"You go up to your room, now!" Madiing pagkakabigkas ni Ramon pagkarating nila sa mansion. Bagama’t naroon ang galit sa kanya ay hindi niya pinagtaasan ng boses ang anak. "Dad---" ani Rada na nais pa sanang magprotesta sa ama. "You ain't hear me? I said go up to your room right now." ma-awtoridad na utos niyang muli habang pormal ang mukha at tono. Sinisikap niyang huwag pangibabawan ng galit sa harap ng dalaga.Gustong namang maiyak ni Rada. Nagkaroon ng lambong ang mukha niya. Wala siyang magawa kundi ang sumunod sa ipinag-uutos ng ama. Batas ang bawat salita nito at wala siyang sapat na lakas para komontra. Kanina ay wala rin siyang nagawa nang sapilitan nitong pinasakay ng kotse. Wala itong sinabing kung anupaman laban kay Pael ngunit sigurado siyang may gagawin itong hindi hindi niya maiibigan.How she wished her mother was here.What takes her so long? She needs her now. Mabigat ang loob niya habang pumapanhik sa hagdan. "Gusto kong makausap si Manang Yoly, pasunurin sya sa st
Nang sumunod na linggo ay dumating si Clara mula sa bakasyon nito sa Europa. Agad nitong nalaman ang sitwasyon ng anak sa mansion kaya't agad nitong hinanap ang asawa para makausap. Nang malaman na nasa library si Ramon ay sumadya agad roon ang Senyora para harapin ito. Mariin nitong bilin ni Clara kay Manang Yoly na ipasama kay Mang Kanor si Rada sa araw na susunduin na ito sa airport. May nakahanda kasi itong sorpresa para sa anak. Subalit mag-isa lamang si Mang kanor na dinatnan nito na naghihintay. Nagtaka ang Senyora dahil wala ang anak at sa pagpipilit nito ay napilitan si Mang Kanor na magsalita nang pahapyaw. “It's too much, Ramon." ang pabalya na bukas ni Clara ng pinto. Hindi rin nito naiwasan ang pag-alsa ng boses.Prenteng-prente naman sa pagkakaupo nito ang Senyor sa swivel chair habang nagbabasa ng diyaryo. Nag-angat ito ng mukha pagkarinig sa boses ng asawa. Na bahagya lang rin nitong tinapunan ng tingin. Ibinalik rin nito agad ang pansin sa binabasa. “Naririto ka na
"Baka kailangan kong kausapin ang Senyor, Inay. Nag-aalala po talaga ako para kay Rada." puno ng pag-aalala na wika ni Pael sa ina. "Hindi!" ang pabiglang sagot ni Lourdes na napatayo pa mula sa kinauupuan. Subalit nang mapuna ang eksaherado na naging reaksyon ay sinikap na makabawi. Pilit nitong pinakaswal ang tinig at kumilos ng normal. Lalo na at nabasa nito sa mukha ni Pael ang pagtataka. "Ang ibig kong sabihin anak ay hindi pa naman tayo nakakasiguro na may hindi magandang nangyari kay Rada. Alalahanin mong anak pa rin siya ng Senyor. Hindi kailanman mananakit ng anak ang isang ama " pahayag niya na ang namapayaang asawa ang nasa isip nang banggitin iyon.Pagka't totoong ni minsan ay hindi nagbuhat ng kamay si Augusto kay Pael. Bagkus ay inangkin nito at binigyan ng pangalan ang kanyang anak. Ni minsan ay hindi nagkulang sa kanila ang namayapang asawa. Naging napakabait nito sa kanilang mag-ina. Tinanggap sila nito ng buong puso at minahal ng lubos. Sayang nga lamang at kinuha
Nang mawala na sa paningin ni Clara si Pael ay binalingan nito si Lourdes."Lourdes, kung hindi man ito ang oras para sa pagkakaayos nating dalawa. Siguro ay napapanahon na para malaman ni Ramon-""Hindi Clara, maayos na ang buhay naming mag-ina. Isa pa hindi si Ramon ang ama ng aking anak kundi si Augusto." mabilis na sansala ni Lourdes, nakabakas sa tinig nito ang nakatagong galit at poot. Tumayo ang babae mula sa pagkakaupo at inimis ang tasa't platito sa lamesita para dalhin sa kusina."Karapatan ni Rafael na malaman ang katotohanan Des." bunsod ni Clara na sumunod sa dating kaibigan."Katotohanan?" linga rito ni Lourdes habang salubong ang mga kilay. "Paano mo nasasabi ang isang bagay na iyong pinabulaanan noon Clara?" dugtong nito na medyo umalsa ang boses. Lumatay naman ang pait at pagsigid ng konsensya kay Clara. Kaya't Inalis rito ni Lourdes ang tingin. Dahil sa totoo lang ay nagsisimulang sumulak ang galit sa parte niya. Sinikap niyang pakalmahin ang sarili at magpakahinaho
Tahimik na nakatanaw si Ramon sa binatang sa tantiya niya ay nasa pagitan ng labing walo at dalawampu't taong gulang. Naggagapas ng palay ang lalaki sa hindi kalakihan nitong sakahan na hula niya ay nasa tatlong ektarya. Kanina pa niya pinagmamasdan sa mga kilos nito ang ipinakilalang nobyo ng anak. Masasabi niyang maalam ito pagdating sa pagtatanim at pagsasaka. Mabilis rin itong kumilos at alam ang bawat hakbang na ginagawa. Ni hindi nito alintana ang mataas na sikat ng araw. Pansin niya ang kasipagan nitong taglay. Hindi niya maunawaan ang sarili kung bakit bigla na lamang ay nagka-interes sya sa lalaki. May parte ng isip niya ang nagtutulak sa kanya na alamin ang pagkatao nito. Mula noong araw na makaharap niya si Rafael ay hindi na sya natahimik. Naroon ang masidhing kagustuhan na makilala niya ito nang lubusan. Inalam niya kay Mang Kanor ang pagkakakilanlan ng mga magulang ng binata. Na ayon sa kanyang drayber ay malayo nitong pinsan. Ang ama ng lalaki ay taal na taga Maynila a
"Clark...!." masayang salubong ni Senyora Clara sa binata. Tinanggal nito sa pagkakasuot ang guwantes sa mga kamay.Kakababa lang rin ni Clark mula sa pick-up nito. Nagkataon namang nasa hardin pa ang senyora at abala sa mga orkidyas nito. Kaya't agad nitong napansin ang pagdating ng binata.“Magandang araw po tita Clara." nakangiting bati ni Clark sabay beso sa babae. May dala itong fruit basket. Sari-saring prutas ang laman katulad ng saging, hinog na papaya, mangga, dalandan, mansanas at iba pa."Naku at nag-abala ka pa. Presensya mo ay sapat na pagka't natutuwa akong makita ka iho. Mabuti at napadalaw ka. Kumusta ang iyong mama't papa? Hindi na kami nakakadalaw ng Villa dahil abala rin kami ni Ramon." “Maayos naman po sila. Ang mama lately ay nawiwili po sa kanyang mga halamang gumamela. Ang papa naman ay abala rin sa iba pa niyang mga negosyo " magiliw na tugon ni Clark. "Kayo po kumusta?" baliktanong ng binata. “Mabuti naman iho. Pumasok tayo sa loob. Tamang-tama gumawa ako ng
Kung isa man iyong pagpaparinig ay minabuti ni Rada na huwag na lamang pansinin ang sinabi ng ama. Sanay na sya sa mga ganoong patutsada ni Ramon. Ang inang si Clara ay tahimik lamang sa patuloy nitong pagkain. Subalit halata sa mukha ng senyora na hindi nito naibigan ang sinabi ng asawa. Subalit ay nanatili itong nagsawalang kibo.Saglit na katahimikan ang namutawi sa hapag kainan. At hindi nakatiis ang binatang panauhin kaya't binasag nito ang kawalang-imik ng lahat.“Ah Tito Ramon, ang totoo ho niyan kaya ako naparito ay nais ko sanang ipagpaalam si Rada sainyo kung inyong mamarapatin." Clark paused a bit and cleared his throat. “May lakad ho kami ni Kate bukas patungong San Sebastian," he added. Ang tinutukoy na lugar ng binata ay ang sumunod na bayan ng San Isidro. Kalahating oras ang byahe mula sa mismong bayan nila.“Naimbitahan ho ako ng isang kaibigan sa kaarawan ng kanyang lola. Maari raw akong magsama ng kaibigan kaya't naisipan ko hong yakagin sana si Rada."sambit pa ni C
"Kumusta po kayo Aling Lourdes?" may ngiti sa labi na bati ni Clark sa nanay ni Pael pagkapasok sa bahay. “Mabuti naman Clark." magiliw na tugon ni Lourdes sa binata. Kahit na pangalawang beses pa lamang niyang nakakaharap si Clark ay magaan ang loob niya rito. Kilalang may mabubuting kalooban ang mga magulang nito na sila Don Franco at Donya Isabel. Kaya't hindi na siya nagtaka na sa kabila nang hindi nito pagkakaunawan ng anak na si Pael ay maayos at may paggalang itong nakikisalamuha at nakikipag-usap sa kanilang mag-ina. Pinalapit ni Clark ang kapatid na si Kate at ipinakilala sa kanya. Katulad ng binata ay mukha rin itong mabait at magalang. “Nakababata ko pong kapatid si Kate." anito. “Nagagalak akong makilala ka Kate." bati ni Lourdes sa dalagita. “Ako rin po Aling Lourdes." Tugon ni Kate kasabay ng pagmano sa kanya. “Matagal na hong nababanggit sa akin ni kuya ang mala-paraiso niyong bakuran hindi ko akalain na mas higit pa pala roon ang isinasa-larawan ko sa aking isi