Share

Chapter 10: Tease

Chapter 10

Nang magising ay naramdaman ko na ang mabigat na bagay na nakapulupot sa baywang ko. Nagmulat ako ng mata at napaawang ang labi ko nang masilayan ang dibdib ni Xavion. His warm arm was embracing me tightly. It seemed like he doesn't want to let me go. Pag-angat ko ng tingin ay mas lalo lamang akong na-enganyo. Hindi ko na ikakaila pang nakakahatak talaga ng pansin ang kanyang itsura. 

Tumaas ang kilay ko. Sa aking pagkakatanda, natulog kaming baliktaran ng higa. Wala namang kaso kung matutulog kami sa iisang bubong, but do we have to sleep beside each other? Tapos nakayapos pa ito sa akin. Napailing na lamang ako.

Maingat kong tinanggal ang kanyang braso at saka umupo. Maliwanag na kaya naman komportable na akong kumilos. Dumiretso ako sa taas upang maghilamos pagkatapos ay bumaba muli at simulan ang pagluluto. 

Natapos ko na ang pagluluto at iilang gawaing bahay ay hindi pa rin ito gising. I was about to wake him up but I was stunned again when I saw his face. He looked so peaceful and soft while sleeping. Hindi ko tuloy magawang gisingin siya. I prefer seeing him experience ease.

"You're too precious to experience sadness," I whispered. 

I suddenly remembered what happened last night. Nag-init ang pisngi ko, kasabay noon ang pagpipigil ko ng ngiti. 

"Then could you be that person for me?" 

Matagal ko siyang natitigan. Base sa nakikita ko ngayon ay seryoso ito sa sinabi niya. Wala sa sariling itinuro ko ang sarili. 

"Ako? Sigurado ka?" Muntik pa akong mautal. Parang bata itong tumango sa akin. I bit my lip first. "Bakit ako?"

Maraming babae sa mundo, marami siyang pagpipilian. Kung talaga ngang seryoso ito sa sinabi, bakit ako? Bakit ako pang may kondisyon? Kung pipili na rin naman na siya, doon na lang sana sa kayang pantayan ang kanyang ex-girlfriend. Wala yata akong maituturong maganda sa kanya. 

"Bakit hindi ikaw?" He fired back and I was taken back by his remark. 

"Teka nga! Bakit sa'kin napunta ang usapan?" I rolled my eyes at him. 

"Isn't it obvious? Hindi siya ang gusto kong pag-usapan natin ngayon. I want to talk about you, lahat ng bagay na bumubuo sa'yo." 

Sinasabi niya bang interesado siya sa akin? I mean, who wouldn't though? If it wasn't for my illness, I could have dated so many boys. 

Bumalik lamang ako sa realidad nang marinig ang boses nito. Kinukusot niya ang kanyang mga mata."Good morning, " he murmured. 

I slightly slapped his biceps, which I immediately regretted after. It was hard! "Bumangon ka na! Akala ko ba ay pupuntahan natin siya?"

"Why are you so eager to meet her? Para namang magagawa mo siyang kausapin." Tumayo ito at saka pumaroon sa kusina. 

"Bakit ba? May masama?" Umupo na ako sa harap ng counter. Kumain na ako at hindi na siya hinintay pa kaya naman pinaghandaan ko na siya ng makakain. So, he wouldn't say that I am not treating him well. 

"Tsk, remember our deal, Eve." 

Ngumisi ako. "Ready ka na bang magpaalipin?" 

Umupo ito sa tabi ko, wala itong sinagot at pasimple lamang na inikot ang mata sa akin. Wala naman talaga akong balak pahirapan siya at ipagawa ang kung ano-anong bagay. I was just testing him. In fact, I was amused. 

"Saglit lang naman tayo doon, may pupuntahan pa tayo." 

I stiffened due to excitement. "We? Hindi nga?" 

"You don't wanna wear heels, mapapagod lang ang paa mo." 

Matagal ako nakatitig sa kanya. Abala na ito sa pagkain at bahagyang nakakunot ang noo. 

Sinabi niya na lamang sana na mag-da-date kami. I wonder how he make things smoothly. Ngayon ko na lang namalayan ang nais niyang gawin kasama ako.

"Eat! Hindi lilipad ang pagkain d'yan sa bibig mo, " he said when he noticed that I was staring at him for too long. 

Napangiwi ako. He could be harsh sometimes. Pero kahit gano'n nakikita ko pa rin kung paano niya ipinakikita ang pag-aalala niya sa isang tao. Mean but sweet. 

“I already ate. Tulog mantika ka kasi!” 

Sa buong umagahan namin ay pilit kong itinago ang excitement. Pagkatapos niya kumain, nagpaalam siya kaagad sa akin. Hindi na ako nagulat pa doon at hinatid ko pa ito palabas ng bahay. 

He leaned on his car. "Babalik ako para sunduin ka." 

"Huwag mo ako i-indiyanin, ha?" I gave him a death glare. 

"Hotdog, pumasok ka na nga! Mamaya, e, ma-praning ka pa." 

Umusok ang ilong ko sa sinabi niya, inambaan ko ito ng suntok na parang wala lang sa kanya. "Alam mo ikaw? Ang sarap mo." 

He chuckled, ngumisi naman ako. "I know," sagot niya sa akin. 

"Tanga, ang sarap mong operahan ng gising tapos walang anesthesia." 

Humagalpak ako sa tawa. Hindi maipinta ang mukha nito sa ngayon. Tumawa pa ako nang mas malakas upang maasar ito lalo. 

"Masaya 'no?" sarkastiko niyang sabi. Palabiro akong tumango, umikot naman ang mata nito sa akin. 

"Hmm, fine. I'm going." He patted my head before going inside his car. Kumaway ako bilang pamamaalam habang nagpupunas ng luha dahil sa tawa. 

Ang akala ko ay aalis na ito pero bigla niyang ibinaba ang bintana. 

"Before I forgot." Sumilay ang nakakalokong ngisi nito. 

"Nice underwear." 

My face went blank for a moment. May itinuro ito sa gilid at gano'n na lamang ang panggigigil ko nang malingunan ang mga panty ko na nakasampay sa labas ng garahe namin. 

He bursted laughing. "Ngayon ko lang nalaman na mahilig ka pala sa bulaklakin." 

Siya naman ngayon ang bumungisngis. Nakagat ko ang ibabang labi sa inis. “Tangina mo!" 

Hinubad ko ang tsinelas at babatuhin na sana siya ngunit sarado na ang bintana nito. Wala akong nagawa kung hindi panoorin ang paghuhurot ng kanyang kotse palayo. 

Masama ang loob kong hinablot ang mga underwear sa sampayan, paniguradong si Mama ang nagsampay doon. Ayaw na ayaw ko talaga kapag siya ang nagsasampay dahil lalamunin ako ng kahihiyan. Nadala ako noon. Hindi lang si Xavion ang nakakita, minsan na rin pinagdiskitahan ng kababata ko. Inakala niyang basahan daw ito dahil kupas ang mga tatak na bulaklak at halos ma-stretch na nang sobra ang garter. 

Linyahan niya pa noon. "Ang yaman niyo tapos basahan lang underwear mo! Gan'yan na ba style ng mga mayayaman ngayon?" 

Pagkatapos ang mahabang oras na panonood ko ay naisipan ko nang ayusin ang sarili. Nagsuot ako shorts at loose lace black bralette, pinatungan ko ito ng oversized checkered shirt paired with with rubber shoes. 

Narinig ko na ang busina sa labas kaya naman dali-dali kong ni-lock ang bahay. 

Tulad ng kanyang nakasanayan, nakasuot ito ng hoodie. He was leaning on his car while his hands were inside his beach shorts pocket. He looked expensive. 

"Tagal mo," reklamo niya sa akin. Hindi ako sumagot at pinanood siyang pagbuksan ako ng pintuan. 

My eyes laid down on the back seat. Mayro'ng bulaklak at picnic basket, sa ilalim ay ang nakatuping sapin. 

Binuksan niya ang pintuan sa back seat at kinuha ang bulaklak. 

"Here." He said while turning the steering wheel. Ang isa niyang kamay na may hawak na bouquet ay nakalahad sa akin.

Umangat ang kilay ko

"Anong gagawin ko d'yan?" 

"What? I thought you like flowers, " his voice was playful. 

My blood crawled up to my cheeks while reminiscing what happened earlier. That was embarrassing! 

Hinampas ko siya sa braso, humahalakhak pa ito. Marahas kong kinuha ang bulaklak at saka ipinatong sa aking hita. Gusto ko talagang ihampas sa kanya ito kaso mukhang mamahalin, sayang naman kung masisira lang. 

We arrived at the cemetery. Sinundan ko lamang siya papasok sa loob hanggang sa huminto kami sa tapat ng isang lapida. 

Yulika Karen Rimuel

Nilatag niya ang picnic mat sa damuhan kasama ang basket. Nagtirik naman ako ng kandila. 

"Hey there," mahina kong sabi. Xavion was just watching me. Tinanggal ko ang iilang dahon na humarang sa lapida nito. "Did you miss, Xav?" 

"What kind of question is that?" apila nitong katabi ko. 

"Ikaw naman! Hindi mo man lang ba babatiin?" 

"Hindi ako kasing drama mo." 

Sumama ang aking tingin sa kanya, tinaasan lang ako nito ng kilay. "Ang sama mo!" 

"Paano ko babatiin? E, kung makaasta ka parang ikaw ang naging boyfriend." 

Tumikhim ako. "Aba't sana ako na lang nga! I can't believe that your her ex-boyfriend, bad influence ka kaya." 

"Oh god, this is a bad idea. Hindi na sana kita dinala dito. Naka-connect yata sa speaker 'yang bibig mo at hindi na naman ma-preno sa sobrang ingay." 

"Fvck you!" bulaslas ko. 

The side of his lips rose up. "Oh, I'm willing to get fvcked by you." 

"What the hell?" Napamasahe ako sa sintido. Ngayon pa lang ay iniisip ko na kung paano ko siya matatagalan. Mas makulit siya mula sa pagkakakilala ko. 

"You should eat first, don't stress yourself too much." Kinuha niya sa gilid ko ang basket at isa isang nilabas ang tupperwear. 

He was the one who's causing me to feel stress. 

"Sure kang sa'yo 'yang tupperware?" tanong ko. 

"Of course! Why do you ask?" 

"Baka kasi hiniram mo lang, e, tapos hindi ka marunong magsauli." 

He sighed because of frustration. Dinampot nito ang kutsara at saka inabot sa akin. "Just eat, you're too noisy." 

Napatingin ako sa mga pagkain. Hindi kapanipaniwalang siya lahat ang nagluto dito, though it smells good. Tumikhim na ako kaagad at hindi ko rin inaasahan na mapaparami ang subo ko. 

"Ah, sarap." 

My eyes widened as I raised my head and found out that he was eating fried chicken. Napatingin siya sa direksyon ko na tuluyang nagpatulala sa akin. 

Namuo ang pilyo niyang ngiti. "Lambot," dagdag niya at may kasama pang pagpikit. Nag-init ang magkabila kong pisngi. 

"Juicy." 

Pilit kong huwag itong pansinin at tinuloy ang pagkain. Ngunit bawat segundong lumipas ay nadadagdagan ang inis ko dahil sa tunog ng kaniyan bibig. 

"Ang taba." 

I closed my eyes tightly and bumped my fist on the mat. "Xavion!" I hissed. 

"What?" tugon niya, halatang nagpipigil ng tawa. 

"Can you eat silently? Kainis ka!" 

"Ba't ba? Ang sarap sarap, e!" 

I could no longer contain my anger and so I ended up throwing my spoon 

-

@GrandDandelion

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status