INICIAR SESIÓN“Ang ingay n'yo naman,” komento ni Amara habang nakahalukipkip. Hindi man lang niya ako binigyan ng disenteng ngiti. Sa halip, tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.“Anong problema mo?” iritado kong tanong.“Wala naman,” sagot niya, sabay kibit-balikat. “Naaaliw lang akong marinig na hanggang ngayon, hindi mo pa rin kayang tanggapin na hindi lahat ng tao ay kailangang sumunod sa gusto mo.”“Amara, huwag kang makisali dito.”“Bakit? Totoo naman, ah.” Humakbang siya palapit sa mesa at mariin siyang tumingin sa akin. “Narinig ko ang mga sinabi mo, Kuya. Kung talagang mahal mo ang plastic mong girlfriend, sabihin mo sa kaniya na hubarin na niya ang maskara niya. Baka mamaya, kumapit na sa mukha niya ang kapal no'n!”“Amara!” saway ni Mommy, bagaman hindi niya lubusang naitago ang bahagyang pag-angat ng sulok ng kaniyang labi.“Excuse me? Anong karapatan mong magsalita nang ganiyan tungkol kay Audrey?”“Karapatan kong magsabi ng totoo,” mataray niyang sagot. “O ano? Dahil ba girlfriend
POV: Amiel“No, Mom. I will not marry her!”Mariin kong pagtutol sa kagustuhan ng mga magulang ko. Gusto nilang ipakasal ako kay Micah, ang anak ng matagal nang kaibigan ni Mommy na si Tita Hilary. Para bang napakadali lang para sa kanila na ipagkasundo ang dalawang taong hindi naman nagmamahalan—na para bang wala akong karapatang mamili kung sino ang gusto kong makasama habang-buhay.Mabait sina Tita Hilary at Tito Justine. Ayon kay Mommy, dati raw ay pangarap nilang magmadre at magpari bago sila nagkakilala at nagpakasal. At wala akong dahilan para pagdudahan iyon. Pareho silang relihiyoso, mahinahon, at kagalang-galang.Pero ibang-iba ang panganay nilang anak na si Micah.Kung ang mga magulang niya ay larawan ng pagiging simple at konserbatibo, siya naman ay tila nabuhay sa mundong walang pakialam sa sasabihin ng iba. Mahilig siyang magsuot ng maiikling damit, makapal mag-makeup, at hindi kailanman nag-aatubiling ipakita ang kaniyang kapusukan. Sa tuwing sinisita ko siya tungkol s
Hindi upang magkunwaring walang nangyaring masama sa nakaraan.Hindi upang burahin at itakwil ang aming mga naging pagkakamali.Kundi upang ipakita at ituro kay Amiel na ang tunay na pagmamahal ay hindi nangangahulugang hindi kayo kailanman masasaktan o magkakamali.Ang tunay na pagmamahal ay ang pagkakaroon ng matinding lakas ng loob na harapin ang sakit, aminin ang sariling mga pagkakamali nang walang idadahilan, humingi ng patawad, at magtulungan upang itama at ayusin ang lahat.Dahan-dahan akong tumayo habang nakahawak pa rin sa maliit na kamay ni Amiel.“Tara, baby... Kain muna tayo sa kusina kasama sina Lolo at Tito, para paggising ni Daddy, malakas na rin si Mommy na mag-alaga sa kaniya.”Tumango siya nang may kasamang talon ng saya. “Okay! Let's eat, Mommy!”Ngunit bago kami tuluyang makalayo patungo sa hapag-kainan, muli akong napalingon sa bahagyang nakabukas na pintuan ng silid.Naroon pa rin si Denis sa kaniyang higaan, mahimbing na natutulog. At sa ilalim ng banayad na li
“At sana... pakiusap, huwag mo rin akong hayaang maramdaman iyon muli.”Ilang sandali akong nanatiling tahimik at nakapikit sa tabi ng kaniyang kama. Pagkatapos, marahan kong inilapat ang aking noo sa likod ng kaniyang kamay, habang ang aking mga luha ay patuloy na pumapatak sa kaniyang mga daliri.“Patawarin mo ako, Denis... Patawarin mo ako sa mga panahong hindi kita nakita... sa mga panahong mas pinili ko ang kapaguran at trabaho kaysa sa damdamin mo.”Tumulo ang aking luha, nanginginig ang aking mga balikat.“Patawarin mo ako sa mga panahong hindi kita napakinggan at hinayaan kitang mag-isa.”Huminga ako nang malalim, pilit na pinatitigas ang aking kalooban.“At salamat...” napahikbi ako nang mahina. “Salamat dahil kahit nasaktan kita... kahit naging kulang ako bilang asawa... pinili mo pa rin akong mahalin at balikan.”Hindi ko alam kung narinig niya ang mga pabulong kong salita. Mahimbing siyang natutulog, payapa ang kaniyang mukha. Ngunit kahit hindi niya ako marinig sa sandali
Nang maramdaman kong tuluyan nang bumigat ang paghinga ni Denis at nakapasok na siya sa isang mahimbing at payapang pagtulog, marahan at walang anomang ingay akong tumayo mula sa gilid ng kama.Inayos ko ang mga gamit sa paligid ng kaniyang higaan. Kinuha ko ang malinis na basong may tubig at inilagay iyon sa mas madaling abutin niyang bahagi ng maliit na mesa sa gilid. Maingat kong sinuri ang mga nakahanay na gamot, pinalitan ang basang bimpo na nakadikit sa kaniyang noo, at nireset muli sa aking isip ang oras ng kaniyang susunod na iinuming gamot.Pagkatapos ng lahat ng iyon, hindi muna ako umalis. Naupo akong muli sa stool sa tabi ng kaniyang kama.Sa labas ng nakatagong silid, narinig ko ang mahinang tunog ng pagbukas ng aming pintuan, kasunod ang banayad na yabag ng mga paa at ang munting boses na matagal kong inasam na marinig. Bumalik na yata ang pamilya ko galing sa labas.Ngunit hindi muna ako lumabas upang salubungin sila. Gusto ko munang manatili rito sa tabi ni Denis kahit
Marahan siyang umangat nang bahagya at inilapat ang kaniyang mga labi sa aking noo, nag-iiwan ng isang matagal, mainit, at tapat na halik. “Basta ikaw rin, Rendy... Ikaw lang.”At sa napakasimpleng sandaling iyon, parang bumalik sa akin ang lahat ng pangakong aming binitiwan sa tapat ng altar noong araw ng aming kasal.Hindi ko man maalala ang bawat eksaktong salita o berso na sinabi namin sa harap ng pari noon, ngunit malinaw na malinaw pa rin sa aking puso ang damdaming pumuno sa akin sa araw na iyon—ang walang kapantay na saya, ang bahagyang kaba sa hinaharap, at ang napakalaking pag-asang magsasama kami habang buhay.At ngayon... matapos ang lahat ng lamat at pagsubok, mas nauunawaan ko na kung ano nga ba ang totoong ibig sabihin ng "habang buhay."Hindi pala iyon nangangahulugang magiging perpekto ang lahat at wala kayong magiging problema.Hindi iyon nangangahulugang hindi kayo magkakamali, masasaktan, o makakagawa ng kababawan.Hindi iyon nangangahulugang sa bawat araw ng inyon
HABANG nasa sasakyan kami, panay ang himas ni Cong sa hita ko. Binabaybay namin ang isang kalsadang napapalibutan ng mga puno. Madilim ang paligid at wala halos ibang sasakyan."Cong..." malambing kong tawag."Huh? Bakit?" agad niyang sagot."Kung tutuusin, puwede naman tayong dito na laang sa kots
“TITA, kaunti laang ho areng dala kong gamit. Maglalaba na laang ho ako nang madalas doon para hindi ako mangamoy-ipis. Di ga, may uniform naman ho kami sa restaurant?” tanong ko kay Tita Mandy habang umaandar ang kanyang magarang sasakyan.Kung titingnan mo ang dala kong bag, parang lalayas lang a
POV: Jamilla“Totoo ga hong magiging waitress ako doon, Tita? Hindi ga ho ako magiging tagahugas ng sangkatutak na plato?” tanong ko kay Tita Mandy. Pinsan siya ng tatay ko, ngunit masyadong obvious sa ngayon ang agwat ng aming buhay.Si Tita Mandy ay tipikal na isang “Rich Tita”. Kung makikita m
PROLOGUE: “Si-sir.. Saglit laang ho.. Ano hong– ano ga hong ginagawa ninyo?” tanong ni Jamilla kay Angelo, habang pinipilit pumasok ng lalaki sa pinto ng kanyang silid.“Bakit? Hindi mo papapasukin ang asawa mo sa silid mo?” halatang nakainom ito, dahil na rin sa tapang ng amoy ng alak na nagmumul







