Share

KABANATA 4 : GAIA

Author: GHIEbeloved
last update Last Updated: 2021-07-14 17:57:48

    Napatigil ako sa mga katagang iyon. Hindi dahil sa takot sa taas ng boses niya. Kung hindi dahil sa isang gintong tungkod na niluwa ng lupa sa tapat ng kamay nito na agad nitong hinawakan.

    Para akong mabingi matapos iyon dahil hindi na ako makapagsalita pa. Hindi maayos nairerehistro ng utak ko ang lahat nang nakikita ko mula kanina. At natatakot akong tanggapin na totoo rin ang mga binibitawan nitong salita.

     Tumalikod ito sa akin dala-dala ang kumikinang na gintong tungkod. Humarap ito sa gawi ng burol kung nasaan ang gubat. May isang malaki at matandang puno ng balete roon na nakakakilabot pagmasdan.

    “Batid kong napansin mo ang walang hanggang sakop ng kagubatan kanina,” pagiiba nito ng usapan. “Hinahati ng isang linya ng kagubatang ito ang baryo kung saan kayo naninirahan,” tuloy pa nito habang papalapit nang papalapit sa balete.

    Tinanaw ko muli ang tinutukoy nito. Totoo ang sinasabi niya, nakita ko iyong lahat sa himpapawid kanina. Nagtitila pader ng mga puno ang kagubatan mula sa aming baryo. Ni wala kang matatanaw na sinag ng araw sa loob nito, kaya naman walang nangngangahas magtayo ng tirahan malapit sa kagubatan, maliban sa mga Gravesend.

    “Walang sino mang nakakapasok sa kagubatan ang umuuwing buhay. Hindi dahil sa mga nilalang na mayroon sa loob nito. Kung hindi dahil sa sekretong taglay ng kagubatang kinalakihan at kinatatakutan niyo.”

    Sekreto?

    Kunot noo kong pinagmasdan ang pag-angat nito sa hawak niyang tungkod. At agad na napaatras nang gumuhit ang isang kakatwang liwanag mula sa puno ng balete hanggang sa kalangitan. Unti-unti itong nahawi ng malakas na hangin na tila ba isang kurtina lamang na nakaharang.

“A-Anong...” pigil kong bulalas.

    Hanggang sa tuluyan kong Ikatigil ang paghawi niya roon ng tuluyan, dahilan para ito'y bumukas na wari mo'y isang lagusan. 

    Hindi ako makapaniwala....

    Isang paraiso, isang paraiso ang sumilip sa burol. Paraisong may mas maliwanag na sinag ng buwan kaysa sa kung anong mayroon sa baryo.  Ikinakurap ko pa ito ng paulit-ulit, dahil napakaimposible ng mga nakikita ko.  

    Ang kagubata'y nagpalit ng anyo, naging isa itong napakalawak na hardin. Berdeng hardin na kinalulundayan ng iba't-ibang mga bulaklak batay sa mga kulay nito. Mga kulay na napakaimposibleng madepina sa kalagitnaan ng gabi. Ngunit dahil sa kakaibang liwanag na taglay ng paraisong ito'y nakikita ko ito ng malinaw.

    Kakaiba at napakasariwa ng simoy ng hanging dumampi sa akin galing sa paraiso. Malayong-malayo sa maruming hangin ang meron sa baryo,  o ang nakasisikip sa hiningang hangin ng kagubatan.  

    Hindi ko na namalayan na nakasakay na muli si Quillon sa kanyang Longma. Boluntaryo ko itong ginaya at muli kaming pumaimbabaw sa himpapawid. 

    Halos hindi ako makagalaw sa pagkamangha ko sa paligid. Tila ako nasa ibang mundo, walang bakas ng tao sa lugar na ito. 

    Napakaberde at tingkad ng mga kulay ng halaman, damo, maging ng mga bulaklak sa hardin.  At ilang sandali pa'y natanaw ko pa ang isang asul na lawa sa gitna ng paraiso. Na halos kuminang sa sikat ng kung anong liwanag sa ibabaw namin. 

    Napakaimposible, pero napakalinaw rin ng dalang tubig nito.  At tanaw na tanaw ko ito kahit ilang kilometro pa ang layo ko.  

    Ilang segundo lang ay tuluyan kaming nakalapit sa lawa.  Ngunit ipinagtakha ko ang mangilang tila angging pumapatak sa balat ko.  Hanggang matanaw ko ang dalawang bahagi ng lawa na kinababagsakan ng napakaraming tubig galing sa langit.  Tila ito talon...  Pero... Pero saan iyon galing? 

    Agad akong napatingala sa aking pagtatakha. Na agad ko ring ikinalunok nang matanaw ko ang isang dambuhalang bagay sa ibabaw ng lawa. 

    Isang kontinente....

    Isang napakalaking kontinente ang nakalutang doon, ang pinangagalingan ng talon. Ang kontinenteng nagtatago sa makakapal na ulap sa itaas..

    Paanong...

    Ngunit napahawak ako nang husto sa Longma, nang biglaan itong lumipad paibabaw ng kontinente. Hindi ko na matanaw pa si Quillon, kaya nagtiwala na lang ako sa Longma na ito. 

    Sa ilang sandaling paglagpas sa nagkakapalang ulap ay hindi ako nito nabigong pamanghain.  Tuluyan akong napatulala sa kagandahan ng tila isa pang mundo sa ibabaw ng kontinente. Kontinenteng tila sampong beses pa  ang laki sa bansang Enyd. At  kontinenteng mas maganda pa sa paraisong nakita ko sa ibaba.

    Apat na kulay ng nayon ang natanaw ko,  mga nagtila kaharian dahil sa ganda at gara ng mga gusali roon.  Pula, abuhin, bughaw at kayumangi ang kulay ng mga nayon na kinagigitnaan ng luntian at pinaka-agaw atensyong kaharian sa lahat. Kahariang may tila berdeng kristal na napakataas na gusaling halos humalik na sa kalawakan.

    Nakapagpapanatili ito sa aking tikom dahil sa lubos kong pagkamangha.  

    Pa-Paanong nagkaroon ng ganitong paraiso sa kinatatakutang gubat ng lahat?

    “Hiyah!” Nabalik ako sa realidad ng marinig ko si Quillon. Napansin ko ang tila pagmamadali nito. At gaya ng puti nitong Longma'y binilisan na rin ng nilalang na sinasakyan ko ang lipad. Bagay na hindi ko ininda, hanggang sa isang kung anong sa hangin ang napansin kong gumagalaw. 

    Papalibot kami sa kontinente nang mapasingkit ang mata ko sa tila isang dambuhalang nilalang na lumalangoy sa kalangitan ang mababangga namin.  Halos hindi ko na maaninag ang bagay na ito na tila imahinasyon ko lang.  Ngunit nang umungol ito ng napakalakas ay agad kong hinawakan ng mahigpit ang buhok ng Longma sa batok nito! 

    “Tigil!” sigaw ko sa Longma na ikinahiyaw rin nito. 

    Isang balyena! Isa nga itong tila ispirito ng balyena na lumalangoy sa kalangitan! 

    Napatigil ang Longma na tila huli na dahil mababangga na namin ang ulo ng dambuhalang nilalang!  At alam kong hindi niya ito nakikita kaya naman sinabunutan ko pa ito upang ilihis ang dereksyon nito papakaliwa.

    Napagtagumpayan ko iyon, ngunit halos ikatigil ng paghinga ko nang makasalubong ko ang mata ng balyena. Kasing laki ko ang mata nito.  Kumikislap, na tila ba gulat rin na nakita ko siya. 

    Bagay na agad kong ikinabalik sa realidad nang magsimulang magwala ang Longma. 

    “Teka!  Huwag! Tumigil ka!  Malalaglag ako!” inis kong sabunot na ikinagaslaw lang nito lalo.  Nagulat ata sa ginawa ko kanina. Pero sana man lang kasi nakita niya na may tatamaan kami!  

    Pambihira! Naturingang taga rito sa lugar na ito eh!

    Lumipad pa kami papaitaas at tila hindi napansin ni Quillon ang anumalyang nangyari. At ilang sandali pa'y narating namin ang tuktok ng isa pang bundok na pinanggagalingan ng talong malayang dumadaloy pababa ng lawa sa ibaba. Hindi na ako nagtatakha kung bakit iyon nakagagawa ng bahaghari sa lawa, dahil napakataas pala ng pinanggalingan nito. 

    Ngunit ang pagkakataon rin iyon ay hindi ko na pinakawalan para magtanong

    “N-Nasaan ako?” tanging salitang nabitawan ko kay Quillon. Matapos malunod sa lahat ng natatanaw ng aking mga mata. 

    “You are now seeing the Place of Myth and Tales. Welcome to Gaia.”

    Ikinatikom ko ang mga binitawang salitang iyon ni Quillon. Hindi ito magrehistro sa utak ko.

    Gaia? Parang narinig ko na sa mga taga nayon ang lugar na iyon. So totoo? Totoo ang lugar ng mga nilalang sa mga alamat?

    Mapait kong ikinangiti ang realidad na sumampal sa akin. 

    Nakakatawa lang... nakakatawang kailangan ko nang mamuhay kasama ang mga bagay kahit kaila'y hindi ko pinaniwalaan. Mga kwento at haka-hakang kadalasan kong pinalalagpas lang sa tainga ko. At nakakatawang ang lahat ng tinatawanan ko lamang dati'y totoong-totoo. Nang unti-unti nang matanggap ng utak ko ang lahat ay hindi ko mapigilang mapagngalit ang panga ko. 

    Dahil kung gayong totoo ang mundong ito... Totoo ring nasa lugar na ako ngayon ng mga nilalang na pumaslang sa ama at kapatid ko. 

    Mahigpit kong naiyukom ang kamao ko.

    “Anong problema?” tanong nitong nakapagpabalik sa akin sa realidad. Ngunit hindi ko lang ito sinagot at pinagmasdan lang ang makapal na gubat ang pumapalibot sa paraiso sa ibaba. May kung anong berdeng bagay ang lumiliwanag roon. At hindi ko maintindihan ang kabang nararamdaman ko sa pagtitig lang roon.

    “Bumalik na tayo sa palasyo,” utas ni Quillon na lubos kong ipinagpasalamat dahil tila may kung anong pwersa sa gubat na iyon ang nakakapag-akit sa akin. Hindi ko maintindihan. 

    Pero anong palasyo ang sinasabi niya?

    Mabilis na lumipad ang longma papababa ng kontinente. At ikinagulat ko ito nang tanawin ko kung saan kami nanggaling kanina. Ang bahay ng mga Gravesend ay tila lumaki ng isang daang ulit sa normal nitong anyo sa baryo.

    Palasyo..  Palasyo ng mga diyos...

    At wala na lang akong ibang nagawa kung hindi ang mapailing. Ano pa bang aasahan ko? Diyos sila ng lugar na ito. Dapat nga talagang sa isang palasyo sila nakatira.

    Napakalaki at may klasikal itong disenyo, malayo sa nakakatakot na nitong itsura sa mundo namin. May mga kumbinasyon itong bumabagay sa isat-isa, ang pula, puti at gintong kulay sa ilang bahagi nito. 

    Napaliligiran ang palasyo ng mataas na pader, na kinakakabitan ng ginintuang tarangkahan, na mas makapal pa sa kung anong mayroon sila sa amin. 

    Bumaba ang Longma sa isa sa mga tore ng pader.  

    “Salamat,” halik ni Quillon sa noo ng puti nitong Longma. Matapos nito'y pareho na ang mga itong lumipad papalayo. 

    Nagkaroon ako ng pagkakataong mailibot sa palasyo ang paningin ko. Wala akong nakikitang tao sa palasyo.  Ni kawal o kung ano.  Para itong abandunado, walang katao-tao, o miski anong nilalang man lang. Huli na nang makaramdam ako ng lula dahil sa taas ng kinapwepwestuhan ko ngayon. Nilingon ko ang kabilang bahagi, upang tanawin sana ang kontinente. Ngunit literal na natigil ang hininga ko sa ganda ng mundong ito sa papasikat nang araw.  

    Halos nagkulay kahel ang malawak na damuhan, ang kontinente'y nababalutan na ng kakaibang kulay sa ibabaw nito. Lila, asul, berde. May kung anong kaganapan sa himpapawid doon. Pero hindi ko iyon masyadong matanaw. Ang lawa'y halos kakulay na rin ng papasikat nang sinag ng araw. 

    Hindi ko namalayan ang oras. Maguumaga na pala. 

    Si Lola kaya? Inalagan na nila?

    “Lumapit ka sa akin.” Agad akong napalingon kay Quillon nang magsalita ito. Iba na ang kanyang kasootan. Ang pormal na soot niya kanina'y napalitan ng magara at eleganteng baluti. Mukha na siyang Hari. 

    Hindi ako nakakilos dahil sa pagkamangha ko sa kasootan nito, na agad nitong ikinainip at siya na mismo ang lumapit sa akin. Mabilis ako nitong hinawakan sa braso, at sa isang iglap ay nasa ibang lugar na naman ako.  At napakasakit niyon sa ulo. Para akong naalog na ewan.

    “Ako si Quillon, ang ikalawa sa mga diyos. Isa sa mga kapangyarihan ko'y makapunta sa iba't-ibang lugar sa pinakamabilis na oras kong gusto. Teleportation sa ingles,” pagpapaliwanag nito na ikinatikhim ko lamang habang sabu-sabunot ang likuran kong buhok.

    Sa panandaliang pamamahinga'y napuna ko na kung nasaan ako. Nasa isa na akong silid na sampong beses ang lawak sa silid na mayroon ako sa bahay ng mga Mendez. Sigurado akong nasa loob na kami ng palasyo dahil tanaw ko sa bintana ang toreng kinaroroonan namin kanina. 

    “Ito muna ang magsisilbi mong silid habang inaayos pa ang papeles mo sa Akademia. Mananatili ka sa lugar na ito para pag-aralan ang kulturang mayroon ang Gaia. Bukas ay darating ang guro na magtuturo sa iyo at inaasahan kong makabisado mo iyong lahat.”

    Akademia? Iyon ba ang tawag sa pupuntahan naming lugar? 

    “Pagkatapos niyo'y sasailalim ka sa isang ritwal upang matukoy kung anong lahi sa mundong ito ang babagay sa'yo.”

    Agad akong napatingin sa kanya nang bitawan niya ang katagang iyon. 

    “Teka, lahi?”

    “Oo, sasailalim ka sa espesyal na ritwal para tukuyin ang nararapat sa iyong anyo bilang residente ng Gaia,” paglilinaw nito pero hindi ito naging sapat.

    “Pero bakit? Anong mali sa anyo ko? Bakit kailangan akong mapabilang sa mga nilalang sa mundong ito? Hindi!  Ayoko!”

    Ngunit napatigil ako nang ang kalmadong si Quillon ay kinabalutan ng itim at nakakatakot na tila enerhiya na lumalabas sa katawan niya. Kasabay niyon ang pagliliwanag ng mga mata nito na agad kong ikinanigas. 

    “Makinig ka. Ang mortal ay kinamumuhian sa mundong ito. Kayo ang dahilan ng pagkasira ng lahat ng likas na yaman sa daigdig. Kaya kung ipagpililitan mo pa ang nais mo'y siguraduhin mong handa ka ng mamatay. Dahil walang makapagpapatawad sa'yo rito,” tuluyan nitong pagsabog na nakapagpatigil sa paghinga ko. 

    K-Kung gayon.... 

    “Kung sa bagay. Ano pa bang aasahan ko sa isang mortal? Mga walang kapangyarihan pero sila pa ang mapagmalaki.” Umiwas ito ng tingin sa'kin nang may pagkadismaya. 

~To Be Continued

 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • GAIA AKADEMIA: The Place of Myth and Tales   Kabanata 118: Power of Love

    Nang dumating ang grupo sa Nero ay agad silang nalapasok bilang mga ibang lahi. May pinainom s akanilang mapagpanggap na mga gamot upang magaya ang nga lahing kampi sa kanila. kaya namab agad nilang nakapasok sa Kaharian.Ngunit laking gulat ng mga ito na makita si Morriban na nasa tabi ng trono ng kalaban."Hagan? Anong ibig nitong sabihin?" Giit na sabe ni Tamara nang hindi napapansin ng mga kwarta sibil ng kaharian ng Nerro.Pero bago pa man sila masagot ni Hagan ay isang nalakas na hiyaw ang bumalot sa buong plaza.At ikinagulat nila nang makuha ng isang dambuhalang nilalang si Asya. Hawak hawak siya sa leeg nito na paulit ulir na humihingi nh tulong sa ating apat. "Asya! " Pinilit sanang magtago ng lahat nginit hindu mapigilan ni Mischa na hindi lumabas upang mailigtas ang kanyang kapatid. "Intruder!" sigaw ng mga maliliit na nilalang galing sa mga the wicked at nalaman nalang nila Hagan na napapaligiran na sila ng nga nilalang na hayok silang pagppatay patayin. "Mga lapastan

  • GAIA AKADEMIA: The Place of Myth and Tales   Kabanata 117: Finally Met

    Third Person's Point of View"Pero kung titignan sino talaga ang may kamalian? " tanong ni Gavin kay Hagan hsbang tinatathan ang malamig na daan. "Ang monseho ang may kamalian dahim wala silang balak nilang iligtas si Morriban ay wala na. Wla ana dahim ano! DhIl s ang sandatang pinagawa s samin ni Sir Elisae."TUMIGIL KA! Ang nakatakda ay nakatakda! Ngunit kung hindi magbabago ang tadhana at tuluyang maisakatuparan ni Morriban ang propesiya'y wala na akong ibang rason para buhayin siya! " Malakas at nakakatakot na boses ang pumailanlang sa buong silid. Galing ito sa pinakamatandang myembro sa pamilya ng Gravesend, si Artimus. Galit na sinasabayan ng pagkislap ng pula nitong nga mata. Bagay na ikinadagundong ng buong mansyon at nakagawa ng malakas na paglindol.Ikinaatras iyon ni Morriban, na hindi sinasadyang mapadaan sa silid kung saan nagpupulong ang mga nakakatanda. Kanina pa ito nakikinig sa pagpupulong ng mga ito at hindi inaasahan ang mga maririnig. Mangilang segundo itong napa

  • GAIA AKADEMIA: The Place of Myth and Tales   Kabanata 116: Adventure

    Third Person person point of viewNakarinigv ng ingay patungk sa Kay Morriban si Hagan at gavin."Paanong ililigtas natin sila eh hindi naman nating magagawaNg itearidor ang sarili naging kalaban. Hinding hindi." Lugmok ang mga balikat na inunahan ni Hagan sa paglalakad si Gabin ng bbalik na ang mga ito sa head quarters.Ngunut ikinagulat ni Hagan ng pigilan siya ni Gavin."Sasama ako sa inyo. Iligtas natin si Morriban sa Nero."Tahimik naming sinundan ang dalawang Jinn kasabay si Alek. Bakas naman ang pagaalala ng mga naiwanan naming myembro dahil sa komosyong ginawa ng mga kawal ng konseho. Pero tonanguan ko lang naman si Mischa na nakasilip sa bintana upang kami ay tanawin bilang paalam. Wala naman kasi sigurong mangyayaring masama kung kakausapin man kami ng konseho. Dapat lang naman talaga nilang ipaliwanag sa amin ang lahat ng nangyari dahil kamuntik nang may masamang bagay ang mangyari kay Morriban. Isang karwahe ang nadatnan namin sa pagsunod namin sa dalawang Jinn. Isa iton

  • GAIA AKADEMIA: The Place of Myth and Tales   Kabanata 115: turn over point

    Hagan Point of View.Inis akong napatingin kay Gavin nang hilahin lang ako nitto kung saan. Hindi ko siya maintindihan. Ilang beses ko nang kinukuha ang braso ko mula sa kanyang mga kamay na halos kinababa na ng kanyang mga kuko dahil sa galit na alam kong ramdam niya. Kakaiba naman kasi talaga si Gavin. Kumpara sa kanyang kapatid na si Grant. Si Gavin ang pinakamatinong version nilang magkakakapatid. Pero ano ba ang iniisip ng isang itto? Ano ang sinasabi noyang kailangan kong harapin ang Konseho para lang mailigtas si Morriban? Hindi ba kayang ako na lamang ang kumilos?Kung maaari lang na ako na lamang ang kumilos ay ginawa ko na. Dahil ayoko na na may makpahamak pang kung sino sa kanila..Dahil sa inis ko ay marahas na akong huminto at pinigil si Gavin. Hindi ko na inalintana ang naging kalmot s aakin nito mula sa kanyang pagkakaladkad sa akin."Bitawan mo nga ako!" Sigaw ko sa kanya.Napadpad kami sa isang dungeon na hindi ko alam kung bakit naming pinupuntahan ngayon.Tumigil r

  • GAIA AKADEMIA: The Place of Myth and Tales   Kabanata 114: Talk

    Third Person POV"Hagan!" Napakurap ang binatang si Hagan nang tawagin siya ng isang malakas na tinig.It was Tamara. Hindi na namalayan ni Hagan na nasa klase na sila kasama ang mga napiling Keeper. At kasama sila roon. Ngunit dahil sa pagkawala ni Morriban ay hindi na nakausap pa ng maayos si Hagan.Sinisisi nito ang kanyang sarili sa pagkawala ni Morriban sa kanya pang harapan. Ni wala itong nagawa sa harap ng kanilang mga kalaban, dahil tulad ng dati ay nanigas ito sa kanyang kinatatayuan gaya ng pagkakaagaw rin ng kalaban sa malay ng kanyang Lola."You know what, kung hindi ka magseseryoso, sana tinanggihan mo nalang ang karangalan mo para maging Keeper ng Gaia." Usal ni Grant habang patuloy na nagsusulat. Ikinagulat iyon ng lahat, Napuno ng tensyon ang kwarto dahil ramdam ng lahat ang seryosong aura ni Hagan simula nang mawala si Morriban. At walang nakakaalam kung kelan ito sasabog, dahil kung sumabog ito ay paniguradong ito ay magiging mapaminsala. Hanggang tahasang tumayo s

  • GAIA AKADEMIA: The Place of Myth and Tales   Kabanata 113: From inside out

    Third Person Point of View"Ito naman ang tinatawag na Mana. Ang klase ng aura na pwedeng gamitin sa lahat ng bagay gaya ng ginawa ko kanina."Nakatulala lang at walang maintindihan ang nga estudyante ni Eliasar sa kanyang mga sinasabi. Bagay na agad niyang ikinatingin sa gawi ng kanyang anak na si Eliot. Nagpakita ito ng pagkadismayang tingin sa anak. Pero nag kibit balikat lamang ito at ikinabuntong hininga ni Eliasar."I get it, kailangan niyo munang mabuksan ang mga mana point sa inyong mga mata, upang makita niyo at maintindihan niyo ang aking sinasabi at ituturo." Sabi nito sa lahat."Hagan, tama?" Mabolis na tinuro ng matanda si Hagan na nagitla rin naman."Yes sir!" Sagot nito."With no doubt, I know he already opened his mana point, pero sa nakikita ko ay hindi pa iyon gaanong bukas."Pagpapaliwanag ni Eliasar na naputol nang magtaas ng kamay si Morriban."But how can we obtain that skills? How can we open our mana point?" Asar nitong tanong dahil sa nararamdmaang ingit kay

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status