LOGINSa araw ng kanilang wedding anniversary ay natuklasan ni Clara Villareal, Del Rosario ang katotohanan sa likod ng kakaibang kinikilos ng asawa sa gabi. Nalaman niyang hindi pala siya mahal ng asawa na si Ethan, kundi ang hipag niyang si Mina at nilihim iyong lahat ng pamilya nito mula sa kanya. Masakit pero nilaban niya ang pagmamahal para sa asawa. Ngunit isang araw pa lang ang lumilipas matapos na pumanaw ang asawa nito mula sa isang aksidente ay dinala na ni Ethan si Mina at ang anak nito sa bahay upang doon tumira. Hindi siya pumayag, nilaban niya ang karapatan bilang asawa pero hindi iyon naging sapat. Unti-unti niyang naramdaman ang pagbabago at hindi iyon ang pinangarap niyang buhay. Sa huli, kahit mahirap at masakit ay pinili niya ang sarili. Ayaw na niyang masaktan nang paulit-ulit sa ginagawa ni Ethan. Nakipaghiwalay siya upang makapagsimulang muli. Ngunit tila may ibang plano ang kapalaran sa kanya.
View MoreALAS-NUEBE na ng mga sandaling iyon. Nasa kama na si Clara ng sandaling iyon, may hawak na libro kunwari ay nagbabasa kahit ang totoo ay hinihintay lang niyang tumabi ang asawa.
Kanina pa ito sa harap ng laptop, nagtatrabaho. Nang saglit itong tumigil para hilutin ang noo matapos alisin ang eyeglasses ay nagsalita siya, "Ethan, kanina ka pa riyan. Ipagpabukas mo na lang 'yan."
Nag-angat ito ng tingin pero binalewala lang ang sinabi niya at muling sinuot ang eyeglasses. "Tapusin ko lang 'to, mauna ka ng matulog."
Ngumiti si Clara, mariing pinaglapat ang labi. "Okay…" Nilapag niya ang libro sa side table saka nahiga sa kama. Inayos niya ang kumot habang nakatingin sa asawa.
Nang mapagtantong matatagalan pa talaga ito ay pumikit na siya. Ngunit makaraan ang ilang sandali ay hindi siya madalaw ng antok. Akmang babangon ng maramdaman niyang lumubog ang kabilang bahagi ng kama kaya sinamantala niya ang pagkakataon.
Pumaling siya ng higa sa pwesto ni Ethan at niyakap ito, dama ang init na nagmumula sa katawan nito kaya lihim siyang napangiti.
"Are you awake?" ani Ethan, sa malalim at namamaos na boses.
Nagmulat ng mata si Clara at mas pang nagsumiksik sa katawan nito. Gustong-gusto niya ang amoy ni Ethan pero madalas na ayaw nitong inaamoy niya.
"Gusto ko ng matulog," anas ni Ethan, pilit inaalis ang kamay nitong nakapulupot sa kanya.
Ngumiti lang si Clara, lalong kumapit. "Hmm… mas makakatulog ako ng ganito."
Napabuntong-hininga na lamang si Ethan sabay pikit, hinayaan na sa nais nito. Pero ilang sandali pa ay naramdaman niya ang unti-unting pagbaba ng kamay ni Clara hanggang sa tuluyan nang ipinasok sa loob ng kanyang damit. Mabilis siyang nagmulat sabay pigil sa kamay nito. "What are you doing?!"
Hindi sumagot si Clara, sa halip ay bumangon bigla at kumaibabaw sa asawa. Pagkatapos ay hinalikan ito sa labi na ikinabigla ni Ethan. Hinawakan siya sa magkabilang balikat upang pigilan ngunit lumaban siya.
Hinawakan ang mukha nito upang palalimin pa ang halik ngunit naitulak na siya nito.
"Not now, pagod ako," ani Ethan.
"Pero—" bago pa niya matapos ang sasabihin ay bigla itong bumangon at umalis sa kama, naiwan siyang naguguluhan.
Masakit para sa kanya na kahit mag-iisang taon na silang mag-asawa ay isang beses pa lang may nangyari sa kanila—iyon ay sa mismong araw pa ng kanilang kasal.
Gusto niyang isipin na busy lang si Ethan sa trabaho, pero may pagkakataong napapatanong siya sa sarili kung siya ba ang may mali?
Hindi ba siya maganda at kaakit-akit sa paningin nito na kahit halik man lang ay umiiwas ito?
"M-May problema ba tayo, Ethan?" mapait niyang tanong bago pa ito lumabas ng silid at matulog muli sa guest room kapag nais nitong umiwas.
Bumuntong-hininga si Ethan, hindi na humarap para hindi nito makita ang katotohanan. "Siyempre, wala. Pagod lang talaga ako." Sabay pihit sa doorknob, pero hindi pa man nabubuksan ang pinto ay may pahabol pang tanong ni Clara.
"Hindi mo na ba 'ko mahal? May iba na ba?"
Umismid si Ethan saka ito hinarap. "Ano bang sinasabi mo? Hindi ako nambababae. Alam mong wala akong panahon para riyan at busy ako sa kompanya… Sige na, matulog ka na."
"Then, dito ka na matulog. 'Di mo kailangan pumunta na naman sa guest room." Marahang tinapik-tapik ni Clara ang kama. "Sleep here." Matapos ay hindi na niya ito hinintay na bumalik ito sa kama at nahiga na patalikod. Mariing kagat ang ibabang labi upang pigilan ang pag-iyak.
Tahimik siyang lumuha hanggang sa makatulogan ang sama ng loob na nararamdaman.
Mga bandang alas-dos ng madaling araw ay nagising siya na nanunuyo ang lalamunan. Bumangon siya sa kama upang kumuha ng tubig na maiinom pero napansin niyang siya na lamang ang nasa kama.
Hindi na siya nag-abala pang hanapin ang asawa at masama pa rin ang loob. Palabas na siya ng makarinig ng ingay mula sa banyo, lagaslas ng tubig kaya lumapit siya akmang kakatok. "Ethan—"
Saktong bumukas ang pinto at bumungad ang asawa. Pareho silang nagkagulatan ngunit nakakapagtakang hindi naman ito bagong ligo pero pawisan, hinihingal at namumula ang leeg saka tenga.
"B-Ba't gising ka pa?"
"Ikaw. Anong ginagawa mo sa banyo ng ganitong oras?" tanong ni Clara.
Umiwas ng tingin si Ethan saka ito nilagpasan. "Nagbawas lang."
Hindi na nang-usisa pa si Clara. Lalabas na sana siya ng pamansin sa sink ang cellphone ng asawa, naiwan ito kaya pumasok siya, balak sanang ibalik.
Pero hindi pa man niya nahahawakan ay naunahan na siya ni Ethan. Pag-angat ng tingin ay may kaba sa mukha nito.
"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yong ayoko ng pinapakialaman—"
"Sino 'yung nasa cellphone mo, Ethan?" putol ni Clara. "Nakita ko sa screen—"
Sa pagkakataong iyon ay si Ethan naman ang nag-cut off. "Anong babae? Sigurado ka sa nakita mo?"
Hindi nakasagot si Clara dahil pahapyaw lang niyang nakita ang screen ng cellphone. Pero tiyak niyang babae iyon at hindi siya dahil maikli at may kulay ang buhok.
"Baka namamalikmata ka lang," ani Ethan, sabay hawak sa balikat nito. "Ang mas mabuti pa'y matulog ka pa para hindi kung ano-ano ang nakikita mo." Sabay akay pabalik sa kama.
Nagpatianod naman si Clara, bumalik sa kama at muling natulog. Ngunit simula ng araw na iyon ay hindi na mawaglit sa kanya ang nakita.
Bumabagabag ang imaheng nakita niya, hindi man malinaw pero tiyak niyang ibang babae iyon. Hindi siya matatahimik hangga't hindi nalalaman ang totoo.
Dalawang linggo niyang palihim na sinusundan si Ethan kapag papunta na ito sa trabaho. Ganoon din sa hapon kapag pauwi na ito pero lagi lang dumidiretso ng uwi si Ethan, walang kakaiba sa routine nito.
Kaya minsan, kinukuwestiyon na niya ang sarili kung tama pa ba ang ginagawa niya? Masiyado na siyang naghihinala sa asawa.
Kilala niya si Ethan, alam niyang hindi nito magagawang magloko kaya bakit ganoon na lamang siya kung mag-isip?
"Ayos ka lang? Mukhang malalim ang iniisip mo, ah?"
Napalingon si Clara ng marinig ang boses na iyon. Awtomatiko siyang ngumiti ng tumabi sa kanya si Mina, asawa ng kapatid ni Ethan.
Nasa isang family gathering sila ng mga sandaling iyon at matapos ang dinner ay lumabas siya saglit upang magpahangin.
Habang malalim ang iniisip ay hindi niya napansin ang paglapit nito. "W-Wala, Ate."
"Anong wala? Tinatawag kita kanina pa, pero 'di ka sumasagot. Ano ba 'yun? Don't tell me, may problema kayo ni Ethan?"
Umiling-iling si Clara. "Hindi 'yun gano'n, Ate. Wala kaming problema… Ako lang," sabay bulong sa huling dalawang salita.
Nagtaas ng kilay si Mina, biglang na-curious. "Ano ba 'yun? Willing naman akong makinig kung gusto mo lang i-share."
Walang balak si Clara na ikwento ang kapraningan niya pero ng sandaling iyon, hindi niya napigilan ang sarili. May tiwala naman siya kay Mina na hindi ito magkukuwento sa iba.
"Ate… matagal mo ng kilala si Ethan, 'di ba?"
"Oo, almost a decade na rin. Ba't mo na tanong?"
"Ano… sa tingin ko, may ibang babae si Ethan," pag-amin niya habang mahigpit na hawak ang kamay.
Bumakas ang pagkamangha sa mukha ni Mina hanggang sa tuluyan itong natawa. "Ano? Imposible!"
Hiyang-hiya naman si Clara. "Alam ko, pero 'di ko lang maiwasan kasi…" saka niya kinuwento ang naganap ng gabing iyon. "Gusto lang malaman kung sino ang babaeng 'yun na nasa cellphone niya?"
Huminga nang malalim si Mina saka nagsalita, "Baka 'yung nakita mo ang… first love niya?"
"Who is she, Ate? Kilala mo ba?"
BANDANG alas-sais dumating si Clara sa lugar at marami siyang nakakasabay. Ang iba ay halatang nasa alta-sociadad dahil na rin sa mamahaling damit at alahas. Pinagpapasalamat niya talagang tinulungan siya ni Janice sa damit at alahas para hindi siya magmukhang naiiba sa lahat.Sa entrata ay may nagtsi-check na staff kaya nilabag niya sa handbag ang invitation card. Pinadala sa kanya iyon ng biyenan noong isang araw kaya hindi na talaga siya nakahindi at last minute nang naghanda."Mrs. Clara Villareal," sambit ng staff at matapos makita ang pangalan ni Clara sa VIP list ay ngumiti. "Good evening po, Ma'am." Pagkatapos ay sinenyasan ang isang kasamahan na nasa gilid na lumapit at binulungan na samahan si Clara sa loob hanggang sa table nito.Ngumiti siya at pagkatapos ay sinundan na ito at dinala siya sa vacant table na malapit sa mini stage."Are you sure, dito ako?" tanong niya sa staff. Naiiba kasi ang table kumpara sa karamihan.Ang malapit sa stage ay mas elegante tingnan, halatan
PALABAS pa lang si Alaric sa gusali ay inaalis na niya ang butones ng suot na suit. Kanina pa kumikirot-kirot ang sintido dahil sa kawalan ng pahinga at ilang oras lang na tulog.Kasalukuyan siyang nasa Madrid para um-attend ng isang business event at pagkatapos ay lilipad naman siya patungo sa Portugal para sa isang exclusive meeting."Sir—"Tinaas niya agad ang kamay upang patahimikin ito at ayaw niya munang makarinig ng kung ano. Hectic ang schedule niya sa araw na iyon pero hindi pa nagtatanghali ay masakit na ang ulo niya.Tumango si Kevin, ang secretary na madalas kasama kapag may kailangan asikasuhin outside the company. Binuksan nito ang pinto sa backseat at agad na sumakay si Alaric, marahang hinihilot-hilot ang sintido.Bago sumakay sa passenger seat ay binigay ni Kevin ang ointment na madalas gamitin ng binata kapag makirot o masakit ang ulo.Ilang sandali pa ay nagmamaneho na ang driver pabalik sa hotel para makapagpalit si Alaric at may iba pa siyang pupuntahan na meeting
NANLAKI ang mga mata ni Janice nang makita ang binata sa silid ng kaibigan. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa dalawa, ang tingin ay nagtatanong."May importante lang kaming pinag-usapan ni Clara," paliwanag ni Alaric saka tiningnan si Clara. "Sige, sa susunod na lang natin pag-usapan 'yung tungkol sa... movie." Matapos ay umalis na, saglit na tiningnan si Clara.Muling nagpalipat-lipat ang tingin ni Janice, kita niya ang makahulugang tingin ng dalawa kaya humarang siya sa harap ng kaibigan at pinandilatan ito ng mata.Awkward na ngumiti si Clara at hinawakan ang braso nito para isara ang pinto. "A-Ano nga ulit 'yung kailangan mo?"Naniningkit at kumikibot-kibot pa ang mga mata ni Janice. "Ano 'yun? Care to explain?"Dahan-dahan ang pag-iwas ni Clara ng tingin, kunwari ay wala lang pero ang totoo ay kabado na siya. "Ah, 'yun ba? May pinag-uusapan lang kami. Tama! 'Yung movie," aniya, halos pabulong na ang huling dalawang salita dahil halatang hindi ito kumbinsido.Patango-tango pa ng
AWTOMATIKONG ngumiti si Ethan nang sagutin ang tawag. "Hello, good evening Mr. Noir. It's Ethan Villareal.""Yes, I remember. Ba't napatawag ka?" Kahit iritado dahil hindi niya naman binigay ang contact number at tanging ang assistant lang ang way of communication nila ay hindi niya pinahalata ang inis sa boses."Well, next week na kasi ang birthday celebration ng mother ko and upon checking, ay 'di pa confirm ang pag-attend mo."Lumingon si Alaric sa sasakyan, kita niyang natutulog pa rin sa passenger seat si Clara. Sa pagkakaalam niya ay invited rin ito ngunit hindi niya kumpirmado kung makaka-attend ba?Kung pupunta ito sa birthday celebration ay a-attend rin siya pero kung hindi ay walang rason para mag-aksaya ng oras sa okasyon na iyon."Hello, Mr. Noir, nandiyan pa kayo?" ani Ethan sa kabilang linya."Yes... I think, may business trip ako before that day kaya 'di ako makakapunta," tugon ni Alaric."Ah..." bakas ang panghihinayang sa boses ni Ethan. Gayon pa man ay mabilis din si
HINAWAKAN ni Ethan ang mukha ni Clara sabay punas sa basang pisngi. "'Wag ka nang umiyak, gagawa ako ng paraan para maibalik ito sa dati."Hindi pa rin matigil sa pag-iyak si Clara kahit ilang minuto na silang naroon. Maya't maya niyang sinusubukang pagdikitin sa dati ang nagkapira-pirasong litrato
MABIGAT ang hakbang ni Mina patungo sa dining area, busangot pa ang mukha upang mapansin ni Ethan at hindi naman siya nabigo."Anong nangyari?" anito.Umiling siya, kunwari ay walang balak magsalita hanggang sa maupo sa tabi ng anak. "A-Aalis na lang kami ni Nathan.""Ha?" react ni Ethan. "Ba't kay
DAHAN-DAHAN ang ginawang paglingon ni Clara, matapos niya iyong marinig. Sa isang iglap, tila ibang tao ang nakikita niya at hindi ang asawa. "D-Dito na sila titira? Nang hindi mo sinasabi sa'kin?" may pait ang pagkakasabi niya.Kaya biglang nahiya si Mina, agad nadamang magkakaproblema pa ang mag-
NANGHIHINANG bumalik sa sasakyan si Clara, wala sa sarili siyang naupo sa backseat habang ang driver ay nagtataka naman, makailang ulit siyang tinawag at tinatanong.Sa huli ay sumuko ito, napakamot sa ulo at naghintay sa kinauupuan.Nakayuko lang si Clara, tahimik na lumuluha. Mayamaya pa, nang ka












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews