Share

Chapter Five

"YOU'RE makin' me crazy, love. . ." anas ni Melody na sinabayan pa nang pag-arko ng katawan. Nakakapit pa ang dalawang kamay nito sa magkabilang gilid ng kama at tila nawawala na sa sariling katinuan dahil sa sobrang pagkaliyong nararamdaman.


Ipinagpatuloy lang ni Aki ang paghaplos sa malulusog na dibdib nito habang ang kaniyang pagkalalaki ay abala sa pagpapala sa magandang korona ng dalaga. Kagat-labi pa s'yang ngumisi sa babae nang makitang napapapikit pa ito na parang ninanamnam ang erotikong nararamdaman.


Lalong ginanahan si Aki sa nakikitang reaksyon ng babae, dahilan upang lalo niyang pagbutihin ang pag-galaw sa ibabaw nito. Inilipit pa niya ang bibig sa tenga ni Melody saka bahagyang kinagat iyon. "Do you like it, love?" bulong niya rito habang panay ang paggalaw ng ibabang bahagi ng katawan niya. Bahagya na rin siyang hinihingal dahil sa kaniyang ginagawa.


Yumapos si Melody sa leeg niya saka lumambitin nang binilisan niya ang pag-imbay sa ibabaw nito. Pilit pang inaabot ni Melody ang labi niya kaya naman kusa na niya itong inilapit rito. Pinagsaluhan nila ang isang mainit na halik habang panay ang pagtaas-baba niya sa ibabaw nito.


"Ugh! You makin' me crazier, love. . . Oh shit! Harder love. . . Fuck me harder! malakas na ungol nito nang mas bilisan niya ang pag-galaw. Ramdam na kasi niya ang nakakikiliting bagay na namumuno sa kaniyang puson. At mas lalo pa n'ya itong itinodo dahil pakiramdam niya ay lalabas na iyon ano mang sandali.


"Love. . .Ugh! Fuck! I'm cum---" Hindi na natapos ni Aki ang sasabihin nang maramdaman ang mainit-init na likidong pumuslit mula sa kan'yang pagkalalaki. At nang matiyak na wala nang lalabas pa roon ay umalis na siya sa ibabaw ni Melody, saka tinanggal ang condom na gamit at itinapon sa trash bin.


"That was so great, love. . ." anas ni Melody habang kapwa nila habol hininga.


Tiningnan n'ya lang ito ng nanunukso bago tumayo at kinuha ang wipes na nakapatong sa ibabaw ng corner table at ibinigay sa babae. Kinuha naman nito iyon at ipinunas sa pagkababae nito.


"I'm going to shower. Do you want to join?" tanong niya pa rito na may pilyong ngiti. Malandi namang tumawa ang babae at saka mabilis na tumayo.


"I would love that, love. . ." pilya namang sagot nito.


Dahil sa narinig ay mabilis na pinangko ni Aki ang babae saka dinala sa banyo na nababalutan ng salamin. At muli, pinagsaluhan nila ang init na bunga ng makamundong pagnanasa.


•••


"'BYE,  love. I had a great time with you."


Nag-angat ng tingin si Kiah pagkarinig sa maarteng tinig na iyon ng babae. Nakita pa niyang nakapulupot ang mga braso nito sa kanyang amo. Lihim na lamang siyang napaismid dahil doon. Tse! Kung hindi ka lang nobya ni Sir! Nag-ngingitngit pa rin kasi siya sa ginawa nitong pagsusungit sa kaniya kanina.


Ngunit sa halip na pagtuunan pa niya ito ng pansin, ipinagpatuloy na lamang niya ang pagpa-plantsa ng mga damit-pamasok ng amo at hindi na pinagmasdan pa ang dalawa.


"Me too. I'm sorry, 'di na kita maihahatid, ha? May lakad pa kasi ako," hinging paumanhin ni Aki sa babae habang inihahatid ito sa pinto. Sa sulok ng kanyang mga mata, nakita niyang abala si Kiah sa pamamalantsa.


"Where are you going? Work?" usisa pa ni Melody.


"Sasamahan ko lang si Kiah para bumili ng personal things n'ya. Bago lang kasi s'ya sa Manila. 'Di n'ya pa kayang bumiyahe mag-isa."


"And who the hell is Kiah? One of your flings, huh?" sarkastikong tanong ni Melody.


"No," umiling si Aki rito. "She's my maid. It's her name."


"What?!" Tiningnan nito nang masama si Kiah na noon ay tila wala namang kaalam-alam sa nangyayari.


Ngunit lingid sa kaalaman ni Aki, dinig ito ni Kiah. Hindi lamang siya nagpahalata dahil ayaw niyang mag-away ang mga ito dahil lamang sa pagsama sa kaniya ng amo. Ang sungit naman ni Ma'am Melody. Wala naman akong ginagawang masama, lihim pang himutok niya.


Hindi naman mapigilan ni Aki ang mainis dahil pakiramdam niya ay nagseselos na naman ito gayong wala naman silang relasyon bukod sa pagiging 'fuck buddies' nila.

"Are you jealous?" inis na tanong niya rito. "Com'on! Look at yourself. You're beautiful. You don't have to be jealous, okay?" pang-uuto pa niya sa babae. Sinabayan pa niya iyon ng mabilis na halik sa labi na nakapagpangiti rito. Magaling ka pa rin talagang mambola, Akihiro! lihim n'yang wika sa sarili.


"I'm not jealous, okay?" maarteng saad ni Melody saka lumingkis na parang sawa sa matipunong katawan ni Akihiro. Ngunit hindi lamang iyon, palihim rin niyang sinulyapan si Kiah na noon ay halatang nag-iiwas ng tingin sa kanila. Bitch! Akihiro is mine! "Okay, I'm going. Just text me if you need me okay, love?" paalam na nito pagkatapos ay tumalikod na.


Humugot naman ng malalim na hininga si Aki saka binalingan si Kiah na noon ay abala sa pamamalantsa at walang kaimik-imik. "Kiah, prepare yourself. Ngayon na tayo bumili ng gamit mo," utos niya rito. Nag-angat naman ito ng tingin sa kaniya at saka mabilis na tumango. "Wait me, here. Magbibihis lang ako," bilin pa niya saka tumalikod sa babae at tinungo ang sariling silid.


Mabilis namang nagtungo si Kiah sa kanyang silid upang sana ay magbihis nang maisip na wala nga pala siyang damit na pagbibihisan. Wala rin siyang damit-panloob. "Ano'ng gagawin ko?" taranta niyang tanong sa sarili.


Inisa-isa niya ang mga damit na ipinahiram sa kaniya ng amo ngunit walang kahit ano siyang nakita, maliban sa mga maluluwang na T-shirt at boxer shorts. Wala rin siyang ideya na dahil nga walang suot na panloob, ay humahakab sa maluwang na T-shirt ang kaniyang dibdib at nipples.


"Puntahan ko na lang kaya si Sir? Baka may iba pa siyang baro," turan niya sa sarili.


Mabilis na lumabas si Kiah sa silid upang sanay ay tunguhin ang kanyang amo, nang makita niya itong nasa sala na at prenteng nakaupo. Base sa itsura nito ay kanina pa ito naghihintay sa kaniya. Nakabihis na kasi ito ng isang simpleng puting T-shirt at maong na pantalon. Nag-aatubili man ay nagpasya siyang lapitan ang lalaki kahit pa nga nahihiya siya.


Awtomatiko namang kumunot ang noo ni Akihiro nang makita siya. "Kiah, bakit 'di ka pa nakabihis?"


Nakagat naman niya ang ibabang labi dahil sa matinding hiya sa binatang amo. "S-sir. . . wala kasi akong bihisan. Ito lang na suot kong ipinahiram ninyo ang bihisan ko. . ."


"Shit! Oo nga pala! I'm sorry, nawala sa isip ko," naiiling namang sagot ni Aki. Nawala kasi ang bagay iyon sa isip n'ya. "Okay, just wait here. Ako na lang ang bibili ng personal belongings mo. May mall naman na malapit dito, e. Sandali lang ako," anang Aki saka tumayo na. Pero bago umalis ay pinasadahan muna n'ya ng tingin ang kabuohan ni Kiah. At nang matantiya niya ang sukat ng katawan nito ay tumalikod na siya.


"S-salamat, Sir Aki. Mag-ingat kayo," anibKiah habang sinusundan na lamang ng tingin ang papalayong lalaki. Sumenyas pa muna ang lalaki ng 'okay' at saka tuluyang umalis.


Ang bait talaga ni Sir Aki. . . lihim na wika ni Kiah sa sarili habang nangingiti.


• • •

PAGKARATING

ni Akihiro sa isang kilalang mall na hindi kalayuan sa condo, ay agad siyang nag-park ng silver na Ford Mustang sa parking space, saka mabilis na umibis roon at tinungo ang entrance ng mall. Pagpasok ay agad s'yang dumiretso sa second floor kung nasaan ang department store ng naturang mall. At nang makita ang pakay ay hinanap niya ang ladies apparel.


"Good afternoon, Sir! How may I help you?" magalang na tanong ng sales lady nang makita siya.


"Can you give me small sizes ng lahat ng design ng blouse, pants, shorts, anything. Basta pambabae," sagot naman agad ni Akihiro rito.


"Okay, sir. Please wait a moment."


Tinanguan niya ito pagkatapos ay umupo sa couch na naroon at doon naghintay. Pero ilang minuto pa lamang ang nakalilipas ay nakaramdam din siya ng pagkainip, kaya inilabas muna niya ang cellphone at nag-browse sa Facebook.


"Cath, tingnan mo si Sir. Ang gwapo!"


"Oo nga, Vev. Mukhang artista."


"Swerte naman ng magiging girlfriend ni Sir Gwapo. Sana all."


Nag-angat ng tingin si Aki nang mga marinig ang usapang iyon ng mga sales lady na nag-uumpukan malapit sa kinaroroonan niya. Pero sa halip na magalit katulad ng iba, nginitian n'ya lamang ang mga ito at saka simpleng kumaway. Shit! Iba talaga 'pag gwapo, center of attention, wika ni Akihiro sa isipan habang nakatingin sa mga ito.


Samantalang pinigilan naman ng mga saleslady ang kanilang mga sarili na mapatili sa kilig dahil bawal iyon sa trabaho nila.


Ilang minuto rin ang itinagal ng saleslady na nag-assist kay Akihiro bago ito bumalik bitbit ang may apat na paper bags.


"Sir, ito na po ang item. Ilalabas ko po para makita ninyo," prisinta pa nito saka umaktong ilalabas ang mga laman niyon.


"No, it's okay, Miss. Nagmamadali kasi ako eh," pigil naman niya rito. Tumango naman ang saleslady at saka inayos ang paper bag. Matapos ay inilibot naman ni Aki ang tingin sa paligid para hanapin ang ladies undergarments.


"Do you have anything else to buy, sir?" magalang pang tanong pa ng saleslady na nag-assist sa kaniya.


"Yes, yes. I was looking for ladies undergarments."


Simple namang ngumiti and saleslady dahil sa sinabi n'ya saka iminuwestra ang daan. "This way, sir. Let me assist you."


"Okay, thank you."


Sinundan niya ang saleslady hanggang sa marating nila ang ladies undergarments section. Pagdating doon ay may ilan ring mga saleslady at customers na pawang kababaihan ang tila nagkagulo nang makita siya, pero hindi na niya pinansin pa ang mga ito. Gusto kasi niyang makabalik agad sa condo dahil alam niyang walang kasama si Kiah roon.


"What are you buying, Sir? And what size is it?"


Saglit pa muna niyang inalala ang sukat ng dibdib at baywang ni Kiah. I think, she's 34B, 23 waist and 34 ang hips, isip-isip niya.


"Please give me all the designs and styles of bra and panties. The cup size is 34B and the waistline is 23," nakangiti niyang saad rito.


"Ang sexy naman po ni ma'am, Sir," komento pa nito.


Natawa naman siya dahil doon. Marahil ay inaakala nito na girlfriend niya ang binibilhan niya niyon. Ang totoo, hindi na siya bago sa pag-sh-shopping ng mga pambabaeng bagay. Sa katunayan, madalas niya itong ginagawa kapag kinakailangan n'yang suhulan ang mga babae niya. Hindi para pumayag ang mga itong makipag-sex, kung 'di para tigilan na siya ng mga ito. Ginagawa n'ya iyon kapag sawa at nabo-bored na siya sa mga flings niya.


"Yeah," sagot na lamang niya rito.


"Okay, sir. Please wait for a while," paalam ng saleslady.


Nagpasya siyang umupo muli sa couch na naroon saka inilibot ang paningin sa paligid. Hindi naman nakaligtas sa paningin niya ang mga kababaihan na panay ang tingin sa kan'ya. Maging ang mga saleslady ay ganoon rin. Napansin rin ni Aki na may grupo ng mga kababaihan ang papalapit sa kinaroroonan niya. Pawang hot at magaganda ito sa paningin n'ya.


"Excuse me, hottie. I'm Belinda. Can I know your name?" nakangiting tanong ngbisa sa mga ito nangtuluyang makalapit. Saka inabot pa ang palad sa kan'ya para makipag-shakehands.


"Yeah, sure!" tugon niya saka inabot rin ang palad nito. "I'm Akihiro, but you can call me Aki. Pleased yo meet you, Belinda."


Nginitian niya ng matamis ang babaeng kaharap saka pasimpleng sinuyod ang kabuohan nito. Maganda ito kahit medyo makapal makeup ng mukha. Matangkad din at mestiza, malaki ang dibdib at balingkinitan ang katawan. 36, 25, 34, pwede na, wika niya sa isipan habang nakangiting pinagmamasdan ito.


"Me too, Aki," malandi pa itong tumawa pagkasabi niyon. "By the way, here are my friends. They're Mia, Erica, Lyca, and Patrice," isa-isang pagpapakilala pa ng babae sa mga kasama.


Nginitian naman ni Aki ang mga ito ng ubod-tamis saka binati. "Hello, beautiful ladies!"


"Hello, handsome!" sabay-sabay namang bati ng mga ito na tila kinilig pa.


"Sweetie, can you give me your phone number? So I can text you na lang. May lakad pa kasi kami ng friends ko, eh!" anang nagpakilalang Belinda sabay abot ng cellphone nito sa kaniya.


"Oh! Sure." Agad naman niyang kinuha iyon saka nag-type ng sarili niyang number. "You can text me anytime, Belinda, baby," ani Akihiro sabay kindat rito.


"I'll promise, sweetie," malanding saad naman nito sa kan'ya. "So paano? We're going. Text-text na lang later." Tumalikod na ang mga ito pagkasabi niyon.


Mayamaya pa'y dumating na rin ang saleslady dala ang mga in-order niya. Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras at mabilis na niyang tinungo ang cashier at binayaran ang mga napamili. Nang matapos ay dumiretso naman siya sa grocery at binilhan ng mga toiletries si Kiah. Pati na rin ang napkins, perfume and colognes, lotions, shampoo and conditioners. Pagkatapos, nagpa-assist na siya sa staff ng grocery para ihatid ang mga pinamili sa kotse niya.


"Thank you, bro!" anang Aki sa bagger saka inabutan ito ng 1000 peso bill.


"Maraming salamat po, sir!" nasisiyahang sagot naman nito. Tumango na lamang si Aki saka pumasok sa driver's side at mabilis na kinabig ang kotse paalis sa parking lot.


Pagdating niya sa condo ay nagpatulong siya sa staff na dalhin ang mga pinamili niya. At nang makarating sa tapat ng unit ay agad siyang nag-doorbell. Mabilis naman siyang pinagbuksan siya ni Kiah. Subalit ganoon na lang ang pagtataka niya nang makitang pawis na pawis ang babae at parang namumutla.


"Hey! Kiah, are you okay?" nag-aalala niyang tanong rito. Pero hindi pa nakasasagot ang babae nang bigla itong matumba at mawalan ng malay. "Fuck! Hey! Kiah!" sigaw ni Aki habang niyuyugyog ang katawan nito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status