Share

Chapter Twenty Two: Beating Again

Bago pa makasagot si Thera, nahawakan na ni Sean ang kanang kamay niya. Hindi na niya namalayan kung paano sila nakalabas ng restroom pero nakaringgan niya ang sinabi nito sa dalawang empleyado bago siya iginiya palabas ng pinto.

“See me in my office tomorrow,” sabi nito sa seryosong anyo at tono.

Nagtataka si Thera, paano nito nalaman na nasa restroom siya? May pakiramdam siya na alam din nito na nagigisa siya sa loob nang walang kalaban-laban.

Pumasok ito sa banyo na laan para sa mga babae hindi para itanong kung puwede pa ba itong maging asawa niya uli. Kundi para iparating sa dalawang empleyado na hindi na siya makakanti uli ng mga ito. Dahil ba-backup-an na siya nito kahit ano ang mangyari.

Malalaki ang mga hakbang at mahigpit ang hawak ni Sean sa kamay niya. Sinusundan sila ng tingin ng bawat madaanan at masalubong nila sa pasilyo ng palapag na iyon kahit hanggang sa hilera ng elevator kung saan sila huminto.

Baki

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status