Share

BATANGENYA 3: Linlang

Author: ExDealers
last update publish date: 2026-06-22 21:12:42

“TITA, kaunti laang ho areng dala kong gamit. Maglalaba na laang ho ako nang madalas doon para hindi ako mangamoy-ipis. Di ga, may uniform naman ho kami sa restaurant?” tanong ko kay Tita Mandy habang umaandar ang kanyang magarang sasakyan.

Kung titingnan mo ang dala kong bag, parang lalayas lang ako papunta sa kabilang barangay para makipag-away. 

“Oo naman, Jam. Makakabili ka naman ng mga bago kapag sumuweldo ka na, hindi ba?” nakangiting sabi sa akin ni Tita Mandy.

Sa bawat salita niya, muli na namang nagnakaw ng tingin ang aking mga mata sa kanyang mga alahas. Ala eh, kumikinang-kinang na naman ang mga ginto niya sa liwanag na nagmumula sa labas ng bintana! Kung gabi siguro kami bumiyahe, hindi na namin kailangan ng headlight ng kotse dahil sa lakas ng kislap ng mga singsing niya. Para siyang naglalakad na Christmas tree na gawa sa ginto.

Lima kaming mga galing sa aming probinsya na kasama niya sa loob ng sasakyan. Lahat kami ay halos mapunit ang labi sa ngiti, masaya, at puno ng mga matatayog na pangarap. Ang tingin namin sa aming mga sarili ay mga susunod na milyonaryo ng Batangas na babalik sa aming bayan na may bitbit nang mga mamahaling pasalubong.

“Uminom muna kayo, at mahaba-haba pa ang biyahe natin papuntang Subic,” sabi ni Tita Mandy sabay abot sa amin ng mga inumin at mga kutkutin o chichirya na dala niya.

Para kaming mga batang dinala sa field trip. Pero napansin ng matalas kong mata na ang driver at ang isang kasama pang lalaki na nasa unahan ay hindi niya inabutan kahit isang pirasong tsokolate. Bilang isang Batangueña na may busilak na puso at mahilig mamigay ng pagkain, bigla akong nagtaka.

“Tita, paano ho areng dalawang lalaki sa una? Baka ho sila ay maglaway o kaya naman ay gutumin sa biyahe?” tanong ko.

“Hindi sila maaaring uminom at kumain, baka antukin sila at maaksidente tayo,” mabilis na sagot sa akin ni Tita Mandy. Magkatabi kaming dalawa sa likod kaya amoy na amoy  ko ang bango ng hininga niya na amoy-menthol.

Habang masayang naririnig sa loob ng sasakyan ang malulutong na tunog ng aming mga nginunguyang pagkain, maririnig din ang aming mga kuwentuhan tungkol sa aming mga pangarap at mithiin sa buhay. Sabi ko sa sarili ko, mas maswerte talaga ako sa kanila. Bakit? Dahil nag-iisa akong anak ng inay at ng aking tatay. Kapag nakaalis ulit ang aking tatay patungong ibang bansa para mag-welding, maaari na akong bumalik muli sa pag-aaral ng kolehiyo. Ang iba ko namang kasamahan sa sasakyan ay may mga munti pang kapatid na umaasa sa kanilang suporta. Kaya naman talagang todo-kayod sila.

Subalit habang ngumunguya ako ng biskwit, unti-unti... Isa-isa kaming nakaramdam ng kakaibang antok. Iyong antok na hindi mo maipaliwanag kung bakit napakabilis dumating. Parang may pumipigil sa hininga ko at bigla na lang bumigat ang talukap ng aking mga mata na parang may nakapatong na tig-isang sako ng semento. Pilit kong idinilat ang mga mata ko pero ayaw talaga! At sa huling balintataw ng aking alaala bago ako tuluyang mawalan ng malay, parang narinig ko pa ang boses ni Tita Mandy na walang katuturang sinabihan kaming, “BOBA.”

‘Aba, sino ang boba? Ako?’ Iyon na lang ang huli kong naisip bago nagdilim ang buong paligid.

PAGMULAT ng aming mga mata, sumasakit ang ulo ko na parang pinukpok ng maso. Nasa loob pa rin kami ng sasakyan, ngunit lumingon ako sa tabi ko—wala na doon si Tita Mandy. Ang tanging naiwan na lang ay ang amoy ng pabango niya na unti-unti nang nawawala.

“Nasaan na tayo?” tanong ni Irish na halatang kinakabahan. Ang boses niya ay nanginginig na parang tupa na nakakita ng kutsilyo.

“Oo nga... Akala ko ba, sa Subic ang punta natin? Bakit mukha naman itong lumang bahay na may multo sa itaas?” pakli naman ni Macy habang nakatingin sa labas ng bintana ng sasakyan.

Nasilip ko rin ang labas at biglang tumaas ang mga balahibo ko sa braso. Ang tinutukoy ni Macy ay ang isang napakalaking lumang bahay na gawa sa bato, ngunit sobrang dumi at mukhang inabandona na ng panahon. May mga magagarang sasakyang nakaparada sa labas, ngunit ang nakakagulat ay ang mga tao sa paligid. May mga babaeng naglalakad-lakad na halos kita na ang buong katawan sa sobrang iksi ng kanilang suot na palda at kulang sa tela na pang-itaas. Kulang na lang ay maglakad sila nang hubad.

Hindi pa man ako nakakaayos ng upo mula sa pagkakahiga ko sa upuan, marahas at malakas na bumukas ang pintuan ng van. Nabigla kaming lahat.

“Baba!” malakas na utos ng driver sa amin. Ang mukha niya ngayon ay hindi na mukhang driver, mukha na siyang bouncer na galit sa mundo.

Walang kumikilos sa aming lima. Lahat kami ay kabado, urong ang dila, at parang nanigas ang mga paa sa sahig ng van.

“Sinabi ng bumaba kayo!” nakakatakot ang kanyang sumunod na bulyaw. Umalingawngaw iyon sa loob ng sasakyan na parang kulog sa tag-ulan.

Dahil sa takot na baka kami ay saktan, mabilis kaming bumaba lahat mula sa loob, bitbit ang aming mga kawawang bag. Ramdam ko ang lamig ng hangin sa labas pero mas malamig ang kutob sa dibdib ko.

“Ay, mukhang nakakatakot dini, Jam...” bulong sa akin ni Leni habang nakakapit nang mahigpit sa braso ko. “Parang iba ang kutob ko dini sa lugar na are. Hindi ito restaurant.”

Tumingin ako sa paligid. Tama si Leni. Walang lamesa, walang tray, at walang amoy ng masarap na pagkain. Niloko kami ng sarili kong kamag-anak. Ibenebenta yata kami sa isang casa, katulad ng mga nababasa ko sa libro.

Humarap ako nang bahagya kay Leni at hinawakan ko ang bulsa ng aking pantalon. Doon ay naramdaman ko ang isang matigas at pamilyar na bagay. Ang aking tapat na kasama na laging dala ng isang totoong taga-Batangas.

“ Handa eh ang iyong balisong na bitbit,” bulong ko sa kanya habang pinatitigas ko ang aking boses para hindi niya mahalata na nanginginig din ang tuhod ko. “At kapag nagkapormahan at pinuwersa tayo, ala eh, lalaban tayo! Hindi tayo nagpunta rito para magpa-api.”

Ngunit bago pa kami makakilos ng maayos, agad kaming kinapkapan ng mga taong naroroon, na parang mga guwardiya sibil

“Hoy! Ano ga? Bakit may paghipo?” awat ko sa kanila.

“Oo nga.. Ano gang hinahanap ninyo?”  tanong naman ni Leni.

Lahat kami ay nakuhanan ng mga balisong sa tagiliran.

“Wow.. ang mga taga bundok na to, mukhang handang lumaban ah!” sabi nila sa amin.

Nakuha nila ang aming huling armas.

“Nasaan si Tita Mandy?” tanong ko sa kanya.

“Sinong Mandy?” tanong ng driver sabay tawa, “walang Mandy dito! Hala, sige, lumakad kayo!”

Nakapila kaming naglakad papasok ng bahay na bato.

Nakatanghod sa amin ang ibang mga babaeng mukhang nakatape na lang ang butas ng mga pwet at kiki.

“Mukhang may bagong narecruit si Madam..”

“Oo nga.. Mukhang tiba tiba na naman siya..”

Rinig namin ang bulungan ng lahat,.

Pagdaan namin sa tapat ng isang pinto, nakita ko si Tita Mandy na kausap ang isang babae.

“Wala ba tayong sabit diyan?” sabi ng babaeng nakaupo sa sofa.

“Wala, Mamu! Matindi ang pangangailangan ng mga yan, kaya kapit sa patalim..”

“Sigurado ka bang virgin pa sila? May mga kliyente tayong darating at handang magbayad ng malaki, basta virgin ang babae.”

“Sigurado yan, Mamu.. walang kaduda duda.”

“Saan mo ba nakuha ang mga yan?”

“Sa Batangas.”

“Magaling.. Oh, ito ang pera.. Two hundred fifty thousand yan. Gaya ng usapan, kapag nasarapan sina Congressman, at nagbayad, may bonus ka sa akin.”

“Salamat, Mamu..” ngumiti siya, saka niya inabot ang pera.

“Tita Mandy!” hindi na ako nakatiis at tinawag ko siya ng pasigaw. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • From Maid to Billionaire's Wife   MANILENYA 58

    “Hindi ko po eksaktong maalala.”“Malapit ka ba sa kaniya para makita ang kaniyang reaksyon at ekspresyon ng mukha?”“Opo.”“Kung ganoon, malinaw mong nakita ang mga nangyari?”“Opo.”“Nakita mong natakot at nanginginig si Amalia?”Isang matagal na segundo ang lumipas. “Opo.”“Nakita mong umiiyak siya habang pinapalibutan ninyo?”“Opo.”“Nakita mong hindi maayos ang kaniyang kalagayan at hirap siyang huminga dulot ng takot?”“Opo.”“Nakita mong kailangan niya ng tulong at sinusubukan niyang lumayo sa inyo?”“Opo.”Napahigpit ang hawak ko sa aking bag hanggang sa mamuti ang aking mga buko sa daliri. Ang bawat “opo” na lumalabas sa bibig ni Bea ay tila isang matalim na pako na ibinabaon sa kaniyang sariling depensa. Dahil siya mismo—ang pangunahing saksi at akusado—ang umaamin sa harap ng hukom.Nakita niya ang lahat. Nandoon siya. At alam niyang hindi ako maayos. Alam niyang nasasaktan at natatakot ako, ngunit wala siyang ginawa.“May ginawa ka ba para patigilin ang mga kasamahan mo o

  • From Maid to Billionaire's Wife   MANILENYA 57

    “Ms. Bea,” panimula ng aming legal counsel, si Atty. Santos. Ang kaniyang boses ay malamig, kalkulado, at may nakatagong awtoridad na gumuhit sa katahimikan ng bulwagan. “Sinabi ninyo kanina sa direktang pagtatanong ng inyong abogado na wala kayong intensiyong saktan si Amalia. Tama?”Bahagyang inangat ni Bea ang kaniyang mukha mula sa namumula at basang panyo. “Opo.”“At sinabi ninyo na ang nangyari ay isang 'simpleng biro' lamang?”“Opo.”“Ang insidenteng pinag-uusapan natin ay nangyari noong alumni gathering sa Tagaytay?”“Opo.”“Sa isang pampublikong ballroom hall ng hotel?”Mahalaga ang lugar. Ang venue ang sisira sa kaniyang depensa.Malaking ballroom iyon. May mga matatayog na aranya, maraming alumni na nakasuot ng pormal, mga bisitang nagtatawanan, at mga staff ng hotel na tuloy-tuloy ang pagpasok at paglabas dala ang mga tray ng pagkain at inumin. At higit sa lahat—may mga taong pumapalibot sa amin. May mga taong nakakita. May mga taong nakarinig.“Gaano karaming tao ang ti

  • From Maid to Billionaire's Wife   MANILENYA 56

    NASA loob kami ng Regional Trial Court sa Tagaytay.Malamig at tahimik ang buong bulwagan, at tila bawat sulok nito ay may nakatagong mga matang tahimik na nakamasid. Mahigpit ang hawak ko sa straps ng aking bag habang nakaupo sa unang hanay ng mga bangko. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ako nagpakawala ng malalim na paghinga mula nang magsimula ang paglilitis, ngunit kahit anong pigil ang gawin ko, patuloy pa ring kumakabog ang aking dibdib.Ilang metro lamang ang layo mula sa akin, nakaupo sa witness stand si Bea.Bahagyang nakayuko ang kaniyang ulo, namumula ang mga mata, at may mga luhang tuloy-tuloy na dumadaloy sa kaniyang pisngi habang hawak ang isang panyo. Kung hindi ko lang alam ang buong katotohanan, baka isipin kong siya ang biktima—siya ang nasaktan.Ngunit alam ko ang lahat. Alam ko ang bawat detalye ng kaniyang ginawa. Alam ko kung paano niya ako ipinahiya, at kung gaano kamuntik nang tuluyang mawasak ang buhay ko ng gabing iyon.Napapikit ako nang mahigpit. 'Huwa

  • From Maid to Billionaire's Wife   MANILENYA 54

    At marahil iyon ang dahilan kung bakit napakalapit ng loob ko sa kaniya. Hindi ko man lang namalayan kung kailan o paano eksaktong nagsimula ang ganitong antas ng tiwala. Basta isang araw, napansin ko na lang na napakahiyang at komportable ko kapag kasama ko siya.Hindi ko kailangang mag-isip nang malalim bago magsalita. Hindi ko kailangang magkunwari o magsuot ng maskara. Hindi ko kailangang maging perpekto. Kapag kasama ko si Jay, puwede lang akong maging payak na sarili ko. Ako, bilang ako. Walang halong pagkukunwari.Siguro may mga taong sadyang inilalaan ng tadhana na maging ganoon sa buhay natin. Hindi mo alam kung paano sila dahan-dahang naging mahalagang bahagi ng iyong araw-araw. Hindi mo rin maalala ang eksaktong petsa kung kailan nagsimula ang lahat. Pero kapag nariyan sila sa tabi mo, parang napakanatural at napakagaan ng lahat.Napahawak ako sa aking noo at napailing habang nakatingin sa kaniya. “Ang ingay mo talaga, kahit kailan.”“Excuse me? Ako pa ang maingay?”“Hindi!

  • From Maid to Billionaire's Wife   MANILENYA 53

    “Hindi naman!” mabilis niyang tanggi habang pumapaypay pa ang kaniyang kamay sa hangin. “Ang harsh mo naman sa akin…”Napangisi ako at napailing sa kaniyang reaksyon. Subalit biglang lumalim ang pakiramdam sa aking dibdib. Naging mabagal ang aking paghinga habang nakatitig sa kaniya.“Pero, Jay…”“Hmmm?” tugon niya habang nakataas ang isang kilay at binabasa ang biglang pagbabago ng aking boses.Napabuntong-hininga ako bago dahan-dahang ngumiti. “Salamat.”Bahagyang kumunot ang kaniyang noo, tila nagtataka sa biglaang pagseryoso ng hangin sa pagitan namin. “Para saan?”“I owe you my life… not once, but twice,” buong katapatan kong sabi habang nakatitig sa kaniyang mga mata.Saglit siyang natahimik. Dumaloy ang isang maikling sandali ng pag unawa sa kaniyang mga mata, ngunit gaya ng nakasanayan, ayaw niyang panatilihing mabigat at seryoso ang usapan. Ngumiti siya nang bahagya upang gagaan muli ang atmospera.“Wala kang dapat ipagpasalamat, Amalia.”“Paano mo naman nasabi?”“Ibinilin k

  • From Maid to Billionaire's Wife   MANILENYA 52

    “Si Bea… at 'yung buong grupo niya.”Napabuntong-hininga ako at isinandal ang aking likod. “Sa totoo lang, hindi ko rin talaga alam.”“Wala ka bang nagawa sa kanila bago ito?”“Wala. Wala akong maalalang anumang atraso sa kaniya.”“Sigurado ka?”“Oo naman, Jay.”“Baka naman may maliit na detalye ka lang na nakalimutan?”“Jay!” pananaway ko sa kaniya.Napatawa siya nang mahina. “Joke lang, ginigising lang kita.”“Ang kulit mo talaga.”“Pero seryoso ako, Amalia. Hindi ko talaga maiwasang magtaka kung bakit ganoon na lang katindi ang inggit at galit na ipinapakita nila sa 'yo.”Napayuko ako at tumitig sa sahig. “Tungkol lang naman 'yon kay Earl noong araw.”“Kay Earl?”Tumango ako. “Akala kasi ni Bea, ginagayuma o inaagaw ko si Earl noong high school pa kami.”Napakunot ang noo ni Jay, tila sinusuri ang logic ng kwento. “Pero hindi naman naging kayo ni Earl, 'di ba?”“Hindi. Kailanman ay hindi naging kami.”“Alam naman 'yon ng lahat, 'di ba?”“Alam ko… at alam din nila.”“Kung ganoon, b

  • From Maid to Billionaire's Wife   BATANGENYA 1: Honey Moon

    PROLOGUE: “Si-sir.. Saglit laang ho.. Ano hong– ano ga hong ginagawa ninyo?” tanong ni Jamilla kay Angelo, habang pinipilit pumasok ng lalaki sa pinto ng kanyang silid.“Bakit? Hindi mo papapasukin ang asawa mo sa silid mo?” halatang nakainom ito, dahil na rin sa tapang ng amoy ng alak na nagmumul

  • From Maid to Billionaire's Wife   BATANGENYA 5: Pagtakas

    HABANG nasa sasakyan kami, panay ang himas ni Cong sa hita ko. Binabaybay namin ang isang kalsadang napapalibutan ng mga puno. Madilim ang paligid at wala halos ibang sasakyan."Cong..." malambing kong tawag."Huh? Bakit?" agad niyang sagot."Kung tutuusin, puwede naman tayong dito na laang sa kots

  • From Maid to Billionaire's Wife   BATANGENYA 4: Swerte pero Malas

    Lumingon siya sa akin, pero walang bahid ng pagsisisi sa kanyang mga mata."Ipa-auction na sila!" malakas na utos ni Tita Mandy.Wala na kaming nagawa nang kaladkarin kami ng mga bantay. Halos mapigtas ang balikat ko sa higpit ng pagkakahawak nila.Bigla nilang binuksan ang isang silid at itinulak

  • From Maid to Billionaire's Wife   BATANGENYA 2: Unang Trabaho

    POV: Jamilla“Totoo ga hong magiging waitress ako doon, Tita? Hindi ga ho ako magiging tagahugas ng sangkatutak na plato?” tanong ko kay Tita Mandy. Pinsan siya ng tatay ko, ngunit masyadong obvious sa ngayon ang agwat ng aming buhay.Si Tita Mandy ay tipikal na isang “Rich Tita”. Kung makikita m

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status