maalis-alis. Sinamaan ko siya ng tingin. 

Ngumiti siya saka nilapit ang mukha sa akin. "We both know that you have something to do, Rishel. Don't deny it. I hate pretentious rich brats."

"W-What?"

"If tell your father about this... do you think you can escape his wrath?"

Nanginig ang labi ko sa sinabi niya. No. If he tell father, then my vices are doomed! 

"W-What do you want then?" tanong ko. 

Ilang segundo niyang tinitigan ang mukha ko. I did not know if he saw how nervous I was, but he let go after a minute or two. Nakahinga ako nang maluwag. 

Nag-angat na naman ako ng tingin sa kaniya. Nakita ko siyang may dinukot sa bulsa at inilabas niya ang isang cellphone. "Here, save your number."

Kahit hindi ko gusto ay wala akong magawa. Sinunod ko ang sinabi niya. Pagkatapos ay inabot ko ulit sa kaniya iyon, pero nanlaki ang mga mata ko nang nilapit niya ang mukha sa akin at bumulong sa tainga ko. "You will know what I want in the future, my lady." 

Nanigas ang katawan ko sa binulong niya. It was a threat! 

I threw him a hateful glare, but he just flicked my nose and laughed. Tumalikod siya at muling naupo sa puwesto niya kanina. 

Kumuyom ang kamao ko sa inis at walang sabing lumabas ng opisina ni Papa. If I stayed there in another minute, who knows what I will do with that arrogant bastard!

Marahang humampas sa mukha ko ang maalat na hangin na galing sa dagat pagkalabas ko ng opisina. 

Open area ang second floor ng Larica building. Nakaharap sa dagat kaya bughaw na karagatan ang bubungad pagkalabas ng opisina. 

Pasado alas-tres na ng hapon kaya medyo mababa na ang sinag ng araw. Nagkukulay kahel na rin ang kalangitan at may nakita akong ilang kingfishers sa ibabaw ng alon.

Napangiti ako, at nawala sa isipan ang tungkol sa lalaking werdo sa loob ng opisina habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw. Maya-maya pa ay bumaba ako sa hagdan na nasa malapitan at lumabas ng Larica building. Plano kong maglakad-lakad muna sa dock para mawala ang stress ko ngayong araw. 

Sa totoo lang, dumaan lang ako sa Port para itago mula kay Mama ang mga libro at merchandise na binili ko kanina. Ayaw na ayaw kasi ni Mama na bumibili ako ng mga bagay na hindi naman kailangan kaya tinatago ko 'yong mga item sa silid na katabi lang ng opisina ni Papa.

Mas safe kasi roon at hindi naman nagpupunta si Papa sa loob niyon. Masyado kasi siyang busy. Saka binigay na niya sa akin 'yong room bilang tambayan ko kapag nandito ako sa Port. 

At alam naman ni Papa na bumibili ako ng gano'ng mga bagay pero hindi naman siya nangingialam. Basta ba, hindi ko raw pinapapabayaan ang pag-aaral ko. Kaya naman gano'n na lang ang nerbiyos ko nang pinagbantaan ako ng lalaking werdo na sasabihin niya kay Papa ang tungkol sa letter at kwintas.

Kung sakaling malalaman ni Papa kung anong nangyari sa gabing iyon, tiyak na pagbabawalaan na niya akong bumili ng merchandise at libro. Nakagat ko ang ibabang labi. 

Huminto ako sa paghakbang at tumingin sa harap. Nasa dock na ako. Nando'n sa dulo ang isang maliit na daungan ng yate. Nilakad ko ang kahabaan ng dock habang inaaliw ang sarili sa mga ibon sa malayo. 

Bigla kong naalala ang nangyari three years ago. Dito rin sa eksaktong lugar kung saan ako naglalakad. Kasama ko noon sina Tiden at June sa pagsakay ng yate. Regalo raw iyon ni Papa sa aming tatlo dahil graduate na kami ng highschool. 

Bumuntong-hinga ako. 

Kung sana nandito sina Tiden at June, kaso busy sila sa pagbabanda. Miyembro sila ng bandang Vine na kinabibilangan din ni Levi na idol ko. Ang dalawang 'yon din ang dahilan kung bakit sobra angg suporta ko sa grupong Vine. Alam kong pangarap nila ang pagbabanda. 

Kaso minsan, naiisip kong sobrang layo na ng narating nila na hindi ko na sila maabot. Kahit pa gustuhin kong manatili sa tabi nila bilang number one supporter, hind ko rin naman magagawa. Bukod sa pinagbabawalan ako ng mga magulang ko, hindi ko rin kayang tumahak sa daan na tinatahak nila.

Ika nga nila, mga bituin na hindi mo maabot. Ganiyan lang naman parati. 

Nilabas ko ang cellphone at nakita ang bagong message mula kay Mama. Pinapauwi na niya ako sa Boljoon. Napalabi ako at napatingin sa papalubog na araw. 

Malapit na palang mag-alas sais. Halos dalawang oras na pala akong nanatili sa dock. Napabuga ako ng hangin.

Tiningnan ko ang homescreen at nakita ko ang naka-side view na mukha ni Levi. Tch. Hindi talaga humaharap sa kamera ang isang 'yon. Lahat ng photos niya sa internet, nakalikod at kung hindi naman ay nakababa ang suot na cap kaya hindi rin naman kita nang husto ang mukha. 

Gano'n siguro ang tactic para magkaroon ng mysterious prestige. Tsk. Nakita ko na ang mukha ni Levi sa University nang hindi pa sila masyadong sikat. Pero bilang lang sa daliri kaya naman gusto kong makakuha ng picture niya nang nakaharap sa kamera.

"Kailan kaya ang next concert niyo?" bulong ko habang nag-i-iskrol sa f*.

Kaso hindi pa man ako nakapunta sa f* page ng Vine nang may marinig akong mabibilis na mga yabag sa likuran. Papalapit ang mga iyon sa direksyon ko.

Sandali, bawal tumakbo rito sa dock, ah? Sino namang walang modong tatakbo rito? May malaking signage kaya sa entrance na nagbabawal niyon. 

Tatalikod sana ako para tingnan ang mga nanakbo sa dock, nang may kamay na humawak sa balikat ko. 

"H-Hey!" sita ko sa walang 'ya at aalisin sana ang kamay na iyon, pero hinila ba naman ako patabi sa gilid ng dock. Napasinghap ako nang mawalan ako ng balanse. 

Nabitawan ko ang cellphone dahil sa gulat. At dahil nasa gilid na ako ng dock, diretsong nahulog ang cellphone sa tubig-alat. I even heard the water splashed!

"W-What the h*ll!" bulalas ko habang dilat ang matang tinanaw ang cellphone na lumulubog sa ilalim ng tubig. 

Ack. Nando'n ang important files para sa final grading ko!!!

Naglapat nang mariin ang mga ngipin ko at napakuyom ako ng kamao sa inis. Gusto kong lumusong sa dagat para kunin ang cellphone, pero masyado nang madilim sa ilalim ng tubig. Ayaw ko rin namang lumusong doon dahil alam kung marumi ang tubig. 

Baka kung ano pang sakit ang makuha ko sa paglusong. Tch. Naningkit ang mga mata ko habang inaalala ang kamay na tumabig sa kamay kong may hawak ng cellphone kanina. Isang walang 'ya! 

Madilim ang ekspresyon na humarap ako sa lalaking nakatayo sa likuran ko. May suot siyang shades at cap na nakababa kaya tanging matangos na ilong at manipis na mga labi lang ang nakikita ko. 

Mas lalong sumama ang tingin ko sa kaniya. Ano nang gagawin ko para mapasa ko ang final grading? Naman! Bakit ambob* ng lalaking 'to? 

"Hindi mo ba nabasa ang sign diyan sa entrance? Bawal tumakbo! Hindi ka ba marunog magbasa, ha?!" 

Maging siya ay hindi alam kung anong gagawin sa nahulog na cellphone. Naging isang linya ang mga labi niya at nag-iwas ng tingin. Alam ko na agad na hindi niya sinasadya iyon pero lint*k. Nakakagigil ang pagmumukha niya!

"Hoy ikaw!" duro ko sa kaniya. "Compensate me ---"

Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko dahil may pangalawang lint*k na tumakbo palapit sa lalaking nakatayo sa harapan ko. Imbes na huminto, bigla niyang tinulak ang lalaki. "Bro! Ambilis mong tumakbo!"

Nanlaki ang mga mata ko nang mawalan ng balanse ang lalaking tumabig sa kamay ko kanina. Teka, bakit sa direksyon ko ang bagsak niya?

Napasinghap ako nang bigla niya akong hinila at niyakap. Bumuka ang bibig ko para sana magprotesta, pero nakita ko na lang ang sariling sabay na nahuhulog sa gilid ng dock kasama ang lalaki. 

"Ah s***a! 'Wag sa dagat!!!" sigaw ko.

Pero huli na dahil tuluyan na kaming nilamon ng tubig-alat.

~~~

Author's Note: 

Hello! Available po ang english version nitong nobela at maari niyo pong mahanap sa Goodnovel with the same title. May mga scenes na wala sa filipino version kaya iri-rekomenda ko pong basahin niyo rin ang English version pagkatapos ng Filipino version.

Ito po ay pangalawang book ng Revival series. Ang unang nobela ng series ay pinamagatang Moonlight Serenade. Standalone po ang mga nobela sa series na ito kaya maintindihan niyo ang istorya kahit hindi niyo pa nababasa ang unang nobela. 

Gayunpaman, gusto kong i-rekomenda sa inyo ang Moonlight Serenade dahil maraming kayong aral na mapupulot sa istoryang iyon. 

Hanggang dito na lamang at maari na po kayong magpatuloy. 

Maligayang pagbabasa, kaibigan!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status