PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV "AMBER, ikaw ba iyan? Naku, sure ako, hire ka na niyan." habang nasa waiting area kaming dalawa ni Sapphire kasama ng iba pang mga aplikante, hindi ko mapigilan ang magulat nang bigla akong lapitan ni Risa. Ngiting ngiti ito na halatang tuwang tuwa na makita ako na kasama sa iba pang mga aplikante na matiyagang naghihintay sa pila for interview. "Risa...Hi! Nandito ka din?" nakangiti kong sagot. "Napadaan lang ako para tingnan ang mga applicant pero hindi ko naman akalain na makikita kita dito. Kumusta ka na? Naku, sana ma hire ka para magkasama na tayo sa iisang kumpanya." nakangiti nitong sagot. "Sana nga. Pero kung hindi naman, ayos lang din. Originally, sinamahan ko lang din talaga ang friend kong si Sapphire." nakangiti kong wika. Napasya na din akong ipakilala sila sa isat isa. "Hi! Ikaw pala iyung nababangit sa akin ni Amber na friend niya na nakasama niya sa Visayas. Naku, sana talaga matangap din kayo. Para naman sama-sama na tayo d
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV TULALA akong naglalakad palabas ng buliding ng LMF Corporation. Kakatapos lang ng interview at hangang ngayun, hindi pa rin ako makapaniwala na isa ako sa mga maswerteng applicant na natangap sa trabaho. Take note, on the spot ang pagkaka- hire sa akin dahil kailangang kailangan daw talaga nila ng mga bagong empleyado. Hindi ko tuloy malaman kung matutuwa or malulungkot ba ako Matutupad na ang pangarap kong makapagtrabaho sa loob ng opisina sa isang malaking kumpanya. Sa dami ng mga rejections na natangap ko noon sa pag-apply ng trabaho, mahirap na din talagang pakawalan ang oportunidad na ito. Alam kong walang kamalay-malay si Lucian sa nangyaring pagkakatangap sa akin sa kumpanya niya. Masyado siyang abalang tao kaya alam kong pati ang paghahire ng mga bagong employee ay ipinagkatiwala niya na sa kanyang mga empleyado. Kaya naman, ang pagkaka-hire ko ngayun ay legit at hindi idinaan sa palakasan. Ibig sabihin, talagang qualified ako sa trabahon
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV KAKAIN na sana ako pero ano na naman ang ginagawa ni Lucian? Huwag niyang sabihin na mag-uumpisa na naman siya sa bisyo niya na kulitin ako? Na wala naman talaga siyang plano na tigilan niya ako? " Balita ko nag-apply ka daw ng trabaho ah? Kumusta?" seryoso niyang tanong. Parang wala lang din sa kanya na basta na na lang siyang naupo sa tapat ko. Pangdalawahan katao ang mesa na napwestuhan ko kaya naman medyo malapit kami sa isat isa. Lalo na at malaking tao itong si Lucian. "Mr. Ferrero, ano ang ginagawa mo dito? Akala ko ba titiigilan mo na ako? Ano na naman ito?" seryoso kong tanong sa kanya. Kaagad namang gumuhit ang ngiti sa labi niya habang titig na titig sa akin. "Ano ba ang ginagawa ko? Wala naman ah? Look, Precuios, magkakilala tayo at pangit naman sigurong tingnan kung hindi tayo magpapansinan diba?" seryosong tanong niya sa akin. Hindi naman ako nakaimik. Lalo na nang mapansin ko na napapatingin na sa amin ang iba pang mga kumakain dito
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV Pagkatapos kong kumain, tinawagan ko na din kaagad si Sapphire. Kinumusta ko siya kung kumusta ang application niya at nang sinabi niya na natangap din siya hindi ko maiwasan na makaramdam ng tuwa. "Talaga? Wow, congratulations to us, Sapphire." excited kong bigkas. "OO nga eh! Feeling ko ikaw ang swerte ko. HIndi ko din akalain na matatangap ako gayung undergraduate naman ako." sagot niya naman kaagad sa akin mula sa kabilang linya. Kung kanina, urong sulong pa ako kung tatangapin ko ba ang work ko sa LMF ngayun sigurado na ako. Magreresign na ako sa restaurant na pinapasukan ko at lilipat na ako sa LMF. "Nasaan ka nga pala ngayun? Teka lang, may time pa tayo. Gusto kong magshopping nga mga damit na gagamitin natin pagpasok sa LMF." excited na wika ni Sapphire Lalong lumapad ang ngiti sa labi ko. Ngayung may naghihintay na sa akin na magandang trabaho at mas malaking sweldo, pwede na talaga siguro ako gumastos nang gumastos. Mabibili ko na lah
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV "Ahmm, never mind! Maybe, nagkita lang tayo before somewhere tapos hindi ko na maalala kung saan." nakangiti muling bigkas ni Ms. Mayette pagkatapos noon, niyaya niya na kami sa top floor. Doon kami ma-aasign malapit sa opisina ng CEO. Kagaya pa rin ng dati, wala pa ring ipinagbago ang top floor. Ang kaibahan ng lang, mukhang mga bago ang mga mukha ng mga empleyado na naka-assign dito May walong table ang makikita dito sa top floor maliban sa opisina mismo ng CEO kaya malawak ang buong paligid. HIndi kagaya sa ibang floor na wala ka masyadong maikutan dahil marami sila at halos puro opisina mula sa ibat ibang department. "Ms. Amber, dito ka at doon ka naman Ms. Sapphire." muling wika ni Ms. Mayette. Hindi ko maiwasan na mapatingin sa salamin na opisina ni Lucian. Naalala ko dati na kapag nasa loob ka ng opisina niya makikita mo ang mga kaganapan sa labas. Ito yata ang disadvantage kapag naka-asign ka malapit sa opisina ng CEO. Bawal ang lalamya-l
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV NAGING maayos ang susunod na mga araw ng buhay ko. Kahit papano, nasanay na din ako sa bagong routine ng buhay ko. Medyo gamay ko na din ang trabaho sa LMF Corporation Hangang sa dumating na ang araw ng pag-uwi ni Lucian. Abala ako sa harap ng aking computer nang marinig ko ang sunod-sunod na pagbati ng mga kasamahan ko. "Good Morning, Mr. CEO!" narinig kong sambit nila. Wala sa sariling napaangat ako ng tingin at ganoon na lang ang pamimilog ng mga mata ko sa gulat nang sumalubong sa paningin ko ang formal na mukha ni Lucian "Good Morning, Mr. CEO." bigkas ko din sabay tayo. Nakatayo kasi ang mga kasamahan ko habang nagbibigay sila ng pagalang kay Lucian. Nakiki-Mr. CEO na din ako. Bahala na. Teka lang, ngayun na ba ang araw ng uwi ni Lucian? Wala pang isang buwan ah? "Good Morning everyone!" formal na sagot ni Lucian. Nahuli ko na tinapunan lang ako ng tingin nito bago mabilis na pumasok sa loob ng opisina. Nanghihina naman akong muling napa
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV "Pa-para sa akin po?" nagtataka kong tanong. Ano ang nakain niya, bakit pati ako may pasalubong daw mula sa kanya? "Bakit, may iba pa bang tao dito maliban sa ating dalawa? Keep it! Masyado akong nagandahan sa bagay na iyan kaya binili ko. Since, wala naman akong ibang mapagbigyan, sa iyo na lang." baliwala niyang bigkas. Pagkatapos noon, binuklat niya na ang dala kong mga reports at isa-isa niya nang tiningnan. Hindi ko naman malaman kung ano ang gagawin ko. Nagtatalo ang isipan ko kung tatangapin ko ba ang pasalubong niya daw. Para kasing hind normal kung papasalubungan mo ang empleyado mo eh. Para bang masyadong nakakahiya. Tsaka ano na lang ang iispin ng mga kasamahan namin kapag malaman nila ito? HIndi talaga maganda "Ano pa ang hinintay mo? Bakit hindi mo pa tinitingnan ang pasalubong ko sa iyo? Don't tell me na ayaw mong tangapin? Malaking insulto sa akin iyan at alam mo naman siguro kung paano ako magalit diba?" seryoso niyang bigkas. Hindi
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV SA lahat yata ng nagpasa ng report kay Lucian, si Sapphire lang ang hindi napagalitan. Siya lang din kasi ang bukod tangi na lumabas na nakangiti eh Sabagay, matapang si Sapphire. Malakas din ang loob nito at hindi naman talaga siguro niya kailangan ang magtrabaho since para namang may kaya ang pamilya nito kaya siguro easy-easy lang sa kanya ang makiharap kay Lucian "Ms. Rodriguez, pakiulit daw lahat ito." abala ang mga mata ko sa harap ng computer nang bigla akong lapitan ni Ms. Mayette. Inilapag niya sa ibabaw ng table ang familiar na mga dokumento. Iyun iyung reports na ipinasa ko kanina kay Lucian "Bakit daw po, Ms. Mayette?" nagtataka kong tanong "Sinabi ni Mr. CEO na marami daw mali. Reviewhin mo daw ulit at ipasa sa kanya within a day." seryoso niyang bigkas. Kaagad namang nanlaki ang mga mata ko sa gulat Seryoso? Rereviewhin ko? Titingnan ko daw ang mga mali? Paano? I mean..hindi ko gets dahil para sa akin walang mali sa ginawa kong re
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV KAHIT late na akong nakatulog, nagawa ko pa rin naman bumangon sa takdang oras ng gising ko. Wala akong balak na lumiban sa trabaho ko lalo na at malapit na ang sahod. First salary ko iyun at gusto kong makatangap ng buo at walang kaltas dahil lang sa absent ako. Pagkatapos ko kasing makausap si Lucian kagabi, hindi din naman ako nakatulog kaagad. Halos umaga na ako nakatulog kaya feeling ko nangangalumata ako sa puyat. Gayunpaman, kailangan kong tatagan ang kalooban ko. Kailangan kong pumasok ng opisina. Kagaya ng nakagawian, pagkatapos kong naligo, tsaka naman ako uminom ng kape at pagkatapos mag-ayos, kaagad na din akong lumabas ng condo unit. Nag-abang ng masasakyang taxi at direchong nagpahatid sa pinapasukang kumpanya. Padating ng opisina, kaagad akong dumirecho sa table ko. Hinanap ko din ang hindi matapos-tapos na report na pinapagawa ni Lucian sa akin kahapon at nang hindi ko makita iyun, dali-dali akong naglakad palapit kay Ms. Mayette
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV Maayos naman akong naihatid ni Lucian sa condo kung saan ako nakatira. Tahimik siya buong biyahe which is very unusual. Hindi na siya ang dating siya at laking tuwa ko dahil tinupad niya ang sinabi niya na ihahatid niya ako sa condo unit kung saan ako nakatira. "Thank you, Sir." mahina kong sambit bago ko binuksan ang pintuan ng sasakyan. Hindi ko alam kung tulog ba talaga siya dahil nakapikit ang kanyang mga mata. Wala din akong nakuhang tugon mula sa kanya kaya nagmamdali na akong lumabas ng kanyang kotse. Bahala siya kung ayaw niyang magsalita. Walang mas mahalaga sa akin kundi ang naihatid niya ako ng safe at maayos dito sa condo kung saan ko nakatira. Hindi na ako nag-abala pang lumingon hangang sa makapasok ako sa loob ng condominium building. Pagkadating ko ng condo unit, direcho na ako sa banyo para makapaglinis ng katawan. Gusto nang pumikit ang mga mata ko dahil sa sobrang antok. Masyadong late na para sa oras ng tulog ko. Sana lang t
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV HINDI ko na kaya! Hindi ko kayang tapusin ang show kaya nagpasya akong umalis na. Mabilis akong tumayo pero nagulat din nang maramdaman ko na may biglang humawak sa akin. Kaagad na nanigas ang aking katawan sa sobrang nerbiyos at akmang magpupumiglas na sana ako nang bigla kong narinig ang boses ni Lucian mula sa likuran ko "Where are you going? HIndi ka ba nag-i-enjoy sa show? Ayaw mong manood?" narinig ko ang baritono niyang boses sa may tainga ko. Nakayapos siya sa akin habang hindi ko na mapigilan na maipikit ang aking mga mata. Lalo na nang marinig ko ang malakas na halinghing ng nagso-show sa intablado. Shit, talagang may microphone? Gaano ba ka-exclusive ang bar na ito at bakit sila nagpapalabas ng ganitong kabastusan. Siguro may sakit sa utak ang may ari nito "Hindi ko kaya! Gusto ko nang umuwi na." mahina kong sambit. Gusto kong takpan ang tainga at mga mata ko dahil ayaw kong marinig ang makita ang mga kaganapan sa buong paligid. Paano din n
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV MULA sa VIP room, dumirecho kaming tatlo patungo sa may stage na kasalukuyan na may nagpe-perform. Hindi ko tuloy malaman kung itutuloy ko pa ba ang pagsama sa kanila gayung parang alam ko na kung ano ang gagawin namin. Manonood kami ng isang maharot na palabas sa stage. ""Risa, sure ka ba dito? I mean...sorry pero hindi ako interesado." mahina kong sambit. Tumigil na nga ako sa paghakbang habang inililibot ko ang paningin ko sa buong paligid "Ano ka ba Amber, hindi pa tayo nag-uumpisa tapos aayaw ka na kaagad? Come on...halika na! Tiyak na matutuwa ka sa makikita mo.;" nakangiti nitong sambit. "Yes...totoo ang sinabi ni Risa, Amber. I think kilala mo ang magpe-perform ngayung gabi kaya tara na. Saglit lang naman tayo." nakangiting wika din ni Maureen. Wala na akong nagawa pa kundi ang sumama sa kanila. Wala naman sigurong mawawala kung pagbibigyan ko sila eh. Ngayung gabi lang naman at isa pa may basbas naman ni Lucian ang gagawin namin. Hyas
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV'" Amber!" kaagad na din namang tawag sa akin ni Risa nang makita niya ako. Tipid naman akong ngumiti at hinayaan ko na lang siya na makalapit sa aking kinauupuan at hinawakan niya ako sa aking kamay."Risa, kumusta ka?" masaya kong bigkas. Hindi kami nagpapang-abot nitong si Risa kahit sa iisang kumapanya kami nagtatrabaho dahil hindi ko naman alam kung saang department siya. Isa pa, palaging ang mga ka office mate ko ang kasama ko sa tuwing kumakain kami lunch. Hindi ko din naman siya nakikita sa cafeteria."Ayos lang. ikaw, kumusta ka na? Naku, bati na ba kayo ni Sir Lucian?" nakangiti nitong tanong sa akin. Hindi ko naman maiwasan na mapangiwi sabay sulyap kay Lucian na noon ay nakikipag-usap na sa dalawang lalaking kasama nitong si Risa na dumating. "No...Boss ko siya at niyaya niya akong magdinner at hindi ko naman akalain na dito niya ako dadalhin." nakangiti kong sagot." Ganoon ba? Naku, Sana magbati na kayo. Dalawang taon din iyang si Sir Lucia
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ OPV "BAKIT DITO?" nagtataka kong tanong kay Lucian nang huminto ang sasakyan niya sa harap ng isang night club. Kusa na akong sumama sa kanya kanina nang yayain niya akong magdinner pero hindi ko naman akalain na sa ganitong lugar niya ako dadalhin. Although, alam kong mamahaling night club ito pero natatakot pa rin akong pumasok sa loob. Baka kasi kung anu-ano ang makikita ng mga mata ko eh. Tsaka, kung dito pumunta itong si Lucian, ibig sabihin may balak siyang uminom ng alak "Why? Hindi mo gusto dito? Bakit?" seryosong tanong niya. "Ahmm, wala naman! Akala ko kasi kakain lang tayo eh.'" mahina kong sambit. "Believed me, Precious...mag-eenjoy ka dito." nakangiti niyang sambit. Mabilis na siyang bumaba ng sasakyan at hindi na ako nagprotesta pa nang bigla niya na lang din akong alalayan pababa. Noon pa man, sanay na sanay na akong hawakan niya kaya no big deal na sa akin ang mga ganitong bagay. Hindi niya na binitiwan ang kamay ko habang naglal
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV "HINDI pa po Sir." mahina kong bigkas. Pinilit ko siyang huwag lingunin ulit dahil ayaw kong makita niya na kanina pa ako naiiyak dahil sa sama ng loob. Makikita niya. Aabsent talaga ako bukas. Bahala siya kung tangalin nya ako. Wala na akong pakialam pa. "We need to go home. You can continue your work tomorrow." narinig kong bigkas niya. Hindi ko siya pinansin bagkos lalo kong inilapit ang mukha ko sa monitor ng aking computer. Para naman ipakita sa kanya kung gaano ako ka-hardworking. "Precious, I said tama na iyan. Marami pang araw para matapos mo ang trabahong iyan.'" narinig kong muli niyang bigkas. Hindi ko naman mapigilan ang maikuyom ang kamao ko. Marami pa palang araw pero bakit ayaw niya akong pauwiin kanina? Sabi niya tapusin ko daw eh. "Sir kayo na din po ang nagsabi kanina na kailangan ko pong tapusin ito bago ako uuwi. Kung wala na po kayong importante na sasabihin pwede po bang iwan niyo na ako?" seryosong bigkas. "Tsk! Sino ba an
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV MALAKAS ang kabog ng dibdib na kumatok ako sa pintuan ng opisina ni Lucian. Dala-dala ko pa rin ang report na ni-reject niya kaninang umaga pero wala namang kahit ni isa akong nabago. Para sa akin, wala namang talagang mali kaya walang dapat na baguhin. Gusto lang talaga akong pahirapan ni Lucian. Ang mga kasamahan ko ay nagsipag-uwian na kasama si Ms. Mayette. Ako na lang ang mag-isang nandito sa labas dahil kahit na si Sapphire iniwan na din ako. Ang unfair ng babaeng iyun. Napapansin kong hindi na siya kagaya ng dati na halos ayaw akong iwan. "Come in!" narinig ko ang boses ni Lucian mula sa loob ng opisina kaya naman humugot muna ako ng malalim na buntong hininga bago ko dahan-dahan na binuksan ang pintuan. Kaagad kong napansin si Lucian na nakaupo sa kanyang swivel chair habang abala sa harap ng kanyang computer. Peke akong tumikhim para makuha ang attention niya. "Ehemmm! Sir!" tawag ko pa sa kanya! Nag-angat naman ito ng tingin at direktang
PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV "Nandoon pa po sa cafeteria ang pagkain ko at kung hindi naman importante ang kailangan mo pwede bang bumalik ako doon?" seryosong tanong ko sa kanya. Napansin kong kaagad namang nagsalubong ang kilay niya. Hindi yata siya masaya sa sinabi ko "No! Simula ngayung araw, hindi ka na sa cafeteria kakain."Seryosong bigkas niya. Kung hindi ako pwedeng kumain sa cafeteria saan ako kakakin kapag lunch. Hindi naman ako pwedeng magbaon dahil tamad na akong magluto. Feeling ko waste of time lang dahil mag-isa lang naman ako. "Hindi kita maintindihan! Ano ba talaga ang kailangan mo sa akin?" seryosong tanong ko. Napansin ko naman ang makahulugang paguhit ng ngiti sa labi niya. "No! Nothing! Gusto lang kitang alagaan at portektahan sa lahat ng oras kaya ko ito ginagawa." seryoso niyang sambit. Hindi ko naman maiwasan na mapailing. '"Protektahan? Bakit? Nangako ka sa akin noon na hindi mo na ako pakikialaman pero ano itong ginagawa mo?" seryoso kong sambit