Pagbaba ng sasakyan ay tuloy-tuloy akong nagtungo sa classroom namin. Hindi na ako nag-abalang dumaan pa ng cafeteria na madalas kong ginagawa araw-araw pagpasok ng school upang tumambay at saka kumain na rin. Doon din kasi ako madalas hintayin ng mga kaibigan ko. Dahil sa naaalibadbaran ako at masama ang timpla ko ay minabuti ko na lang na dito pumunta. Baka doon pa ako magkalat. Ang pangit kung dadalhin ko pa ito sa cafeteria namin.
Kagaya ng inaasahan ko ay wala pa sa classroom ang mga kaibigan. Malamang ay nasa cafeteria pa sila at hinihintay ako. Wala akong planong pumunta doon para lang sunduin sila. Alam nila na I'm having a bad days oras na hindi ako sa kanila doon nagpakita. Kinapa-kapa ko ang bulsa. Hinahanap kung nasaan ang cellphone para e-text ko na lang sila upang sabihin na nasa room na ako at huwag na nilang hintayin doon. Lihim akong napamura sa isipan nang maalala na kinuha nga pala sa akin iyon ni Daddy kanina.Lintik talaga! Sagad na sagad ang pasensiya ko ngayong umaga! Akala ko ay hindi ko kailangan ang cellphone, pero sa ganitong sitwasyon ay kakailanganin ko pala para sa kumunikasyon.Pabagsak kong ibinaba ang bag na dala sa arm chair ng aking upuan. Ilan sa mga kaklase namin ay halos mapatalon sa gulat. Kilala nila akong pasaway pero never kong dinala iyon sa loob ng classroom, never din akong nang-bully. Sa labas ako madalas gumagawa ng mga kalokohan. Ang iba sa kanila ay tumayo pa upang lumabas ng room. Halatang sila na lang ang umiiwas sa akin, sa pagkakaroon ko ng masamang simula ng araw.Ilang beses akong humugot ng malalim na hinga. Kailangan kong punuin ng hangin ang baga dahil baka mamaya kapag di ako makapagpigil ay dito pa ako magwala. Lakas talaga manira ng araw ng Chaeus na iyon. Sira na nga ang mood ko sa ina niya at kay Daddy tapos dadagdagan niya pa? Oo na, namanhid na ako kay Dad at Azalea pero heto siya? Mukhang magiging triple ang pagkaasar ko.Pambihira naman kasi! Sa lahat ng panahon bakit ngayon pa siya umuwi? Dagdag pasanin ko lang!Mainit ang ulong naupo na ako. Pasubsob na inilugmok ang mukha sa aking braso. Hindi ko na maramdaman ang gutom pero iyong inis ko ay patuloy na umaagos sa aking bawat himaymay. Badtrip na badtrip ako. Nanggigigil ako ngayon!“Hoy Hilary? Sinasabi ko na, narito ka sa room! Masama na naman ang simula ng umaga mo ano? Bakit? Huhulaan ko. Dahil iyan sa ma-drasta mo.” padambang mahigpit na yakap sa akin ni Josefa.Hindi ko siya pinansin. Nanatiling nakasubsob ko ang mukha sa braso. Kumukulo pa rin ang dugo ko kapag naiisip kong araw-araw ko ng makikita si Chaeus. Additional kaagaw attention ko siya.“Kumain ka na ba? Hindi ka dumaan sa cafe. Hinihintay ka kaya namin doon.” dagdag ni Josefa, base sa tono ng boses niya alam ko na umiikot na ang kanyang mga mata sa ere. “Gusto mo bang pabilhan kita kina Shanael? Anong gusto mong kainin? Sige na, sabihin mo na. Bilisan mo.”Siya ang best friend ko since elementary kami. Ang tawag niya na nga sa akin ay other half. Hinawakan niya ang braso ko. Inalog-alog ako. Pilit na pinapabangon upang makita ang mukha.“Hindi ka pa ba nasanay ha? Araw-araw kaya ay ganyan ang problema mo. Hilary? Ano? Hindi ka pa rin ba magsasalita? Umayos ka nga ng upo!”Nag-angat na ako ng tingin. Mabilis niyang hinawi ang ilang takas na hibla ng buhok sa mukha ko. Inilagay niya iyon sa likod ng tainga ko. Nagmamadali ng humila siya ng upuan upang maupo sa harapan ko at patuloy na mag-usisa.“Sabihin mo sa akin anong nangyari? Kahit yata memorize ko na ang lahat ng ganap sa buhay mo kada umaga ay alam mo namang palagi akong narito oara pakinggan ka. Pina-umagahan ka na naman ng sermon ni Tito, ano?”Nakanguso akong tumango. Nagpapakampi na. Dumukwang siya palapit sa akin at niyakap ako.“Pagkatapos? Anong sunod na nangyari?” follow up question niya habang matamang nakikinig, nakahalumbaba na siya sa harapan ko. “Kilala kita, girl. Kung simpleng sermon lang iyan hindi mo naman dadamdamin. Anong nangyari?”Umayos ako ng upo. Bilang kaibigan niya ay wala naman ako sa kanyang maitatago. Mailihim ko man ngayon, paniguradong kukulitin niya ako.“Spill the tea, Hilary. Hindi ka pa ba nasanay sa lahat ng iyon? Para ka namang palaging bago.”Humaba pa ang nguso ko sa ginawa niya. Oo nga, sanay na ako pero iba ang araw na ito dahil may dumagdag pa na mas magpapakulo ng dugo ko.“Confiscated ni Daddy ang phone ko.”Labis na gulat ang rumihistro sa hitsura ni Josefa. Ito kasi ang unang pagkakataon na ginawa iyon ni Daddy. Oo nagagalit ito, pero never na tatanggalan niya ako ng cellphone. Napamulagat ang mga mata ko nang hawakan niya ako sa magkabilang balikat. Pilit na hinuhuli ang mga mata kong kaagad na naging mailap.“Ha? Paano iyon nangyari? Hindi ba at kahit na anong sermon ni Tito ay hindi niya kinukuha? Baka naman gawa na naman ito ng madrasta—”“Exactly! Paniguradong sinulsulan niya si Daddy na kunin ang cellphone ko sa akin. Bwisit talaga!”“Now we know the reason na, kanina ka pa kaya kino-contact ni Shanael. Out of reached ang number mo kahit nakailang tawag na. Hindi ka rin naman online sa any social media account mo. Hay naku, napaka-kontrabida naman ng babaeng iyon. No wonder kung bakit mainit palagi ang dugo mo sa kanya. May ugali pala talaga siya!”Nanibugho pa akong lalo nang maisip na baka nga si Azalea ang nagsabi kay Daddy na kunin ang phone ko upang turuan ako ng lesson. Nakakagigil talaga! Ano pa bang lesson ang nais nilang matutunan ko? Sa halip kasi na amuin nila ako ay hindi nila ginagawa. Hinahayaan lang nila akong maging ganito. Sesermunan after noon ay wala na. Balik sa normal. Kaya siguro umaabuso rin ako. Lalo lang nauuhaw sa atensyon ni Dad.“Gusto mo bang bilhan na lang kita mamaya ng new phone? Basta wag mo lang ipapakita kay Tito. Hindi naman niya malalaman iyon, Hilary. At least may magagamit kang contact sa amin.”Pinandilatan ko siya ng mata. Anong tingin niya sa akin kawawa? Mahirap? Walang paraan para makabili ng bagong cellphone? Hindi ko gusto ang suggestion niya. Parang pinaparamdam niyang I'm so poor which is not true. May cash din ako.“What do you think of me, Josefa? Poor?” palis ko ng dalawang kamay niyang nasa balikat ko. “Kung gugustuhin kong bumili ay kaya ko since may cash naman akong hawak bukod pa sa ilang credit card na ibinigay sa akin ni Dad in case of emergency. Pwede kong gamitin kung gusto ko!”Aaminin kong pasaway ako pero hindi naman ako sobrang magastos o malustay pagdating sa pera. Ganito ang ugali ko, magaspang, pasaway, pero hanggang ganito lang naman ako. Hindi pa ako dumadating sa punto na nagwaldas ng perang pinaghirapang kitain ng mga magulang. Siguro dahil wala namang kulang sa akin. Iyong attention lang talaga ni Daddy ang salat ako.“Oo na, Hilary. Sorry. Galit ka naman agad. Hindi na kita pipilitin na bumili ng bago. Saka nagbibiro lang naman ako. Huwag mo akong tingnan ng masama. Hinahanapan ko lang naman ng paraan para gumaan ang pakiramdam mo. Patola ka!”Bago pa man ako muling makapagsalita at makabigay ng saloobin ay pumasok na ng room si Glyzel at saka Shanael. Hindi na sila nagulat na naroon ako dahil nasabi na siguro ni Josefa iyon sa kanila through chat. Walang lihim sa kanila.“Huwag niyo ng kulitin, naka-on ang pagiging beast mode niyan. Kayo rin ang mahihirapan.” banta ni Josefa sa tangkang pang-uusisa sana sa akin ni Shanael, itinikom ulit nito ang bibig.Buong pang-umagang klase ay wala sa lesson na pinag-aaralan namin ang utak ko. Lumilipad ito sa bahay namin. At sa dahilan ng pag-uwi ni Chaeus ng bansa. Ako ba talaga? Sumang-ayon siya na i-disiplina ako? Why? Tanga ba siyang biglang uuwi dito? At saka may maganda namang trabaho siya sa ibang bansa. Sino ang titingin ng business nila doon? Ipagkakatiwala niya sa iba? Paano kung may mangyaring hindi maganda? Kanino ang sisi noon? Sa kanya di ba? Bobo ba siya na pumayag sa gusto ni Daddy at Azalea? Imposible talaga na dahil lang iyon sa hiniling ni Daddy at ng ina niya. Nanini
Nagkakantiyawan at malakas na nagtatawanan pa kaming magkakaibigan habang papalabas ng campus after ng klase nang bigla na lang kaming matigilan sa paglalakad. Na-ispatan ko lang naman ang bulto ni Chaeus na nasa labas ng gate. Prenting nakahalukipkip ang dalawang braso malapit sa dibdib at pasandal na nakatayo sa gilid ng driver set ng dala niyang aming sasakyan. Magka-krus ang mahaba niyang mga binti. Matamang naghihintay. Iniisa-isa niyang tingnan ang mga estudyanteng lumalabas ng gate. Sa galaw pa lang niya ay kinutuban na ako. Mukhang hindi pa siya natatapos sa paninira ng araw ko dahil gusto pa yatang sirain ang gabi ko.“Hindi ba at ang stepbrother mo iyon, Hilary? Teka, siya na nga ba iyon? Bakit parang ang laki ng ipinagbago niya?” napuno na ng pagtataka ang boses ni Josefa na ilang beses sinipat pa ito matapos ilagay ang isang palad sa noo na animo ay nasisilaw siya sa araw. Pinaliit pa ang mga mata niya. “Hala, ang gwapo niya na lalo ngayon girl!” patili nitong dagdag na kul
Pagdating namin sa napili nilang restaurant ay pinauna ko na silang pumasok sa loob. Nagpahuli ako habang mabagal na sumusunod. Concious sa sarili dahil sa naka-school uniform pa ako. Hindi man lang talaga nila ako pinagpalit ng damit. Di ko tuloy alam kung ano ang magiging reaction. Sanay naman akong lumabas, pero sa mga ganito na mataong lugar mas okay pa rin ang normal na damit. Dati naman kapag lalabas kami ni Daddy ay hinihintay niya akong makauwi muna sa bahay. Magpapalit ako ng damit at saka kami lalabas para sa pangakong dinner sa labas.Hindi man lang iyon nagawang sumagi sa isip ni Azalea? Natuwa na sana ako ngayon sa kanya kung nagawa niyang ipaalala iyon kay Daddy. Nariyan ang anak niya. Maiisip pa ba niya iyon? “Oh! Saan ka pupunta?” hablot ni Chaeus sa isang braso ko dahilan para nahimasmasan ako. Para akong lastiko sa ginawa niyang paghatak. Nang lingunin ko siya ay makahulugan lamang siyang ngumisi na ikinakulo na naman ng dugo ko. Tiningnan ko siya ng masama. Ipinak
Lumipad ang mga mata ko sa kamay ni Azalea na agad na humawak sa braso ni Daddy upang ito ay pakalmahin. Dito pa lang ay sumama na agad ang timpla ko. Ako na naman ang lalabas na bastos at masama sa paningin ng karamihan. Alalahanin niyang nasa labas kami, pati ba naman dito ay kailangan niya akong pagtaasan ng boses? Kaya naman sumasama lagi ang loob ko sa kanya eh.“Relax, Mateo. Nasa labas tayo. Maraming mata. Pwede niyong pag-usapan ng maayos sa bahay ang anumang problemang mag-ama mamaya.”Padabog na binitawan ni Daddy ang table napkin. Halatang may pagpipigil. Gusot na gusot iyon. Doon niya ibinuhos ang tindi ng pagkadismaya niya sa akin. Ilang beses pa siyang huminga nang malalim upang tuluyang kalmahin ang sarili. Sa gilid ng aking mata ay nakita ko ang hilatsa ng mukha ni Chaeus. Mababanaag dito na alam niya na may tensyon sa pagitan naming mag-ama. Hindi ko alam kung matutuwa ba ko o mas lalo lang maiinis sa sunod na ginawa niya. Umeksena lang naman siya at sumabat sa usapan
Walang patid ang bagsak ng aking mga luha habang naglalakad patungo ng parking lot. Ngayon pa lang nagsi-sink in sa akin ang katotohanang hindi na ako mahalaga kay Dad. Kung ituring niya ako ay parang hindi na anak. May magulang bang gagawin iyon sa anak? I mean ang ipahiya ito sa maraming tao?“Kulang na lang ay sabihin niyang pabigat ako at nahihirapan na siyang alagaan. Bakit kaya hindi na lang niya sabihing bumukod na ako at buhayin ang sarili? Keysa naman maging ganito kami.”Hindi naman naging matagal ang ginawa kong paghihintay sa parking sa kanila. Minuto lang ay natanaw ko na ang paglabas nilang tatlo ng resto. Siguro ay nawalan na rin sila ng ganang kumain dahil sa sagutan naming mag-ama. Madilim ang mukha ni Daddy nang sipatin niya ako. Inignora ko ito. Ipinakitang hindi apektado. Doon naman ako magaling. Ang magpanggap na wala lang ang lahat sa akin kahit pa ang sakit na. Nang pumasok ito sa loob ng sasakyan ay agad na rin akong lumulan. Kahit siguro bulyawan niya ako sa l
Umayos ako ng tayo. Nakabawi na sa pagkabigla. Matalim ko siyang tinitigan. Iyong tipong alam niyang hindi niya ako pwedeng pakialaman dahil siguradong magkakaroon ng giyera kada araw. Mabuti na iyong alam niya saan siya lulugar.Sa tingin niya ba maaapektuhan at mapipigilan niya akong lumabas kapag sinabi niya ito? Hindi!“Ano bang pakialam mo?” mataray na tanong ko sa kanya, dapat ngayon pa lang ay alam niyang hindi niya ako pwedeng kontrolin. “Si Daddy nga na ama ko ay hindi ako kayang pigilan, ikaw pa kaya? Sino ka ba sa akala mo? Huwag kang makialam ng buhay ng ibang tao! Sarili mo ang intindihin mo. Ang dami mong dada diyan!”“Sige, lumabas ka. Dagdagan mo ang galit ni Tito para habang nasa eroplano sila isipin ka niya.”Kino-konsensya niya ako? As if effective iyon.Muli ko siyang inirapan. Iyon ang naging sagot ko. Ayoko na talagang makipag-usap sa kanya. Akmang lalagpasan ko na siya nang matigilan ako sa mga sumunod niyang sinabi. Hindi ko dapat siya pansinin. Wala naman dapat
Napasabunot na ako sa sariling buhok. Aaminin ko nag-aalala ako kay Daddy na di sumagi sa isip ko dati. Mukhang eye opener nga yata iyong mga pinagsasabi ni Chaeus kagabi. For the first time, I felt worried to my Dad. Hindi ko na alam kung anong gagawin. Hindi pwedeng solo lang si Daddy. Nawalan na ako ng ganang ubusin ang breakfast. Hindi ko na iyon malunok sa sama ng aking loob.“Uulitin ko sa'yo ang mga dahilan ko Hilary—”“Are you nuts?!” hindi ko na napigilang sumigaw, Wala ba talagang utak ang babaeng ito? Akala ko ba ay mahal niya talaga si Daddy? Ano ito, aber?“Hinayaan mong mag-isa si Daddy. Kailangan ka niya doon. Alam mo iyon. Akala ko ba mahal mo siya? Kailan mo pa naisip ang mga iisipin ko? Totoo ba talagang minahal mo siya? O baka naman nagpapanggap ka lang? Oo nga pala, narito ang anak mo hindi ba? Siya siguro ang dahilan kung bakit hindi ka sumama kay Daddy!”“No, hindi iyan ang dahilan—”“Sino ang mag-aasikaso doon kay Daddy? Wala. Paano kung uminom iyon after ng mee
Malalim na ang gabi ay hindi pa rin ako dalawin ng antok. Dilat na dilat pa rin ang mga mata ko. Nagawa ko ng maglinis ng kuko sa paa at kamay, nalagyan ko na rin sila ng nail polish. Tuyo na at lahat ang mga iyon ay hindi pa rin ako inaantok. “Baka hindi lang ako pagod ngayong araw kaya hindi ako agad inaantok, o baka dahil alam ko na wala naman akong pasok sa school bukas?”Inabot ko ang cellphone na nakapatong sa may gilid ng lampshade. Dumapa na ako at nag-scroll. “Manood kaya ako ng movie para antukin? Ano namang magandang panoorin? Horror? Ayoko. Baka lalo lamang na hindi ako makatulog nito.”Kalahating oras ang lumipas nang humikab ako. Pinatay ko na ang cellphone at umayos ng higa.Baka this time, tuluyan na akong makakatulog. Unti-unti nang naiidlip ang diwa ko nang bigla na lang dumaan sa balintataw ang imahe ni Chaeus. Malaking napadilat ang aking mga mata. Bakit ba bigla ko siyang naisip? Ayon na. Patulog na ako.“Peste naman oh!” mura kong mabilis bumangon.Ilang biling