The Blind Billionaire's Fake Girlfriend

The Blind Billionaire's Fake Girlfriend

last updateÚltima atualização : 2026-01-22
Por:  acire_berryAtualizado agora
Idioma: Filipino
goodnovel16goodnovel
Classificações insuficientes
10Capítulos
8visualizações
Ler
Adicionar à biblioteca

Compartilhar:  

Denunciar
Visão geral
Catálogo
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP

Isang performer sa bar si Sienna—sumasayaw upang aliwin ang mga lalaki, ngunit hanggang doon lamang ang hangganan ng kanyang trabaho. Wala nang iba. Kontento na sana siya sa buhay na nakasanayan, hanggang sa isang gabi, bigla siyang dukutin ng mga lalaking hindi niya kilala at dalhin sa isang napakalaking mansyon. Doon niya makikilala si Red Montemayor—isang bilyonaryong malamig, dominante, at may lihim na kapansanan. Sa kabila ng tikas ng kanyang tindig at talas ng pananalita, bulag si Red dahil sa isang aksidente. Inaalok niya si Sienna ng isang kakaibang trabaho: ang maging pekeng girlfriend niya. Ang lahat ng ito ay bahagi ng plano ni Red laban sa babaeng minsan niyang minahal—si Cassandra, ang ex-girlfriend na nagtaksil sa kanya. Ang sakit na idinulot ng pagtataksil ay nais niyang ipalasap pabalik, doble sa sakit na kanyang naranasan. Sa pagitan ng galit, paghihiganti, at mga damdaming unti-unting nabubuo, masusubok ang puso nina Sienna at Red. Paano kung may biglang sumulpot pa na isang lalaki—magiging kakampi ba siya o magiging kaaway? Habang tumatagal ang pananatili ni Sienna sa piling ni Red, unti-unting mabubunyag ang mga sikreto na mas makakapanakit sa puso ng binata. Ang pekeng relasyon ba’y mauuwi sa totoong pag-ibig, o magiging tulay lamang ang isa upang magbalik ang dating pag-ibig?

Ver mais

Capítulo 1

1 - Sapilitang Pagkuha

Sienna POV

Habang naghihintay ng costumer, sumandal ako sa upuan at tinitigan nalang ang kuko ko. Kanina pa kasi walang costumer na pumipili sa akin na for the first time in history na ganito katagal ang ginugol ko sa upuan na 'to. Pinagpapawisan na ang mga binti ko, wala pa rin. Nakapagtataka lang talaga. Entertainer nga pala ako ng mga VIP sa bar, hanggang doon lang hindi na puwedeng lumagpas pa ang trabaho ko doon dahil kahit sa bar ako nagtatrabaho iniingatan ko naman ang dapat ingatan kahit hindi na ako masasabing birhen.

May nagbukas ng pinto at pumasok si Gary, ang bouncer ng bar.

"Bakit?" tanong ko. Hindi naman kasi ito pumapasok sa kwarto kung nasaan ang mga babaeng entertainer.

"May gustong kumausap sayo."

Kumunot ang noo ko. "Sino?"

"Hindi ko alam."

Napairap ako. Kung mga taong ang gusto lang ay saya na abot hanggang langit lang 'yon, ayoko ko.

"Pakisabi hindi ako interesado kung sino siya. Bumalik ka na doon at sabihin."

"Pero..."

Tinaas ko ang kamay ko. Ayokong marinig ang dahilan kung bakit kailangan kong kausapin ang tao na 'yon. Inis na binugaw ko ang bouncer para lumabas, ganitong wala pa akong costumer ngayong gabi tapos may mga tao pang iinisin ang mood ko.

Inabala ko ulit ang sarili sa paghihintay. Ngayon rin pala ang ika-lima kong taon sa pagtatrabaho dito sa bar ng boss ko. Pinilit ko talagang hindi umalis dito dahil malaki ang sahod ko buwan-buwan. Hindi ko kikitain 'yon kung maghuhugas lang ako ng pinggan sa maliit na karinderya. Sa tagal ko na rito, salamat sa diyos na ilang costumer lang ang na-encounter ko na lumalagpas sa napag-usapan. Entertainer ako, gusto pa ng something na titirik ang mata nila. Pag mapilit, lalasingin saka sasapakin ko sa mukha ng makatulog, pero pag meron namang VIP na gusto ng party-party sa kanilang katawan, ibang babae ang pinadadala.

Napabuga ako ng hangin dahil sa oras na nakita ko sa orasan sa pader. Tatlong oras na akong nakaupo rito, pero wala pa rin talagang costumer. Ako na lang mag-isa rito. Wala bang masyadong tao sa labas, kaya kahit isa ay wala akong magiging costumer ngayon?

Tumayo ako at binuksan ang pinto para sana silipin ang labas, pero sa gulat ko hindi na ako nakagalaw dahil may biglang mga tao na hinawakan ang braso ko at pilit na hinihila palabas ng kwarto.

"S-Sino kayo?!" sa kinakabahan kong tanong. Mukha naman silang disente at hindi sangano, pero bakit nila ako biglang kinuha. "Sandali... bitawan niyo ako!" Nagpumiglas ako sa dalawang lalaki, pero patuloy pa rin silang naglakad palabas mismo ng bar. Natakot ako, bakit nila ako nilabas ng bar, baka hanapin ako ng boss ko.

Lumingon ako sa mga tao sa paligid, tila wala silang pakialam kahit halata naman na kinukuha ako ng sapilitan ng dalawang lalaki. Wala silang hinto sa paglalakad, parang mga bingi rin dahil kahit anong pagtatanong ko ay wala silang naging sagot. Pagpasok pa lang namin sa kotse kadiliman agad ang bumungad, dahil pati bintana tinted, wala ring ilaw sa loob.

"Piringan niyo ang mata niya."

Narinig kong saad nung isang lalaking katabi ko.

"Siguraduhin niyo lang na mahigpit ang pagkakatali, at ang pagkakahawak niyo sa kanya. Mahirap na, baka makatakas pa at tayo ang malalagot kay boss."

May kulay puting tela ang hinugot ng lalaki sa bulsa nito. Naaninag ko pa rin dahil kulay puti naman ang tela. Lumapit ang kamay nito sa ulo ko, pero may balak palang akong pumalag, meron ng dalawang kamay ang humawak sa ulo ko para hindi ako maglikot. Kung kidnapping man 'to. Anong mapapala nila sa dukha na tulad ko na umaasa lang sa sahod sa bar buwan-buwan?

"Pag ako nakatakas rito. Isusumbong ko kayo sa pulis!!" galit kong saad.

Narinig kong tumawa ang isa pero may kalayuan, yung driver siguro.

"Hindi mangyayari 'yon miss. Kayang-kaya ng boss namin ang sinasabi mong pulis."

"Bakit niyo ba ako kinuha? Anong kailangan niyo sa akin?!"

"Malalaman mo mamaya."

Hinawakan na ako ng mahigpit ng dalawang katabi ko. Mga engot rin, dahil paano ako tatakas kung nasa parehas na gilid ko sila, at ano 'tong pakulo nilang tela sa mata ko. Hindi rin naman ako matandain sa dinadaanan ko.

Makalipas siguro ang ilang oras ang nilakbay namin. Nanunuyot na ang lalamunan ko sa tagal ng biyahe. Baka naman puwede nila akong painumin kahit konting tubig.

"We're here."

Ay, shala. Nag-eenglish ang kuya mong kidnapper.

"Ipasok niyo nuna siya sa loob ng bahay bago niyo tanggalin ang blindfold. Nasa sala na nga pala si boss, bitawan niyo agad pag naroon na kayo at dumistansya, lumabas kung ipinag-utos niya."

Muli akong hinawakan ng dalawa sa tabi ko, saka hinila palabas ng kotse. Muntik pa akong madapa dahil hindi ko nga nakikita ang paligid. Parang nasa isang kwarto ako na madilim na nakikiramdam sa paligid kung meron bang lalabas na multo.

Nabilang ko ang lakad namin. Mga nasa thirty, bago sila pumasok sa bahay, base na rin sa tunog ng pinto na bumukas kaya alam kong nasa loob na kami. Agad naman akong binitawan nung dalawa.

"Lumabas muna kayo."

Nangunot ang noo ko sa boses ng nagsalita. Ang lalim, nalamig, at puno ng awtoridad. Ito na siguro ang sinasabi nilang boss. Gusto ko siyang makita at itanong kung bakit nila ako dinala rito. Susubukan ko na sanang tanggalin ang piring ko sa mata, nang nagsalita muli yung lalaki.

"Umupo ka."

Tuluyan ko ng tinanggal ang tela sa mata ko, dahil paano ako uupo kung hindi ko alam kung nasaan. Unang bumungad sa akin ay ang konting liwanag na nagmumula pa sa maliliit na ilaw sa itaas ng kisame. Ang laki-laki ng ilaw sa gitna, hindi naman nakasindi. Napansin ko rin na ang kulay ng loob ng bahay ay pula, dahil na rin sa kurtina. Tumingin ako sa harap ko, may nakaupong lalaki at nakayuko.

"I said, sit down."

Napalunok naman ako sa kaseryosohan ng boses ng lalaki. Lumingon ako para hanapin ang upuan na nasa likod ko lang pala. Sa harap pala ako ng sofa hininto nung dalawang lalaki. Umupo ako at tumingin muli sa lalaki na hindi ko makita ang mukha dahil hindi rin nasisinagan ng liwanag ng ilaw.

"Kung pera ang gusto mo mula sa akin. Wala kang makukuha kahit piso dahil hindi ako mayaman!" panimula ko ng wika sa lalaki.

Nakatitig ako sa kalahati ng mukha niya nang biglang ngumisi ito.

"I have a lot of money. I don't need that from you."

Tumaas ang kilay ko. "So, anong kailangan mo sa akin at bigla-bigla na lang akong kinuha ng mga lalaki na 'yon para dalhin dito sa bahay mo na parang bampira ang nakatira!"

Sa totoo lang, parang bampira nga ang nakatira sa bahay na 'to. Napansin ko na makapal rin ang kurtina, maging ang ilaw tinipid din, mas maliwanag sana kung yung ilaw na malaki sa gitna ng kisame ang sinindi. Mayaman naman, pero parang takot magbayad ng bills.

"I have a proposal... for you."

Nalipat ang atensyon ko muli sa lalaki na nakatunghay na ang mukha, pero hindi ko pa rin makita ng buo.

"Proposal?"

"Yes."

"Anong klaseng proposal ang sinasabi mo?"

"Be my girlfriend."

Nag-hang ata ang buong pagkatao ko sa sinabi niya, o baka mali lang ang narinig ko.

"I mean, be my fake girlfriend."

Nagsalubong ang kilay ko. Ano ang nainom ng lalaki na 'to para kaladkarin ako rito ng tauhan niya at sabihin na gusto niyang maging pekeng girlfriend ako? Hindi ko nga siya kilala.

"Gaano karami ang nilaklak mong alak mister? Lango ka pa ata sa alak, kaya kung ano-ano ang pinagsasabi mo sa akin. Hindi nga kita kilala tapos aalukin mo ako para maging fake girlfriend mo. Baliw ka ba?"

Expandir
Próximo capítulo
Baixar

Último capítulo

Mais capítulos

Para os leitores

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Sem comentários
10 Capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status