Share

Chapter 12: Night

Chapter 12

Before dinner, Marian arrived with Xavion's grandfather. Napag-alaman ko na magpinsan pala sila. She was jolly, panay ang kuwento sa akin tungkol sa kanyang high school journey which reminds me of mine too. She was once of those typical high-school student. She was approachable. 

Ilang minuto rin matapos sila dumating ay inaya na kaming maghanapunan. Masaya kausap ang lolo ni Xavion, tinukso rin kami nito pero tinawana lang naman para hindi maging awkward ang sitwasyon. Matapos naming maghapunan ay dumiretso ako kaagad sa kwarto habang naiwan sila lola Mel sa sala para manood ng balita. Si Marian naman ay nagpasyang libangin ang sarili sa gadget at gumawa ng assignments. 

I heard the door opened making my head turn. Pumasok si Xavion na dahilan kung bakit pasikreto akong napaurong. He was looking fresh, probably because he took a bath. May twalya sa balikat nito at magulo pa ang buhok. What makes my blood crawled up to my cheeks faster was his body. It was exposed! 

"You're going to sleep?" Umupo ito sa kabilang banda ng kama. Hindi na ako nag-abala pang sumagot at nagpanggap na lang na abala sa cellphone. I should not be tempted. 

"Are you bored?" Mariin kong natikom ang bibig. He then realized that I was not going to respond to his statements.

Kalaunan ay narinig kong bumuntong hininga ito. "Let's watch some movies." 

He stood up while I wassecretly following him by my gaze. Nakita kong inilabas niya ang laptop saka lang ako umiwas ng tingin nang humarap siya. 

"Nahihirapan ka bang mag-data? May Wi-Fi kami rito." That was when he finally caught my attention. Ang hina kasi ng signal. I was hoping to contact my friends and inform my seatmate about my absence. 

"Oh? May signal pala rito." 

"Give me your phone." 

Pinanood ko siyang ilagay ang password. Pagkabalik sa akin ay sunod-sunod na ang pagtunog ng aking cellphone. Galing iyon sa group chat namin sa I*******m.

sanaEl:

Sana everyone nasa Pangasinan. 

Lyndseyolangako:

(2)

ivryporschahinditri:

(3)

devivimo:

Hoy, may baon kang condom? 

evebanalabniya:

Huwag mo akong igaya sa'yo, Dev! Hmp, wala kang pasalubong sa'kin. 

tzlcollete:

Kailan ka babalik?

evebanalabniya:

Bakit? Miss mo'ko bebe Col? 

tzlcollete:

Oo, miss kitang iumpog sa pader, d'yan ka na lang. 

sanaEl:

Foul 'yon, ah! 

"Sinong ka-chat mo?" Nakakunot ang noo nito habang pilit na sinisilip ang screen, pinindot ko tuloy ang power button. "And why are you smiling?" 

"Tsismoso ka rin pala." Inagaw ko sa kanya ang laptop at nagtingin ng maari naming panoorin. 

"You didn't answer my question." 

"Why is it so important to you?" I fired back. Hinihintay ko ang magiging sagot niya ngunit wala na akong narinig pa. 

"It's starting!" I positioned the right angle for us to watch the movie clearly and then leaned on the headboard.

"What did you pick?" 

"Fifty Shades of Grey, bakit aangal ka?" I said sarcastically. 

He smiled bitterly and shook his head. Umikot ang mata ko. Hindi niya ba nakita na isang horror movie ang pinili ko? 

Kalagitnaan ng aming panonood ay gano'n na lang kabilis mabuo ang pagkainis ko sa mga bida, kadalasan ang pinaka ayaw ko ay mga couple na nakuha pang magpakita ng affection kaysa sa tumakbo. 

"Bilisan niyo!" angil ko. 

Akmang masusundan pa sana ang sinabi ko nang masipatan siyang nakapikit na ang mga mata. I sighed and decided to end the movie before closing his laptop. Hindi ko mawari kung aayusin ko ang pagkakahiga niya, sa dulo ay naisapan ko na lang na balutin siya sa kumot. 

I slowly glued my feet on the floor, trying not to make a sound that might wake him up.

"Where are you going?" 

Namilog ang mata ko. Napalingon ako sa gawi niya at naabutan itong nakapikit pa rin. 

"I thought you're asleep." 

"Going out?" 

"Hmm." Tumango ako. 

"What are you planning to do?" 

"Magtitimpla ng gatas?" 

Muntik pa akong mapaatras nang magmulat na siya ng mata. Bumangon ito sa kama at saka dumiretso papunta sa malaking aparador. Ilang minuto lang ay inilalahad niya na sa akin ang itim na jacket. 

"It's cold outside, wear this and wait for me." 

I found out that he was going to wear a jacket too. Siya ang nanguna palabas. Patay na ang ilaw sa sala, gano'n din sa kwarto ni Marian. It was just us, the two of us. 

Sinalubong kami ng malamig na simoy ng hangin pagkalabas. Hindi naging sapat ang jacket dahil tumaas pa rin ang balahibo ko. 

"Ako na ang matitimpla." 

Sobrang tahimik, hindi tulad sa syudad na makakarinig ka ng tunog ng sasakyan. Makakatulog siguro ako rito nang mahimbing kahit sa labas pa. 

He handed me a mug. "Here, follow me." 

"Saan tayo pupunta?" I asked after I received the mug. 

"Kubo." 

I got excited of what he said. Nagmadali akong pumantay sa kaniya sa paglalakad. Napaawang ang labi ko matapos maramdaman ang mainit na palad niya sa aking braso. Umangat ang aking paningin sa kaniya at hindi ko inaasahang magtatama ang aming paningin. 

"It's dark, is it okay if I'll hold you?" 

I blinked twice and came back from my senses. Doon ko lang napansin na dumidilim na ang aming nilalakaran. Mabilis akong tumango, pinagpalit ko ang posisyon ng kamay namin. Ako naman ngayon ang humawak sa kanya nang mahigpit. My knees weakened, kung saan saan na gumala ang mata ko. 

"Malayo pa ba?" pabulong kong tanong. I'm starting to get scared. 

"Not that far but as much as I want to take this longer just to treasure this moment, I can't deny the fact that I'm still worried for you. So, let's make this quick." 

Humawak siya sa kamay ko, hinatak niya ako at sinimulan ang pagtakbo, wala tuloy akong nagawa kung hindi ang sumabay na rin sa kaniya. The cool breeze became colder but I didn't pay attention to it because I was stunned by our hands. 

Sabay kaming bumuga ng hangin nang huminto. Binalot kami ng sandaling katahimikan bago nagkaroon ng liwanag sa kubo. Pinindot na pala nito ang switch ng ilaw. 

"Ang tahimik naman dito, pwede bang dito na lang ako matulog?" Umupo ako at pinasadahan ng tingin ang loob ng kubo. 

"Mas malamig dito, a single blanket won't make you warm."

"Hmm, okay.” Tumikhim ako. “Bakit napili mong sa Olongapo mag-aral kahit na pwede naman dito?" I asked, starting a conversation. 

Kung ikukumpara sa syudad, less distraction dito. I feel like high grades won't matter, masaya mamuhay sa probinsya. It's peaceful. Sana ganito rin ang buhay ko.

"Sinundan ko kasi si Colette." 

Napaiwas ako ng tingin. "Bakit? Ano bang mayro'n sa inyo?" I saw Collete's number on his phone. May namamagitan ba sa kanila? 

"We're childhood bestfriends. Hindi ako mapakali lalo na't hanggang ngayon nasasaktan pa rin siya." 

Tumango ako, unti-unting nalilinawan. I sighed. Malamang ay alam niya rin. Matalik siyang kaibigan kaya malabong isekreto ito ni Collete mula sa kanya. Colette's sweet smile will deceive you. Napakagaling niya rin na magpanggap. 

"Do you like her?" Bumalik sa kanya ang mata ko. 

"I don't, nakuha ko pa ngang mag-girlfriend di'ba? I do care because she's my friend, that's all."

Hindi ko alam ngunit tila nabunutan ako ng tinik. He was now taking a sip of his milk. Sa bawat paglunok niya ay napapalunok na rin ako. 

"I have a question." Bumaling ito sa'kin. 

"What is it?" 

"How did it all started?" 

"What do you mean?" 

"What I mean is, anong naging dahilan kung bakit ka may Paranoia, I'm curious." He shrugged his shoulders. 

"Verbal abuse."  May mabigat na bagay yatang dumagan sa akin. I smiled bitterly while remembering those bad old days. 

Nang dahil sa mga pangyayaring 'yon, I gained trust issues, medyo nabawasan lang noong pumasok sa buhay ko ang mga kinikilala kong kaibigan ngayon. I don't trust people not just because I found them scary. I don't trust a person because I always think that at the of the day, iiwan niya rin ako. 

Just like how my older sister left me. 

Though I understand everything now. Everyone stays but not forever. That's how life flows. 

"My parents used to compare me with my younger sister. Throwing shits infront of me. Minsan nga ay below the belt na." I chuckled. Tumigil lang sila noong nawala ang ate ko, I learned how to express what I feel. Hindi siguro nila inaasahan na makakapagbitaw ako ng gano'ng masasakit na salita. 

"No one was on my side except for her, my sister stood up for me. Sinasalo niya lahat ng salita nila sa'kin, making her developed anxiety, " I followed. 

She lost her job. Her boyfriend was toxic too, masyadong demanding at naghahangad ng oras, ang mga panahon na iyon abala ang ate ko sa pagpapasaya sa'kin. She almost lost everything. "It was unexpected. Akala ko nga ay ako pa ang mauuna sa kaniya. Siya na pala ang mamamaalam kaagad." 

"Not everyone will leave you, Eveone." Kumunot ang noo ko. Malamlam ang mga mata nitong nakatingin sa'kin. 

"Not everyone, not me." 

I admit, my heart flattered. Umawang ang labi ko at saka umiwas ng tingin. I gulped first before clearing my throat. "Liar," I said.

"Don't say things you can't pursue at all, Treyton,” I mimicked how he called me by my name. 

He scoffed then stared at me with his deep eyes. "Then try me." 

-

@GrandDandelion

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status