Share

Chapter 14

Sabay-sabay kaming kumakain ngayon at halos mapunit na ang labi ko kakangiti dahil hindi pa rin maalis sa isip ko ang balitang dala ni Cali.

“Oo nga pala, hija. Ano ba ‘yong tinutukoy mong pangarap na natupad mo na?” biglang tanong ni Nanay Flor kaya napatingin ako sa kaniya.

Natutok na rin ang tingin ni Aries at Ate Sab sa akin kaya mas lalo akong napapangiti.

“Matutupad pa lang po. I will be a runway model on VS fashion show next month,” proud na saad ko.

Nakita ko ang panlalaki ng mata ni Ate Sab habang si Aries naman ay natigilan sa pagnguya. Natahimik silang lahat kaya mas lalong hindi ko na mapigilan pa ang pagkakangiti ko. This is the power of VS!

“S-seryoso ba ‘yan?” hindi makapaniwalang tanong ni Ate Sab kaya naman sunod-sunod ang pagtango ko sa kaniya. Hindi pa rin makapagsalita si Aries at ngayon ay mas halata na ang pagkagulat sa hitsura niya.

Ngumisi lang ako rito saka muling itinuon ang atensyon kay Ate Sab.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status