Share

Chapter Two

"MAMU, hindi ko po kaya ang magsuot ng ganito," nininerbiyos na wika ni Kiah sa may edad na babaeng floor manager.

Pilit niyang hinihila pababa ang laylayan ng suot niyang hapit na kulay pulang bistida na kalahati ng kanyang hita ang haba. Hindi rin siya mapakali sa dibdib niyang halos litaw na ang kalahati dahil sa mababang uka sa dibdib ng naturang damit.

Inirapan siya ng tinawag niyang Mamu at saka masama ang mukhang pinasadahan siya ng tingin. "Alam mo Kiah, kay bago-bago mo pa lang, napakarami mo nang reklamo! Sayang ang ganda mo, hija kung isusuot mo lang ay damit-probinsyana!" mataray nitong sabi habang panay ang paypay sa sarili ng hawak nitong abaniko. “Kung mag-iinarte ka ng ganiyan, wala kang magiging customers. Mayayari ka kay boss. Gusto mo ba 'yon?!" anitong tinaasan pa siya ng kilay.

Napayuko naman si Kiah dahil sa matinding takot dahil sa posibleng sasapitin kung hindi niya susundin ang gusto ng kaharap. Nakaramdam din siya ng pagkapahiya sa mga kasamahan niyang naroon sa dressing room at kasalukuyang nagbibihis din.

"Gusto mo ng trabaho, 'di ba?" Atubiling tumango si Kiah sa kaharap. "Pwes, magtiis ka! Sundin mo ang lahat ng ipinagagawa ko sa'yo! 'Wag kang tonta! Kung ayaw mong ibartolina ulit!" sigaw nito na mukhang naubusan na ng pasensya sa kaniya.

Napapahiyang napatango na lamang si Kiah. "O-Opo, M-Mamu," nauutal niyang turan habang pinipigilan ang mga luhang nagbabadyang pumatak sa kaniyang mga mata. Nay, ayaw ko na po rito. Gusto ko na pong umuwi. . .

"Sige na! Mag-ayos ka na't mayamaya ay ipapakilala na namin kayong mga baguhan sa mga parokyano!" sigaw pa nitong muli. Nininerbiyos namang muling tumango si Kiah sa floor manager at mabilis na tumalima. "Angelica, ikaw na'ng bahala sa mga 'yan. Aasikasuhin ko lang ang mga VIPs natin," bilin pa nito sa isang niyang kasamahan na si Angelica. Ito ang pinagkakatiwalaang tauhan ng kanilang floor manager.

"Yes, Mamu!" kaagad namang sagot ni Angelica.

Lumabas na si Mamu pagkatapos niyon, samantalang nilapitan naman ni Angelica si Kiah at inalo-alo. "Masanay ka rin, Kiah. Gan'yan talaga si Mamu pero mabait naman 'yan. Basta't 'wag lang matigas ang ulo mo,  okay? Mag-ayos ka na, bago pa kayo tawagin sa stage," saad pa nitong sinamahan pa ng ngiti.

Hindi naman nabawasan ang kaba at takot ni Kiah sa sinabing iyon ni Angelica, pero wala siyang nagawa kung hindi tumango na lamang sa kaharap. "Salamat, Angelica," saad niyang pilit pang ngumiti. 

Matapos niyon ay iniwan na rin siya ni Angelica, kaya naman ibinaling na niya ang tingin sa malaking salamin na nasa harapan niya. Naroon din sa kanyang harapan ang mga gamit sa pagme-makeup at kung anu-ano pang gamit pampaganda, na kahit papaano ay pinag-aralan niyang gamitin.

Bumuntong-hininga na lamang si Kiah bago naupo sa puting monoblock at pinagmasdan ang sariling imahe sa harapan ng salamin. Lihim pa siyang napailing bago dinampot ang brush, pati na rin ang compact powder. Nagsimula siyang iduldol ang brush sa pulbos at saka pinahid iyon sa namumutla niyang pisngi. Subalit habang nakatunghay si Kiah sa repleksyon sa malaking salamin, tila ba nakikita rin niya ang mga kaganapan kung paano siya napunta sa trabahong iyon. . .bilang isang bayarang babae. 

• • •

"GOOD evening, Gentlemen! The beautiful faces of The Hidden Paradise!"

Isa-isang sinipat ni Akihiro ang bawat kababaihang lumalabas sa entablado suot ang mga sexy dresses. Ang The Hidden Paradise kung saan siya naro'n ang misyon niya sa gabing iyon. Ayon sa surveillance team, sa gabing iyon ay may magaganap na bidding ng mga kababaihan. Kaya naman agad siyang nagtungo roon at nag-disguise bilang isang Japanese businessman, na sinusuportahan pa ng mga fake documents.

Mayamaya pa'y nagsimula nang ipakilala isa-isa ang bawat babaeng nasa entablado. Ayon sa babaeng nagmistulang emcee, ang bawat kababaihan ay may katapat na presyo. At ayon pa rito, ang bawat customer na gustong mai-table sa mga ito ay kailangan munang mag-deposito. Kung gusto namang ilabas ang mga ito, ay kinakailangan munang magbayad ng buo depende sa magiging usapan ng babae at ng customer.

Subalit ang labis na ipinagtataka ni Akihiro, walang bidding na nangyari sa mga babaeng iyon. Kung ganoon, posible kayang nagkamali lang ang intel? Pero alam niyang imposible itong mangyari. Kahit kailan ay hindi pa sumablay ang kanilang intel sa pagbibigay ng impormasyon.

I'd like to kill those bastard! nanggagalaiting turan ni Akihiro sa isipan habang nakatingin sa mga kalalakihang naroon sa stage at pumipili sa mga babae. Kahit gustong-gusto na niyang sugurin ang mga ito ay pinigil niya ang sarili. Hindi iyon ang tamang oras para hulihin ang mga ito. Naroon lang siya sa The Hidden Paradise ng gabing 'yon upang magmanman.

Mula sa kinaroroonan, kitang-kita ni Akihiro sa mukha ng mga kababaihang naroon ang pagtutol sa nangyayari. Nakaramdam siya ng awa para sa mga ito, at tila nga may nagtutulak pa sa kanyang iligtas ang mga ito sa kamay ng mga kalalakihang naroon. Subalit alam niyang hindi pa iyon maaari sa ngayon,  dahil mabubulilyaso ang kanyang misyon pag nagkataon.

Ang plano kasi niya'y magmasid lang at alamin ang nangyayaring illegal activities sa club, partikular sa nangyayaring prostitusyon. Kailangan niyang makukuha ng sapat at matibay na ebidensya na magdidiin sa naturang club. At iyon ang ginagawa niya sa mga sandaling iyon.

Mayamaya pa'y napakunot-noo si Akihiro nang magpalakpakan ang mga costumers nang lumabas ang isang babae. Mataman niyang pinagmasdan ang bagong dating. Hindi makakailang bakas sa mukha nito ang takot habang panay ang hila sa suot nitong maikling pulang fitted dress. Maganda ang babae, matangkad, may katamtamang katawan at morena. Sa tingin rin niya ay nasa early twenties lamang ang edad nito.

"Gentlemen! The beautiful woman in front of you is the Star of the night!" anunsyo ng babaeng emcee nang maghiyawan ang ibang kalalakihang customers na naroon.

Samantalang si Akihiro naman ay hindi mapigilang makaramdam ng matinding galit habang pinagmamasdan ang kawawang babae. Kitang-kita kasi sa mukha nito ang matinding takot ng mga sandaling iyon. Namumutla ito at para bang hihimatayin anumang oras.

Shit! Siya ba

ang ibi-bid? Fuck! She needs my help! usal ni Akihiro sa sarili habang nakakuyom nang mahigpit ang mga kamao. Hindi niya maintindihan ngunit tila mas matindi ang pagnanais niyang iligtas ang babaeng iyon kaysa sa mga nauna. 

"Okay, as usual, the Star of the Night is open for bidding. And once you get her, you can do whatever you want, gentlemen!" Muling namang naghiyawan ang mga customer na animo'y nakakita ng mapaglalaruan sa katauhan ng kawawang babae. Lalo tuloy umigting ang galit na nararamdaman sa dibdib ni Akihiro dahil sa hayop na mga lalaking iyon. Parang kating-kati na nga siyang pagdadamputin ang mga ito at ikulong. Pero alam niyang imposible iyon. Wala iyon sa kanyang plano. Ni wala rin siyang abiso sa nakatataas.

"Okay, gentlemen! The bid for this beautiful woman in front of you is now officially open!" muling anunsyo ng emcee.

"Five thousand!" 

"Ten thousand!"

"Twenty thousand!"

"Thirty thousand!"

"Fifty thousand!"

"Woah! These gentlemen seems very eager to have you, Star of the Night!" anang emcee saka ngumisi pa sa babaeng ibini-bid. "Okay, fifty thousand are the highest bid! Going once? Going twice?"

Pakiramdam ni Akihiro ay para siyang sinisilihan ng mga sandaling iyon. May nagtutulak sa kaniyang sagipin ito, kaya naman nakabuo siya kaagad ng pasya. Hindi niya alam kung tama ba ang gagawin niya pero iyon lang ang paraang naiisip niya para iligtas ang kawawang babae sa kamay ng mga kalalakihang naroon.

Noon din ay kaagad siyang tumayo sa kinauupuan at mabilis na nagpunta sa harap ng stage. Dahilan upang pagtinginan siya ng mga costumers na naroon. Subalit hindi na iyon pinansin pa ni Akihiro at nagtuloy-tuloy lang siya sa pag-akyat ng stage, saka lumapit sa Star of the Night. Hinawakan niya ito braso at hinila palapit sa babaeng nagsasalita sa mikropono. 

"I'll take her," tiim-bagang niyang aniya sa emcee na halatang nagulat sa kanyang inasal. "My bid is one hundred thousand," dagdag pa niya na rito sa pormal ngunit maotoridad na tono. Mabilis namang itong tumango bilang sagot.

"O-Okay, gentlemen! The Star Of The Night was sold to Mr.?" anunsyo ng babaeng emcee sabay tingin sa kaniya.

"Yamamoto," seryoso pa ring saad ni Akihiro gamit ang peke niyang identity.

"O-Okay, gentlemen! The Star Of The Night was sold to Mr. Yamamoto!"

Kaagad namang hinila ni Akihiro pababa ng stage ang babae na noon ay takot na takot pa rin. Dinala niya ito sa mesa kung saan siya nakapwesto kanina. "Stay here," maotoridad pang bilin niya babae na noon ay nakayuko lang at hindi makatingin sa kan'ya. Yakap lang nito ang sarili habang nakayupyop sa silyang kinauupuan.

Napabuntong-hininga na lang siya saka hinubad ang coat at isinuot sa babae. "Wear this," kalmado nang wika niya rito. Alam niyang iniisip nitong paris siya ng mga babaeng naroon.

Nang sa wakas ay ng-angat ng paningin ang babae dahilan para magtama ang kanilang mga paningin. Hindi niya mabasa kung takot o pasasalamat ang nababasa niya sa mga inosenteng mata nito. Pero aaminin niyang parang nagdulot 'yon ng wirdong pakiramdam sa kaniya.

"S-Salamat po, Sir. . ." anitong nanginginig pa ang boses nang magsalita.

Hindi matukoy ni Aki ang kakaibang pakiramdam nang marinig ang boses nito, subalit hindi na niya ito pinag-aksayahang alamin pa. Tumango na lang siya sa dalaga at tinungo ang opisina ng club para magbayad. Nang mabayaran ng cheque at sumang-ayon sa ilang mga kasunduan ng club ay binalikan niya ang babae na noon ay mukhanh basang sisiw. "Hey, let's go! Sumama ka sa'kin," pakli niya sa babae. 

Sa sinabi ay nahintakutan itong tumingin sa kan'ya at saka sunod-sunod na umiling. "S-Sir? Saan niyo po ako dadalhin? M-Maawa po kayo sa akin. . ." pagmamakaawa pa nito sa kanya.

Humugot muna nang malalim na buntong-hininga si Akihiro nang makita ang takot at panginginig ng babae habang nakatingin sa kan'ya. Marahil ay iniisip nitong may balak siyang masama rito. "Ano'ng pangalan mo, Miss?"

"H-Hezekiah po. . ."

"Okay, Hezekiah. You have two choices," ani Akihiro na ikinamaang naman ng kaharap. "First is,  sumama ka sa'kin para makaalis sa impyernong 'to. Second, iiwanan na lang kita at hahayaang pagpiyestahan ng mga hayop na 'yan." Pero ni hindi man lang nagbago ang anyo ng babae. Mababakas pa rin sa mukha nito ang matinding takot at pag-aalinlangan.

"Com'on, it's your choice. But make it sure na 'pag pinili mong magpaiwan dito, babayaran mo rin ang isandaang libo na ibinayad ko para sa'yo. Dahil ang sabi ng boss mong Intsik, 'di raw 'yon refundable, okay?" paliwanag pa n'ya upang kumbinsihin nito.

Sinikap pa ni Akihiro na maging pormal sa harap ng dalaga para huwag itong makaramdam ng takot sa kan'ya. Isa pa, gusto rin niyang makuha ang tiwala nito at maging palagay ang loob para maisama niya ito.

Ilang sandali pa munang tila nag-isip ang babae bago muling nagsalita. "S-Sasama na lang po ako, S-Si," tugon nitong lihim niyang ikinangiti.

"Okay, let's go. Gusto ko na ring matulog. Inaantok na 'ko," saad ni Akihiro rito. Tumango naman ito kaya't iginiya na niya ito palabas sa naturang club.

Tahimik lang ito hanggang sa makarating sila sa parking area ng club. Sandali muna niyang binitiwan ang babae para umikot sa passenger's side para pagbuksan ito ng pinto, pero gano'n na lang ang gulat niya nang mabilis itong tumakbo palayo.

"Hey! Come back, here! Hey!" sigaw niya subalit huli na. Mabilis na itong nawala sa kanyang paningin. "Fuck! Goddammit!" malakas niyang mura saka mabilis na sumakay sa kotse at dali-daling minani-obra paalis sa parking lot.

Nakaramdam siya ng pag-aalala para sa dalaga dahil alas-dos na ng madaling-araw noon. Maraming nagkalat na masasamang tao sa kalye. Delikado para rito ang mag-isa lalo pa't ganoon ang suot nito. Madaling itong makakatawag ng pansin.

Pinaharurot niya ang sasakyan at tinahak ang daan kung saan nagtungo ang babae. Habang nagmamaneho ay sinusuyod niya ang bawat sulok ng kalsada subalit nakapagtatakang hindi niya makita ito. Shit! Where are you, bitch? Kapag nakita kita, makakatikim ka sa akin!

Hanggang sa mapadaan siya sa isang grupo ng mga kabataan na tila may pinagkakaguluhan. Inatake agad siya ng kaba nang maisip na baka ang babaeng hinahanap niya iyon. Mabilis na ihininto ni Akihiro ang kotse at saka kaagad na bumaba roon.

Nagtagis ang kanyang mga ngipin at nakaramdam ng matinding galit nang makitang ito nga ang babaeng hinahanap niya. Umiiyak ito habang pinagpapasa-pasahan ng mga kabataan. Punit-punit na rin ang kapirasong damit nito, dahilan para halos hubad na ito ng mga sandaling iyon.

"Hoy! Pulis ako! Itigil n'yo 'yan!" malakas niyang sigaw sa mga ito na sa tantiya niya ay may sampung kabataan na pawang mga lalaki. Patakbo siyang lumapit sa mga ito dahilan para magpulasan at magtakbuhan ang mga ito palayo.

Mabilis naman niyang sinaklolohan si Kiah na noon ay humahagulhol ng iyak. "Are you okay? Bakit ka ba kasi tumakbo? Wala naman akong balak na masama sa'yo! Mukha ba akong rapist, ha?!" galit niyang sermon sa umiiyak na babae.

Pinangko ito ni Akihiro gamit ang dalawang bisig saka mabilis na isinakay sa kotse. Matapos ay pinaharurot na niya ang sasakyan palayo sa lugar na iyon. Samantalang walang tigil naman ang pag-iyak ni Kiah habang nasa byahe. Mistulan na nga itong bata kaiiyak at nagpupunas ng naghalong sipon at luha. Wala naman siyang magawa kung hindi sulyapan lang ito habang nagmamaneho.

Isa pa, dumagdag rin sa problema niya nang mga sandaling iyon ang pagiging active ng kanyang si Polaris. Paano ba naman kasi, nakalantad sa kanyang harapan ang halos hubad ng katawan ng babae. Pati na rin ang hita at tayong-tayo na dibdib nito dahil halos punit na ang hapit na bistidang suot ng babae.

Oh, please! 'Wag ngayon, Polaris! 'Di kita mapagbibigyan. Off limits ang isang 'yan! lihim niyang saway sa nagwawalang alaga.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status