Share

Kabanata Apatnaput Walo

Nang mawala na sa paningin ni Clara si Pael ay binalingan nito si Lourdes.

"Lourdes, kung hindi man ito ang oras para sa pagkakaayos nating dalawa. Siguro ay napapanahon na para malaman ni Ramon-"

"Hindi Clara, maayos na ang buhay naming mag-ina. Isa pa hindi si Ramon ang ama ng aking anak kundi si Augusto." mabilis na sansala ni Lourdes, nakabakas sa tinig nito ang nakatagong galit at poot. Tumayo ang babae mula sa pagkakaupo at inimis ang tasa't platito sa lamesita para dalhin sa kusina.

"Karapatan ni Rafael na malaman ang katotohanan Des." bunsod ni Clara na sumunod sa dating kaibigan.

"Katotohanan?" linga rito ni Lourdes habang salubong ang mga kilay. "Paano mo nasasabi ang isang bagay na iyong pinabulaanan noon Clara?" dugtong nito na medyo umalsa ang boses. Lumatay naman ang pait at pagsigid ng konsensya kay Clara. Kaya't Inalis rito ni Lourdes ang tingin. Dahil sa totoo lang ay nagsisimulang sumulak ang galit sa parte niya. Sinikap niyang pakalmahin ang sarili at magpakahinaho
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status