Share

Chapter 09

"KUYA, SURE KA talaga sa sinasabi mo? Hindi ka po nagbibiro?"

Ilang ulit kong tanong sa guard at ilang beses na rin niya akong sinasagot nang paulit-ulit. Natawa na siya sa 'kin. Nakukulitan na 'ata siya. Ngayon na kasi ang araw na mag-a-apply ako sa restaurant nila Damon. Kung apply nga bang matatawag 'to dahil hired na ako. For formality na lang siguro itong ngayon at para ma-interview na rin ako.

"Yes po, Ma'am. Kanina ka pa hinihintay sa HR. Ni-request ni Ma'am Estela sa HR na maaga silang pumasok para in case maaga kang pupunta rito, hindi ka na maghihintay."

Nag-move na ako sa another question. "E, after lunch na po ako ngayon nakarating. Baka inip na inip na sila. Nakakahiya po. Okay lang po kaya 'yon?"

"Okay lang 'yon. Sige na, pumasok ka na. Sinabi sa 'kin ni Ma'am na abangan kita at ipaalam sa 'yo na dumiretso ka na agad sa HR. Sila na bahala sa 'yo."

"Paano n'yo po nalaman na ako 'yong pinagbilin sa inyo ni Ma'am Estela?" hirit ko pa. Ang kulit ko grabe.

Napakamot na siya sa batok niya. Lihim akong natawa. "Kulot daw 'yong babae. Morena. Maganda. Matangkad."

Natawa ako sa sinabi niya. "Grabe namang description 'yan. Maganda talaga?"

Ngumiti siya sa 'kin. Kaedaran ko lang yata siya o mas matanda lang siya sa 'kin ng ilang taon. "E, ayon ang description ni Ma'am sa tawag kanina. Nasa 'yo 'yong lahat ng qualities na sinabi niya."

Napangiti ako. "Wow. Nakaka-touch. O, sige na, Kuya. Salamat, a! Bale, pagpasok ko liko lang ako sa kaliwa then sa bandang dulo nandoon na po 'yong HR Office?"

Tumango siya. "Nadali mo, Ma'am."

"Sige po, thank you!" sabi ko at pumasok na ako sa loob.

Grabe. Kung ano'ng kinaganda sa labas ay ganoon naman ang kinabongga sa loob. Puro makikinang na mga bagay ang nakikita ko. Kulay gold ang mga mesa na gawa sa metal. Ganoon din ang mga upuan. Ang ayos tignan. Elegant-looking. Napangiti ako nang makita ko ang mga waitress na naglalakad sa paligid ko.

Ang ganda ng uniform nila! Naalala ko 'yong uniform nila sa mga foreign music videos. Hindi siya two-piece uniform. Color peach ang uniform ng mga waitress. Hanggang below the knee ang uniform. With matching cap pa sa ulo! Lakas maka-flight attendant. Naagaw ang atensiyon ko nang bigla akong batiin ng isang waiter.

"Good afternoon, Ma'am! Welcome to Montesoir's!"

Nginitian ko siya. "Magiging waitress din ako rito! Ako pala si Emma."

Tumango-tango siya at pinasadahan ako ng tingin. "Ikaw pala 'yong kanina pang hinihintay sa HR ni Mr. Montesoir. Halika na."

Natuwa ako sa kaniya kasi talagang tinuro niya sa 'kin 'yong office. Nandito na kami sa harap ng pinto ng HR Office.

"Dito na 'yon, Emma," nakangiting sabi niya.

Nginitian ko rin siya pabalik. "Salamat, a!"

"No worries. Bye na."

Hinatid ko muna siya ng tingin at humarap na 'ko rito sa pinto ng HR Office. Kinakabahan ako. Hindi pa rin ako makapaniwalang magkakatrabaho na 'ko! Huminga ako nang malalim at mahinang kumatok ng dalawang beses.

"Come in," rinig kong sabi ng tao sa loob.

Ito na. Magkakatrabaho na talaga ako! Tuwang-tuwa kanina sa 'kin sila tita at Jeanne. Galingan ko raw. Gagalingan ko talaga!

Pinihit ko ang doorknob at na-amaze ako sa sobrang ganda ng office rito sa loob. Ang ganda ng design kahit mukhang manly. May mga sofa pa. Maluwag 'tong HR Office. Parang office nga 'to ng CEO na napapanood ko sa movies. Natigil ang tingin ko sa isang slick metal table na nasa harap ko. Mula roon ay may likod ng isang lalaking nakasuot ng tuxedo. May kinakausap siya sa telepono. Lalaki pala ang kakausap sa 'kin.

Tumikhim ako. "Good afternoon po. Ako po si Emma. Emma Gwyneth Asuncion. Applying for a waitress position."

Tinignan ko ang pag-ikot ng swivel chair na kinauupuan ng lalaki at natulala ako nang makita ko kung sino 'yon. He looked at me seriously. "Just to inform you, Ms. Asuncion, you're already hired."

Napanganga ako sa hitsura niya. Ang hot niyang tignan. Kita ko na ang kabuuan ng mukha niya.

"Damon," mahinang sabi ko.

Tinignan niya lang ako kaya sinalubong ko rin ang titig niya. Nakatali ang buhok niya in a man bun style kaya kitang-kita ko ang kabuuan ng mukha niya. He looked so mature. A grown up man. Dumagdag pa ang balbas niya. Ang manly niya tignan.

Napakurap-kurap ako. Naestatwa ako rito sa kinatatayuan ko. He looked at me from head to toe and used his point finger to make me come near him. I obeyed him hanggang sa nakaupo na ako rito sa tapat ng mesa. Napapalunok ako dahil titig na titig siya sa 'kin. Ano'ng ginagawa niya rito sa HR Office? Ang pagkakaalam ko ay iba ang mag-i-interview sa 'kin dito.

Akala ko hindi ko na siya makikita matapos niya 'kong halikan.

I shook my head to erase those thoughts. Ayoko nang isipin 'yon. Nandito ako para magtrabaho. Nandito ako para makapag-ipon for my tuition fee. Sinabi ko sa sarili ko kagabi bago ako matulog na hindi ko na iintindihin ang pagkagusto ko sa kaniya. Na-realize ko na ilang beses na niya 'kong pinaiyak simula nang nakita ko siya. Hindi pa kasama roon 'yong mga panahon na model pa siya at sobrang patay na patay ako sa kaniya.

Kailangan kong maging pormal. Sumeryoso ako ng mukha. "Good morning, Sir. Sorry I am late," seryoso ang tono ng boses ko. Kailangan kong isipin kung ano ang dahilan ng pagtatrabaho ko rito.

Napansin kong natigilan siya sa 'kin at biglang bumuka ang mga labi niya. Ngunit sandali lang 'yon dahil agad din siyang pumormal at tinignan ang folder na nakapatong sa mesa.

Sumandal siya sa swivel chair at matiim akong tinignan. "Ms. Asuncion, you already have your working schedule. Tuesday, Wednesday, Thursday, and Friday. 5:00 pm to 11:00 pm You have a three-day rest day. The amount of your monthly compensation is 25 thousand. Is that okay with you?"

Grabe. Ang laki ng suswelduhin ko! Walang-wala kung sa fast food restaurant ako magtatrabaho.

"25 thousand talaga?" ulit ko sa kaniya.

Tumango siya sa 'kin habang titig na titig sa mukha ko. "Yes, Ms. Asuncion. Is there anything wrong about it?"

Tinignan ko siya saglit bago ako nag-iwas ng tingin. Kapag ganiyan na ang seryoso niya magsalita tapos English speaking siya, para siyang si Damon na nakikita ko dati sa mga interviews niya. Ano ba, Emma! Nandito ka para magtrabaho, okay? For once, isipin mo naman 'yong sarili mo hindi puro si Damon na wala namang gusto sa 'yo!

"Nothing, Sir. When will I start working here?"

Hindi nakaligtas sa paningin ko ang saglit na pagtitig niya sa mga labi ko bago siya nagtaas ng tingin sa buong mukha ko. Buti na lang at nag-ayos ako ngayon. I was wearing a three-inch black heel, black pencil skirt, white top na pinatungan ko ng black blazer. Nakalugay ang kulot kong buhok and I was wearing a dark red matte lipstick. Si Jeanne naman ang naglagay ng konting blush on sa cheeks ko.

Tumikhim muna siya bago magsalita. "I want to see you tomorrow---I mean, you'll start working tomorrow. Do your job well. I hate late employees. Be punctual. Do you understand, Ms. Asuncion?"

"Yes, Sir," inabot ko sa kaniya ang dala kong brown folder.

Naglalaman iyon ng resume ko. Kahit naman kasi automatically hired na 'ko rito sa restaurant nila ay kailangan ko pa rin magbigay ng resume for formality 'tsaka para may alam na silang slight information about sa 'kin as one of their employees.

Inabot niya 'yon at inilapag sa mesa. Hindi man lang niya nagawang tignan ang loob. He looked at me seriously. "You may go now, but if you like I can---I mean you can tour yourself around when you go outside and observe everything so you have an idea what you are going to do tomorrow. Oh, before I forgot, tomorrow will be your training. You have a one-week training."

"Understood, Sir."

"Okay. I think everything is clear. You may go now."

Napalunok ako. Pakiramdam ko ay parang hindi siya 'yong lalaking humalik sa 'kin. Ibang-iba siya. Sinasampal talaga ako ng katotohanan na wala akong epekto sa kaniya. Hindi naman kasi ako pasok sa standards niya kumpara sa mga babae niya dati. Tumayo na 'ko at bahagyang inayos ang skirt ko. Pinasadahan pa niya 'ko ng tingin kaya medyo nailang ako.

"Thank you, Sir."

Agad akong naglakad palabas at sumandal muna ako nang maisara ko na ang pinto. Isa lang talaga ang nasa isip ko kanina matapos ko siyang makita sa loob ng HR Office. Alam kong pinipigilan ko na ang feelings ko sa kaniya pero natutuwa ako at nakita ko siya ngayong araw.

I KNOW SHE already left this room but I can't stop thinking about her. I didn't know what has gotten into my mind again! Pinaalis ko 'yong dapat kakausap sa kaniya ngayon. Tamang-tama nang dumating ako ay dumating na rin siya. My mother didn't even know that I left the mansion. Sigurado akong magugulat 'yon kapag nalamang nandito ako ngayon sa restaurant. That woman. Hindi niya alam kung ano'ng hirap ang ginawa ko bago makapasok dito. With this kind of face, I had to go here directly inside the office and when the HR woman saw me here she looked so shocked and tensed. I didn't know if it was because I looked ugly or it was because she can't believe I was here inside!

This was my first time going here after the accident because of that beautiful woman who owned the sweetest lips! Damn her! I was starstruck the moment I saw her here inside. She looked so beautiful and very sophisticated. Her face, her blushed cheeks, and her dark red lips were so tempting to look at! Nababaliw na yata siguro ako sa babaeng 'yon!

In my 27 years of existence, ngayon lang ako pasikretong naghabol ng babae! She looked so perfect. I liked her face. I liked her skin. I liked everything about her. I had to ignore the distracting stares of our customers who were eating outside para lang makapasok ako rito. I made sure na hindi nila nakita ang mukha ko pero safe and sound naman dito sa restaurant. We owned this place.

As if people still recognize you, Damon. My mind taunted me.

Damn it. Everything seemed so blank whenever I was thinking of that woman! I looked at the folder she gave me and opened it. My eyes fell on her 2x2 photo. She was smiling in the photo. She had no makeup, but she still looked so beautiful. She looked simple yet breathtakingly beautiful. She looked so young. Napapikit ako. How the fuck I was teasing her as a kid? Na bata siya? With that kind of face, tangina. Kayang-kaya niya 'kong painitin nang hindi niya nalalaman.

I shrugged my thoughts off and started reading her resume. I wanted to know some information about her. I focused on her personal information.

Personal Information

Name: Emma Gwyneth P. Asuncion

Nickname: Emma, Gwen

Birthdate: November 4, 1997

Civil Status: Single

Address: 0059 Lt. Rainbow St., SSS Village, Marikina City

Father: Federico C. Asuncion - deceased

Mother: Rosalda P. Asuncion - deceased

Guardian: Pacita P. Manuel (Aunt)

Siblings: N/A

Educational Background

Tertiary - St. Mary College of Communication

Bachelor of Arts in Communication - Undergraduate

Secondary - St. Mary Highschool

When I saw her phone number, I got my phone and saved it directly in my contacts. Damn it, ngayong lang ako nag-initiate na kunin ang contact number ng isang babae dahil noon ay mga babae ang mismong nagbibigay ng mga number nila sa 'kin pero bigla akong nagtaka sa isa kong nabasa. Pareho na palang patay ang mga magulang niya. Bakit kaya? Napatingin ako sa nilabasan niyang pinto. I wanted to go outside. I hated to admit this but I wanted to see her beautiful face again. Her face calmed me. I stood up and walked outside. I saw her from here and she was smiling. She looked so beautiful. Really, really beautiful.

I didn't know but I felt irritated when one of our employees walked near her and talked to her. They were smiling at each other. I looked at them seriously. Before I could think, I found myself walking toward them.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status