LOGINPapangarapin mo ba ang isang bituin sa langit, kung ikaw ay isang hamak na maglulupa lamang? Si Rada Buenavista - ang bratinelang heredera. Susubukan ang pasensya ng simple at mailap na si - Rafael Samaniego. Saan hahantong ang isang pagtatagpo na babalutin ng samut-saring lihim? Handa ba sila sa isang katotohanan na magsasadlak sa kanila sa lusak ng poot at galit? At magdadala sa kanila sa labis na kabiguan at kapighatian. Saan sila dadalhin ng kanilang katatagan? Kung ang pinaghuhugutan nila ng lakas ang sa kanila'y siya ring dudurog at wawasak.
View MoreNoon nama'y ramdam na ramdam ni Pael ang panginginig ng babaing sinaklolohan. Marahan niya itong ibinababa sa lupa at maingat na isinandal sa punong muntik nang pagsalpukan ng sasakyan nito. Inayos niya ang ulo ng babae sa pagkakasandal at hinawi ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa makinis nitong mukha. Subalit nauwi ang binata sa labis na pagkagulat nang tuluyang mapagmasdan ang babaeng nadisgrasya. Hindi agad nakakilos si Pael, animo binuhusan ito ng pagkalamig-lamig na tubig sa katawan at napako na lamang ang tingin sa babaing nasa harapan.Kahit na nanatiling nakapikit ang mga mata ni Rada ay alam ng binata na may malay ito base sa pasalit-salit na pag galaw ng mga talukap nito. Kapansin-pansin rin ang pagtaas-baba ng dibdib ng babae na tila naghahabol ng hininga. Sa tingin niya ay ninerbiyos ito sa muntik na pagkakapahamak kayat nakararamdam ng sobrang pagyugyog ng katawan. Pinalis ni Pael ang pag aalala pagka't sigurado syang maayos ang lagay nito. Umangat ang kanyang kama
Isang taon pa ang lumipas. Masaya at may pananabik na binabagtas ni Rada ang daan habang minamaneho ang isang top-down Jeep Renegade. Hindi alintana ng dalaga ang mabako at maalikabok na kalsada kung saan ay nahagip pa niya ng tanaw ang isang lalaking hindi na maipinta ang mukha sa pagkainis dahil halos kumain na ito ng alikabok sa bilis nang pagpapatakbo niya. “Welcome home, Rada!” wika ng dalaga sa sarili nang sa wakas ay matanaw ang malaking arko papasok sa bayan ng San Isidro. Gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi nasasabik na siyang makita ang mga magulang. Limang taon halos din siyang namalagi sa San Francisco sa kagustuhan ng ama na doon sya makapagtapos ng pag-aaral. Maliban sa masyadong mataas ang standard ng daddy niya pagdating sa kalidad ng edukasyon ay may isang mabigat na dahilan ito kung bakit sya ipinadala sa pangangalaga ng tiyahin niya sa California. At ang bagay na iyon ay ayaw na niyang balikan pa. Pagka"t nagdudulot lamang ito ng ibayong sakit at poot sa damdamin
Dahil maaga pa ay humantong sila Rada at Clark sa Alamo Square Park. Napagkasunduan nilang dalawa na mamayang gabi na lang gumimik. Clark takes a deep breath. Iginala ng binata ang tingin sa palibot ng parke. Pamoso ang nasabing lugar dahil sa painted houses na siyang pangunahing dahilan nang pagbisita ng maraming turista roon. Kadalasan kasi ay napapanood ito sa mga movies o sitcoms. “Great view of the city overlooking the bay.” He thought of the city. “It's so lovely, isn’t it?”Rada said amusingly. “Yeah. Worth visiting place because of its breathtaking beauty,” he replied while still overlooking the surroundings. Clark rested his gaze on her after his exploration. Kasalukuyang inilalatag ni Rada ang dalang blanket sa damuhan. Ibinaba na muna ng binata ang hawak na basket na pinaglagyan ni Aunt Lucia ng baon nilang pagkain bago tinulungan nito ang kaibigan sa paglalatag. “Para lang tayong nasa burol niyo hindi ba?" ani Rada na naupo ng pa Indian sit. Hindi naman maiwasan ni
Mahinang katok sa pinto ang nagpa-angat sa ulo ni Rada mula sa binabasa niyang magazine. Sumungaw mula sa pintuan ng kanyang silid ang nakangiting si Aunt Lucia. Tila ay excited ang tiyahin base sa panliliit ng mga mata nito. "Honey, someone is looking for you in the living room,” she said. Rada quirked her eyebrows. Wala naman siyang inaasahang bisita ngayong araw. Katunayan ay tumanggi na siyang sumama sa mga kaibiganng Franciscans na magpunta ng Monarch club mamayang gabi dahil mas gusto niyang manatili na lamang sa bahay at magbasa ng mga paborito niyang babasahin for a change. Unang araw ng spring break. Mahaba-haba ring bakasyon sa iskwela. Gusto niyang gugulin ang mga araw na walang pasok sa mga makabuluhang bagay. Pass na muna sya sa mga social activities like dancing at clubs, big parties, and live music concerts. Nightlife in other words. Babawasan na rin muna niya ang pag-iinom. Pansin niya ay nagiging alcoholic na sya. “Who is looking for me, Auntie Lucy? I don’t e
Mahal ko, Kumusta ang iyong araw? Sa oras na mabasa mo ang liham na ito ay hangad kong nawa ay lagi kang nasa mabuting kalagayan. Matagal-tagal na rin mula nang huli tayong magka-usap. Nais kong ipaalam saiyo na labis ang aking nararamdamang pangungulila saiyong presensya. Pinanabikan kong marinig
Isang tapik sa balikat ang nagpaigtad kay Pael. Nakaupo sya noon sa papag na upuan na ginawa niya sa palibot ng kanilang punong mangga. Kung saan ay nalililiman ito ng mayayabong na dahon sa bawat sanga. “Ang lalim ng iniisip mo anak ah kapara ba niyan ay balong malalim?" Nilingon ni Pael ang ina na
Pagkagaling sa Laoyon ay tumuloy na sila Rada at Clark sa San Sebastian kasama si Kate. Nakilala ng dalaga ang pinakamatalik na kaibigan ng kababata na si Vincent Villaroman. Naging mainit naman ang naging pagtanggap sa kanila ng lola Consuelo nito na siyang may kaarawan. Inestima silang mabuti at
Naluha ang dalaga. Tila yelo na natunaw sa magkahalong saya at lungkot ang damdamin niya. Tuloy ay namalisbis sa luha ang kanyang mga mata. Mabilis naman iyong pinahid ni Pael gamit ang mga daliri nito. "Ikaw talaga, mahal, huwag ka nang umiyak. Baka akalain ni Zantillan ay pinapaiyak kita. Allergi


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.