Share

Chapter 2

"It's safe," Yel said after tasting the food on the plate to ensure that it's not poisoned before her client eats it.

Five years have passed, Yel started to run a business with her friend and make a name for herself as a restaurant owner at such a young age.

Golden Cuisine became successful and well-known, she even got included to the country's eligible bachelorrete list this year.

But her will to die haven't changed.

She still wants to die for the sake of others, regardless of if they are her family, a friend, or someone special. As long as they deserve to live than her.

And right now she's risking her life for the nth time. How she got this job? It's because of a benefactor, sending her into missions with her life on the line, but destiny on her side. She knows it, proven and tested, ilang beses na niyang sinusubukan mamatay, isama na ang hindi sinasadyang delikadong nangyari pero eto, she's still alive and kicking. 

Nasa isang fine dining restaurant sila ngayon kasama ang client niyang si Jessi. Ilang araw na rin mula nang pinadala siya para magtrabaho rito ng benefactor niya.

Pagkatapos niyang samahan ito mag shopping at mag-mall ay pinag-drive na niya ito sa bahay nito.

8:30pm na nang tumingin siya sa wrist watch niya habang pabalik sa Golden Cuisine. Dahil hindi niya dala ang kotse niya ay nag jeep siya papunta sa GC (Golden Cuisine). 

Pagkababa ng jeep ay nagmadali siyang naglakad patungo sa GC, 11pm pa ang closing hour nila kaya may oras pa siya para magtrabaho. Advantage ng sariling business at pagiging boss, pwede kang pumasok sa oras na gusto mo.

Parang nababagalan pa siya sa pace niya kaya tinakbo niya na ang daan patungo sa gate, sakto namang habang tumatakbo siya ay may sumabay na pagtugtog ng drums ng mga nage-ensayo para sa isang parada kaya para tuloy siyang nasa pelikula na may background music.

Nang makarating sa loob ng Golden Cuisine ay marami-rami pa ring tao. Hindi naman masama ang mood niya, hindi rin maganda, kaya tumulong siya sa Rotisseur station kung saan pinaka-busy at hindi ulit exposed sa ibang tao.

────── 〔GↃ〕──────

Kinalabit ni Milverton, isa sa mga camarero sa balikat si Yel na busy sa pagbibigay ng ingredients sa chef.

She shove his hand off like it's disgusting. Humarap si Yel sa kanya habang nakakunot ang noo.

'Ang sungit talaga,' iritado at offended na naisip ni Milverton. Ayaw ni Milverton sa kanya at ayaw niya rin dito. Ang nanay lang ni Elle ang nag-insist na ipasok ito sa Golden Cuisine. 

"Bakit?" nakakunot na tanong ni Yel habang nakatingin sa faucet sa likod ni Milverton. 

"May pinuntahan kasi saglit si Elle, eh nasa labas na naman yung nakaraan niya," imporma ni Milverton na parang gusto siyang palabasin at kausapin iyon. 

Dahil nag-aayos nalang naman sila sa loob dahil closing hour na ay lumabas na si Yel para kausapin ang lalaki.

Pagkatapos niyang kausapin ang nakaraan ni Elle ay dumating naman ang huli. Nang mai-lock na ang dapat mai-lock sa restaurant ay nagpaalam na silang dalawa sa mga staffs. 

Habang nasa loob ni Sade, ang kotse ni Yel ay hindi niya inaasahan ang tanong ni Elle at natawa nalang siya. Pinaghihinalaan siya nitong may namamagitan sa kanila ng ex ni Elle, dahil naabutan pala sila nitong nag-uusap kanina. 

Pagkatapos ihatid si Elle sa bahay nito ay nagmaneho na siya pauwi sa kanila. Nang makapasok sa bahay ay kinuha ng mama niya ang atensyon niya

"Yelsha, magd-despedida ang tita mo, uuwi ng Japan. Sa restaurant mo magce-celebrate ha?" masayang sabi nito.

"Haiii..." Yel said yes like she has no other choice but to obliged. 

Umakyat na siya sa kwarto niya at ginawa ang kaniyang night routine.

Nang matapos ay nakaupo na siya sa kama at nakasandal sa headboard nang makatanggap ng sms. 

From: Boss

We already assured that there's no danger for Ms. Jessi anymore. Jessi's case's settled. 

New mission: Matsuri

In need of close protection. 

You need to fly to Japan. 

[ Then there's the profile of the client, showcasing the basic informations and the reason why a close protection is needed. ]

Let me know if you will accept it. 

  - C. S.

Nag reply naman siya kaagad upang ipaalam na tinatanggap niya ito.

***

Sumida River Firework Festival

Tokyo, Japan

Maagang pumunta sila Yel at ang client niya kasama ang apat na taong gulang na anak nito at isa pang bodyguard sa venue para magkaro'n sila ng puwesto dahil sobrang daming tao. 

Nakasuot sila ng yukata at masks. Ang mask ng kagaya niyang bodyguard na lalake ay kitsune (mukha ng isang fox), sa kanya naman ay okame (mukha ng isang chubby na babae), sa client niya ay ko-omote (maliit na mukha ng babae), sa anak nito ay tengu (mukha ng demonyo na may mahabang ilong). 

Pagkatapos ng ilang oras ay magsisimula na ang fireworks kaya nasa langit na ang atensyon ng mga attendees, habang sila ng kasamang bodyguard ay alerto lang nang may magsalita mula sa earpiece. 

"Hitman spotted, 8 o'clock high."

When the two of them, Yel and her partner checked, there they saw the gun pointing at their client from the Tokyo Skytree. 

As the trigger was pulled, the firework show began. 

────── 〔GↃ〕──────

Kumilos ang team ni Sen nang malaman na mayroong gustong mag assassinate sa nakababatang kapatid na babae. 

Pagdating nila sa Azuma Bridge ay may mga fireworks na pero imbis na mag enjoy ang mga tao sa panunuod ay naabutan nilang nagpa-panic ang mga itong umalis hanggang sa naiwan doon ang isang katawan na nakadapa sa lupa. 

Pasigaw na sinabihan si Sen ni Juu na nasa likod niya upang marinig niya na nakita na nito ang kapatid niyang si Leiko at ang anak nito na maayos ang kalagayan at may kasamang isang bodyguard. 

Nang marinig 'yon ni Sen ay mas lalong nadagdagan ang kuryosidad niya. Hindi siya sigurado kung sino ang walang malay na nakadapa sa lupa dahil naka kimono at mask. Napalunok siya. 

Lumapit siya sa katawan, habang may kakaibang nararamdaman. A nostalgic feeling. Hindi niya alam kung bakit. Nakatitig siya sa taong 'yon na nakatakip ng maskara ang mukha. 

Nang makalapit sa tabi ng katawan ay tinanggal niya ang maskara nito at parang pinagsakluban siya ng langit, hinila ang paa pailalim sa lupa, tinatambol ang puso.

"Why does it have to be me?" halos walang boses na usal ni Sen. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status