تسجيل الدخولIsa lang naman ang gusto ni Camela sa buhay, ang mahalin ng mga taong gusto niyang makasama. Pangarap niyang magkaroon ng buo at masayang pamilya ngunit mailap ang puso ng lalaking nagustohan niya. Lalong pang gumuho ang mundo niya nang mamatay ang lola ni Rashed. Karma nga sigurong matatawag ang ginawa niya dahil nagtatanim siya ng galit sa sariling pamilya. Puro inggit ang nasa puso para sa buhay na mayroon ang kapatid na si Edlyn. Nagawa pa niyang agawin si Rashed na mahal nito dahil sa kagustohang maging masaya. Darating pa kaya ang salitang hate turns to love? Or manatili na lang sa puso ng dalaga ang love turns to hate at hayaang habambuhay na hindi buo ang pamilya?
عرض المزيد'Nasa hospital ang lola mo, hindi ka ba dadalaw?"
Sandaling itinigil ni Camela ang paglilinis sa mukha ng anak at nilingon ang kaibigang bakla. "Malala na ba?" Napailing si Jackson habang pinagmamasdan ang kaibigan. Kakauwi lang nito galing Japan. Dalawang taon din itong namalagi roon at iniwan sa kanila ng ina niya ang kambal nitong anak. Apat na taon na rin ang nakalipas mula nang umalis ito sa poder ng pamilya at sumama sa kaniya . Divorce na rin ito sa asawa nitong milyonaryo at nagpapahirap sa kalooban nito noon. Ngumiti si Camela sa kaibigan nang sumimangot ito at hindi nagustohan ang kaniyang sinabi. Hangga't maari ay ayaw niyang magkaroon ng balita o connection pa sa kaniyang nakaraan. Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana at sangay ng kompanya ng dating asawa ang napasukang trabaho ng kaibigan sa lugar ng mga ito. Magkasosyo sa negosyo ang pamilya nila kaya nakakasagap ng balita si Jackson. "Lola mo pa rin siya at balita ko ay hinahanap ka." Sandaling napatingin si Camela sa tatlong taon niyang anak na abala sa kinakaing orange. Ang cute ng mga anak niya at parehong lalaki. Ngunit sakitin ang isa kaya hirap siyang makaipon para sa kinabukasan ng mga ito. Doble kayod na nga ang ginagawa niya sa Japan. Noong una ay sa isang bar and resto lang siya nagtatrabaho. Nang makaisang taon na roon ay napasabak na rin siya sa isang construction. Walang piling kasarian sa trabaho roon basta kaya ng katawan mo. Doon ay natutunan niya ang lahat ng trabaho upang kumita ng malaki. Isang taon lamang ang mga anak niya noon at napilitan siyang iwan sa pangangalaga ng ina ng kaibigan. Lahat ng pasahan niya kasi ng resume noon ay rejected siya. Nalaman na lang niyang nasa block listed ang pangalan niya sa malalaking kompanya. Hindi sapat kung sa maliit lamang siya magtrabaho dahil may kambal siyang anak. Wala siyang choice kundi ang magtrabaho sa malayo. Ngumiti ng mapakla si Camela at isinandal ang ulo sa kinaupuan. "May mana kaya akong makukuha?" "Who knows, apo ka pa rin niya." Nagkibit balikat si Jackson. "Well, kahit five percent, sayang din para sa mga anak ko," sarkastikong tugon ni Camela sa kaibigan. Naaawang pinagmasdan ni Jackson ang kaibigan. Anak ito sa pagkadalaga ng ina nito at nagkaroon ng sariling pamilya ang ina. Illegitimate daughter ang kinalabasan nito at namatay ang sariling ama bago pa naipanganak ang kaibigan. Lumaki sa abroad si Camela dahil ayaw ng pamilya ng ina nito na makasama. Nagdadalaga na ito nang pinayagang makatuntong sa Pinas at doon sila nagkakilala. "Ang balita ko ay matagal na ring bumuti ang kalusugan ng ina ng iyong ex-husband." Muling napangiti ng mapakla si Camela dahil sa binanggit ng kaibigan. Malas ang tingin sa kaniya ng lahat. Naging asawa lamang niya si Rashed dahil pinikot niya. Nagrerebelde siya nang mga panahon na iyon. Pero sila naman talaga ang unang nagkamabutihan ng binata noon. Pero iyon ay akala niya lang pala. Muling napabuntong hininga si Camela at hangga't maari ay ayaw na sanang alalahanin ang nakaraan. "Baka kapag nakita ako ng abuela ko ay bigla siyang mamatay," pabiro na ani Camela saka napahawak sa batok. Tumawa si Jackson at inakbayan ang kaibigan. "Wala ka namang inaagaw na sa kanila. Naibalik mo na sa kapatid mo ang lalaking mahal niya at maraming taon na ring hindi nagpapakita sa kanila." "Pag-isipan ko. Alam mo naman na dalawang linggo lang ang bakasyon ko rito." Nakakaunawang tumango si Jackson sa kaibigan. Ilang araw na lang at luluwas din naman ng Manila ang dalaga. May pinahawakang project ang kompanya nitong may kasosyong Pinoy. Nagpapatayo ng hotel sa kanilang bansa at si Camela ang pinahawak dahil sa nationality nito. "Kapag nakahanap ako ng matutuluyan doon, maari ko bang isama muna doon si Nanay mo kasama ang mga bata?" tanong ni Camela sa kaibigan. "Oo naman, para ma-enjoy mo rin ang bakasyon mo kasama ang mga bata kahit trabaho pa rin naman ang inuwi mo dito." Napabuntong hininga si Camela bago ngumiti. Mabigat ang trabaho niya bilang engineer. All around kasi ang trabaho niya at siya na rin ang parang supervisor sa mga tao. Minsan ay construction worker lalo na kapag rush ang gawa at kulang ng tao. Ganoon ang buhay trabaho niya sa Japan. Pero nawawala ang pagod na nadarama kapag iniisip ang mga anak. Gusto niyang mag-ipon para sa kinabukasan ng mga ito. Gusto niyang makabili ng sariling bahay at lupa para sa mga ito. Ayaw niyang lumaki ang mga anak na mahirap lamang. Ayaw niya ring makilala ng mga anak ang kaanak niya at mamalimos ng pagmamahal sa mga ito, katulad niya noon. Silang tatlo ay sapat na kaya doble sipag siya sa trabaho. "Salamat ng marami! Nakausap ko na pala si Boss at nirekuminda kita sa kaniya." Gusto ni Camela na magkasama na rin sila sa trabaho ng kaibigan upang hindi na sila magkahiwa-hiwalay pa. Pumayag siyang hawakan itong project dahil nangako ang Japanese na amo na tutulungan siyang madala sa bansa nito ang mga anak niya. "Paano pala kapag nagtagpo muli ang landas ninyo ni Rashed at makita ang mga bata?" naisip na itanong ni Jackson sa kaibigan. Tumalim ang tingin ni Camela sa kaibigan na animo'y iyon ang lalaking kinamuhian na. "May kasulatan akong hawak at hindi nila pwedeng angkinin ang mga anak ko!" "Oh ang puso, relax at hindi ako ang iyong kaaway." Biro ni Jackson sa kaibigan at tinapik ito sa balikat. Walang salitang tumayo si Camela at tumalikod sa kaibigan. Pinagsisihan niyang umibig siya noon kay Rashed, pero hindi ang pagkaroon ng anak. Ayaw niyang maranasan ng mga anak ang naranasang hindi maganda mula sa sariling pamilya. Ayaw niyang makilala ng kambal ang ama at pamilya nito dahil tulad niya, illegitimate din ang kalabasan. "Ang alam niya ay nabuntis ako ng ibang lalaki kaya malabong gustohin niyang makita ang anak ko." Natawa siya pagkaalala sa akusasyon sa kaniya ng dating asawa. Hindi na muling nagsalita pa si Jackson upang hindi madagdagan ang galit na nadarama ng kaibigan. Masaya siya sa nakikitang katigasan ng puso nito ngayon. Noong una ay nadudurog din ang puso niya at puro ito iyak. Ilang taon din itong naging martir sa piling ng naging asawa nito noon. "Mama, ayaw na pong kainin ni Lindon." Nabaling ang atensyon ni Camela sa panganay na anak na si Rafael. Hawak nito ang isang tinapay, pagtingin niya kay Lindon ay mukhang matamlay na naman. Nilapitan niya ito at binuhat. "Anak, may masakit ba sa iyo?" nag aalala niyang tanong dito saka sinalat ang noo ng bata. "Mama, huwag ka na po umalis." Nakagat ni Camela ang loob ng bibig at pinigilan ang sariling mapaiyak. Kahit nagkaisip na wala siya sa tabi ng mga ito ay kilala siya ng kambal. Araw-araw ay ka-video call niya ang mga ito at alam na nasa malayo siya. Nang makauwi siya ay sobrang sabik ang mga ito na nagkaroon ng ina. "Anak, maghahanap agad ako ng matitirahan natin doon at susunod kayo ni Lola." Masuyomg hinaplos niya ang pisngi ng bunsong anak saka niyakap ito. "Gaano po katagal iyon, mama?" Lumuha na ang bata bago yumakap sa leeg ng ina. Kunwaring nagbilang sa daliri si Camela at pinakita sa anak ang tatlong daliri. Apat na taon lang ang mga anak pero parang matanda na kung magsalita at mag isip. "Lindon, nandito naman ako kaya huwag ka nang malungkot." Bumaba ang tingin ni Camela sa isa pang anak na nakayakap sa kaniyang hita at nakatingala. Ang talino ng mga anak niya at nakakaunawa sa kanilang sitwasyon. "Nandito rin ako, kids!" Binuhat ni Jackson si Rafael at tumabi kina Camela. "Gusto ko po may mama rin ako." Lumabi si Lindon at muling niyakap ang ina. Makahulugang nagkatinginan sina Jackson at Camela. Alam nilang naging tampulan ng tukso ng ibang bata ang kambal. Tinutukso na bakla ang kinikilalang ama at wala pang ina. Alam ng kambal na hindi si Jackson ang tunay na ama ng mga ito. "Mga anak, kaunting tiis lang ha. Gumagawa ng paraan si Mama upang magkakasama-sama na tayo at hindi na maghihiwalay pa." Paglalambing niya sa dalawa at ngumiti pero deep inside ay durog ang puso niya para sa awa sa kambal niya. "Lindon, huwag ka nang malungkot para hindi umiyak si Mama." Parang matanda na saway ni Rafael sa kapatid. Mabilis na pinunasan ni Lindon ang luha sa mga mata at hindi na umiyak. " Sorry po, mama. Huwag na po kayo malungkot." Marahang pinisil ni Camela ang pisngi ng anak at nag-feeling strong naman ito. Hinalikan niya sa pisngi si Rafael bago si Lindon. Kung sa ugali ay sa kaniya nagmana si Lindon. Si Rafael naman? Mabilis na iwinaksi ni Camela ang pumasok sa isipan. Iisa ang mukha ng kambal at naiiba lamang ang ugali. Hindi naman sa ayaw niya sa mukha ng kambal pero para lang kasi nakikita niya ang mukha ni Rashed sa mga ito. Ginugol ni Camela ang oras sa mga anak hanggang sa matapos ang kaniyang bakasyon. Mas nahirapan siyang iwan ang mga anak ngayon may isip na ang mga ito. "Mag-ingat ka doon," paalala ni Jinky, ang ina ni Jackson kay Camela. "Salamat po, Inay. Maraming salamat sa pag-alaga sa kambal at pagturing na tunay mong mga apo." "Naku magdadrama na naman ba tayo ngayon?" pabirong sita ni Jinky sa dalaga. Sa halip na sagutin ang ginang ay niyakap ni Camela ito. Tama talaga ang kasabihan na mas mabuting lumapit sa ibang tao kaysa kamag-anak kapag walang ibang matatakbuhan. Sobrang laki ng utang na loob niya sa kaibigan at ina nito. Nagsusumikap siya hindi lang para sa mga anak kundi para sa mga ito. Malaki naman ang sahod ni Jackson at kayang e provide ang pangangailangan ng ina kasama ang kambal. Pero may sarili din itong buhay kaya pinag-iipon niya rin. Nangungupahan din kasi sila ng bahay roon. Hindi na nagpahatid si Camela sa airport at baka umiyak lang ang kambal. Baon ang determinasyon, muli niyang iniwan ang mga anak at harapin ang bagong hamon sa buhay. Alam niyang posibleng magkrus muli ang landas nila ng mga taong iniiwasan. Pero hinanda na niya ang sarili at hindi na dapat magpakita pa ng kalambutan ng puso. Walang puwang sa puso niya ngayon kundi ang mga anak lang."No, hindi siya maaring umalis sa pamamahay na ito!""Rashed?" Sabay at hindi makapaniwalang sambit nila Edlyn at Clarisa."Gusto ko siyang makitang nagdudurusa habambuhay kapalit ng buhay ni Lola!" mabalasik na turan ni Rashed.Parang lantang gulay na napatayo si Camela nang haklitin ni Rashed ang kaniyang braso at pakaladkad na dinala sa isang maliit na silid. "Mula ngayon ay diyan ka matutulog! Mananatili ka sa bahay na ito bilang isang katulong!"Walang magawa si Camela kundi ang umiyak na lamang. Madilim ang silid at walang gamit sa loob. Tanging lampshade ang naroon at walang aircon. "Rashed, please huwag mong gawin ito sa akin!" Pagmakaawa niya rito.Sa halip na maawa at pakinggan siya ng asawa ay tinulak siya nito at pasalampak siyang natumba sa sahid."Naawa ka ba sa lola ko?" Malamig na tanong ni Rashed.Napahagulhol ng iyak si Camela dahil sa pagkaalala sa matanda at binibintang sa kaniya. Wala nang mas sasakit pa sa dinanas niya noon ang nararamdaman ngayon. Mas nasasakta
"MA, huwag po kayong magalit kay Rashed." Biglang nag-alala si Clarisa at pinatawag ng matanda ang anak. Nasa opisina pa si Rashed at alam niyang pauwi na ito."Hindi ko mapapalampas itong ginawa ninyong dalawa!" Galit pa rin ang matanda at iwinaksi ang kamay ng anak."Lola, huminahon po kayo at baka mapaano ka." Nag aalala na hinagod ni Camela ang likod ng matanda at halatang hinahapo ito dahil sa galit."Kasalanan mo ang lahat ng ito na babae ka! Kapag napaano ang mama ko ay hindi kita mapapatawad!" bulyaw ni Clarisa sa kaniya at tinulak palayo sa ina nito.Lalo lamang hinapo ang donya dahil sa inasta ng anak. "Clarisa, tama na. Huwag mo na pagmalupitan si Camela!" nanghihinang pakiusap nito sa anak.Napahagulhol ng iyak si Camela lalo na nang makitang parang nahihirapang huminga ang matanda. Tinawag na niya ang katulong upang magpatulong at dalhin ito sa hospital.Nataranta na rin di Clarisa at niyakap ang ina. "Ma, sorry. Kumalma na po kayo.""Hu-huwag ka...." Hindi na magawang i
Habang tumatagal ay parang nanghihina ang pakiramdam ni Camela. Nanlulimo siyang pumasok sa dinning room at wala ang lola ni Rashed at ina lang ang naroon."Kailan mo hiwalayan ang anak ko?" Nang uuyam na tanong ni Clarisa sa dalaga at nagsimula nang kumain. Wala ang ina niya at nag bakasyon sa pinsan nito."Mahal ko po si Rashed." Simple niyang sagot da ginang saka pinilit ang sarili na kumain. Ayaw niyang magkasakit dahil walang mag aalalaga sa kaniya, katulad sa ibang bansa.Umismid si Clarisa. "Tibay din talaga ng loob mo at kapal ng mukha. Kahit nasasaktan na ay ayaw pa ring bumitaw!" "Gusto ko po ng buong pamilya.""Sa tingin mo ay si Rashed ang makasama mo sa pagbuo ng pamilya?" Natatawang ani Clarisa. "In your dream! Alam mo bang ibinabahay na ni Rashed ang kapatif mo?"Biglang nag panting ang mga tainga ni Camela at pabagsak na binitiwan ang kutsara. "Ano ang ibig mong sabihin?" "Hindi ka nagtataka kung bakit bihira na umuwi dito ang anak ko?" Mariing naipikit ni Camela an
"Rashed, a-ano ang gagawin mo?" Kinakabahang tanong niya rito bigla siyang itulak at nasa ibabaw na niya ito. Natakot siya sa isiping sakalin siya nito."I hate you but i can't resist your body!"Napamulagat si Camela at hindi na nagawang sumagot pa dahil sakop na ng labi ng asawa ang bibig niya. Kahit naging marahas ang halik nito sa kaniya ay masaya siya lalo na sa kaalamang hindi nito matanggihan ang katawan niya. At least inaangkin siya nito dahil sa lust at hindi dahil sa galit. Gumanti siya ng halik dito at mabilis na inalis ang pagka butones ng suot nitong full sleeve. Muling umasam ang puso niya na may pag asang mamahalin na rin siya ni Rashed. Pinagbuti niya ang pagpabilagay dito at siya naman ngayon ang nasa ibabaw nito."Ahhh, fuck... uhmmmm suck me!" Ungol ni Rashed at tinulak ang ulo ni Camela na nasa puson niya upang ipasubo na dito ang naghuhumindig niyang pagkalalaki.Buong puso na ibinigay niya ang gusto ni Rashed. Bawat hagod ng bibig at dila niya sa matigas nitong


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.