LOGINSi Xyla Lopez ay isa sa mga dalaga na sa murang edad kaliwa't kanan ang partime jobs upang masupportahan ang kanyang sarili at pamilya. Nag-aaral sa umaga at trabahante naman s'ya sa gabi, wala kasi s'yang aasahan kundi ang sarili n'ya lang, na stroke na ang kanyang ama at may kapatid pa s'yang pinag-aaral. Sa isa sa mga partime jobs ng dalaga—nakilala n'ya ang bilyonaryong si Elezear Monterroyo na nagmamay-ari ng Imperial Motors, inofferan siya nito ng malaking halaga na hindi n'ya matatanggihan—ang maging yaya s'ya ng anak nito na Gavin ang pangalan na minsan n'ya na 'ding iniligtas. Naisip ni Xyla na walang masama kung magiging yaya s'ya ng anak ng bilyonaryo dahil ang pinaka-importante sa kanya ang incentives na makukuha n'ya mula dito—mapapacheck-up n'ya na buwan-buwan ang kanyang ama at makakabayad ng tuition ng nakababatang kapatid. Maiiba nga ba buhay ni Xyla sa piling ng mag-amang Elezear at Gavin o dito n'ya matutuklasan ang mga sikretong nakakubli?
View MoreXYLA LOPEZ POV’s
Hindi kuna mabilang kung ilang beses akong napabuga ng hangin matapos bayaran ang mga utang ko.
Sa wakas makakatulog na ako ng mahimbing ngayong gabi pero kailangan ko pa’ring kumayod para may pangbayad ako ng renta sa boarding house at pang bayad ng kuryente at tubig.
Napahawak ako ng mahigpit sa hawak kung plastic bag ng makakita ng magkasintahan sa gitna ng daan na sweet sa isa’t-isa.
Ano ba 'yan, ang sakit n'yo sa mata!
"Hindi ako normal na babae katulad ng iba. Pera lang ang laman ng puso’t-isip ko, wala ng iba pa”bulong ko sa sarili.
Bata palang ako, iniwasan kuna ang magkaroon ng pantasya sa mga lalaki dahil para sa’kin ang kumita ng pera ang kailangan kung pag-ukulan ng pansin. Walang puwang sa’kin ang umibig at kung ano pa ‘man na hindi naman ako makikinabang.
Pilit akong ngumiti at nagsimula ng maglakad pauwi sa bahay.
Minsan hindi ko maiwasang mainggit sa mga kaedad kung mayayaman bakit sila pinalad na ipinganak sa mayamang pamilya? Samantalang ako, minalas at ipinanganak sa napakahirap na pamilya?
Napahinto ako sa paglalakad ng mag vibrate ang phone ko. Kaagad kong binasa ang text message ng kaibigan kung nagta-trabaho sa bar.
Halos mapatalon-talon ako sa sobrang tuwa ng may trabaho siyang inalok sa’kin kaya kaagad ko siyang pinuntahan.
“Grabe, basta talaga pera ang usapan mas mabilis kapa kaysa kay flash”bungad na sabi sa’kin ng kaibigan kung si Cheery.
Malawak naman akong ngumiti sa kaibigan.
“Syempre, pera lang ang buhay ko, e”nakangiti ko pa’ring sabi ko kaya napasimangot siya.
“Hayst. Siguro kahit sa panaginip, pera ang laman ng utak mo 'no?Magpatingin kana, Xyla. Masama na ‘yan”iling-iling na sabi niya.
“Nga pala,hintayin muna lang dito si Mr
Monterroyo.Kailangan niya ng driver dahil hindi siya makapag-drive sa sobrang kalasingan”dagdag na sabi nito.
“Mr.Monterroyo?As in ‘yong may-ari ng Imperial Motors? ‘Yung nakikita natin sa magazine na Bilyonaryo?”gulat na sabi ko.
Ngumiti si Cheery tumango pagkuwa’y inakbayan ako.
“Oo,kaibigan niya ang may-ari nitong bar na si Sir Zion”anito.
“Wow, hindi ako makapaniwalang ipag-di-drive ko ang Billionaryong ‘yon. Paano kong mabanga ang sasakyan n’ya? Ah, syempre hindi ‘yon mangyayari dahil hightech ang sasakyan n’ya di’ba?”baling kong tanong sa kaibigan.
“Baliw”bulong n’ya at napailing-iling ng ulo habang nakatingin sa’kin.
Inalis ko ang mga braso niyang naka-akbay sa’kin at umupo sa stool pagkuwa’y inilibot ko ang paningin sa buong lugar.
Isa ito sa mga luxury bar na napuntahan ko,hindi bilang isang customer kundi bilang trabahante.
“Cheery. Nasan na ‘yung kaibigan mo?”
Napalingon ako sa taong nagsalita mula sa likod ko.Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at bumati sa bossing ni Cheery.
Matangkad ito, moreno at malakas ang sex appeal kaya hindi na ako magtataka kung marami ang babaeng umiyak sa lalaking 'to.
"Siya po ang kaibigan ko. Si Xyla”pakilala sa’kin ni Cheery sa boss n'ya.
Kaagad naman akong ngumiti at muling bumati sa binata ng balingan n'ya ang ng tingin.
“Mayroon kang driver license?”seryusong tanong nito.
Tumango ako at kaagad na ipinakita ang driver license ko. Napasimangot ako nang kunan niya pa ‘yun ng picture bilang paninigurado.
“Ito ‘yung susi ng sasakyan,maghintay kana lang muna sa parking lot”utos sa’kin ng boss ni Cheery sabay bigay sa’kin ng susi.
Nagpaalam na ako kay Cheery nang kunin ko ang susi at dali-daling nagtungo sa parking lot.
Nakailang sipat ako sa suot kung relo habang hinihintay si Mr.Monterroyo.
“Ba’t ang tagal ng lalaking ‘yun?”bulong ko sa sarili.
Gusto kunang umuwi para magpahinga. May pasok pa ako bukas ng maaga at may gagawin pa akong research paper.
Nangunot ang noo ko ng may makitang paparating na lalaki na may kasamang babae.
Halos mabuwal ako sa kinatatayuan ko ng makitang maghalikan ang mga ito.
“At dito pa talaga nila napiling gawin ‘yan? Nasaan na ba kasi ang lalaking ‘yun?!”inis na sabi ko habang pinapadyak ang paa.
Napaiwas ako ng tingin nang makita kung gaano ka wild ang paghahalikan ng babae at lalaki.
“Jusko naman! Bakit kailangan kong ma-witness ang ganitong pangyayari?”bulong ko sa sarili.
“That’s enough for now. Let’s move to my place”rinig kong sabi ng lalaki sa kahalikan niyang babae.
“Sure. I think this gonna be fun”malanding sabi ng babae sabay haplos sa dibdib ng lalaki.
Napairap ang mga mata ko habang nakatingin pa’rin sa ibang direksiyon.
“Ikaw ba ‘yung driver?”
Napabaling ako ng tingin sa lalaking nagtanong sa'kin. Kasama parin nito ang babaeng kahalikan n'ya na tila linta kung makayakap sa lalaki.
"Ibinigay na sa’yo ang susi?”tanong pa nito.
Teka, s'ya ba ang ipag-di-drive ko? Napatitig ako sa mukha nito, Oo nga pala s'ya ang Bilyonaryong si Elezear Monterroyo, hindi naman pala s'ya kagwapuhan sa personal.
“So, what are you waiting for? Open the door”utos nito.
Wala akong imik na pinagbuksan sila ng pintuan bago ako nagtungo sa driver seat.
Halos hindi ako makahinga habang mahigpit na nakahawak sa manibela. Paano ba naman ako mapapanatag kung halos mag sex na ang mga taong nasa likuran? Kulang na lang maghubaran sila ng damit. Jusko naman!
Napapikit ako ng marinig ang pag-ungol ng babae. Napabuga ako ng hangin at itinigil ang sasakyan sa tabi dahilan upang matigilan sila sa kalandiang ginagawa.
“Aalis na ‘ko. Kung gusto niyong ituloy ‘yan dito sa loob ng kotse, ituloy niyo na. Bahala kayo”inis na sabi ko sabay labas sa mula sa driver seat.
Ngayon lang ako nakaranas ng ganito. Kung gusto nilang mag sex pwede naman pero sana kahit kunti nahiya naman sila.
"What are you doing?!”inis na tanong ni Mr. Monterroyo nang lumabas ito mula sa sasakyan.
Napabuga ako ng hangin at lakas loob itong hinarap.
“Yung bayad mo? Huwag mong sabihing hindi mo ako babayaran? ‘wag kang kuripot bayaran mo ‘ko total pinag drive naman kita”paniningil ko sa kaniya.
Mas lalo akong nainis nang tumawa siya. Nakakabwesit! Sarap niyang sapukin.
“Bayad? Seriously?”natatawa niya pa’ring sabi.
"Ano bang nakakatawa? Nagmumukha kang tanga sa ginagawa mo, e”inis na sabi ko saka siya tinalikuran at naglakad ng mabilis.
Nakakainis, wala man lang akong nakuhang pakinabang sa gabing ito.
Ayaw na ayaw ko pa naman na nape-perwesyo ang oras na walang perang naipapasok sa bank ko.
*****
Maaga akong nagising kinabukasan, kailangan ko pa kasing pumasok sa cafe na pinagta-trabauhan ko bilang part timer.
“Hindi ka man lang ba magpapahinga? May day off ka naman, huwag mong sagarin ang sarili mo sa kakatrabaho”pahayag ni Cheery.
Bumuga ako ng hangin at panandaliang itinigil ang pagpupunas ko ng mesa.
“Ang mahirap na katulad ko walang karapatang magpahinga”sagot ko sa kaniya pagkuwa’y ipinagpatuloy na ang pagpunas ng mesa.
“Huwag kanang mag-alala, okay lang ako”nakangiting sabi ko sa kaibigan.
"Nababadtrip lang ako sa mayaman na 'yun"tukoy ko sa Monterroyo na 'yun.
Natawa naman siya. "Gutom lang 'yan, tara kumain tayo"
Malawak akong ngumiti saka tumakbo papunta sa kwarto niya
"Hoy, hintayin mo nga ako!"sigaw ni Cheery kaya mas lalo ko pang binilisan ang pagkatakbo ko kaagad naman s'yang nakasunod sa'kin at kiniliti ako sa tagiliran kaya gumati 'din ako.
"Where have you been, pinasundo kita kanina pero ilang oras nag hintay sa'yo ang driver tapos 'yun pala wala na kayo dahil nag swi-swimming na"sermon sa'kin ni Sir Elle ng makauwi kami ni Gavin.Sobrang nag enjoy kami sa tubig kaya hindi kuna namalayan ang oras na madilim na pala. "Sorry po—Sir"paghingi ko ng pasensya."Hachuuuu!"napahawak ako sa bibig ko ng bumahing ako."Sige na, magbihis kana"anito.Hindi ko napigilan ang sarili ko kanina kaya nag swimming 'din akong kasama ni Gavin dahil sa sobrang init ng panahon kaya umuwi akong nanginginig sa lamig dahil basang-basa ako, mabuti si Gavin dahil may dala akong extra na damit.Ang lamig ng tubig kaya talagang napalusong ako, hindi ko naman pinagsisihan ang ginawa ko kaya okay lang masermonan. Iyan ang sabi na—enjoy now, iyak later.Dali-dali akong nagtungo sa banyo at naligo. Mabilis lang akong naligo dahil bahing ako ng bahing mukhang sisipunin pa yata ako.Kaagad akong uminom ng gamot ng matapos akong maligo, nanatili 'din ako s
"This is your school, Mommy?"tanong ni Gavin ng makarating kami sa school ko, mabuti na lang dahil nagustuhan n'ya ng maglakad kaya hawak-hawak ko ang maliit n'yang kamay.Papunta kami ngayon sa cafeteria baka kasi gutom na si Gavin kaya kailangan kuna s'yang pakainin, mamayang 1pm pa naman ang meeting ko kay Dean."Yes, Gab-Gab ito ang school ni Mommy"nakangiting tugon ko.Wala bang pasok?Bakit walang mga students? Kinakabahan na ako kaninang pagpasok ko kasi baka tanungin ako nila tungkol kay Gavin pero hindi naman ako nangangamba dahil dito sa school ko normal lang ang may dalang bata dahil karamihan sa nag co-college dito ay may anak na."I want this school, mommy"anang ni Gavin ng papasok kami sa cafeteria."Do you want to enroll here?"tanong ko sa kanya.Tumango s'ya. "Yes"Mahina akong tumawa, sa sobrang yaman ng Daddy n'ya impossible na dito s'ya mag-aral baka nga sa ibang bansa pa s'ya pag-aralin.Kasama ko si Gavin na nag order ng pagkain, sisig ang inorder kong ulam. Chicke
Kinabukasan, nagising ako na wala na sa tabi ko si Gavin kaya kaagad akong bumangon sa kinahihigaan at dali-daling lumabas ng kwarto para hanapin s'ya.Nanlaki ang mga mata ko ng matagpuan ko s'ya sa kusina kasama si Sir Elle pareho silang naka-upo sa bawat dulo ng mahabang mesa."Gavin, eat your food"utos ni sir Elle sa bata na tila pinaglalaruan lang ang cereal na nasa harapan n'ya.Hayst. Daddy ba talaga 'to ni Gavin? Hindi n'ya alam ang ayaw at gusto ng bata basta kung ano ang gusto n'ya 'yun ang masusunod. Bumaling sa kinatatayuan ko si Gavin sabay ngiti kaya ngumiti 'din ako sa kanya at lumapit."Mommy"masigla n'yang tawag sa'kin.Hinawakan ko ang maliit n'yang pisngi at hinaplos iyon."Finish your na Gab-Gab para mag play na tayo after mong kumain"mahinahon kung sabi.Umiling s'ya. "I don't want that food, mommy. It's disgusting, I want eggs and veggies that Nanay Edga cooked for me"Ngumiti ako sa kanya bago ko binalingan si Sir Elle na walang imik na nakatingin sa'min ni Gav
Dumating na 'yung mga inorder ko from Shein kaya tuwang-tuwa kami ni ate Edna dahil kasyang-kaysa ang mga na-order ko para kay Gab-Gab.Kaya kaagad ko siyang pinaliguan at binihisan dahil lalabas kami ngayong araw.Nagsuot ako ng maikling short, blouse at flat sandals. Naglagay 'din ako ng sunscreen dahil mainit sa labas pati si Gab-Gab nilagyan ko 'din ng sunscreen."Mommy, I like your smell"saad ni Gab-Gab kaya niyuko ko siya na nakatingala sa'kin."Why? Wala naman akong nilagay na perfume, ah"tugon ko sa kaniya.Allergy ako sa pabango kaya hindi ako gumagamit 'non. Alcohol lang ang gamit ko or minsan wala pa nga."Really? But your smell is so good"aniya kaya natawa ako.Inilahad ko ang kamay ko sa kaniya na kaagad niya namang hinawakan kaya sabay na kaming naglakad palabas ng kwarto."Ang cute naman ng baby namin"bulalas ni ate Edna ng makita si Gab-Gab."Para talaga kayong mag nanay"anito kaya napangiti ako.Kung kasing cute ni Gavin ang magiging anak ko, why not?"Mommy, let's go






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.