Share

Kabanata 066

Penulis: Naked Eye
last update Terakhir Diperbarui: 2025-01-27 20:56:17

Matapos kong mag-ayos, dumating si Theo sa bahay nang eksaktong 7:30 PM. Habang bumababa siya ng kotse, hindi ko maiwasang humanga sa porma niya. Nakasuot siya ng dark blue suit na bumagay sa kaniyang matangkad at matipunong pangangatawan. Sa isang iglap, naramdaman kong kumakabog ang puso ko.

“Bakit parang natulala ka diyan?” nakangiti niyang tanong habang tinutulungan akong sumakay sa sasakyan.

“H-Ha? Wala! Tara na,” sagot ko, pilit tinatago ang pamumula ng aking pisngi.

Habang nasa daan, ramdam kong tahimik ako at hindi mapakali. Napansin ito ni Theo at hinawakan ang aking kamay. “Relax ka lang, Karen. Wag kang mahiya. I know my family can be intimidating, pero I’m here with you, okay?”

Napangiti ako at hinayaan siyang hawakan ang kamay ko. “Thanks, Theo. Hindi lang kasi ako sanay sa ganito.”

Dumiretso na muna ako sa Contis para bumili ng cake na maari kong dalhin bilang presents sa pamilya ni Theo.

"Karen wag kang mabibigla sa lolo ko kung sakalaing may sabihin siyang hindi kana
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Great Revenge of the Lady CEO   Kabanata 091

    AFTER THE PARTY KAREN POV Pagkatapos ng matagumpay na auction, umalingawngaw ang masigabong palakpakan mula sa lahat ng bisitang dumalo sa event. Muling isinindi ang lahat ng ilaw, nagbibigay-liwanag sa buong event hall. Tulad ng nabanggit ni Daddy sa naging pag-uusap nila ni Mommy, agad niyang kinuha ang atensyon ng lahat upang magbigay ng isang mahalagang anunsyo. "LADIES AND GENTLEMEN, BAGO NATIN TAPUSIN ANG EVENT NA ITO, MAYROON AKONG NAPAKAHALAGANG ANUNSYO!" Masayang sabi ni Daddy habang tumayo sa harapan upang pasalamatan ang lahat ng dumalo. Sa sandaling iyon, ang mga bisitang naghahanda nang pumunta sa inihandang thank you party ay natigilan at muling nagtuon ng pansin sa kanya. "Karen, halika rito, sweetheart." Tinawag ako ni Daddy para samahan siya sa stage. Lihim sa kaalaman ng karamihan, ako—si Karen Moore—ang siyang nagtatag ng charity na siyang makikinabang sa lahat ng nalikom na pondo ngayong gabi. Kasabay nito, masaya ring inanunsyo ni Daddy ang isa pang mahalaga

  • Great Revenge of the Lady CEO   Kabanata 090

    AT THE NIGHT OF THE PARTY "It's okay, Mom. Kaya ko na pong mag-isa. Mauna na po kayo—nakakahiya naman sa mga guests na paparating. Susunod na rin ako," sabi ni Karen na nakangiti kay Tiffany. "Kung ganun, sige anak. Hay naku, kinakabahan ako," sagot ni Tiffany habang bahagyang huminga nang malalim. "Don’t be, Mom! Ang ganda-ganda mo kaya. Ikaw ang pinaka-magandang babae sa event," lambing ni Karen sa ina. "Hays, ikaw talaga. Miss na miss kita nung umalis ka. Pero ikaw pa rin ang pinakamaganda. Oh, sige na, mauna na kami ng mga kapatid mo. Sumunod ka agad ha?" sabi ni Tiffany bago maglakad paalis. "Yes, Mom! Susunod na rin po ako," tugon ni Karen. Nauna na sina Lincon sa event place kasama ang kambal na sina Arthur at Madison. Bago tuluyang umalis, dumaan muna si Karen sa silid ng kanyang mga anak. Nagpaalam siya at nangakong bibilhan sila ng laruan sa kanyang pagbalik. Matapos tiyaking okay na ang mga bata, naglakad na siya palabas. Sumabay naman si Trina, agad na nang-aa

  • Great Revenge of the Lady CEO   Kabanata 089

    "Anak, natutuwa kami at naisipan mong magpakita sa amin," bungad ni Daddy na may ngiti sa labi. Maya-maya'y naging seryoso ang kanyang mukha. "Ngayon na nandito ka na ulit sa bahay, gusto naming ipaalam sa iyo na magkakaroon ng Charity Ball ang ating kompanya. Ito ay isang auction kung saan lahat ng kikitain ay mapupunta sa mga charity na sinusuportahan ng ating pamilya. Gaganapin ito sa susunod na araw. Tamang-tama ang dating mo, pero siyempre, desisyon mo kung a-attend ka. Hindi ka namin pipilitin; maiintindihan namin kung hindi ka pa handa. Mayroon din kaming mahalagang anunsyo na ibabahagi ng Mommy mo pagkatapos ng event," dagdag niya. "Pero anak, bago ka magdesisyon, gusto naming malaman mo na imbitado ang pamilya ni Theo sa event na iyon. Simula nang mawala ka, kahit anong gawin kong pagputol ng ugnayan natin sa kanilang pamilya, hindi tumigil si Theo sa pagsuyo at pagsusumikap na makuha ang aming loob. Patawarin mo kami, anak, kung napatawad namin siya makalipas ang ilang tao

  • Great Revenge of the Lady CEO   Kabanata 088

    Tiffany POVAno ba naman itong si Manang kanina pa tawag ng tawag para lang patikman ang bago niyang menu na ihahanda niya para sa gaganapin na charity event namin para sa orphanage.“Hay Manang bakit kailangan kumpleto pa kami?!” Pagmamaktol na tanong ni Jennifer. “Saglit lang po ako aah pupunta pa po ako ng BGC para sa photoshoot ko!”“Oo sandali lang ito. Wag kang mag-alala” nakangising sagot ni Manang kay Jennifer. Samantalang si Arthur ay busyng busy sa kaniyang cellphone. Ang weird ni Manang ngayong araw. Nagkakatinginan na lang kami ni Lincon dahil hindi namin maintindihan kung gano ba ka espesyal ang hinain nitong si Manang. Ayaw naman naming questionin dahil halos mag 3 dekada ng nagtatrabaho sa amin si Manang. Parang nanay na nga namin siya. Dahil din sa may edad na siya ay matampuhin na.“Wait lang po kuhain ko lang po hinanda ko sa kusina!” Sabi ni Manang habang kami ay nakaupo na sa dining table at naghihintay.“TADAAANNN SURPRISE !!!!” Malakas na sigaw ni Manang“Ate Ka

  • Great Revenge of the Lady CEO   Kabanata 087

    KAREN POVMula sa himpapawid tanaw na agad ang dikit-dikit na bahay at maiilaw na kabahayan. Nang malapit ng bumaba ang eroplano ay narinig ko na ang palakpakan ng mga tao. Alam kong nasa Pinas na kami. “Ahmm… welcome to Philippines!” anas ko sa aking mga anak. Ito ang unang beses na makakauwi sila ng Pinas at the same time unang beses na makikita nila ito. Nilanghap ko ang malamig na simoy ng hangin ng makababa ang eroplano na aming sinasakyan sa Ninoy Aquino International Airport. Matapos ang ilang libong beses na pag-iisip ay pumayag na din akong magbalik bayan. Kasama ko si Trina at ang kambal. Sa ancestral home kasama namin ng kambal manunuluyan si Trina dahil wala siyang ibang mauuwian kaya naman ako na ang nag offer na sa sa bahay na siya tumuloy kaysa mag hotel. Kagaya ng aking kahilingan kay Trina. Gagawin naming surprise sa aking pamilya ang aking pagbabalik sa bahay Makalipas ang 5 taong walang komunikasyon. Excited na ako sa magiging reaksyon nila Mommy lalo na pag nak

  • Great Revenge of the Lady CEO   Kabanata 086

    AFTER 5 YEARSSa bilis ng panahon at dahil nag enjoy na din ako sa aking buhay doon sa Dubai ay hindi ko namalayan na ngayong araw ay nagmarka ang ika limang taong pagtatago ko at pag detox sa aking sarili sa lahat ng social media platform. Kaya naman napagdesisyunan ko na finally na muli kong buksan ang aking cellphone sa unang pagkakataon. Madaming mapapait na ala-ala ang nangyari sa akin na ayaw ko ng balikan . Madami din akong naging pagsubok this past few days sa aking buhay dahil sa pagkakaruon ng sakit ni Allen at April dala na din ng kanilang kalikutan at pabago bagong panahon. Sila ang 5 taong gulang na mga anak ni namin ni Theo. Mabuti na lamang at laging nakaalalay sa amin si Trina. Hindi na din kasi ako kumuha ng taga alaga na full time sa kambal dahil kakaunti lang din naman ang pasok ko. Kumuha lang ako ng partimer para tumingin sa kanila habang nasa trabaho ako. Mabuti na lang at nakakita ako ng isang pinoy na malapit lang sa bahay namin na naging kaibigan ko na din kal

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status