Hagan’s Point of View
“Yes, Tyree. Human is part of the world we lived in, kaya sa ayaw mo’t hindi, tungkulin ng Akademia ang pangalagaan maging ang kanilang mundo.” Matatag na sabi ni Sir Eli at nagbalik muli sa walang pagpakielam ang mga mata nito.
“You are not the only race here that lost their loved ones because of human deeds. But if you are that crybaby, you may leave this room now and come back to where you belong.” Tumalikod muli ito sa amin at nagsulat sa pisara.
Nanatili naman ang tingin ko sa magkapatid na si Tyree at Tamara. Padabog na kinalas ni Tyree ang pagkakaawat sa kanya ni Dalo at Mischa. Kasabay ng tahasan sanang paglabas ng silid ngunit ikinagulat naming lahat nang mabilis na tumayo si Tamara at hinampas ng kamay nito ang batok ng kapatid. Na naging dahilan upang ito ay matumba na agad niya rin naman sinalo.
“Tamara?!” bulalas ni Mi
Tahimik na pumasok ang grupo nila Hagan sa cafeteria habang pinagmamasdan ang mga kaeskwela na lubos na ginagasta ang laman ng golden card na ibinigay sa kanila ng kani-kanilang mga guro. Pero hindi naakit ang grupong ito sa mga nakikita, sa halip ay mas tibay pa nila ang kanilang loob para hindi matuko sa mga nakikita. Bagay na naging tagumpay dahil umalis ang siyam na magkakagrupo sa counter na sapat lamang ang dalang pagkain sa kanilang mga tray na ibinigay ng mga diwatang nagtratrabaho sa kusina ng Akademia. Nang makakita ng isang bakanteng lamesa si Mischa ay madali niyang sinipulan ang mga kasama upang umupo roon nang magkakasama. Bagay na ikinakasya naman nila dahil sa may habaan ang kutdradong kainan sa cafeteria na iyon para sila’y magkasya. “Magaling ang ginawa niyo, guys,” unang puri ni Hagan sa lahat na takam na takam na sa mga grupo ng pagkaing kanilang kinuha. “Alam kong hindi kami sigurado sa mga napagusapan nating lahat t
Tahimik at hindi makapaniwalang napaupo ang grupo nila Hagan matapos ang eksenang ginawa ni Morriban. Lahat ng mga ito ay napatitig sa dalaga, nang maging ang walang pakielam nitong reaksyon ay nagagawa niyang gawin. Agad namang napansin ni Morriban iyon at ipinaikot lang ang mga mata para sa kanilang lahat.“What?” Inis nitong simalmal sa aming lahat na ikinabuntong hininga na lamang ni Hagan nang makailang beses.“Iba ka talaga,” mahinang komento ni Hagan at napatingin na lang sa iba niyang kagrupo nang sabay-sabay ang mga itong nagbigay ng komento sa dalaga.“Astig kang babaita ka!”“I didn’t even expect that you can say that to him! Especially him! Gavin!” bulalas namang komento ni Tyree na akmang aappiran si Morriban pero iniwasan niya lang ito ng tingin na agad nitong ikinatigil.Ngunit para hindi mapahiya, si Mischa naman ang nagkome
Tahimik na naglakad ang dalawa pabalik sa masukal na daan na kinatutumbukan ng kanilang silid aralan. Ang tahimik na si Morriban ay mas lalong tumahimik para kay Hagan. Bagay na ikinabahala nito sa dalaga, dahil sa tono ng pananalita nito kanina ay nasasaktan ito.Makailang ulit na napapasulyap ang binata sa mukha ni Morriban dahil sa pagaalala nito. Hindi rin naman nito alam ang sasabihin dahil nakikinita na nitong hindi lang siya sasagutin ni Morriban. He wanted to open a new topic but he doesn’t have the gut to speak out to her. Morribans’ aura is too cold for him para malaman kung tama bang kausapin niya na ito o hayaan na lang na mag-isa. Until she broke the long silence between them.“Kapag ba tinalo natin sila… Ang magkapatid na Griffin. Pwede na ba nating makuha si Denzell mula sa kanila?” Madilim ang tanong na iyon ni Morriban. Ngunit seryoso lang iyong ikinalingon ng binata sa kanya. Saglit pa itong n
Nagliwanag ang mga mata ni Morriban sa nadinig kay Andreas. Hindi ito makapaniwala kaya naman agad niya pa itong sinapok sa dibdib. Na siya na mismo ang nasaktan dahil sa tigas ng dibdib na iyon gawa ng mga kaliskis na ng dragon na naroon.“As in seriously? Are you serious about everything you say?” Nangingilid muli ang luha ng dalaga sa dahil dito ngunit agad niya itong pinunasan nang makarinig ng ingay na alam nitong mula sa kanyang mga kasamahan na paparating na. Dahilan para naman mabilis nitong hilahin si Andreas at nagmamadaling kinaladkad sa loob ng klase. Doon at naabutan ng dalawa si Hagan at Reese na kinakausap ang kanilang propesor na si Eliot.“Ayon! Sa wakas! Umh, Sir. Siya po pala ang tinutukoy kong isa ko pang kasama. Si Andreas,” pangunguna ni Reese sa humahangos na binata.Ikinagulat naman ni Eliot at presensya ng isang nilalang na dragon sa kanilang lugar. Mataman itong tumayo at
"Wait!" Napatigil ang lahat nang biglaang napatayo si Dalo sa kanyang kinauupuan, tumuntong ito sa kanyang mesa upang mas makita nang lahat at mas makita niya ang kanilang guro. Ngunit ang agarang reaksyon ay tila nakapagpakagat sa kanyang sariling dila upang tulala at buong mangha lamang sa narinig na rebelasyon. Hindi ito makapaniwala sa nadinig"Ikaw? Ikaw si Eliot? Eliot, ang magiting na Guardian mula sa Nero kingdom. Ang isa sa mga bayani ng bagong henerasyon?" bulalas nito sa guro na agad ikinangiwi ng propesor.Hindi nito alam ang magiging reaksyon sa mga nangyayari, lalo na’t hindi ito sanay tumanggap ng papuri sa kadahilanang hindi nito nais na makarinig ng mga iyon sa kanyang harapan. Ito ang dahilan ni Eliot kung bakit siya nagturo na lamang sa taong ito sa klaseng alam niya na hindi siya makikilala bilang siya. Ngunit hindi rin naman nito inaasahan na siya rin mismo ang sisira sa plano niyang itago ang sariling pagkakakilan
KABANATA 35:"Pamilyar na siguro kayo sa mga natural na katangian at pagkakakilanlan ng bawat isa." Pagsisimula muli ni Eliot sa kanyang mag estudyante at hindi na pinansina ng mga nagatatkhang mga ekspresyon ng mga ito."Ang mga Elf, na taga protekta ng kalikasan. Ang mga Earth wolf na may kakayahang magingabangis na hayop kapag nasa maitaas silang punto ng kanilang emosyon. Ang mga Maiar na pinagpala ng mga espirito at may kakayahang kumontrol ng apat na elemento. At ang mga dwarf, orc, at trolls na may kanya-kanyang katangian at responsibilidad base sa kani-kanilang mga lahi." Tuloy tuloy na paliwanag ng kanilang guro na ikinasangayon naman nilang lahat dahil simulat sapul ay iyon na ang pinagaaralan ng mga ito mula sa kanilang elementarya ang mga pagkakakilanlan ng mga nilalang sa kanilang paligid. Lalo na’t ang Gaia ay tirahan ng iba’t-ibang nilalang galing sa iba’t-ibang sulok ng mundo.“At
Hagan’s Point of ViewIlang beses kong kinakusot ang aking mga mata nang isang babae ang biglaang lumitaw sa tabi ni Sir Eli. Napakaputla ng babaeng ito, pero alam kong hindi nalalayo ang edad nito sa aming propesor. Ang kaputlaan nito’y halos humawa na sa kulay ng kanyang labi na tila tuyong-tuyo. Ang buhok din nito ay sabog-sabog na para bang nasabugan ng kung ano. Ngunit sa kabila ng lahat ng iyon ay nananatiling kumikislap ang pagkasabik sa mga mata nito.Napakawirdo nga’t maging ang pagangal sa kanya ni Sir Eli ay tila lumabas lamang sa tainga nito dahil sa kaabalahan ng babae sa pagtitig sa aming lahat. Nakasalubong ko pa ang mata nito at ikinanlaki ng mga mata nito ang presensya ko. Na para bang nakakita siya ng isang magandang bagay sa akin at nakakailang iyon.Hindi ko alam kung kaya ko bang maniwala sa mga sinabi ni Sir Eli kanina tungkol sa aming lahi. Makakaya raw naming makausap ang likas na yaman maging
Morriban Point of View"Morriban ayos ka lang?" tanong sa akin ni Andreas bago ako pumasok sa aming dorm ngunit hindi ko lang ito pinansin at nauna na lang na pumasok. I've heard them talking about my back, calling out my name, especially that human Hagan. But I still refuse to regard them.Mabilis lang akong umakyat sa silid naming mga babae at nahiga sa kama na nakapangalan sa akin.Pinipilit ko lamang pakalmahin ang sarili ko mula sa nangyari kanina sa klase. Ngunit hindi ko na iyon kaya pang panghawakan kaya naman nagmadali na akong umuwi.Ang nangyari kanina sa klase...Ang pagpapalabas ni Sir Eli sa kanyang aura. Ang takot at kilabot na naramdaman ko. Ang tila nakauubos ng kaluluwang pakiramdam. Ang panglalambot. Ang lahat-lahat ay kaparehang-kapareha ng naramdaman ko noong nakaraang araw. Noong muntik na kaming mamatay lahat dahil sa engkwentro sa isang Wicked ones.