Share

Chapter 13

“Something’s odd with you,”

Saglit akong napasulyap kay Aries nang itanong niya ‘yon saka muling tinutok sa pag-aayos ng necktie ang ginagawa.

“Nasa good mood lang ako,” palusot ko.

Nakita ko kasi siya kanina na hirap sa pag-ayos ng necktie dahil sa pagmamadali at halos hindi pa nga ako napansin. Ako na lang ang nagpresinta na mag-ayos tutal kailangan ko muna siyang paamuhin.

Medyo nalilito pa nga lang ako sa pag-ayos kaya natatagalan ako rito, dagdag pang titig na titig siya sa akin habang ginagawa ko ‘yon.

Maya-maya ay pumamulsa siya saka ako tinaasan ng kilay. “Ilang araw ka nang ganiyan. Did something happen?”

Saglit akong natigil sa ginagawa saka napaisip. Sa pagkakaalala ko ay pangatlong araw na ngayon simula nang lutuan ko siya na hindi niya rin naman nakain.

“Wala naman.”

Napangiti ako nang sa wakas ay nakuha ko rin ang pagkakaayos ng necktie. Kasabay din non ang pagkunot ng noo niya.

He slight
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status