Share

Chapter 11: Pangasinan

Chapter 11

"So, saan na tayo pupunta?" 

Nakatungo ako sa bintana, pinagmamasdan ang pamilyar na daan. Kasalukuyan naming binabaybay ang kaduluhan ng SBMA, madalas ay dito dumaraan ang mga vehicles na lalabas ng syudad. 

"We're going to Pangasinan."

My head turned at his direction because of his remarks. Umangat ang aking kilay at kumunot ang noo ko. "What?” I properly sat and finally had the guts to face him after all the embarrassing moment I created. “Ilang araw tayo doon?"

Tumikhim muna siya. "Hmm, two days?" 

Napasinghap ako sa kanyang sagot. I looked at him with confusion in my eyes, wondering if I'll be furious or not. He's ruining my attendance. We're in college, we should be more responsible. Paano 'yon? May klase ako bukas.

Gustuhin ko man na bumalik kami ay nasasayangan ako sa haba ng oras. I shrugged my shoulders and decided to ease the nervousness I was feeling. Nilabas ko na lang ang cellphone at saka nag-send ng text messages sa mga bandmates ko. 

I brought my card with me and some extra cash, sapat na siguro for two days. Wala nga lang akong baon na damit. Hindi ko pa siguro malalaman kung saan kami pupunta hindi ako nagtanong. We just suddenly left the cemetery and drove away. 

"Bakit do'n?" I asked. 

"Hometown ko ang lugar na 'yon, plus we will stay at my grandparent's house." 

"And?" 

"I'll tour you around. If you want, let's visit Alaminos." 

What's special about Alaminos? Dito makikita ang sikat at pride ng Pangasinan, which is the hundred islands. Kaagad akong tumango bilang pagsang-ayon, pagkakataon na rin ito para makita sa malapitan. We'll be absent, might as well make the trip worth it.

"But we'll extend our stay, is that okay?" 

I sighed before nodding. "Okay." 

I'll just inform my seat mate about my disappearance. Kailangan ko pa rin malaman ang mga pag-aaralan namin ngayon linggo dahil tiyak na magagalit ang mga magulang ko sa oras na malaman ito. Wala rin akong balak ipaalam sa kanila tungkol sa paglabas ko ng syudad. They won't allow me but they can't do anything to prevent me because I already broke my schedule. Perhaps, I was the only one who'll think that they care. 

After five hours of driving away from Olongapo, we arrived at our destination. Narating na namin ang Pangasinan. Lumapit ako sa bintana at saka sinilip ang paligid. Kung ikukumpara sa syudad, maliliit ang malls ngunit sobrang lawak naman ng palengke. 

"Nasa'n na tayo?" I askes without peeking at him. 

"Malasiqui, Pangasinan.” 

Ilang sandali pa at puro palayan at puno na ang nakikita ko. Ang sabi ni Xavion ay nakalampas na kami sa bayan. Medyo makipot na ang kalsada at dikit-dikit ang bahay. Sobrang daming palayan na ang sumalubong sa amin. 

"We're here." 

Ako ang naunang lumabas, nakangiti pa ako ngunit mabilis iyong napawi nang malanghap ang hindi kaaya-ayang amoy. Idagdag mo pa ang malamig na simoy ng hangin, nananalatay tuloy ito sa aking ilong. 

"What's that smell?" I said and covered my nose using my hands. Narinig ko ang pagsarado ng pinto at palahaw na pagtawa niya. 

"I forgot to tell you." He chucked. "Dumi ng baka at kambing 'yon." 

Napangiwi ako dulot ng pandidiri. 

"Normal lang ang amoy na 'to sa probinsya, you'll get use to it, let's go inside." 

Sumunod ako sa kanya. Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit ayaw niya akong pagsuotin ng may takong. Hindi maayos ang latag ng lupa, may maliit na bato at halaman pa. 

Sa tapat ang isang bungalow na bahay, dalawang palapag ito. Sa harap ay ang bermuda grass. May poso sa malapit at naroon ang ibang kapitbahay na pinapanood kami. They're probably curious who I am. They seemed delighted to see Xavion but curiosity ate them when they saw me. 

"Ina, si Xavion ya! Iner kayo?" I flinched when Xavion shouted an unfamiliar dialect. Kumunot ang noo ko, wala akong naintindihan sa sinabi niya.

 Ilang segundo pa at lumabas ang isang matandang babae, nakamahabang daster ito, maputi na ang buhok pero nagagawa pa rin niyang makalakad. Kung titigan ay masasabi kong siya nga ang lola nito. 

"Apo! Nakar mod dya? Balbaleg ka la!" 

Sinalubong siya ng yakap ni Xavion. Palihim akong napangiti, watching him embracing his grandmother makes me want to know him more. Habang tumatagal ay nagiging interesado ako sa kanya. He's more than just a sad man, good thing he's not a sadboi. 

"Akin wadya ka? Agka nambaga, ta makapanluto ak," sabi ng kanyang lola.

"Gabay kon ipasyal ayaay kaibak." 

Lumawak ang ngiti ng matanda nang nalingunan ako nito. I smiled genuinely, I walked towards her and grabbed her hands. Nagmano ako tulad ng turo sa akin. 

"Galing kayong syudad?" Ang kaninang paraan nila ng pag-uusap ay naging tagalog. I was thankful because of that, maiintindihan ko na rin sila. 

"On." Tumango itong katabi ko.

"Kay gandang dalaga mo naman, ineng. Ikaw ba ay syota ng apo ko?" 

My eyes widened and so was her grandchild. Umiling ako at nagpeke ng tawa. Tinignan ko rin si Xavion upang manghingi ng tulong ngunit para itong natuod sa kanyang kinatatayuan. 

I cleared my throat. "Ay hindi po, lola. Kaibigan niya lang po ako." 

Her eyes narrowed as she surveyed the both of us. "Kaibigan lang o kaibigan pa lang?" 

"Ina!" saway sa kanya ni Xavion. Umungot ang matanda at napailing. 

"Say tuwa?" 

He sighed. "Gabay ko ya aruen pero kakapankabat mi ne, maples ya maong."

Tumango ito at saka muling ngumiti. Tila kumikislap ang mata nitong nakatingin sa akin. "Tara, pumasok na tayo, ipaghahanda ko kayo ng makakain." 

"Anong pinag-usapan niyo?" Siniko ko siya. Pumasok kami sa dirty kitchen na gawa sa kawayan. Naabutan namin na nagtitimpla ng inumin ang kanyang lola. 

"Nothing serious," sagot niya sa akin. Napanguso naman ako. 

"Ina, si Itay?" Umupo kami sa kahoy na upuan. Mula rito ay kitang kita ang malaking puno ng manggga, may nakakabit din ditong duyan. 

"Nagpapastol ng kambing." Iniaabot niya sa amin ang baso ng orange juice habang sa lamesa naman ang tinapay.

"Ilang araw kayo mananatili dito?" 

Xavion shrugged his shoulders and pointed at me right after. "I don't know, ask her." 

"Why me?" sabi ko sabay turo sa sarili. Lumapit ito sa kinauupuan ko at saka may ibinulong. 

"I didn't brought you here just to meet my grandparents and waste some money for our tour. I want you to relax." 

"E? Relax!? Nagsayang ka pa ng gas! Mayro'n namang spa sa Olongapo!" I hissed and rolled my eyes. 

He is pissed, pinasadahan niya ang labi gamit ang dila. "Tsk, I want you to spend more time with me, do you have any complaints?"He said making my mouth shut, I even heard chuckles from her grandmother. Humarap ito sa amin at saka naupo sa kabilang upuan. Uminom ako ng juice upang iwasan ang kahihiyan. 

"May problema nga lang tayo."

"Ano po 'yon, ina?" 

"Walang extra na kwarto, ang lumang kwarto ng papa at mama mo na lamang ang naroon sa loob."

Hindi ko pinahalata na nabahala ako sa sinabi nito, inaabangan ko na lang ang itutugon ni Xavion. Napamasahe pa ito sa sintido na tila problemado sa kanyang nalaman. 

"How about my room?" 

"Iyon ang ginawang kwarto ni Marian." 

"She's here?" 

"Oo, last year pa." 

I suddenly want to ask about the girl but seeing their faces, hindi yata ito ang pagkakataon para sumulpot ako. 

"Okay, you'll sleep inside my parent's room," aniya sa akin. 

"Huh? E, sa'n ka matutulog?" At saka nakakahiya. Kwarto iyon noon ng mga magulang niya. I might see something personal. 

"Sa sala na lang," tumikhim siya. Gusto kong umapila pa ngunit mas pinili na lang na ipagpatuloy ang pag-inom ng juice. 

Napabuntong hininga naman ang kanyang lola bago magsalita. 

"Mga apo, 2020 na ngayon, wala naman sigurong masama kung magtatabi kayo, wala lang sanang mangyayari sa pagitan niyo." 

I choked on my drink after hearing what she said. Rumihistro ang gulat sa kanyang mukha, tumayo pa ito at pumanhik sa kusina. Meanwhile, Xavion was just right beside me laughing with his head shaking. 

"Hija, ayos ka lang ba?" Bumalik si Lola bitbit ang isang baso ng tubig na maagap kong tinanggap. Humina na rin ang pagtawa ni Xavion pero halata na nagpipigil ito ng tawa. 

"Pasensya na, ha! Naku!" Tumango lang ako sa kanya at ngumiti. 

"Mabuti pa't ipasok niyo na ang mga gamit niyo." 

Sumunod na kami sa sinabi ni Lola bago pa mapunta at mas lumalim ang aming usapan. Pagkapasok pa lang ay ang sala ang unang bubungad. Maaliwalas at bagay na bagay ang pinturang puti ng pader. Sa kaliwa ay may hagdan papunta sa pangalawang palapag. 

"Here's your room." 

Sa taas kami dumiretso, may dalawang kwarto sa taas. Sa kulay puting pinto kami pumasok. Hinawi ko ang makapal na kurtina at binuksan ang bintana. 

"If you need anything, just go down and you'll find me." 

"Sure ka na sa baba ka matutulog?" I sat down near the edge of the bed. He was busy setting up the electric fan. 

"Hmm, bisita ka rito, you have to be treated nicely." 

I hissed, "Kahit na, ikaw ang taga rito, e." 

Gano'n na lang ang pag-usbong ng kaba ko nang humarap ito sa akin. "So, are you telling me to sleep beside you?" 

I gulped, I felt like there was lump in my throat. Hindi ko alam kung dapat ba akong magsisi dahil sa mga sinabi ko. "It's your decision to make, not mine," pambawi ko. 

"Okay, I'll just get my things." 

Nanlaki ang mata ko, hindi na niya hinintay pa ang maari kong sabihin. Bigla na lang itong lumabas mula sa kwarto. My cheeks burned after thinking what will be our sleep position tonight. Parang kaninang umaga lang ay nakayapos ito sa akin, don't tell me it's going to happen again? 

-

@GrandDandelion

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status