CHAPTER TWO
DEVIL PERSONIFIED
October 13, 2019
Huminga nang malalim si Thera nang bumukas ang elevator sa fourth floor ng condominium. Katatapos lang ng session niya with her gay fitness instructor at paakyat na sa unit niya sa eighth floor.
Pares ng Adidas running shoes, Adidas white tee shirt, at leggings ang suot niya. Humakab iyon sa kanyang firm behind at na-emphasize niyon lalo ang long shapely legs niya.
Hers was the kind that all men would want to climb and worship ayon sa instructor niya. The bastard was expecting her to smile sheepishly or blush for the flattery pero sinamaan niya ito ng tingin. Ano ang alam nito sa mararamdaman ng isang tunay na lalaki kung hindi naman ito straight?
Not all men would fall for long brilliant legs. She knew someone who did not. And hated him to the bones until now.
Sa nakalipas na kalahating taon, kickboxing ang pinagkakaabalahan ni Thera. Natigil lang siya sa pagbisita sa fitness center almost a month ago nang kailanganin niyang lumipad papunta sa London para sa isang business trip.
Depende sa mood niya pero madalas na isa hanggang dalawang oras lang ang itinatagal niya sa fitness center. Kagaya ngayon, dahil nabuwisit siya tuwing naaalala ang tatlong empleyada sa banyo, sinagad niya nang two hours ang pagki-kickboxing habang malakas at paulit-ulit na minumura ang mga tinamaan ng magaling.
Umasim ang mukha ni Thera nang makilala ang makakasabay niya paakyat sa eighth floor. Tatlong unit ang nasa eighth floor. Inookupa ni Harry, the man who just stepped inside the elevator, ang katabi ng tinitirhan niya. Bakante naman ang isa pa na nasa tapat ng unit niya.
Lumuwang ang ngiti ni Harry nang makita siya. Sumisipol na sinadyang dumikit sa kanya.
Nagbuga siya ng iritableng hininga. Ilang beses na niyang nahuli ang mga pailalim at makahulugan nitong tingin sa kanya. Diborsiyado ang treinta y otso anyos na lalaki. He was living alone, ang dating asawa at dalawang anak na babae ay sa US na nakatira.
Ang sabi ng instinct niya, hindi ito mapagkakatiwalaan. And she always trusted her instincts. Hindi siya niyon binigo for the last five years. Kaya inutos niya kay Yumi na alamin ang background ng lalaki ilang buwan na ang nakararaan.
Of course, kailangan may alam siya kahit paano sa pagkatao ng mga taong posible niyang maging kaaway.
“The nights are getting colder, right, Thera?”
Umirap siya. Gago ba ito? Kahit “ber” month na, hindi pa rin niya maramdaman ang lamig na tinutukoy nito.
Huminga nang malalim ang lalaki. Tumalim ang tingin niya nang mapansing dumikit pa ito sa kanya nang kaunti. “Dump that bastard husband of yours. Nandito ako, Thera. I swear I can make you scream in ecstasy in the middle of the night—”
Nagtimpi si Thera. Eh, bakit kaya ito iniwan ng sariling asawa? Maka-scream ang hitad, ano ang akala nito sa kanya, porn star?
“I know you’re lonely, Thera. Just as I am. Kagaya mo, ilang taon na rin akong tigang,” Harry whispered, licking his own lips. Dumikit nang tuluyan sa kanya.
Alam niyang sinadya nitong idikit sa balakang niya ang naninigas na ‘toothpick’ na nakadikit sa pagitan ng mga hita nito.
Gritting her teeth Thera took a very, very deep sigh. But her smile was seductive when she turned to face him. Inilapit niya nang husto ang mukha sa mukha nito.
“Sigurado ka bang… mag-e-enjoy ako, Harry? Sure?” she asked, tucking a loose strand of her hair behind her ear habang buong lagkit na tinititigan ang lalaki.
Lumuwang ang pagkakangisi nito, namungay ang mga mata. Gusto niyang mapamura. Mukhang lalong na-turn on ang kumag. “Wala akong matandaang babae na hindi ko na-satisfy sa kama, Thera. Let’s go to my unit. Patutunayan ko sa ‘yo ‘yan.”
Lalo niyang tinamisan ang ngiti. Nang-aakit na kinagat pa ang ibabang labi. Hinawakan niya ang kuwelyo ng suot nitong polo shirt, inayos iyon bago dahan-dahang pinaglandas ang palad sa tapat ng dibdib nito, pababa hanggang sa tiyan. Suminghap, nanigas, napapikit, at napaungol ang hudyo nang mahina niyang hipan ang pisngi nito.
“Bakit naman kailangang sa unit mo pa? Eh, puwede namang… dito na?”
Thera rolled her eyes. Bored na bored siya sa pakikinig sa paulit-ulit na pagkukuwento ni Harry tungkol sa nangyari sa pagitan nila kanina.
Hinilot niya ang nananakit na ulo. Naiinitan siya. Bakit nga naman hindi, maingay at inaalikabok na ceiling fan lang ang mayroon sa loob ng maliit na presintong iyon. Doon sila nauwi ni Harry imbes na sa condo unit nito.
Hindi nakakapagtaka kung bakit halos lahat ng butones ng uniporme ng mga pulis na naka-assign doon, nakabukas na halos. Panay paypay ang may edad nang pulis na nakapuwesto sa dulo ng maliit na kuwarto. Bahagya itong ngumiti sa kanya nang magtama ang mga mata nila.
Nagbawi siya ng tingin. Parang may kumudlit sa puso niya. Halos kaedad ng pulis ang tatay niya nang huli itong makita.
“I told you, Officer, that horrible woman seduced me first. And when I told her I didn’t like it, she got a bit feisty and tried to hit me. No, she kicked me all over my body and punched me twice in the face. I was so afraid I’d lost all my teeth,” sumbong nito, napailing-iling. “Kilala n’yo ang babaeng iyan, Chief… This is not the first time na na-involve siya sa ganitong eskandalo. Kahit janitor sa condo, makakapagpatunay kung gaano siya kabayolente. I’m not really going to settle, I’m sorry.”
Nakakamatay ang tingin na ipinukol ni Thera kay Harry. May dugo pa ang ilong nito at basag ang ibabang labi. Hindi niya ito tinigilan kanina kahit hanggang bumukas ang elevator sa sixth floor at awatin siya ng ilang occupants doon.
Nagbuka siya ng bibig pero agad ding isinara. Kung hindi lang siya palihim na sinesenyasan ng abogado niyang manahimik lang, baka pati balls ng manyakis na ito, babasagin niya.
“O, Miss, saan ka na pupunta?” tanong ng imbestigador nang tumayo siya.
“Narinig n’yo naman ang sinabi ng hinayupak na ‘yan, ‘di ba? Hayaan n’yo siyang magdemanda.”
“Thera…” ang abogado niya.
“Gawin mo ang dapat mong gawin, Attorney. Bayad kita. Huwag mo ‘kong kulitin.”
Nakataas ang noong lumabas ng presinto si Thera kasunod si Atty. Roque matapos nitong ayusin ang bail niya. Pinagbuksan siya nito ng pinto ng kotse bago sumakay sa passenger seat.
“Balik tayo sa condo, Ringgo,” walang kangiti-ngiting utos niya sa driver.
“Thera…” protesta ng abogado.
“Imposibleng walang CCTV sa loob ng elevator, Attorney,” pagalit na sabi niya.
Bumuntong-hininga ang singkuwenta y sinco anyos na abogado. Company lawyer ito pero tagaayos na rin ng personal niyang gusot. “Of course there is, Thera. Pero halos ‘yong panggugulpi mo lang sa pobre ang nakunan doon. Madidiin ka lang lalo.”
Hindi siya umimik.
“Bakit ngayon pa ito nangyari, hija? Kung kailan malapit na ang anniversary ng hotel at pauwi ang mag-asawang De Marco para um-attend? Makakaapekto na naman ang eskandalong ito sa image ng kompanya.”
Thera kept her mouth tightly shut. Deep inside, nanggagalaiti siya. Pakiramdam niya, kulang pa ang bigwas at sipang napadapo niya sa katawan ng walanghiyang lalaki.
“Pinalampas mo na lang muna sana, hija. Pagkatapos ng anniversary, saka…”
Pero iyong mouth niyang naka-tightly shut, bumuka uli sa loob lang ng ilang segundo. Nananalim ang tingin na nilingon niya si Atty. Roque na naitikom bigla ang bibig.
“Pinalampas? Ano’ng gusto mong gawin ko, Attorney? Hinarass ako ngayon, magalit ako bukas? Ano’ng akala mo sa ‘kin, timang?”
Hindi nakasagot ang abogado.
Ibinaling niya ang tingin kay Ringgo. “Wala na bang ibibilis ang pagpapatakbo mo, Ringgo?! Van ‘to, hindi karo!”
Napakamot sa batok si Ringgo pero sumunod naman sa utos.
Nakahalukipkip at pairap na isinandal ni Thera ang likod sa upuan. Narinig niyang nag-ring ang cell phone niya. Iniabot iyon sa kanya ni Laida na tahimik na nakaupo sa likod ng van.
“Thera, itinawag sa ‘kin ni Secretary Eason ngayon lang na nagpabili na ng one-way flight si Sir Sean pauwi ng Pilipinas. Mukhang a-attend siya ng anniversary ng mall.”
Malalim ang hiningang pinakawalan niya. So the cowardice bastard was finally coming home. Pagkatapos nitong sirain ang buhay niya, may lakas ng loob kaya itong magpakita uli sa kanya ngayon?
EpilogueIsinuksok ni Thera ang mga kamay sa bulsa ng suot niyang maxi dress para kahit paano ay mainitan ang mga kamay na nag-uumpisa nang mamanhid. Nakalimutan niyang magdala ng balabal dahil nagmamadali siyang lumabas kanina para abangan ang sunrise.Nakatayo siya sa gazebo—paharap sa araw na mayamaya lang ay unti-unti nang sisilip sa pagitan ng mga bundok sa Baguio. Mababa pa rin ang temperatura sa Baguio. Pumalo iyon sa ten degrees celcius kagabi.Today was the twenty-fourth of December 2023. The De Marcos would gather tonight para i-celebrate ang Pasko at birthday niya. Busy na ang mga kasambahay sa pag-aasikaso para sa celebration mamayang gabi. She, too, would help later, tutal ay wala naman siyang gagawin.Tatlong taon na ang nakararaan mula nang bumalik si Thera galing sa ibang bansa para hanapin at bawiin ang sarili. Sean still managed The Palace Mall and Hotel. Ang Tea Caf naman ay personal
SPECIAL CHAPTERNovember 16, 2009Baguio City, Philippines“Sir, puwedeng lights off na lang?”Namayani ang ilang saglit na katahimikan. Nakagat ni Thera ang ibabang labi nang ma-realize na may dalawang puwedeng ipakahulugan ang sinabi. Gusto niyang katukin ang ulo nang makitang bahagyang umangat ang sulok ng bibig ni Sean. It was a first though at hindi niya mapigilang mag-swoon sa ganda ng matipid na ngising iyon.“A-ang ibig ko pong sabihin—”“Get change. You’re soaking wet,” sabi nito bago itinuloy ang pagpasok sa opisina.Napahawak si Thera sa dibdib. Sean would be the death of her. Palagi siyang nagpipigil ng hininga kapag nasa malapit lang ang binata. Kung ano-ano tuloy ang lumalabas sa bibig niya.Dinala niya ang paper bag na may lamang damit sa comfort room at mabilis na naghilamos at nagpalit
October 15, 2019The Palace Mall and HotelMabilis na tumalima ang mga empleyado na nakasalubong ni Thera pagkalabas na pagkalabas niya ng opisina para bigyan siya ng daan. Katatapos lang niyang makipagdebate sa ilang board members. Dalawang empleyado ng The Palace ang nasa labas ng mall, nagha-hunger strike at nagbabantang magreklamo sa Labor Union. Sina Lira at Rose ng marketing department na nahuli niyang pinagtsitsismisan siya sa loob ng restroom one week ago kasama ang isang newly hired employee na si Joy Ericson.Pero kahit isang hibla ng kilay ni Thera ay ayaw magbigay ng kiber sa pagpoprotesta ng dalawang senior employees. Wala siyang pakialam kung aabot hanggang United Nations ang reklamo ng dalawang utak-green peas. Pinagtrabaho raw niya nang walang ending. Ang mga hunghang, pagkatapos siyang galitin at tanggapin ang overtime pay at night differential of night shift pay ay may kapal pa rin ng m
One year laterSean closed the book that he was reading. May kalahating oras na niya iyong hawak pero wala siyang naiintindihan sa binabasa. Nilingon niya ang bintana ng eroplanong sinasakyan at pinanood ang bawat paglampas ng pakpak niyon sa putting-puti at tila magaan na ulap sa labas.Tatlong oras mahigit ang durasyon ng lipad mula Incheon papuntang NAIA. He had been travelling for months both for business and personal reasons.Bukod sa Korea, nanggaling na siya sa Japan, Singapore, China, at Taiwan. Top source ng Pilipinas for tourist ay ang mga katabing bansa kaya iyon ang inuuna at tina-target nila na makuha sa nakalipas na mga buwan.Ngayon nga ay katatapos lang ng business deal niya sa Korea. He stayed three days in Seoul, two nights in Mt. Seorak, at dalawang araw at dalawang gabi sa Jeju Island. Kagaya sa mga bansang unang nabanggit, he succeeded convincing Korea’s top
Pero bago pa tuluyang magsara ang pinto ng elevator, napigil na iyon ni Sean. Nag-angat si Thera ng mukha. She wished she could blink her tears away pero hindi niya magawang kumurap sa pagkakatitig kay Sean.“Nine years ago I told myself if I could travel back in time, I’ll choose not to meet you. Afraid I might ruin the girl who got nothing but love in her heart. Sabi ko sa sarili ko, dapat iwasan kita. Dapat hindi mo ako makilala. But when you lost your memories, just thinking about you forgetting everything about me scared the hell out me, Thera. Kahit anong deny ko, ikaw ang kahuli-hulihang tao na papayagan kong mawala.”Thera swallowed hard. Para siyang dinidibdiban habang nakatitig sa mga mata at nakikinig sa basag pero sinserong boses ni Sean.“I know I cannot put back in your eyes all the tears you cried for me. At hindi ko mababayaran ng kahit anong halaga ang lahat ng sakit na naranasan mo dahil sa
Ilang minuto nang gising pero pinili ni Thera na manatili muna sa pagkakahiga. Masakit ang ulo niya dahil sa magdamag na pag-iyak. Alas-sais beinte ang nasa digital clock nang sa wakas ay bumangon siya. Iniwasan niyang sulyapan ang isang bahagi ng kama.Tinungo niya ang pantry at nag-umpisang maghanda ng pagkain para sa sarili. Pero nakailang bukas-silip-sara na siya sa ref na puno naman ng pagkain, wala pa rin siyang maisip na lutuin.Kinuha ni Thera ang blazer at handbag niya matapos magbihis. Nagdesisyong tawagan si Laida para yayaing kumain sa labas. Lumapit siya sa pinto matapos isuot ang oversized sunglasses.Pero pagkabukas niya ng pinto, nakita agad niya ang bulto ni Sean. Natutulog nang nakaupo sa sahig ang lalaki, nakatiklop ang isang hita. Gusot ang puting long sleeve at naka-loose ang kurbata.Sa labas ng unit niya ito nagpaumaga kung pagbabasehan ang suot at ayos nito.“Please don’t shut everyone out, T