PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV
DAHIL sa walang kwentang paliwanag ni David, no choice na ako kundi ang lumabas na sa condo unit niya! Hilam ang luha sa aking mga mata na naglakad ako patungo sa elevator at pinindot ang button Habang naghihintay ako sa pagbukas ng elevator, dumating naman ang nakangising si Aurora! Wala talagang kahihayan ang babaeng ito! Mana sa kanyang Ina na isang kabit na sumira sa masayang pagsasama ng mga magulang ko noon. "Masakit ba? Sabi ko naman kasi sa iyo noon, kukunin ko ang lahat sa iyo eh!" nakangisi niyang bigkas! Wala sa sariling napatitig ako sa nakasarang pintuan ng condo unit ni David bago ko hinarap si Aurora. "Yeah...hindi nakakapagtaka iyun dahil nasa dugo niyo naman talaga ang pagiging makati!" nakangisi kong sagot sa kanya kahit na ang totoo gusto nang sumabog ang dibdib ko sa matinding galit! Kaagad namang naningkit ang mga mata niya kasabay ng pag-angat ng isa niyang kamay at akmang sasamapalin niya sana ako! Kaya lang mas mabilis ako at nahawakan ko iyun kasabay ng pag-angat ng isa kong kamay at direcho iyung lumagapak sa pisngi niya! Lumikha iyun ng malakas na ingay dahil sa sobrang lakas kasabay ng galit na sigaw na biglang kumawala sa lalamunan niya. "Sinampal mo ako?: galit niyang sigaw sa akin! Bumakat pa nga ang palad ko sa pisngi niya at sobrang pula niyun. "Sino ba ang nauna? Self defense lang ang ginawa ko at hindi ako papayag na basta mo na lang akong saktan!" galit kong sigaw pabalik sa kanya! Hindi naman siya nakaimik pero nanlilisik ang mga matang nakatitig sa akin kasabay ng pagbukas ng pintuan ng elevator at mabilis na akong pumasok sa loob. "Subukan mong sumabay sa akin dito sa loob at hindi lang sampal ang matitikaman mo sa akin!" puno ng pagbabanta sa boses na bigkas ko kaya naman natigilan siya! Hindi na siya gumalaw pa sa kinatatayuan niya hangang sa sumara ang pintuan ng elevator. Sa kabila ng sakit na kalooban na nararamdaman ko ngayun, kahit papaano, lihim namang nagdiwang ang kalooban ko! Sa kauna-unahang pagkakataon, nasindak ko si Aurora at malaking bagay sa akin iyun. Kahit kaunti lang, nakaganti man lang ako sa ginawa niyang pang-aagaw sa akin sa boyfriend ko. Direcho akong lumabas ng vicinity ng condo building kung saan nakatira si David. Alam kong simula ngayung araw, tuluyan na akong tinalikuran ng lalaking akala ko magiging kakampi ko sa lahat ng oras! Kagaya sa sarili kong ama, tuluyan na din siyang nakuha ng babaeng labis kong kinamumuhian at wala na akong magagawa pa kundi ang tangapin na lang! Ganoon talaga siguro ang buhay...hindi sa lahat ng oras kampi sa iyo ang kapalaran. Wala sa sariling naglakad ako patungo sa may sakayan. Sa sobrang sakit ng kalooban na nararamdaman ko ngayun, hindi ko na napigilan pa ang pagpatak ng luha mula sa aking mga mata. "Ano ba? Wala akong payong eh! Bakit ngayun pa umulan?" malakas kong bigkas nang maramdaman ko ang pagbuhos ng malakas na ulan. Wala sa sariling napatingala ako sa langit kasabay ng malakas na busina ng sasakyan sa kung saan. Tulala akong napabaling ang tingin doon at kaagad na nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang mapansin ko ang sasakyan na parating. Gustuhin ko man umiwas kaya lang parang ipinako naman ang mga paa ko sa aking kinatatayuan. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko para hintayin ang pagtama ng sasakyan sa katawan ko pero laking gulat dahil hindi nangyari iyun, bagkos isang baritonong boses ang bigla na lang nagsalilta "Are you crazy? Kung gusto mong mamatay pwede bang huwag kang mamerwesyo ng iba?" galit na bigkas nito. Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata at hindi ko mapigilan na mapasinghap nang sumalubong sa paningin ko ang seryosong mukha ng isang lalaki. Ang gwapo niya! impression na kaagad na sinisigaw ng utak ko! Mukhang nakakatakot ang kanyang awra dahil matalim ang kanyang mga matang nakatitig sa akin pero ang gwapo niya! Siguro kung hindi lang ako broken hearted ngayun baka nagka-crush kaagad ako sa kanya eh. "Are you done?" seryosong tanong niya sa akin "Huh?" sagot ko naman! Hindi ko gets kung ano ang ibig niyang sabihin pero noong napansin kong nagsalubong ang kilay niya doon na ako biglang kinabahan. "So-sorry po! Sorry!'" mahina kong bigkas gamit ang nanginginig kong boses. Hindi naman kasi oobra kung mangangatwiran ako dahil kasalanan ko! Hindi ko namalayan na nandito pala ako sa gitna ng kalsada at buti nalang talaga at hindi niya ako nabundol. Akmang maglalakad na sana ako paalis nang bigla na naman siyang magsalita. "Miss, bakit ka umiiyak? Money? Luck of money, maybe I can help you as long as mag-eenjoy ako sa serbisyo mo." seryoso nitong bigkas na nagpahinto sa aking paghakbang. Naramdaman ko naman ang paglapit niya sa akin kaya dahan-dahan akong umikot paharap sa kanya kung saan huling huli ko siya kung paano niya ako suyurin ng tingin mula ulo hangang paa. "Pervert! HIndi ako bayarang babae kaya tigilan mo ako!:" biglang dagsa ang galit sa puso ko kaya hindi ko mapigilan ang mapasigaw Imagine, muntik niya na nga akong mabangga, napagkamalan niya pa akong prostitute. "Basang basa ang damit mong kulay puti at kitang kita ko ang kung ano man ang nasa loob ng damit mong iyan. Willing akong bayaran ka kahit na magkano matikman lang kita just for one night!" garalgal ang boses na bigkas niya na lalong nagpadoble sa init ng ulo na nararamdaman ko ngayun. Gosh, anong klaseng tao siya? Bakit napaka-bastos niya! Pero wala! Wala akong balak patulan ang kamanyakan niya kaya walang sabi-sabing mabilis na akong naglakad paalis! Baka kasi kung ano a ang maisip niyang gawin sa akin eh! Isa pa, lalong lumakas ang ulan at basang basa na ako.LUCIAN FERRERO POV Hawak kamay kaming dalawa ni Precious Amber na naglalakad papasok ng bahay. Kakarating lang namin galing sa pagbisita sa puntod ng mga magulang nito at ramdam ko sa kilos nito ang sigla. Masaya ako na nakikita ko sa mga mata nito na kontento na ito sa pagsasama namin. Sabagay, wala din naman akong ibang hangad kundi ang maging masaya siya sa piling ko. Si Precious ang lahat sa akin at kahit na walang kasiguraduhan kung mabubuntis ba ito, wala akong pakialam. Kasalanan ko din naman kung bakit hirap siyang mabuntis ngayun. Dahil iyun sa pagiging pdalos-dalos ko sa nakaraan namin. Minsan ko nang nabuntis si Preciuos nang hindi ko alam. Iyun iyung pagkakataon na pinapahirapan ko siya. Nakunan siya at iyun ang dahilan kung bakit tinapat na ako ng doctor na baka hindi na daw mabubuntis ang asawa ko at kung mabuntis man ito, maliit na tsansa lang. Well, hindi na ako umaasa pa. Wala namang mas mahalaga sa akin kundi siya lang. Isa pa, wala din akong karapatan na
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV "MOM, kumusta na po kayo? Sorry po kung ngayun na lang ulit ako nakadalaw sa inyo." mahina kong usal pagkatapos kong ipatong ang dala kong isang bugkos ng bulakalak sa puntod nito. Samantalang si Lucian naman ay kusa na din itong nagsindi ng kandila. Pagkatapos noon, tahimik itong tumayo tabi ko habang hindi ko inaalis ang pagkakatitig sa puntod ni Mommy. Parang kailan lang. Kay bilis ng panahon. Halos anim na taon ko na siyang hindi kasama pero sariwa pa rin sa alaala ko noong magkasama kaming nilalabanan ang hirap ng buhay. "Mom, nakita niyo po ba? Ikinasal na po ako. Ikinasal na po ako sa lalaking hindi ko akalain na kaya din pala akong mahalin. I am so happy, Mom! At least, hindi ko man kayo nakakasama na, alam kong may isang tao na handa akong alagaan kailanman!" muli kong sambit. HIndi ko na napigilan pa ang pagpatak ng luha sa aking mga mata. Sobrang namimiss ko na siya pero alam ko na kung nasaan man siya ngayun, alam kong tahimik na din si
"Salamat po----" hindi naman natuloy ni Aurora ang sasabihin niya dahil sa pag-angat ng kanyang tingin, sumalubong sa paningin niya ang gwapong mukha ni David. Pagkagulat ang kaagad rumihistro sa mga mata nito "David?" mahina nitong sambit "Ano ang nangyari sa iyo? Paano ka humantong sa ganitong bagay?" seryosong tanong naman ni David dito. Naluha naman si Aurora. "Patawad! Patawad, David!" umiiyak nitong sambit "Aurora, hindi ka sa akin nagkasala para humingin ka ng tawad. Life is so hard at sana natuto ka na din ng lesson kagaya ko. Ayusin mo ang buhay mo dahil hindi pa huli ang lahat.'' seryosong sagot naman ni David sa dalaga. "Paano? Paano ko aayusin ang isang bagay na sira na, David? Kinarma ako sa mga kasalanan na nagawa ko noon. HIndi ko na alam kung paano mag-uumpisa." umiiyak nitong sambit "Kaya mo iyan! Matapang ka diba? Kayang kaya mo iyan Aurora at walang ibang makakatulong sa iyo kundi sarili mo lang!" seryosong sagot naman ni David sa dalaga."Itago mo na ang
"Ano ang ginagawa mo dito?" seryosong tanong ni Lucian sa pamangkin niyang si David. Nandito na siya ngayun sa simbahan at hinihintay na lang ang pagdating ng bride para maumpisahan na ang seremonya ng kasal. "Uncle, binabati kita!" sagot naman kaagad ni David sa tiyuhin iya. Halata sa mga mata niya ang lungkot habang sinasabi ang katagang iyun Palagi niyang naiisip na siguro kung hindi siya nagluko noon, baka silang dalawa ni Precious ang ikakasal ngayun eh. Nag-umpisa ang lahat sa panluluko niya kaya naiwan siyang luhaan ngayun. "You know what...I know that you love her very much! Pero mahal ko din siya at ako ang pinili niya. David, kahit na ano ang mangyari, magkadugo pa rin tayo. Alam kong nasasaktan ka sa mga nakikita mo ngayun pero sana...tangapin mo na ang katotohanan na hindi kayo para sa isa't -isa." seryosong sagot ni Lucian sa pamangkin niya. "I know, Uncle at tangap ko na ang lahat-lahat! Paalis na din ako. Lalayo na muna ako dahil gusto kong makalimot. Pero bag
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV "IKAKASAL KA NA PALA SA KANYA!" wika ni David sa akin habang ramdam ko sa boses nito ang pait. '"David, mahal ko siya. Nagmamahalan kaming dalawa ni Lucian at kung ano man ang meron tayo noon, ibaon mo na sa limot. Marami pang mga babae diyan na mas deserved mong mahalin." seryosong sagot ko din naman sa kanya. Hindi naman ito nakaimik "Ibaon mo na sa limot ang lahat-lahat. Siguro, hindi talaga tayo para sa isa't -isa kaya nangyayari ito. I am sorry, David." muli kong bigkas. "I know..I know! Nasa mga kamay na kita noon pero pinakawalan pa kita. Kung saan naman na-realized ko kung gaano kita kamahal, tsaka naman nagkaroon ng conflict ang lahat-lahat. Alam mo Amber, gusto ko pa sanang ipaglaban ka sa kanya eh. Kaya lang, noong nakita ko na masaya ka na sa kanya, tumigil na ako. Kahit na masakit, kailangan kong tumigil at ipaubaya ka sa kanya." maluha-luha nitong sagot sa akin. Hindi ko naman mapigilan ang makaramdam ng awa para dito "Ang laki ng m
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV"HELLO, Miss Amber." nakangiting bati sa akin ng halos lahat pagkalabas ko ng opisina ni Lucian. Himala, ang bait na yata nila ngayun. Ang mga dating tsismosa ay mga nakangiti na ngayun."Hi! Kumusta kayo?" sagot ko din naman kaagad. Wala naman akong nakapa kahit na katiting na sama ng loob sa kabila nang mga nangyari noon. Wala eh...ayos naman na sila at may mga pamilya din silang binubuhay kaya ayaw ko nang palakihin pa ang issue."Kapag need mo ang help namin, huwag kang mag-alinlangan na lumapit ang magtanong sa amin ha? Kami ang bahala." sabat naman ni Mary."Uyy, grabe..sipsip yarn? Dati, hate na hate mo si Ms. Amber tapos ngayun, mukhang nagbago na ang ihip ng hangin ah?" sabat naman ni Anne habang may halong pang-aasar sa boses nito"Ano ka ba Anne, gusto mo ng away or gusto mo ng gulo?" ani Mary. Hindi ko naman mapigilan ang matawa.'Balik na tayo sa trabaho guys! Hindi na kailangan pang ungkatin ang mga nangyari noon dahil wala na sa akin iyun.