Share

CHAPTER 3

Author: Cathy
last update Huling Na-update: 2025-03-17 12:09:34

PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV

Kahit na broken hearted ako, kailangan kong magpatuloy sa buhay! Hindi uso sa akin ang magmukmok sa isang tabi at umiyak dahil kailangan kong kumilos at magtrabaho.

"Ano po? Kailangan nang paunang bayad na kalahating milyon para maoperahan si Mommy?" mahinang tanong ko kay Doctor Santiago.

Pakiramdam ko para akong pinagsaklubang ng langit at lupa! Ano ba namang buhay ito, hindi pa nga ako nakakabawi sa hiwalayan naming dalawa ni David may dagdag isipin na naman ako! Iyun ay ang pera na kakailanganin para sa surgery ni Mommy.

Pagkauwi ko ng bahay kanina, naligo lang ako at nagbihis at direcho na ako dito sa hospital para bisitahin si Mommy bago ako papasok sa trabaho.

Hindi ko naman inaasahan na inaabangan pala ni Doctor Santiago ang pagdating ko para sabihin sa akin ang kondisyon ni Mommy! Ilang buwan nang delay nag surgery nito dahil wala nga akong maipon na pera para dito. Hindi ko alam kung saang kamay ng Diyos ko kukunin ang ganoong kalaking halaga dahil ang kinikita ko sa pagwi-waitres sa isang bar ay kulang pa nga sa pang-araw-araw naming pangangailangan at mga gamot!

"I am sorry Miss Rodriguez! Ikinalulungkot kong sabihin na kapag hindi maisagawa ang surgery ngayun buwan, baka hindi na kayanin ng Mommy mo ang sakit at lalo pang malagay sa alanganin ang buhay niya!" seryosong wika ni Doc. Santiago.

Hindi ko na tuloy mapigilan pa ang pagpatak ng luha mula sa aking mga mata! Kung hindi sana kami inabanduna ni Daddy at nakiapid sa ibang babae hindi sana ito mangyayari kay Mommy! Hindi sana mapabayaan ang sakit nito.

Pagkatapos namin mag-usap ng Doctor, laglag ang balikat na naglakad ako patungo sa ward para silipin si Mommy! Sa totoo lang, pagod na pagod na ako! Bente-ono anyos pa lang ako pero feeling ko pasan ko ang mundo. Nag-aaral ako sa araw at nagta-trabaho sa gabi tapos isinisingit ko pa ang pag-aalaga kay Mommy! Para na nga akong mababaliw sa sobrang stress.

"Risa...kumusta si Mommy?" pagdating ko sa ward, nadatnan kong tulog si Mommy at ang kababata kong si Risa ang nakabantay dito. Mabuti na lang talaga at mabait ito at minsan nagpe-presenta siya na bantayan ng kahit na tatlong oras lang si Mommy dito sa hospital.

"Pagkatapos niyang kumain, nakatulog din naman kaagad siya! Huwag kang mag-alala Amber, ako na muna ang bahala sa Mommy mo!" nakangiti nitong sagot sa akin

"Salamat Risa ha? Ang laki na ng utang ko sa iyo! Hayaan mo, makakabawi din ako sa iyo pagdating ng araw!" madamdamin kong sagot sa kanya!

"Ano ka ba! Huwag mong isipin ang tungkol sa bagay na iyan! Magkababata at magkaibigan tayo kaya sino ba naman ang magtutulungan kundi tayo-tayo lang. Sige na..pumasok ka na sa trabaho mo! Ako na muna ang bahala dito. Hihintayin ko ang pagbabalik mo para sabay na tayong umuwi! Pwede naman akong magpuyat ngayun dahil wala naman tayong pasok sa School bukas!" nakangiti nitong sagot sa akin! Nagpsalamat ulit ako sa kanya bago ako umalis.

Nagtatrabaho ako bilang wairess sa isang high end na bar. Puro mga foreigner at mayayamang tao ang mga customers. Malaki ang tip na natatangap ko kaya pinagtatiyagaan ko. Kahit na masama na ang tingin sa akin ng ilang mga kapitbahay namin sa squaters area kung saan kami ni Mommy ngayun nakatira, ayos lang! Ang importante kumita ako na walang inaagrabyadong tao.

Mga bayarang babae lang daw kasi ang nagtatarabaho sa mga bars. Walang mga dignidad at kahiya-hiya. Hindi ko na lang pinansin dahil kailangang kailangan ko talaga ng pera ngayun. Si Mommy ang mas priority ko kaysa dignidad na iyan!

Mabuti na lang at nakasakay kaagad ako pagdating sa sakayan ng jeep. Hindi din ganoon ka-traffic kaya mabilis akong nakarating sa bar. Direcho akong naglakad papunta sa locker at mabilis na nagpalit ng uniform.

Yes...uniform at super eksi. Kita ang cleavage pati hita ko. Noong una hindi ko masikmurang isuot pero hindi nagtagal, nasanay din ako. Iyun nga lang, hindi na mabilang kung ilang beses na akong nahipuan ng mga manyakis na customers.

"Uyyy Amber, nandito ka na pala! Bilisan mo dahil kanina ka pa hinahanap ni Manager." kaagad na wika ng kasamahan kong waitress na si Monique. Nagkukumahog akong inilabas mula sa bag ko ang kikay kit ko para mag-apply ng make up.

"Hindi pa naman ako late ah? May five minutes pa ako para mag-start ang work ko oh?" sagot ko naman. Natawa naman ito at naupo sa isang mataas na upuan at tinitigan ako.

"Balita ko gipit ka daw ngayun. Gusto mo ba ng raket?" maya-maya tanong ni Monique sa akin. Kaagad naman akong napatitig dito.

Raket? Ibig sabihin may offer siya sa akin na trabaho na pwede akong kumita ng malaking pera? Well, ayos din iyun. Open ako sa ganoong trabaho ngayun lalo na at broken hearted ako.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • HIS OBSESSION: The Taste of True Love   Chapter 205

    LUCIAN FERRERO POV Hawak kamay kaming dalawa ni Precious Amber na naglalakad papasok ng bahay. Kakarating lang namin galing sa pagbisita sa puntod ng mga magulang nito at ramdam ko sa kilos nito ang sigla. Masaya ako na nakikita ko sa mga mata nito na kontento na ito sa pagsasama namin. Sabagay, wala din naman akong ibang hangad kundi ang maging masaya siya sa piling ko. Si Precious ang lahat sa akin at kahit na walang kasiguraduhan kung mabubuntis ba ito, wala akong pakialam. Kasalanan ko din naman kung bakit hirap siyang mabuntis ngayun. Dahil iyun sa pagiging pdalos-dalos ko sa nakaraan namin. Minsan ko nang nabuntis si Preciuos nang hindi ko alam. Iyun iyung pagkakataon na pinapahirapan ko siya. Nakunan siya at iyun ang dahilan kung bakit tinapat na ako ng doctor na baka hindi na daw mabubuntis ang asawa ko at kung mabuntis man ito, maliit na tsansa lang. Well, hindi na ako umaasa pa. Wala namang mas mahalaga sa akin kundi siya lang. Isa pa, wala din akong karapatan na

  • HIS OBSESSION: The Taste of True Love   Chapter 204

    PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV "MOM, kumusta na po kayo? Sorry po kung ngayun na lang ulit ako nakadalaw sa inyo." mahina kong usal pagkatapos kong ipatong ang dala kong isang bugkos ng bulakalak sa puntod nito. Samantalang si Lucian naman ay kusa na din itong nagsindi ng kandila. Pagkatapos noon, tahimik itong tumayo tabi ko habang hindi ko inaalis ang pagkakatitig sa puntod ni Mommy. Parang kailan lang. Kay bilis ng panahon. Halos anim na taon ko na siyang hindi kasama pero sariwa pa rin sa alaala ko noong magkasama kaming nilalabanan ang hirap ng buhay. "Mom, nakita niyo po ba? Ikinasal na po ako. Ikinasal na po ako sa lalaking hindi ko akalain na kaya din pala akong mahalin. I am so happy, Mom! At least, hindi ko man kayo nakakasama na, alam kong may isang tao na handa akong alagaan kailanman!" muli kong sambit. HIndi ko na napigilan pa ang pagpatak ng luha sa aking mga mata. Sobrang namimiss ko na siya pero alam ko na kung nasaan man siya ngayun, alam kong tahimik na din si

  • HIS OBSESSION: The Taste of True Love   Chapter 203

    "Salamat po----" hindi naman natuloy ni Aurora ang sasabihin niya dahil sa pag-angat ng kanyang tingin, sumalubong sa paningin niya ang gwapong mukha ni David. Pagkagulat ang kaagad rumihistro sa mga mata nito "David?" mahina nitong sambit "Ano ang nangyari sa iyo? Paano ka humantong sa ganitong bagay?" seryosong tanong naman ni David dito. Naluha naman si Aurora. "Patawad! Patawad, David!" umiiyak nitong sambit "Aurora, hindi ka sa akin nagkasala para humingin ka ng tawad. Life is so hard at sana natuto ka na din ng lesson kagaya ko. Ayusin mo ang buhay mo dahil hindi pa huli ang lahat.'' seryosong sagot naman ni David sa dalaga. "Paano? Paano ko aayusin ang isang bagay na sira na, David? Kinarma ako sa mga kasalanan na nagawa ko noon. HIndi ko na alam kung paano mag-uumpisa." umiiyak nitong sambit "Kaya mo iyan! Matapang ka diba? Kayang kaya mo iyan Aurora at walang ibang makakatulong sa iyo kundi sarili mo lang!" seryosong sagot naman ni David sa dalaga."Itago mo na ang

  • HIS OBSESSION: The Taste of True Love   Chapter 202

    "Ano ang ginagawa mo dito?" seryosong tanong ni Lucian sa pamangkin niyang si David. Nandito na siya ngayun sa simbahan at hinihintay na lang ang pagdating ng bride para maumpisahan na ang seremonya ng kasal. "Uncle, binabati kita!" sagot naman kaagad ni David sa tiyuhin iya. Halata sa mga mata niya ang lungkot habang sinasabi ang katagang iyun Palagi niyang naiisip na siguro kung hindi siya nagluko noon, baka silang dalawa ni Precious ang ikakasal ngayun eh. Nag-umpisa ang lahat sa panluluko niya kaya naiwan siyang luhaan ngayun. "You know what...I know that you love her very much! Pero mahal ko din siya at ako ang pinili niya. David, kahit na ano ang mangyari, magkadugo pa rin tayo. Alam kong nasasaktan ka sa mga nakikita mo ngayun pero sana...tangapin mo na ang katotohanan na hindi kayo para sa isa't -isa." seryosong sagot ni Lucian sa pamangkin niya. "I know, Uncle at tangap ko na ang lahat-lahat! Paalis na din ako. Lalayo na muna ako dahil gusto kong makalimot. Pero bag

  • HIS OBSESSION: The Taste of True Love   Chapter 201

    PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV "IKAKASAL KA NA PALA SA KANYA!" wika ni David sa akin habang ramdam ko sa boses nito ang pait. '"David, mahal ko siya. Nagmamahalan kaming dalawa ni Lucian at kung ano man ang meron tayo noon, ibaon mo na sa limot. Marami pang mga babae diyan na mas deserved mong mahalin." seryosong sagot ko din naman sa kanya. Hindi naman ito nakaimik "Ibaon mo na sa limot ang lahat-lahat. Siguro, hindi talaga tayo para sa isa't -isa kaya nangyayari ito. I am sorry, David." muli kong bigkas. "I know..I know! Nasa mga kamay na kita noon pero pinakawalan pa kita. Kung saan naman na-realized ko kung gaano kita kamahal, tsaka naman nagkaroon ng conflict ang lahat-lahat. Alam mo Amber, gusto ko pa sanang ipaglaban ka sa kanya eh. Kaya lang, noong nakita ko na masaya ka na sa kanya, tumigil na ako. Kahit na masakit, kailangan kong tumigil at ipaubaya ka sa kanya." maluha-luha nitong sagot sa akin. Hindi ko naman mapigilan ang makaramdam ng awa para dito "Ang laki ng m

  • HIS OBSESSION: The Taste of True Love   Chapter 200

    PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV"HELLO, Miss Amber." nakangiting bati sa akin ng halos lahat pagkalabas ko ng opisina ni Lucian. Himala, ang bait na yata nila ngayun. Ang mga dating tsismosa ay mga nakangiti na ngayun."Hi! Kumusta kayo?" sagot ko din naman kaagad. Wala naman akong nakapa kahit na katiting na sama ng loob sa kabila nang mga nangyari noon. Wala eh...ayos naman na sila at may mga pamilya din silang binubuhay kaya ayaw ko nang palakihin pa ang issue."Kapag need mo ang help namin, huwag kang mag-alinlangan na lumapit ang magtanong sa amin ha? Kami ang bahala." sabat naman ni Mary."Uyy, grabe..sipsip yarn? Dati, hate na hate mo si Ms. Amber tapos ngayun, mukhang nagbago na ang ihip ng hangin ah?" sabat naman ni Anne habang may halong pang-aasar sa boses nito"Ano ka ba Anne, gusto mo ng away or gusto mo ng gulo?" ani Mary. Hindi ko naman mapigilan ang matawa.'Balik na tayo sa trabaho guys! Hindi na kailangan pang ungkatin ang mga nangyari noon dahil wala na sa akin iyun.

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status