Falling For The Billionaire CEO

Falling For The Billionaire CEO

last updateLast Updated : 2026-01-29
By:  NightshadeUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
9 ratings. 9 reviews
86Chapters
2.8Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

𝘗𝘢𝘢𝘯𝘰 𝘮𝘰 𝘮𝘢𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘭𝘢𝘬𝘪𝘯𝘨 𝘸𝘪𝘯𝘢𝘴𝘢𝘬 𝘬𝘢 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘴𝘢 𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘢𝘬𝘢𝘭𝘢? Si Aya Dizon, 23 years old, ay kasalukuyang nagtatrabaho sa Alvero Grand Hotel para matulungan ang pagpapagamot sa kapatid niyang may malubhang sakit. Dito niya nakilala ang tinaguriang "Ice King" na si Lucius Alvero na isang CEO na kilala sa pagiging walang puso at walang pakialam sa nararamdaman ng iba. Sa simula, pinahihirapan lang ni Lucius si Aya dahil sa kanyang pagiging tyrant, pero magbabago ang lahat nang malaman niya ang isang madilim na sikreto...ang yumaong tatay ni Aya pala ang driver na itinuturong pumatay sa bunsong kapatid ni Lucius sampung taon na ang nakalilipas. Dahil sa galit, lalo pang naging mahirap ang buhay ni Aya sa kamay ni Lucius. Pero paano kung mali ang paniniwala ni Lucius, at may sabwatan pala ang pamilya Montenegro? Kapag nalaman na inosente ang ama ni Aya, paano babawiin ni Lucius ang bawat sakit na idinulot niya? Kaya bang hilumin at bawiin ang pusong kusa niyang dinurog...at matutunton kaya nila ang daan pabalik sa isa't-isa?

View More

Chapter 1

KABANATA 1

AYA’S POV

May mga araw na pakiramdam ko, parang isa na lang akong makinang de-susi. Gigising sa umaga, papasok sa trabaho sa hotel, aasikasuhin si Nico, at kung may matira pang oras, idadaan ko na lang sa kaunting tulog bago muling ulitin ang lahat kinabukasan. Nakakapagod, oo, pero wala akong karapatang mapagod. Sa aming dalawa ni Nico, ako ang kailangang manatiling matatag.

Bitbit ang isang plastik ng pansit at ilang pirasong tinapay, dahan-dahan akong umakyat sa hagdan ng apartment namin. Nanginginig ang mga binti ko matapos ang halos sampung oras na nakatayo bilang coordinator sa hotel. Pero kahit pagod, ang iniisip ko lang ay may pagsasaluhan kami ni Evan ngayong gabi. Birthday niya, at kahit kapos na kapos, pinilit kong bumili ng paborito niyang pagkain.

"Sana gising pa siya," bulong ko sa sarili ko habang hinahanap ang susi sa bag.

Pagdating ko sa tapat ng pinto, napakunot ang noo ko. Bahagyang nakawang ang pinto ng unit namin. Ang unang pumasok sa isip ko ay baka nanakawan na kami, kaya mabilis akong pumasok nang walang ingay. Pero bago pa ako makarating sa sala, napatigil ako.

May mga damit na nakakalat sa sahig. Isang pamilyar na t-shirt ni Evan, at isang pulang bra na alam kong hindi sa akin.

Kasunod noon, may narinig akong mga boses mula sa kwarto...mga ungol na parang bumibigat sa dibdib ko. Isang malanding tawa ng babae, at ang baritonong boses ni Evan na puno ng pagnanasa.

"Dali na... baka dumating 'yung boring mong girlfriend," biro ng babae.

"Hayaan mo siya. Pagod 'yun sa trabaho, tiyak na matatagalan pa 'yun bago makauwi," sagot ni Evan, bago sinundan ng tunog ng halikan.

Parang binuhusan ako ng kumukulong tubig. Nanlamig ang buo kung katawan habang dahan-dahang itinutulak ang pinto ng kwarto. Doon, sa ibabaw ng kama kung saan gabi-gabi akong nagdarasal na sana ay gumaling na si Nico, nakita ko sila. Si Evan na hubad, at si Shaina na kapitbahay namin, na halos wala ring suot.

Nalaglag ang supot ng pansit at tinapay sa sahig. Kumalat ang laman nito sa semento... gaya ng buhay kong unti-unti ring nagkakawatak-watak.

"A-Aya?!" mabilis na napabalikwas si Evan, gulat na gulat at mabilis na nagkumot para takpan ang sarili niya.

Hindi ako makapagsalita. Parang may nakabarang bubog sa lalamunan ko. Tumingin ako sa kanila, at ang nakita ko ay hindi lang ang pagtataksil nila, kundi pati ang tatlong taon na ibinigay ko sa lalaking ito...ang mga pagkakataong nagtiis ako para lang may maibahagi sa kaniya, ang mga gabing akala ko siya ang magliligtas sa akin.

"Magpaliwanag ka, Evan... sabihin mong panaginip lang ito," mahina kong sabi, nanginginig ang boses ko sa matinding sakit.

"Aya, mali ang iniisip mo... lasing lang ako, hindi ko alam..."

"Lasing?!" bulyaw ko, at sa wakas, bumagsak na rin ang mga luhang matagal ko nang pinipigilan. "Birthday mo ngayon! Pinag-ipunan ko 'tong pagkain kahit kulang ang pambili ko ng gamot para sa kapatid ko! At ito pa ang bubungad sa akin?!"

"Eh ano ba?! Pagod na rin ako, Aya!" biglang sigaw ni Evan, parang siya pa ang naaagrabyado. "Mula nang magkasakit ang kapatid mo, wala ka nang oras sa akin! Laging may iniintindi sa ibang bagay! Para akong anino sa buhay mo! Tao rin ako, kailangan ko ng babaeng may oras sa akin, hindi yung laging pagod!"

Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi niya. Namula iyon, pero alam kong mas masakit ang puso ko sa sobrang hapdi.

"Umalis ka na," sabi ko sa pagitan ng mga hikbi. "Dalhin mo na ang lahat ng gamit mo at huwag ka nang babalik pa. Ayoko nang makita ang pagmumukha mo."

Nang makaalis sila, naiwan akong mag-isa sa. Napaupo ako sa tabi ng natapong pagkain at doon ko ibinuhos ang lahat ng bigat na kinikimkim ko. Tahimik lang akong umiiyak, hanggang sa biglang tumunog ang cellphone ko.

Isang text mula sa ospital. Billing reminder.

Kailangan kong pumasok. Kailangan kong kumita ng pera. Wala na akong Evan na masasandalan. Ako na lang ang natitira para kay Nico.

Pagdating ko sa Alvero Grand Hotel, sinalubong ako ng marangyang liwanag na parang nanunuya sa madilim kong mundo. Mabilis akong nag-ayos ng uniporme at naglagay ng kaunting concealer sa ilalim ng mata ko, para lang maitago ang maga.

"Dizon! Saan ka ba galing? Kanina pa naghahanap ng assistance sa VIP lift!" bulyaw ni Ms. Rivas, ang Supervisor na tila laging galit sa mundo.

"Pasensya na po, Ma'am. Nagkaproblema lang po sa bahay," tipid kong sagot bago nagmamadaling tumakbo patungo sa elevator.

Dala ng pagkalito at pagmamadali, hindi ko napansin na ang napasukan ko ay ang Executive Lift...ang elevator na para lamang sa CEO at sa board members. Pagbukas ng pinto, muntik na akong mapaatras nang makita ko ang taong nasa loob.

Nakatayo sa gitna ang isang lalaking matangkad, seryoso, at balot ng isang awtoridad na tila kayang magpatahimik sa buong lobby. Si Lucius Alvero ang CEO ng Hotel.

Hindi siya tumingin sa akin. Nakaharap siya sa salamin, inaayos ang kwelyo niya. Ang bango ng pabango niya ay agad na humalo sa amoy ng metal sa loob ng elevator. Pumasok ako at nanatili sa sulok, nakayuko at halos hindi humihinga.

Biglang yumanig ang elevator. Isang matalim na tunog, at pagkatapos ay tuluyang namatay ang mga ilaw. Tumigil kami sa pagitan ng ika-15 at ika-16 na palapag.

"Damn it," bulong ni Lucius. Ang boses niya ay malalim at puno ng inis.

Nanatili akong nakasandal sa pader. Sa dilim, ramdam ko ang pag-akyat ng kaba sa dibdib ko. Ang sakit ng pagtataksil ni Evan kanina at ang takot sa sitwasyon ngayon ay sabay na dumudurog sa akin. Hindi ko na napigilan ang sarili ko... nang muli na namang umagos ang mga luha ko.

"Stay still. May emergency power ito," sabi ni Lucius. Inilabas niya ang phone niya at itinapat ang flashlight nito sa control panel, pero hindi niya sinasadyang maitama ang ilaw sa akin.

Doon niya ako nakita. Ang mga mata kong puno ng luha, ang nanginginig kong mga kamay, at ang mukha kong tila pasan ang buong mundo.

"Are you claustrophobic?" tanong niya. Walang emosyon ang boses niya, malamig at direkta.

"H-hindi po, Sir. Pasensya na po..." mahina kong sagot, pilit na pinupunasan ang mukha ko.

"Then stop shaking. You're making the air inside this elevator feel heavier," sabi niya bago binaling ang flashlight sa kaniyang relo. "Crying doesn't pay the bills, Miss. It just makes you look pathetic in front of people who don't care about your story."

Masakit ang mga salita niya. Direkta at walang preno. Pero sa gitna ng dilim na iyon, tila iyon ang kailangan kong marinig para magising sa reyalidad. Na sa mundong ito, ako lang talaga ang pwedeng sumalba sa sarili ko.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

reviewsMore

Nightshade
Nightshade
Thank you sa mga sumusuporta ...
2026-01-12 18:48:23
0
0
Nightshade
Nightshade
Kung nagustuhan niyo ang story, huwag kalimutang i-rate... Thank you🫶
2026-01-12 18:47:34
1
0
Nightshade
Nightshade
pa follow naman guyss at pa rate para ganahan ako mag update... pa add to library na din. mwahhh...
2026-01-07 09:28:19
1
0
Nightshade
Nightshade
pa-follow po at pa rate ng story ko... Huwag niyo ring kalimutang i-add to library para laging updated kayo sa bawat bagong kabanata nina Lucius at Aya. Maraming salamat sa suporta!
2026-01-07 09:26:57
1
0
Kathy
Kathy
Nakaka bweset yung bianca sarap sakalin hahaha
2025-12-23 07:40:26
2
1
86 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status