Share

SIX

Maligayang nagsasalo-salo si Divine at ang kambal sa hapagkainan nang marinig nila ang malakas na doorbell. Natigilan silang tatlo habang iniisip kung sino ba ang possibleng bisita na naririto ngayong gabi. 

 

"Continue eating your foods, you two. Titingnan ko lang kung sino ang nasa labas."

 

Aurora and Zaurus nodded while looking at the closed door of their apartment. Tumayo na si Divine at lumapit sa entrance para tukuyin kung sino ang bisita. Day off ngayon ni Maria at wala namang bisitang pumupunta sa tahanan nila kaya wala silang kaide-ideya kung sino ang nasa labas.

 

Divine cautiously opened the door, and to her surprise, she realized that it's her best friend who has been away for several months!

 

"I'm back!" magiliw na sigaw nito, dahilan para bumilog ang kaniyang mga mata sa gulat at ngumiti nang malawak.

 

"Zion!" Divine couldn't hide her happiness after realizing that he's really here. Agad niya itong niyakap nang mahigpit at sinabayan naman iyon ng tawa ng kaibigan.

 

"Gosh, girl! I missed you so much!" Zion hugged her back with a wide smile on his face.

 

Narinig ng kambal ang boses ni Divine na tinatawag si Zion kaya nagkatinginan sila at agad na tumayo para puntahan ang bagong dating na bisita. Their eyes sparkled when they saw the person they had been missing for months.

 

"Tita Z!" sabay nilang sigaw nang makumpirma na si Zion nga ang kayakap ng ina nila. They quickly ran in their direction with enthusiasm.

 

Kumalas sa yakap si Zion nang marinig ang boses ng mga pamangkin niya. Mas lumawak ang ngiti nito at sinalubong ang yakap ng kambal.

 

"Zaurus, Aurora! Nandito na ang pinakamaganda niyong Tita! OMG! Na-miss ko kayo!" sigaw nito nang may matinis na boses.

 

Mangiyak-ngiyak na ito nang niyakap siya ng kambal. Sa pag-uwi nito sa Pilipinas, ang best friend niyang si Divine at ang kambal ang pinakanasasabik siyang mayakap. Malaki man ang mansyon na inuuwian niya at kahit naroroon ang mga magulang niya, ang apartment na ito pa rin ang itinuturing niya bilang tunay na tahanan. That mansion is where his parents could only express their high expectations of him. Walang bukambibig ang mga ito kundi ang mga bagay na nagdadahilan kung bakit nababawasan ang tiwala ni Zion sa sarili.

 

Pero sa lugar na ito, kaya ni Zion maging totoo. Kaya nitong ipakita ang tunay na pagkatao nang walang nararamdaman na takot ng panghuhusga. This is his safe haven—his real family.

 

Binuhat niya ang kambal gamit ang malakas na bisig papasok sa apartment. Si Divine naman ang nagbitbit ng mga gamit nito at nagsarado ng pinto.

 

Tulad ng inaasahan ni Divine, napakarami nanaman ng mga dala nitong pasalubong para sa kaniya at sa kambal. Kasama pa ang mga souvenirs na nakuha nito mula sa iba't ibang bansa na napuntahan. At siyempre, hindi mawawala ang mga mamahaling tsokolate, mga damit at sapatos na labis nagpatuwa kina Zaurus at Aurora. 

 

They continued their dinner and the mood turned happier than earlier because of Zion's presence. Kumain na ito sa mansyon kasama ang pamilya pero marami pa rin itong nakain sa apartment dahil mas nakakagana raw kapag sila ang kasama. Zion liked Divine's cooking more than the lavish yet boring food in his parents' home.

 

Napuno ng sigla at pagkuwekuwentuhan ang apartment kasama si Zion. He told them all about his experience in the different countries he landed in. Tuwang-tuwa naman ang dalawang bata habang pinakikinggan ang mga naging karanasan ng Tita Z nila hanggang sa nakaramdam na ang mga ito ng antok.

 

Zion and Divine put the twins to bed. Ayaw pa sana nitong matulog dahil mas gusto nilang makausap si Zion pero hindi pumayag ang ina nila. They are too young to stay late at night. Pinangako naman ni Zion na magbobonding sila bukas kaya nakatulog na rin ang mga ito.

 

After the twins fell asleep, Divine prepared two wine glasses for herself and Zion. May dala kasi itong wine galing Europe at gusto niya rin matikman 'yon. 

 

Pumunta sila sa balcony ng apartment at doon uminom. Madilim na ang gabi ngunit maliwanag pa rin ang paligid dahil sa city lights at sa ilaw na ibinabahagi ng buwan at mga tala. It's such a perfect view.

 

Divine took a sip of her wine glass as she looked at her best friend. Nakatulala ito sa kalangitan habang tahimik na hawak ang glass na hindi pa nababawasan. She realized that something bad had happened, so she decided to speak to lighten the mood.

 

"We were just talking about you last night. Miss na miss ka na ng kambal at ikaw ang bukambibig nila. Minsan, hindi ko napipigilan mapaisip kung ako ba talaga ang ina o ako." biro niya dahilan para mawala ang pagkaseryoso ng mukha nito.

 

Umirap ito at humalakhak. "Mas maganda raw kasi ako, kaya siyempre, ako ang mamimiss nila."

 

Ngumiti si Divine nang makita ang Zion na palagi niyang hinahangaan. 'Yung Zion na kaya pa rin ngumiti sa kabila ng dami ng problemang iniinda. She is well aware of how strong he is, and that's what makes her proud as his best friend.

 

"Ano ang problema? Is it about your parents again?" tanong niya dito habang nakatingin sa maliwanag na buwan. Napansin niya na natigilan ito, dahilan para makumpirma na 'yon nga ang dahilan ng malungkot na mga mata nito.

 

"You know me too well, bestie." Zion chuckled while looking at her. "We had a family dinner at hindi nanaman maganda ang kinalabasan no'n. My father was asking me and my brother about our relationship status. Hinihingian na rin kami ng apo ni tanda kaya badtrip na badtrip ako. Kung alam mo lang ang pagpapanggap na ginagawa ko kanina, mababaliw ka talaga."

 

Divine is aware of Zion's attitude. Kilalang kilala niya ang kaibigan katulad ng kung gaano siya kakilala nito. Zion is playful, a jerk who doesn't seem to take things seriously. Pero ang totoo, magaling lang talaga itong magtago ng tunay na nararamdaman. He might look like a troublesome guy on the outside, but he's actually a soft-hearted and sensitive person deep down. Si Divine lang ang nakakaalam ng katotohanan na 'yon kaya sa kaniya lang din ito nakapaglalabas ng tunay na sama ng loob.

 

"Their expectations of me are too high, I can't keep up. Ginawa ko naman ang lahat para maging isang mabuting anak para sa kanila, pero kulang pa rin, Divine. Masaya sila kapag nakikita ang mga tagumpay ko at kapag naipagmamalaki nila ako sa mga tao, pero kapag bumabagsak o nagkakamali ako, kinasusuklaman nila ako na para bang wala akong nagawang tama sa mundo."

 

She couldn't understand his parents at all. Napakahusay ni Zion at sobrang laki na rin ng napatunayan nito. Why can't they be happy and proud of him? He's such a precious person who deserves the happiness of the world.

 

"Sinabi pa ni Dad na wala raw siyang anak na bakla. He was saying that the reason why I never had a girlfriend is probably because I'm gay. Alam ko na sinabi niya lang 'yon para laitin at inisin ako, pero hindi ako nakapalag kasi wala siyang kaalam-alam na totoo ang sinabi niya." He started to cry between his words. Kumapit si Divine sa braso nito para iparamdam sa kaibigan na hindi siya mawawala sa tabi nito. "Mukhang habambuhay ko na lang talaga itatago ang totoong ako... na bakla ako. Kasi hindi nila ako matatanggap kahit kailan. Magiging kahihiyan ako at pandidirian nila ako... kahit pa si Mom."

 

Gustong lumuha ni Divine pero ayaw niyang mas malungkot ito kaya yakap na lang ang inalay niya sa kaibigan.

 

"Everything is going to be okay. You are such a sweet person, at marami ang nagmamahal sa iyo. Mahal na mahal ka namin ng kambal at mananatili kaming nakakapit sa'yo kahit ipagtabuyan ka pa ng buong mundo." she assured with utmost love and sincerity. 

 

Isang malawak na ngiti ang gumuhit sa labi nito at niyakap siya pabalik. "Thank you, bestie! Hulog ka talaga ng langit sa akin! Kayo ng mga pamangkin ko!"

 

Hearing what he said made her heart warm. Sobra siyang natutuwa kapag may nagagawa siyang bagay na nakakatulong sa kaibigan niya. Zion is her only best friend—the person he trusts the most. Ang nag-iisang taong nanatili sa tabi niya noong panahon na sobra siyang nahihirapan. He is like a brother to her— or should she say, a sister. 

 

"Oo nga pala, si Kuya..."

 

Kumalas siya sa yakap nito nang marinig ang sinabi niya. Isa lang naman ang 'kuya' na puwedeng tukuyin nito, si Ziancio. Bigla tuloy siyang kinabahan dahil dito.

 

Huminga nang malalim si Divine. "What about him?"

 

"Nag-usap kami kanina. Like normal brothers and sisters. Ang astig, 'no? Bihira lang mangyari 'yon."

 

Ibinalik ni Zion ang tingin sa kalangitan at ngumiti nang mapait.

 

"Naiintindihan ko naman kung bakit hindi siya malapit sa akin. I am the fruit of his father's affair with my mother. Ang dahilan kung bakit nagpakamatay ang biological mother niya. The woman who gave birth to me was the reason why his own family got broken. Pero kahit ganoon, kahit hindi niya ako pinapansin minsan, hindi niya ipinaramdam sa akin na sinisisi niya ako."

 

Hindi niya mapigilang mapangiti. That is Ziancio... the person she loved to the moon and back. Hindi 'yon magagalit sa kapatid dahil wala naman itong kasalanan. Ziancio might be a cold and rude guy sometimes, but he is still the kind man she fell in love with.

 

"He was my idol. However, that cool image of him in my head changed when he impregnated you and he can't even remember about it. He's not even aware that he has children! Virgin pa raw siya, sabi niya! Nakakaloka! Virgin, my ass! Hindi siya aware na nakabuo na siya ng kambal nang isang putukan lang..."

 

She felt her cheeks burn upon hearing what he said. Ziancio believes that he's a virgin? Ibig sabihin, she is his first and last? Pareho nilang first at last ang gabing iyon?!

 

"Galit ako sa kaniya, kasi kinalimutan niya ang gabing iyon. It was your first time with the man you love, pero wala naman siyang maalala. And he even said that he's interested in someone right now... talantado talaga.”

 

Kumirot ang dibdib ni Divine. So he’s liking someone right now…

 

“Kung hindi ko lang siya kapatid, kanina ko pa sinampal ang chaka niyang mukha." dagdag nito.

 

Ramdam na ramdam ni Divine ang panggigigil ni Zion sa kapatid kaya malakas siyang natawa at hinimas ang braso nito bilang pagpapakalma. Noong sinabi niya ang nangyari tungkol sa kanila ni Ziancio, halos sugurin na nito ang nakatatandang kapatid para utusan ito na panagutan siya. However, Divine stopped him and pleaded to keep it a secret forever. Ayaw niya kasing mapilitan si Ziancio na panagutan siya dahil lang sa pagkakamali na 'yon. Mabuti na lang natanggap ni Zion ang desisyon niya.

 

"Hayaan mo na 'yon. It was also my fault anyway. I let that happen, and I am the one who chose to hide the truth. Ang mahalaga, masaya na ako kasama ang kambal at kaya ko silang buhayin nang maayos."

 

Hindi niya mapigilang maalala ang gabing iyon. Oo, labis niyang pinagsisisihan ang nangyari pero malaki ang pasasalamat niya sa bunga na ibinigay ng pagkakamaling iyon. Dahil sa kambal, nagkaroon siya ng silbi sa buhay. Kaya kung maibabalik niya ang oras, hindi niya pipigilan ang gusto mangyari ng kaniyang puso sa oras na 'yon.

 

"What if ako na lang ang pakasalan mo?"

 

Muntik nang mapamura si Divine dahil sa sinabi ni Zion. Masyadong seryoso ang pagbigkas nito sa salitang binitawan, at muntik niya nang isipin na purong lalaki ito na nag-pro-propose sa kaniya.

 

"Kilabutan ka nga, Zion!" Hinampas ito ni Divine habang ngumingiwi. Siguradong puro bardagulan lang ang everyday routine nila kung magpapakasal sila.

 

Zion rolled his eyes at her. "Arte! Ako na 'to, oh! Para literal na best friends forever tayo, 'til death do us apart. Tapos hindi na rin ako pipilitin ng Mom and Dad ko na magpakasal sa sinong nakakadiring babae. Ikaw lang kaya ang woman na kaya kong tiisin! Aakuin ko na rin ang kambal. I can give you a wonderful life tapos ibibigay ko rin ang apelyido na nararapat naman talaga sa kanila. At isa pa, magkamukha naman kami ng mga pamangkin ko kaya wala maghihinala—"

 

"Loko ka!" Humalakhak si Divine dahil sa ideyang pumasok sa isipan nito. "Gagamitin mo pa talaga kami ng mga anak ko para itago ang sikreto mo. Ayokong pakasalan ka, 'di ba allergic ka sa babae?"

 

Divine couldn't help but imagine the scene where Zion would marry her. Baka mag-away lang sila kung sino ang magsusuot ng wedding gown. Himbis na kasal, fashion show ang magaganap at competition kung sino ang mas maganda sa kanilang dalawa. Hindi kasi talaga nagpapatalo ang best friend niya.

 

"Duh! Assuming naman nito ni vakla! Apelyido lang naman ang in-o-offer ko, hindi ang body, soul, at heart ko!" pagbawi nito kaya mas lalong lumakas ang tawa nilang dalawa. 

 

"Pero Zion, please remember that me and the twins will always be by your side no matter what happens. Kung itatakwil ka ng parents mo, nandito kami para kupkupin ka..."

 

"Ahh! So sweet naman talaga ng bestie babe ko. Pa-kiss nga—"

 

"Basta ikaw ang taga bayad ng bills." pagpuputol niya sa sinasabi nito kaya naningkit ang mga mata ni Zion.

 

Ngumiwi ito dahil sa sinabi niya. "Oo na! Sanay naman akong maging sugar mommy, e!"

 

...

 

Doon na nagpalipas ng gabi si Zion dahil pagod na pagod rin ito sa mula sa trabaho. Ayaw din nitong bumalik sa sariling bahay dahil hindi raw nito gusto makasama ang mga magulang. Wala si Marie ngayon kaya sa kabilang kuwarto na lang ito natulog.

 

Maagang naghanda si Divine para sa trabaho. Naka-plantsa na ang mga uniporme ng kambal, nakahanda na ang almusal at mga gamit nito. Bago umalis, ginising niya muna si Zion para bilinan ito at magpaalam.

 

"Zion, papasok na ako. Ikaw na bahala sa kambal, ha?"

 

Kumurap-kurap ito nang magising sa boses niya. 

 

"Pakisapak si Kuya Ziancio pagkakita mo sa kaniya, please. Binangungot ako ng gago sa panaginip ko." wika nito na hindi niya naman sineryoso. Masyado yatang malala ang nangyari kagabi kaya pati sa panaginip ay bumisita ang kapatid nito.

 

Umiling-iling na lang siya at muli itong pinaalalahanan sa pagbabantay ng kambal. Tatawagin niya dapat si Marie para pumunta sa apartment pero dahil nandito naman si Zion, pinagpahinga niya na lang ito. Zion is also the one who insisted on leaving the kids with him. Babawi raw ito sa mga pamangkin nito.

 

Bumyahe na siya papunta sa kompanya at kararating niya pa lang pero natambakan agad siya ng gawain. Mas nagiging busy ang opisina dahil sa panibagong project na inihahanda nilang gawin. At bilang assistant ng CEO, malaki ang tungkulin niya sa pag-aasikaso nito.

 

Divine entered Ziancio's office with a pile of paperwork in her hands. Nakita niya ang pagkunot ni Ziancio sa mga papel na inilatag niya sa desk nito.

 

"Paperworks," she uttered and sighed. 

 

Ziancio rolled his eyes at the papers. Pati ang mga papel ay sinusungitan nito.

 

Divine felt him staring at her but whenever she looked back, he would avoid her gaze. Nararamdaman niya rin na parang may gusto itong sabihin ngunit hindi nito magawang magsalita. Palala yata ng palala ang saltik sa ulo ng boss niya. What's wrong with him this time?

 

"Divine, come here."

 

Nagulat siya nang bigla siyang tawagin nito. He's finally talking to her like a normal boss.

 

Agad siyang lumapit dito. "Yes, Sir?"

 

Ziancio took out a box from his drawer, then showed it to her. Napansin nito ang pagtataka na bumakat sa mukha ni Divine kaya binuksan nito ang kahon at muling ipinakita sa kaniya. It's a silver necklace with a blue butterfly pendant. Nakita rin niya na mula ito sa isang luxurious at international brand dahil sa kahon nito.

 

"Necklace." Ziancio mumbled, looking away. 

 

"I can see that it's a necklace, Sir. It's wonderful." wika niya, hindi sigurado kung ano ang gusto nitong marinig mula sa kaniya.

 

His eyes narrowed as if he didn't like what she said. Tumayo ito nang walang imik. Nagulat na lang siya nang kinuha nito ang kaniyang kamay at inilagay ang kahon sa palad niya. Why is he giving it to her?

 

Her brows furrowed, completely confused. "Are you asking me to throw this away—"

 

"Why would you throw that away? Hindi mo ba nagustuhan?" nanunuyo ang boses ng boss niya kaya natigilan siya. She blinked as she was trying to comprehend his intentions. Teka, why is he asking her if she likes it or not?

 

"Huh?" Kumunot ang noo niya at muling tiningnan ang kuwintas na nasa palad niya. "It's beautiful. I like it?"

 

Napaisip si Divine. Maybe he is asking her opinion to know if the woman he will give it to will like it or not? Wala naman kasing kaalam-alam sa taste ng babae ang boss niya kaya normal lang na hihingin nito ang opinyon niya.

 

"I got it somewhere... pero pambabae. Alangan naman suotin ko 'yan, kaya sa'yo na lang."

 

Halos magdikit na ang kilay niya dahil sa labis na pagtataka. Ziancio kept looking away from her... and his face is turning red. Teka, he's giving it to her? Pero bakit naman may nagbigay dito ng kuwintas na pambabae? At bakit niya 'yon tinanggap?

 

Nagkibit balikat siya.  Maganda naman ang kuwintas. Siguro, regalo na rin ito sa kaniya bilang assistant nito ng sampung taon. Tatanggapin niya na lang ito dahil deserve niya naman siguro 'yon kasi siya lang ang assistant na nakatiis sa ugali ng boss niya. Puwede niya rin 'yon isanla kapag nagipit siya.

 

"Thank you, Sir. Wala nang bawian, ah!" Lumawak ang ngiti niya habang tinitingnan ang kuwintas. Iniisip niya kung magkano ang pera makukuha kung isasanla niya 'yon.

 

Naramdaman niya ang paglapit ng lalaki kaya napatingin siya dito. "Give it to me,"

 

Parang bulang naglaho ang ngiti niya kasabay ng pagkalaglag ng panga niya. He gave it to her, and now he's taking it back? Niloloko ba siya ng boss niya?!

 

Gusto niya sanang murahin si Ziancio pero pinaalaa niya sa sarili na boss niya ito. She pouted with disappointment and frustration before giving it to him. Ang lalaking 'to, para talagang gago. He really knows how to play with her!

 

Halos sumpain niya na ang lalaki sa kaniyang isipan pero natigilan siya nang maramdaman niya ito sa likuram niya. A familiar spark ran through her veins when she felt his hands sway her long hair. Para siyang statwa na naninigas sa kinatatayuan habang nanlalaki ang mga mata.

 

It took her seconds to realize what he was trying to do. He himself put the silver necklace around her neck. Hindi siya gumalaw hanggang sa tuluyan na nitong naisuot ang kuwintas sa kaniya. Why did he have to put it around her neck? Ganito ba si Ziancio sa lahat ng babae?

 

Bumalik ito sa harapan niya para tingnan kung bagay ba sa kaniya ang kuwintas. "It looks beautiful on you." He stared at her eyes. "You're so pretty."

 

Muntik nang manghina ang tuhod niya dahil sa sinabi nito. Kinagat niya ang ibabang labi nang maramdaman ang pag-iinit ng mukha. 

 

"A-Akala ko babawiin mo. Sinusumpa na kita sa isipan ko kasi akala ko pinagtritripan mo ako." Uwiwas siya ng tingin habang pinapakalma ang sarili.

 

This is the first time he has acted this way toward her! Imagination niya lang ba na nagiging romantic ang boss niya sa kaniya?

 

"Of course I wouldn't do that. You seem to like my gift very much." Tumawa pa ito. 

 

"S-Sir," She couldn't look into his eyes. Gusto niya magsalita. Magtanong kung bakit nito ginawa 'yon pero hindi siya makapagsalita. Damn it! What a hot smile and laugh he has! 

 

He smiled at her, which made her heart melt completely. "Let's have a lunch together. Gutom ako. I can't work properly whenever I'm hungry."

 

Huh? Si Ziancio, hindi nakakapagtrabaho kapag gutom? Eh palagi nga itong nagpapalipas ng gutom, e! Minsan pa nga, cup noodles lang at kape ang nagiging laman ng tiyan nito kapag nagtatrabaho.

 

Wala siyang nagawa nang nauna na itong maglakad paalis ng opisina. Napakurap siya nang maraming beses bago sumunod sa lalaki. Weirdo.

 

Tahimik lamang siya hanggang sa makasakay sila sa kotse. Hindi niya na itinanong kung saan sila pupunta. Knowing him for 10 years, nakakasiguro naman siya na hindi siya kikidnapin nito.

 

Nakaupo siya sa front seat at tahimik na nakatuon sa bintana habang nagmamaneho ang boss niya. Ilang saglit lang ay naramdaman niya ang paghinto ng sasakyan, hudyat na nakarating na sila sa— kung saan man siya dinala ni Ziancio.

 

Nag-park ito ng sasakyan at naunang lumabas ng kotse. She was about to leave the car and follow him but the door opened itself. Inangat niya ang tingin sa taong nagbukas ng pinto at nakita si Ziancio na inilalahad ang kamay para sa kaniya.

 

"Wow, gentleman?" She sarcastically asked.

 

He smirked. "Matagal na,"

 

Tumawa siya at umiling-iling. She thought that Ziancio was just probably playing around, so she did not give it any other meaning and accepted his hand. Namamanhid na rin kasi ang paa niya at masakit ito dulot ng mataas niyang takong kaya nagpaalalay na siya sa pagbaba ng sasakyan. Mas nakakahiya naman kasi kung matutumba siya sa pagbaba.

 

Pagkababa sa sasakyan ay agad niyang binawi ang kamay at pasimpleng umiwas ng tingin sa lalaki. Himbis na magpakahibang, inilibot niya na lang ang mga mata para malaman kung nasaan sila.

 

Her eyes brightened when she saw the entire place. It's wonderful. Punong-puno ng mga rosas ang labas kaya sobrang romantic tingnan ng lugar. Bumungad sa kanilang pagpasok ang malaking chandelier sa kisame at classical music na tumutugtog sa buong lugar.

 

Divine followed her boss to a table for two. Tiningnan niya ang paligid at nakita ang mga mag-nobyo at mag-asawa na masayang kumakain. Divine blushed upon realizing that most of the people here are couples. Bakit ba kasi dito siya dinala ng boss niya? Baka mapagkamalan pa silang magkarelasyon.

 

"Welcome, Sir and Ma'am!" May isang waitress ang lumapit sa kanila kaya napunta ang atensyon niya dito. "Today is our restaurant's 3rd anniversary and we are giving away free keychains for couples who are visiting our place."

 

Gusto niyang matawa dahil sa sinabi nito. Kung saan saan kasi siya dinadala ni Ziancio, 'yan tuloy, napagkamalan pa silang mag-nobyo. "No, he's my boss—"

 

"We'll take that." pagpuputol ni Ziancio sinasabi niya kaya pinanlakihan niya ito ng mata. Why is he not denying that they are a couple?!

 

Kinuha nito ang dalawang keychain na anghel ang disenyo. He gave the other one to her so she looked at it. May hawak na magkabiak na puso ang dalawang anghel, at kapag ipinagdikit ito, mabubuo iyon. It's obviously a couple keychains.

 

"Have a nice date, Ma'am and Sir." 

 

Gusto niya pa sana sabihin sa waitress na walang sila ni Ziancio pero umalis na ito. She couldn't help but feel embarrassed. Nagtataka rin siya kung bakit hindi 'yon itinanggi ni Ziancio. Siya lang ba ang nahihiya?

 

"Sir, bakit mo kinuha? They are for couples." bulong ni Divine nang makaalis ang waitress. Ilang segundong natahimik ang lalaki, tila naghahanap ng maaring idahilan.

 

"Because it's free." 

 

Kailan pa naging interesado ang boss niya sa mga libre? He could've bought millions of those keychains if he wanted them.

 

Nagkibit-balikat na lang siya at hinayaan ang boss niya na mag-order. Muntik na lumuwa ang mga mata niya sa sobrang mahal ng presyo ng mga pagkain pero mabuti na lang libre lahat ni Ziancio. Sobrang tuwa niya dahil nalibre siya ng masasarap at sosyal na pagkain.

 

Ilang saglit lang ay dumating na ang order nila. Hindi naman gano'n kagutom kanina si Divine pero halos maglaway na siya nang makita ang pagkain sa lamesa. Damn these rich people! Ang sarap ng mga pagkain nila!

 

She didn't want him to notice her excitement, so she started eating quietly. Mas masarap ito sa inaasahan niya kaya busog na busog siya. Si Ziancio naman ay tahimik din habang kumakain. Nararamdaman niya ang tingin nito sa kaniya pero masyado siyang busy sa pag-try ng iba't ibang putahe na bago sa panlasa niya. Minsan lang siya makapunta sa ganitong lugar kaya susulitin niya na.

 

Pagkatapos niya kumain, doon niya pa lang napansin na kanina pa siya tinititigan ng kaniyang boss kaya nakaramdam siya ng hiya. Ubos na rin ang pagkain nito, kaya uminom na siya ng tubig at tumayo.

 

"Thank you for treating me, Sir. You're the best boss!" wika niya bago tumalikod. Namumula siya, sh*t! Ayaw niyang mapansin nito ang totoo niyang nararamdaman sa oras na ito kaya nanguna siya sa paglalakad.

 

Naramdaman niya na tumayo na rin si Ziancio at sinundan siya sa paglalakad paalis ng restaurant.

 

"Let's go back to the office. Madami ka pang papeles na aasikasuhin at i-a-arrange ko pa mga schedule mo.” Sinubukan niyang ibahin ang usapan para hindi na siya maapektuhan sa ipinaparamdam ng lalaki. “Teka, baka kaya ka nagiging mabait sa akin dahil gusto mong takasan ang trabaho—"

 

"You will have to always eat lunch with me from now on."

 

Huminto ang paa niya sa paghakbang dahil sa sinabi nito. Napalunok siya sa habang iniisip kung tama ba ang narinig niya. 

 

"H-Huh? Bakit? P-Paano kung ayoko?"  Hindi niya mapigilang mautal habang iniisip kung ano ba talaga ang gustong mangyari ni Ziancio.

 

"Hindi ka puwede umayaw sa boss na nagpapasahod sa'yo." He chuckled, dahilan para mapalingon siya sa lalaki. It was a wrong move because meeting his deep eyes weakened her knees.

 

Napalunok siya habang nararamdaman ang dumadagundong niyang puso. He is very strange today.

 

Inakala niya na wala na ang feelings niya kay Ziancio. She thought that she had already moved on, pero bakit nangyayari ito?

 

"Why are you doing this?"

 

Kung nagagawa niya pang magbiro at tumawa kanina, ngayon hindi na. She could feel it again. The same feelings she had for Ziancio years ago. The feelings she tried really hard to forget. Natatakot siya na muling mag-alab ang nararamdaman niya na 'yon. Baka muli siyang mapaso at makagawa ng pagsisisihan niya.

 

"Because I'm bored. Ayokong mag-isa kumain."

 

He smiled without breaking their eye contact. Halos mawalan na siya ng hininga dahil sa ganda ng ngiti nito.

 

Why is her heart beating so fast right now? Halos sumabog na ang kaniyang isipan dahil parang muli niyang naramdaman ang pana ni kupido na akala niya ay kaya niya nang iwasan!

 

Yeah, right. He is doing this because he is bored. Habang siya, nababaliw na!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status